Mission

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Ano ba ang dahilan kung bakit bumalik si Wendy sa Baguio? Napaisip ang Atenean habang nakahinto siya sa isang gasoline station. May hawak itong baso ng kape habang nakasandal sa Lexus IS niyang sasakyan. Napagpasiyahan ni Wendy na huminto muna dito para makapag kape at mabuhay ang dugo niya sa pagmamaneho. May halos dalawang oras pang byahe si Wendy kaya napagpasiyahan niya na huminto muna dito. Napaisip ang Atenean, Halos dalawang dekada na simula nung huli siyang tumungtong sa Baguio, naalala niya pa kung paano niya pinangako na kahit kailan ay hindi na siya muli tutungtong sa nasabing probinsya. 

Pero bakit heto siya ngayon? Tinitigan ni Wendy ang langit bago siya tumingin sa wrist watch niya saktong 10 na kaya napagpasiyahan na ni Wendy na sumakay ulit sa sasakyan niya. Halos dalawang oras nalang naman ang babaybayin niya bago siya makarating ulit sa Baguio. Napaka impulsive ng naging desisyon ng Atenean pero gusto niyang bumalik at makita ulit si Irene. Napagtanto niya na marami siyang natututunan at nakakatuwa na makita na naiinis ang Iska. 

Naisip rin ni Wendy kung tutuparin ba nito ang pangako niya sa kaniya nung nag pinky promise sila. Nagsimulang magdrive ulit si Wendy. Tahimik ang sasakyan, tanging tugtog lang mula sa playlist niya ang naririnig. Habang payapang nagdridrive si Wendy ay tumawag ang mama niya. Napairap nalang ang Atenean bago niya sinagot ang tawag. 

"Finally, I can't reach you since earlier this morning." tahimik lang si Wendy habang patuloy na nagdridrive. Narinig niyang may sumara na pinto sa may kabilang linya. Sigurado siya na nasa condo niya ang mama niya ngayon. "I saw your Porsche sa garage mo, pero wala ka dito. Where are you? I asked you to accompany me sa Hongkong right?" napalunok si Wendy habang patuloy na nagdridrive. "Binabastos mo ba ako Wendy?" hindi alam ni Wendy kung ano ang sasabihin niya kaya sinandal niya nalang ang ulo niya sa bintana ng sasakyan niya. 

"No..." narinig niya ang malalim na paghugot ng hininga ng mama niya sa kabilang linya. Alam na ni Wendy ang susunod na sasabihin nito. Nasanay nalang si Wendy na tatawagan lamang siya ng magulang niya para sermonan, utusan, at paalalahanan. Hindi man lang nakakaramdam ng care at aruga si Wendy, ni minsan hindi man lang siya natanong ng nanay niya kung kamusta na siya, sa tuwing may sakit si Wendy walang taong nagaalaga sa kaniya. 

"Where the hell are you right now? Wendy tandaan mo avoid anything that can ruin our last name. I'm giving you everything you want! I'm buying you expensive things, napakaganda at comfortable nang buhay mo. Isa lang ang gusto ko don't  do anything reckless na makakasira sa pangalan natin!" napalunok nalang si Wendy at hindi sumagot. Unti unting bumibigat ang puso ni Wendy. Nasanay naman na siya na makarinig ng mga ganitong salita sa magulang niya. "Naiintindihan mo ba?!" napabuntong hininga si Wendy bago nag hum bilang pagsagot sa mama niya. Hindi na nakapagsalita si Wendy bago binaba ng mama niya ang tawag.

"What the hell is this life even." bulong ni Wendy bago patuloy na pinaharurot ang sasakyan niya. Mabigat ang damdamin ni Wendy habang nakadiretcho ang tingin sa kalsada. Gustong gusto ni Wendy na makarating na sa Baguio para makalanghap ng sariwang hangin. 

Pagkatapos ng ilang oras, hininto ni Wendy ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nila Irene. Napalunok ito bago siya lumabas. Inayos niya ang jacket niya bago siya tumingin sa may labas ng bahay nila Irene. Hindi alam ni Wendy kung ano ang dapat niyang gawin. Gusto ni Wendy kumatok pero napangunahan siya ng kaba at hiya niya. "Ano pong kailangan nila?" nagulat si Wendy nung may nagbukas ng pinto, nakita ni Wendy ang isang babae kaya napaatras siya ng bahagya. Tama ba ang bahay na pinuntahan niya? "Si Ate Joohyun po ba?" hindi makasagot si Wendy hawak niya lang ang phone niya sa kamay niya habang nakatingin sa babae sa may pinto. 

"Yeri saan ka na naman pupunta? Gusto mo...." narinig ni Wendy ang boses ni Irene, napabuntong hininga siya at nakaramdam ng saglit ng kagaanan ng loob. "Wendy? Anong ginagawa mo dito?" nakita niyang lumabas si Irene ng pinto ng bahay nila para lumapit sa gate. Nakapangtulog na si Irene kaya naman gustong humingi ng paumanhin ni Wendy sa dalaga. 

"You promised me, if I found myself going back to Baguio I can always come back to you." nakita niyang napakurap si Irene kaya naman ngumiting tipid ito bago tumango. Napangiti rin ng tipid si Wendy bago siya napakamot sa batok niya. "I'm sorry for being here at wee hours." umiling si Irene bago niya pinapasok si Wendy sa bahay nila. 

"Pasok ka muna Wendy, may gusto ka bang inumin?" umiling si Wendy habang nakatingin lang kay Irene. Napahinto si Irene sa paglalakad nung makita niya si Wendy na hindi gumagalaw. 

"Do you want to go somewhere with me?" narinig ni Irene ang boses ni Wendy kaya napangiti naman siya. Nakita ni Wendy ang tingin ni Irene at parang nabuhayan naman siya ng loob. 

"Bihis lang ako ha, pasok ka muna gusto mo?" umiling si Wendy bago tinuro ang sasakyan niya. Nanlaki naman ang mata ni Irene dahil iba ito sa kotse na dala ni Wendy nung huling kita nila last week. "Bago sasakyan mo?" umiling si Wendy bago ngumiting awkward, natawa nalang si Irene saka napailing bago siya pumasok sa loob ng bahay nila.

Nakita ni Wendy ang tingin ng isang babae sa kaniya kaya naman nagbow nalang si Wendy. "Ano kailangan mo kay Ate Joohyun?" hindi alam ni Wendy kung ano ang ibig sabihin ng babae, naglakad ito palapit sa kaniya habang napamewang. "Bakit mo sinusundo si manang ng ganitong oras?" napangiwi si Wendy habang nagiisip na pindutin na ang susi ng sasakyan niya. 

"Magpapasama lang sana ako." tumaas ang kilay ni Yeri habang tinitignan si Wendy. Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa bago umirap. Nakita niyang lumabas na si Irene, para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Wendy dahil sobrang natakot siya sa babae na kausap niya kanina. 

"Agan-annad ka manang!" tumango si Irene at nagpasalamat kay Yeri na sinabihan siyang maginat, sumunod siya agad kay Wendy. Pinagbuksan siya ng Atenean ng pinto kaya agad rin siyang pumasok sa loob. Nakita niyang nagbow si Wendy kay Yeri kaya napailing nalang siya. 

Pagkasakay ni Wendy tinignan niya ang kaibigan bago ngumiti. "Saan mo gusto pumunta?" tumingin si Wendy kay Irene habang nakasandal ito sa may driver's seat. Tumingin si Wendy sa Iska sa tabi niya bago ito pumikit. 

"Any place where we can grab drinks?" nanlaki ang mata ni Irene habang nakatingin kay Wendy, kita niya ang usual ng emptiness sa mata ng Atenean kaya wala narin siyang ibang nagawa kung hindi tumango. "Tell me the place or guide me please?"nagthumbs up si Irene kaya naman ngumiting tipid si Wendy bago siya nagsimulang magdrive ulit. 

Nakatingin lang si Irene sa bintana pagkatapos niya ilagay sa GPS ang isang cafe na madalas niyang puntahan. "Kamusta ka naman this week? Napagod ka ba sa training?" napahinto si Wendy sa pagmamaneho. Ito ang unang beses na may nagtanong sa kaniya kung ano ang nararamdaman niya. 

"It's my first time hearing someone ask me how I am doing." narinig niya ang mahinang boses ni Wendy, hindi alam ni Irene kung ano ba ang dapat niyang sabihin or dapat gawin. Hindi niya naman lubusang kilala si Wendy, ni hindi niya nga alam ang tunay at buong pangalan ng babae. Alam lang ni Irene na mabigat ang mga pasanin ni Wendy sa buhay niya dahil sa mga mata niya. "That is so cool, but yeah I'm doing well I guess?" alam ni Irene na nagsisinungaling ang Atenean, nakita niyang kumurap ito bago tumingin ulit sa kalsada. Natahimik ang buong sasakyan dahil hindi rin alam ni Irene kung ano ba ang dapat niyang isagot. "How about you?" napatingin si Irene kay Wendy, ano nga ba ang dapat niyang isagot?

"Just the usual, classes tapos org meeting lang." tumango tango si Wendy habang tinatapik ang steering wheel niya. Isang habit na ata ni Wendy na gawin yun sa tuwing naooverwhelm siya sa mga nararamdaman niya. "Di ko akalain na babalik ka agad dito, akala ko napakabusy mo ganun." medyo natatawa si Irene habang sinasabi yun kaya naman napailing nalang si Wendy, ano ba ang nagpapabusy sa kaniya bukod sa mga training pati narin ang class at pag iwas niya sa mga magulang niya. 

"Hindi naman ako masyado busy, I'm usually free every weekend." totoo naman ang sinasabi ni Wendy, kung hindi naman siya pumunta sa Baguio panigurado ay napilitan siya na samahan ang mama niya sa Hongkong para kitain ang iba't ibang kaibigan nito at ipakilala siya sa mga anak at iba pang tao. "You don't mind naman me vi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much