Pagpapatawad

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi lubos akalain ni Wendy na maririnig niya muli ang mga salita na yun mula kay Irene. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Napalunok si Wendy bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya. Tinitigan niya si Irene bago siya bumuntong hininga. "Are you going to break your promise again? Just like the last time?" ramdam ni Irene ang sakit sa mga salita ni Wendy, ayaw ni Irene na mangako, pero pagkatapos ng paguusap nila ng mama niya, napagtanto ni Irene na tama ang mama niya. Siya ang nakakakilala kay Wendy at sigurado siya na mas alam at mas naiintindihan niya ang Atenean. 

Sasagot na sana si Irene nung biglang naramdaman niya ang pag ambon, agad agad naman siyang hinila ni Wendy papunta sa sasakyan niya. Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan, nakatingin lang si Wendy sa may bintana habang patuloy ang pagbuhos ng ulan. "I really need to go baka mamiss ko yung last trip ng bus to Baguio." napatingin si Wendy kay Irene, nakatingin ang babae sa wrist watch niya bago ito bumuntong hininga. Napatingin naman si Wendy sa orasan sa may sasakyan niya. Mag aalasais na pala. 

"What time yung last trip?" hindi naman alam ni Wendy kung bakit niya naitanong, pero sa mga oras na ito gusto niyang maihatid si Irene papunta sa sakayan at makita siyang nakasakay nang maayos pabalik sa Baguio.

"Seven, kaso sa may paranaque pa yung sakayan ng bus papuntang Baguio, baka hindi narin ako umabot." napabuntong hininga si Irene saka niya kinuha ang cellphone niya. Napaisip naman si Wendy habang nakatingin sa Iska. 

"Do you want to spend the night here? I can let you sleep sa bed sa likod, dito nalang ako sa driver's seat." malakas parin ang buhos ng ulan kaya wala narin namang choice si Irene kung hindi tumango, tumingin si Irene sa likod at nakita niya ang nakaayos na kama. 

"Maluwag naman, pwede tayong dalawa doon para di sumakit likod mo Wendy. You need to rest din malapit na start ng UAAP season mo." bumilis ang tibok ng puso ni Wendy, hindi naman ito ang unang beses na natulog sila ng magkasama, dahil kadalasan tuwing nasa Baguio si Wendy ay doon siya natutulog sa silid ni Irene.

"Paano mo nalaman?" nag shrug si Irene habang nakatingin siya kay Wendy, namumula ang pisngi ng swimmer habang pilit na tinititigan si Irene. 

"Wendy... mass communication student ako and gusto ko maging reporter ano ka ba." parehas nalang natawa si Irene at Wendy habang nakasandal sila sa mga upuan, alam ni Wendy na masaya siya at magaan talaga ang pakiramdam niya sa tuwing nandito si Irene. 

"You know... I really hate reporters." hindi akalain ni Wendy na masasabi niya iyon kay Irene, nakasandal si Wendy sa may head rest ng sasakyan niya habang nakatingin kay Irene. "Not those people na more into sharing the problems of the world ha, I really love to see beyond what I'm seeing. Kagaya nga nang sabi mo saakin, I grew up na may privilege kaya sobrang thankful ako especially sayo, kasi you let me see the things beyond what I'm seeing. Beyond what the others shows. I hate reporters na shinoshove saakin ang mga tanong na hindi ko naman gusto sagutin." nagulat si Wendy nung maramdaman niya ang kamay ni Irene sa kaniya. "Most of them are only interested with questions such as 'Are you doing this for your parents.' but they don't ask questions in regard to what I experienced during the training. They don't appreciate my hard work, they are just like my parents." pinisil ni Irene ang kamay ni Wendy habang tinitigan ang swimmer, nakayuko si Wendy habang nakangiting tipid. Ilang taon na bang ganito ang buhay niya? "Kaya ayaw na ayaw ko ng mga on the spot interview after every competition. One time, a reporter ambushed me after losing three categories just to say 'what can you say to your parents after disappointing them.' Nakakapagod yung mga ganoong bagay." natatawa si Wendy bago siya bumuntong hininga. 

"Paano pag ako maassign sa competition mo? Will you let me interview you?" natawa si Wendy habang nakahawak nakatingin sa magkasiklop nilang kamay ni Irene, may ngiti sa labi ng mass communication student na nagpagaan ng loob ni Wendy. Napapaisip si Wendy kung paano nagagawa ni Irene na pagaanin ang loob niya. 

"Pag isipan ko, bigay ka nga ng possible question mo for me?" nakangisi si Wendy habang pinagmamasdan si Irene na natatawa nalang rin. Ilang minutong nabalot ng katahimikan ang sasakyan bago sumagot ang Iska. 

"May tao bang nagpapasaya sayo ngayon? If meron ano namang masasabi mo sakaniya?" napalunok si Wendy bago siya umiwas ng tingin kay Irene, ramdam niya ang pamumula ng mukha niya kaya agad agad niyang iniwasan ang mga mata ng Iska. 

"M..Meron, isa siya sa mga taong nagpapagaan ng loob ko. Isa rin siya sa naging inspiration ko para magbago ang pananaw ko sa buhay." bumilis lalo ang tibok ng puso ni Wendy bago siya bumuntong hininga. "Gusto ko lang na mag thank you sa kaniya, for not breaking her promise to me." narinig niya ang pag singhap ni Irene kaya agad na bumaba si Wendy mula sa sasakyan. 

Nakalimutan ata ni Wendy na umuulan dahil sa kaba niya. 

-

Napagtanto ni Wendy na mali na inoffer niya na magstay si Irene ngayong gabi, nakatingin lang si Wendy sa may kisame ng sasakyan niya habang mahimbing na natutulog si Irene sa tabi niya. Napabuntong hininga ang atenean bago tumingin kay Irene. Nagulat naman si Wendy nung nakita niyang dumilat si Irene. "Ang lalim ng iniisip mo." malumanay ang boses ni Irene habang pinagmamasdan ang malamlam na mata ng swimmer. Napailing naman si Wendy bago siya umayos ng higa.

"Di naman, napapaisip lang ako about my swimming career." umayos rin ng higa si Irene. Nabalot ng katahimikan ang sasakyan, dapat bang ituloy ni Wendy ang sasabihin niya? Napalunok siya bago nagbuga ng isang malalim na hininga. "After this season, need ko na magprepare for the national team. Napapaisip ako if gusto ko pa bang ituloy ito?  But this is the only validation that I can receive from my parents. The only time that I can hear from them." nakatingin si Irene kay Wendy, gusto niyang magpatuloy ang swimmer sa pagsabi ng kaniyang mga hinaing at hinanakit sa buhay. "Di ko naman gusto itong ginagawa ko, hindi ko gusto lumangoy simula bata palang ako. Hindi ko rin naman alam kung anong gusto kong gawin, wala akong hilig na gawin. Gusto ko lang naman makaramdam ng kahit katiting na attention mula sa magulang ko. Nakakatawa ano? Pinilit kong mahalin ang paglangoy para makaramdam ng bagay na pinagkait saakin?" natatawang sabi ni Wendy habang nakatingin parin siya kay Irene. Ito ang unang beses na nagsabi siya ng kaniyang mga saloobin sa buhay. Naninibago si Wendy, pero hindi niya rin lubos maintindihan kung paano ang katahimikan na bumabalot sa kanila ngayon ay nagbibigay ng kaginhawaan na nararamdaman niya lamang kapag kasama niya si Irene sa Baguio. "Simula bata ako, eto lang ang tanging daan para makita kong kahit papano ay napaglalaanan nila ako ng kaonting attention at care. This is the only validation that I'm receiving from my parents. Come to think of it, what if I retire after my UAAP season, will they still see me as their daughter?" ano nga ba ang isasagot ni Irene? Alam lang naman niya na anak siya ni Emilio at ni Maria. Anak siya ng dalawa sa mga kilalang politiko, ano ba ang alam ni Irene sa buhay ni Wendy? "Alam mo ba, I really hate going to Baguio, but for unknown reasons, nakikita ko yung sarili ko na bumabalik every weekend just to spend time with you. Just to see and help the people in need." napalunok si Wendy bago siya ngumiting tipid, gusto niyang sabihin kay Irene ang dahilan pero pinangungunahan siya ng takot. Paano kapag bigla ulit mawala si Irene at paano kung umalis ulit si Irene, hindi pa naman sila okay. 

"May rason ba kung bakit ayaw mo sa Baguio?" napakabilis ng tibok ng puso ni Wendy habang nakatingin siya kay Irene, nakatingin ang iska sa mga mata niya. Parang huminto ang mundo ni Wendy, nakikit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much