Proud

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Alam ni Irene na may mga bagay na magkaiba sa Maynila at sa Baguio, iba ang takbo ng buhay ng mga tao sa Maynila at kailangan na iadjust ni Irene ang kaniyang sarili sa mga bagay na ito. Tahimik na nakatayo si Irene sa may sakayan ng jeep, inaantay ang pagdating ng susunod na jeep na bya-byahe papunta sa Timog kung saan matatagpuan ang pag tratrabahuhan niya para sa internship niya. Nagpapasalamat si Irene na maaga siyang umalis kasi sure siya na kung hindi ay malalate siya.

Pagkasakay niya sa jeep, agad siyang nagbayad at nagsuot ng earphones niya. Nakatingin lang si Irene sa mga taong nakapila at nagaantay ng susunod na jeep na parating. Napagtanto ni Irene na sobrang hirap talaga at hassle ang transport system sa Maynila at sigurado siyang hindi lang ito sa Maynila, isa ang sector ng transportasyon sa mga bagay na hindi priniprioridad ng gobyerno kaya naman ang mga taong nasa mababang sector ang nahihirapan at napapagod. Kailan kaya mabibigyang pansin ang sector na ito na patuloy na naghihirap?

“Manong para po.” nagulat si Irene nung may bumaba rin kung saan siya bababa, napatingin siya sa babae bago rin siya dali daling sumunod para bumaba ng jeep. Bumungad kay Irene ang mataas na building, tinitigan ni Irene ang pangalan nito.

BLOOM Entertainment

Isa ito sa mga pangarap ni Irene, gustong gusto niyang maipahayag ang kaniyang hinaing at makapag cover sa iba’t ibang lugar. Kilala ang Bloom entertainment dahil isa sila sa mga pinaka kilalang agency lalo na pagdating sa journalism. Isa itong malaking opportunidad para maipakita ni Irene ang kaniyang pagmamahal sa pagbabalita, pagpapahayag, at higit sa lahat ang pagmamahal niya sa bansa. “Kaya mo ito Joohyun.” mahinang bulong ng Iska bago siya pumasok sa loob. Suot suot ni Irene ang ID niya kaya agad siyang nginitian ng lady guard.

Binati naman ng Iska ang guard bago siya nito ginuide papunta sa reception area. “Andito na pala ang mga bagong intern, sana magenjoy kayo dito kahit na nakakapagod.” napangiti si Irene sa babae sa reception habang nagpipirma siya ng mga kinakailangan impormasyon. “Sabi ni Ma’am Yoona may coverage daw kayo agad ha.” napatingin naman si Irene sa babae, napunta ang mata niya sa name tag nito. Likas sigurong madaldal si Ma’am Hyoyeon.

“Talaga po ba? Saan naman daw po?” masiglang nagtanong ang Iska habang inaantay niyang matapos sa pagsusulat ang babaeng kasabay niyang bumaba sa jeep kani-kanina lang. Tumawa naman si Hyoyeon dahil sa wakas ay may sumagot na sa kanilang dalawa.

“Sa UAAP swimming teams daw kayo today eh, need niyo lang naman interview yung bawat best athlete nung bawat school pero sabay sabay naman sila. Makakapagprepare ba kayo ng questions agad?” hindi naman akalain ni Irene na ang unang project niya as an intern journalist ay maiinvolve agad si Wendy. Sasagot na sana si Irene nung makita niyang may lumabas na matangkad mula sa elevator.

“Hello good morning, Sana hindi kayo pinapakaba ni Hyoyeon. Ako nga pala si Yoona, I’m the head of the journalism team here. I’m so happy to finally meet the both of you.” nagbow naman si Joohyun bilang pag galang, napangiti naman si Yoona bago tinignan ang ID niya. “Isang taga UP Baguio at isang taga La Salle pala ano? Joohyun okay ka lang ba na magcover agad sa UAAP ngayon? Interview lang naman sa mga players ng swimming team since mag si-simula na ang season nila in two weeks.” agad na tumango si Joohyun bilang sagot na kinatuwa naman ni Yoona, sinenyasan niya si Hyoyeon kaya agad agad na kinuha nito ang isa pang ID. “Here’s your ID pala, welcome to the team. Sa tingin mo ba kaya mo magformulate ng questions while on your way there?” nakangiti si Yoona habang nakikita ang determinasyon sa mata ng Iska.

“Opo Ma’am Yoona, kayang kaya po.” nag thumbs up naman ang head bago niya tinapik si Joohyun. Napangiti naman ang Iska, pakiramdam niya na sobrang gaan na agad ng loob niya sa head ng Bloom.

“Siya nga pala Joohyun, may one-on-one interview ka din pala sa superstar ng Fast Team! Challenge siguro to dahil ayaw na ayaw niya ng mga interviews napaka mailap niya at ayaw niya sa mga reporters.” tumango tango si Irene bilang sagot, sinusulat niya rin ito sa notepad niya para makapag take down siya ng notes sa mga sinasabi ng head nila. “Last interview ko sa kaniya wala pang 5 minutes kasi lahat ng tanong ko ay ayaw niya sagutin kaya sana makakuha ka ng nice cover story about sa kaniya, malakas hatak nun sa site natin at sure na mabo-boost din ang pangalan mo sa article na ipupublish mo.” hindi alam ni Irene kung bakit siya biglang kinabahan, marahil narin dahil ito sa mga sinabi ni Yoona sa kaniya. Pero kilala si Joohyun sa pagiging determinado niya, ngumiti ang Iska bago tumingin sa babaeng nakatayo na ngayon sa likod niya. “Siya nga pala, ito si Sooyoung siya magdridrive sayo ngayon papunta sa press conference, kapag may kailangan ka sa kaniya karin magsabi ha. Goodluck Joohyun.” naramdaman ni Irene ang tapik ni Yoona sa balikat niya kaya para namang nawala lahat ng pangamba at takot ni Joohyun.

Ito na ang simula ng pangrap niya, at hindi papayag si Joohyun na magkamali pa siya.

-

Napairap si Seungwan habang tinitignan ang coach niyang nakangisi sa kaniya ngayon. “Gulat ako sa nagbukas ng pinto ng condo mo ha. Di ko naman akalain na nakikipag live in kana. Ilang months na kayo?” nilapag ni Wendy ang baso ng iced americano niya bago tinitigan ng matalim si Tiffany na todo parin ang nakakalokong ngiti. Kahit kailan talaga gustong gusto siyang asarin ng coach at girlfriend ng pinsan niya.

“Sabi ko sayo na we are just friends! Nameet ko siya sa Baguio and I’m just trying to help.” iritang irita si Wendy bago siya tumayo mula sa kinakaupuan niya, tinignan ng atenean ang wall clock bago siya napabuga ng malalim na hininga. Isa ito sa mga pinaka ayaw niya sa tuwing magsisimula na ang season. Simula nung naging professional swimmer siya ay madalas na siyang kinakausap ng media, at pagtungtong ng highschool ay siya ang palaging napipiling representative ng school niya, nadala parin niya ito ngayong member na siya ng FAST team ng Ateneo.

Dahil narin siguro ito sa impluwensya ng mga magulang niya, ayaw na ayaw ni Wendy ang mga oras na ito dahil mas gusto niya pang mag swimming nalang at patuloy na mag ensayo para sa darating na season. “Talaga ba? Sus baka crush mo naman yang kaibigan mo!” hindi makaimik si Wendy, dahil hindi niya naman talaga alam ang sagot. Walang ka-ideya ideya si Wendy pagdating sa salitang pagibig at pagmamahal. Siguro dahil narin sa katotohanan na lumaki siyang kulang sa pagmamahal at pagaalaga mula sa sarili niyang mga magulang.

“Bahala ka diyan. We are good friends.” natawa nalang si Tiffany saka uminom sa iced latte niya. Pinagmamasdan ni Tiffany si Seungwan na nakatingin lang sa salamin. Napapaisip si Tiffany kung ano kaya ang mga samu’t saring bagay na tumatakbo sa isip ng swimmer.

“By the way, may one-on-one interview ka sa isang journalist from Bloom Entertainment. Sana naman sumagot ka na this time ha.” napailing nalang si Tiffany nung nakita niyang nag shrug nalang si Wendy. Narinig ni Tiffany ang katok mula sa pinto kaya sinenyasan niya sa Wendy na maghanda na.

“Why do I even need to do this?” walang kabuhay buhay na sabi ng atenean. Sinuot narin ni Wendy ang blue niyang jacket bago siya lumabas ng room. Kasalukuyan silang nakasakay sa may elevator para pumunta sa private entrance kung saan gaganapin ang press-conference.

“Umayos ka ng mga sagot mo ha, alam mo naman ang mga mata.” bored na bored na tumango ang Atenean bago sila lumabas ng elevator. Pinapanood ni Tiffany kun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much