Tourguide

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Napabalikwas si Irene sa higaan niya nung marinig niya ang tunog ng alarm niya. Halos mahulog siya sa kama kaya agad niyang inabot ang cellphone niya para patayin ang alarm ng cellphone niya. "Ganoon ba kalakas ang kanta." medyo tumatawa si Irene bago siya umupo at itali ang buhok niya. Napangiti si Irene nung makita niya ang sunflower sa may mesa niya. "Kulit niya rin magyaya eh no?" napailing si Irene bago siya nagsimulang magprepare. 

Pagkatapos ng ilang oras, nakabihis na siya at bitbit narin ang bag niya. Tumingin ang dalaga sa orasan at nakita niyang mag aalas nwebe na. Dali daling lumabas si Irene sa kwarto at nag check out narin sa may reception. Pagkakuha niya ng susi, nakita niya si Wendy na nakablue na jacket, nagtama ang paningin nila kaya naman napangiti si Wendy. "Good morning, that means a yes right?" tumango si Irene saka nag give way para makapag check out. Ngiting ngiti naman si Wendy bago niya inabot ang susi sa attendee. "I was really not expecting for you to say yes." tumawa nalang si Irene nung nagsimula sila maglakad palabas ng resort. 

"Nag oo ako sa offer mo pero may condition." napahinto si Wendy sa paglakad, ang kamay niya ay nasa loob ng Ateneo jacket niya. Kitang kita ang pag ngisi ni Irene habang nakatayo sila sa may labas ng resort. "Gusto ko na mag tatagalog ka lang buong araw." nanlaki naman ang mata ni Wendy kaya natawa nalang si Irene, alam niyang mahihirapan si Wendy at gusto niyang ichallenge ang Atenean na swimmer. 

"What!? That is so hard for me." nag shrug si Irene habang nakatayo parin sila sa labas ng hotel. Bumuntong hininga si Wendy saka tumingin kay Irene, nagmamakaawa ang mga mata nito, pero nung makita niyang seryoso at diretso lang ang tingin sa kaniya ni Irene sumuko nalang siya, kesa naman magisa siyang mamasyal sa Baguio. Isipin niya nalang na nasa challenge talaga siya. "Okay sige, gawin na natin ito." napangiti naman si Irene saka nag thumbs up, si Wendy naman napakamot nalang sa may batok niya bago niya kinuha sa Valet attendee yung susi ng sasakyan niya. 

"Ayan naman ang spirit! One big fight yan! Isang one big fight nga diyan!" napailing nalang si Wendy bago niya binukas ang pinto para kay Irene. Tinitigan niya si Wendy bago ito hinampas. Napangiwi naman si Wendy pero wala siyang nagawa kung hindi bumuntong hininga. 

"Aray bakit mo ako... what is the term ano tagalog ng hit!" natawa si Irene habang pinagmamasdan si Wendy, nakataas ang kilay niya at parang hinahamon ang Atenean na sobrang lalim ng iniisip. "Palo! Bakit mo ako pinapalo!" napapalakpak nalang si Irene nung mahanap ni Wendy ang tamang salita para ipaliwanag ang gusto niyang iparating sa kaniya. 

"Hindi tayo magsasasakyan today Atenean! Mahirap ang parking dito kaya mas dadali ang buhay natin kapag nag commute tayo!" kinuha ulit ni Irene ang susi ng sasakyan ni Wendy saka inabot sa valet attendee. Ngumisi si Irene saka hinila si Wendy papunta sa may sakayan ng mga jeep. "Okay mag eexam tayo!" nakasimangot si Wendy habang nakatayo sa tabi ni Irene, inaantay nila ang mga jeep na palabas sa bayan. "Ano ang sasabihin mo kapag magaabot ka nang bayad?" tumingin si Irene kay Wendy habang nakapamewang, ang atenean ay nakatingin lang din sa kaniya, ang mukha ay hindi mapinta. Ilang beses narin kasi siyang nababangga ng mga taong nagmamadali kaya mas lalong naiirita ito. 

"Kuya tumatanggap po ba kayo ng american express?" napairap si Irene saka tinaasan ng kilay si Wendy, nag shrug ang atenean bago niya tinitigan ulit si Irene. "What? I'm... nagtatanong lang naman ako if nagtatanggap sila? Di ako nagdadala ng cash." umirap ulit si Irene saka hinila si Wendy para pumila sa bagong jeep na papunta ng Bayan. Pinagmamasdan ni Wendy ang iba't ibang tao na nagkukumahog na makasakay sa jeep, may mangilanngilan pang sumisingit. Nung makita ni Wendy na may lalaking pilit na tinutulak si Irene, agad niyang hinawakan ang balikat ng babae saka siya hinila palapit sa kaniya. "May pila sa likod boss." napalunok si Irene nung marinig niya ang boses ni Wendy, hawak parin ng swimmer ang balikat niya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki. 

Pagkasakay nung nasa harap nila, agad ring pumasok si Irene, umupo sila ni Wendy sa may malapit sa driver. "Okay ka lang ba?" tumango si Wendy bago siya tumingin sa harap, nakita niyang nakatingin ang dalawang babae sa harap niya kaya tinitigan niya lang din ito. "Manong, bayad po dalawang Bayan lang po." inabot ni Irene ang isandaan, bago niya napansin ang dalawang dalagang hawak ang cellphone habang nakatapat kay Wendy. 

"Ate excuse me, ikaw yun diba? Yung sa Ateneo?" tumango lang si Wendy habang nakatingin sa dalawa. Kinilig naman ang dalawang babae kaya tumingin nalang si Irene kay Wendy. Nag shrug ito saka nagsimulang magcellphone. 

Agad namang pinalo ni Irene ang kamay nito kaya sinamaan siya ng tingin. "Ano na naman?" nakataas ang kilay ni Wendy at mas lalo siyang nagulat nung pinasok ni Irene sa bag niya ang cellphone ni Wendy. "Give it back!" sumama ang tingin ni Irene kay Wendy at agad naman naintindihan ni Wendy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Irene. "Paumanhin pero pwede mo bang ibalik ang cellphone ko?" tinitigan ni Irene ang dalawang babae sa harap niya na nagbubulungan, kaya naman may naisip si Irene na gawin.

Nilapit ni Irene ang mukha niya sa Atenean at hindi naman napigilan ni Wendy na mapasinghap sa ginawa ni Irene. "Ang galing mo mag tagalog doon pero hindi pwede." tumaas ang kilay ni Wendy pero agad din siyang tumigil nung panlakihan siya ng mata ni Irene. "Nasa pampubliko kang transportasyon ang cellphone mo ay Iphone 13 pro max, matinik yan sa mga mata ng kawatan." tumingin si Wendy kay Irene, nakatingin lang din ito sa kanya, pero confused si Wendy kung bakit sinabi na matinik. 

"Bakit matinik? Kakain ba tayo ulit ng bangus?" hindi naman umiinom si Irene pero naubo siya at tuluyan nalang na natawa sa sinabi ni Wendy. Hindi alam ni Irene kung may lahi bang komidyante ang swimmer o sadyang clueless lang talaga siya sa mga bagay bagay. 

"Sige kumain ka ng bangus dito ha." napailing nalang si Irene saka tumingin sa harap ng jeep. Si Wendy naman tahimik lang na humalikhip bago sumandal at umayos ng upo. Pinagmasdan niya ulit ang dalawang babae sa harap niya. 

"Hey, I'm trying to enjoy my break so I appreciate if you stop snapping photos and taking videos of me." napatingin si Irene kay Wendy nakita niyang walang emotion ang mata ng swimmer habang nakatingin sa dalawang babae sa harap nila. "You can take photos of me during my matches, awardings and such, but I hope you respect my personal time. This is my off-season break and I'm here to play and have fun." napalunok si Irene nung marinig niya ang sinabi ni Wendy, tinapik niya ang babae sa tabi niya bago tinuro ang mga tanawin. Gusto niyang idivert ang attention ng babae kasi nakikita niya na nagiging katulad ng mata ni Wendy ang mga mata niya nung nagphophoto shoot sila kahapon. 

"Mga ading, please? Medyo di na kasi siya komportable. Pasensya na ha." tumingin si Wendy kay Irene bago niya kinuha ang kamay nito. Hinawakan ni Wendy ang kamay ni Irene kaya agad na tumingin si Irene sa swimmer. 

"Why are you saying sorry to them? They are the ones who are is currently invading my privacy." napalunok si Irene sa narinig niya, totoo naman ang sinasabi ni Wendy. Sigurado si Irene na pagod narin ang Atenean at gusto niya talagang makapag relax sa Baguio."I asked them politely, it's their choice if they want to stop or what. I'm hoping they will. I'm not here for a fanmeet or what, I'm here to explore and have fun." ngumiti nalang si Irene saka tinapik ang ulo ng swimmer. Nakita niyang napairap ito bago siya ulit tumingin sa daan. Ilang minuto nalang naman at nasa bayan nila. Alam na agad ni Irene kung saan dadalin si Wendy. 

Pagkatapos ng ilang minuto huminto narin ang jeep. Pinauna ni Wendy ang mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much