Kaibigan

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Bakit nga ba hindi masagot ni Wendy ang mga tanong niya sa buhay? Nakaupo sila ni Irene sa may loob ng sasakyan ni Wendy. Hawak ni Wendy sa kamay niya ang bote ng beer habang nakasandal siya sa may driver seat. "Kamusta naman ang unang mission mo? Nagenjoy ka ba?" natigil ang malalim na pagiisip ni Wendy nung marinig niya ang boses ni Irene, nakita niyang uminom rin ito sa hawak niyang bote ng beer. 

Nagenjoy naman talaga si Wendy hindi niya iyun ipagaakila. Natuwa si Wendy na makita ang mga ngiti mula sa mga batang gustong matuto. "It was fun, it was nice to see kids who are eager to learn." nakita niyang napangiti si Irene sa mga sinabi niya, sigurado si Wendy na naging masaya si Irene sa mga sinabi niya. "Hoping na they will be given much more attention and ma prioritize ang need nila." uminom ulit si Wendy sa bote ng beer niya saka tumingin sa may bintana ng sasakyan niya. Napaisip si Wendy kung gaano siya biniyayaan ng oportunidad ng magaral at mabuhay ng matiwasay samantalang may mga tao sa iba't ibang lugar na nagugutom at naghihirap. 

"May iba pa kaming lugar na binibisita, baka pag sa next na punta mo dito gusto mo ulit sumama?" binaba ni Irene ang bote niya saka tumingin kay Wendy. Nakita niya ang mga mata ni Wendy na nakatingin rin sa kaniya. Gusto niyang ipakita sa Atenean ang mga issues sa bansa, gusto niyang mamulat ito sa katotohanan, malayo sa mga ginto at ganda ng buhay na kinamulatan niya. 

"I can join?" tumango naman si Irene, napangiti nalang si Wendy bago umayos ng upo. Saan naman kaya sila pupunta ni Irene. "Cool! So weekly ka talaga umaakyat ng bundok or like doing missions?" nakita ni Wendy ang pag taas baba ng kilay ni Irene kaya natawa ito ng bahagya. Uminom ulit si Wendy at inubos ang natitirang laman ng bote niya. "Pero paano ka nandoon sa resort na yun nung last weekend?" ayun yung unang gusto itanong ni Wendy dahil hindi niya inexpect na mag-st-stay si Irene sa isang resort lalo na't nakatira naman siya sa Baguio.

Narinig niya ang pagtawa ni Irene bago ito nagshrug, nakikita niya ang pagbabago ng emotion sa mga mata ni Irene. "Bawal ba mag unwind?" nakita niya ang mga mata ni Irene na iniwasan ang mga mata niya. Pakiramdam ni Wendy nagsisinungaling ang dalaga. Sa mga oras na ito naiisip ni Wendy kung ano ba ang mga tumatakbo sa isipan ni Irene, ang tanging alam niya ay namatay ang ama nito noong ilang taong gulang pa lamang siya. Hindi rin nakikita ni Wendy ang ina ni Irene. Para kay Wendy isa rin misteyosong tao si Irene, hindi ito madalas magpakita ng emotion at kaniyang mga saloobin. 

"Hindi naman, pero wala lang sabi mo kasi weekly ka nag mimi-mission eh. So next week sino ang target niyo?" inabutan ulit ni Wendy si Irene ng isa pang bote ng beer kaya naman natawa ang Iska. Ito nalang ulit ang unang beses sa loob ng dalawang taon na uminom siya ng may kasama. Nakita niyang binuksan rin ni Wendy ang beer niya kaya naman nilapag ni Irene ito sa may tabi niya. 

"Aakyat naman kami para sa mga ibagiw na may sakit, mamimigay kami ng gamot at food pack. Hindi ko pa sigurado kung makakasama ang mga kasama ko sa org pero kung hindi malamang ako lang ulit ang aakyat at mag papamigay." sa mga oras na ito, iniisip na ni Irene kung paano niya sisimulan ayusin ang mga gamot at foodpacks na ipapamigay nila. Alam niyang magiging busy siya sa school this week dahil narin sa event nila. 

"Is there anyway I can help you? I mean I want to give something too. Ano bang pwede kong bilin or ibigay?" para namang nagliwanag ang mga mata ni Irene nung marinig niya yun mula kay Wendy. Nakita niyang umiinom ulit si Wendy kaya agad niyang kinuha ang bote na hawak nito para hawakan ang kamay ng Atenean gamit ang dalawa niyang kamay. Napalunok si Wendy nung makita niya ang puppy at maamong mga mata ni Irene. Ramdam niya rin ang dalawang kamay nito sa mga kamay niya, hindi alam ni Wendy kung ano ba ang dapat niyang gawin sa mga sandaling ito. "I..Irene?" nararamdaman ni Wendy na umiinit ang tenga niya kaya agad siyang umiwas ng tingin mula sa dalaga. Bumibigat din ang paghinga niya, ano ba itong nararamdaman ni Wendy?

"Gusto mo tumulong at magbigay rin?" hindi makapagsalita si Wendy kaya tumango nalang siya. Natatakot siyang buksan ang bunganga niya dahil sigurado siyang mauutal siya sa di niya malamang dahilan. Ramdam ni Wendy ang init ng mga pisngi niya kaya napakagat nalang siya sa ibabang labi niya. "Help me this time! Alam kong mas marami kang mabibili sa Manila." hindi mapigilan ni Wendy na pagmasdan ang mukha ni Irene, nakikita niya ang familiar na kinang at saya sa mata ng dalaga. "Babalik ka ba dito next week?" parang automatic na napatango si Wendy habang nakatingin siya sa mga mata ni Irene. Hawak parin ng dalaga ang kamay niya at parang bata naman si Irene na nagwiwish sa harap ni Wendy ngayon. "Pwede bang ikaw ang bumili ng mga ipapamigay natin for next week? Bibigay ko budget and yung listahan." nagulat si Wendy dahil may mga bagay pala siya na hindi kayang gawin, nakatingin lang siya sa maamong mga mata ni Irene, may ngiti sa mga labi ng Iska na mas lalong nagpapula sa tenga ni Wendy. 

Tumango si Wendy bilang sagot, tinignan ng Atenean ang mga kamay nila bago binalik ang tingin sa mga mata ni Irene. Hindi niya narin napigilan ang pagsibol ng ngiti niya. Sa mga pagkakataon na ito, iniisip na ni Wendy ang mangyayari sa susunod na weekend na kasama niya ang Iska. 

Napagtanto ni Wendy na hindi lamang ang swimming ang hindi niya kayang hindian, sigurado siyang mahihirapan siyang hindian ang mga request at mga gustong gawin ng Iskang si Irene. 

-

Naglalakad si Wendy mula sa class niya papunta sa scheduled training niya, bitbit ni Wendy ang bag niya habang nakasuot ng airpods niya. Habang patuloy na naglalakad si Wendy nag vibrate ang cellphone niya. Hindi napigilan ni Wendy ang pagsibol ng ngiti niya nung makita niya ang text mula sa taong kanina niya pang inaantay. 

Irene Ocampo: Hello Wendy! Balitaan mo nalang ako kung matutuloy ka dito sa weekend ha?  Tsaka kung nakapamili ka na.

Huminto sa paglalakad si Wendy para magcompose ng reply sa kaibigan niya. Magtytype na sana siya nung maramdaman niya na may umakbay sa kaniya. "Uy may katext ang baby namin! Oh sino yan!" narinig niya ang boses ng tropa niyang si Seulgi, agad agad na tinago ni Wendy ang cellphone niya pero mas malakas ang naturang kaibigan kaya agad niyang nakuha ito mula sa kamay ng swimmer. "Ngiting ngiti ka naman sa katext mo si Irene lang pala! Ayieeeeee text mate na kayo?" pilit na kinukuha ni Wendy ang cellphone niya sa kaibigan niya, para silang nagaaway sa may sidewalk habang si Seulgi ay nakangisi at tumatawa. Sayang lang at wala si Joy para makita ang namumulang mga tenga ni Wendy. "Uy may date ba kayo sa weekend! Baka gusto mo naman ako pakilala sa jowa mo!" nanlaki ang mata ng swimmer saka binatukan si Seulgi, tumawa nalang ito habang tumatakbo. Hawak parin nito ang cellphone ng kaibigan. 

"Seulgi! Isa ibalik mo na!" tumatawa ang fine arts student habang patuloy na tumatakbo, wala namang choice si Wendy kung hindi habulin nalang ang matalik niyang kaibigan. Sa mga oras na ganito pakiramdam ni Wendy ay napakamalaya niya, ang mga oras na kasama niya ang mga taong kagaya ni Seulgi at Joy ay isa sa mga bagay na nagpapasaya sa dalaga. Napagtanto rin ni Wendy na ang mga oras na kasama niya si Irene ay ang mga oras na nakikita niya ang tunay na mga pangyayari sa mundo, natututunan ni Wendy na makibagay sa mga tao na hindi niya akalain na makakasalamuha niya. Ibang iba ang saya at ang mga bagay na nararamdaman ni Wendy kapag kasama niya ang Iska. 

"May pagusad pala kayo eh! Kelan ka pa nakipag exchange ng numbers sa mga hindi mo lubos na kilala. Yieeeeeeee crush mo si Irene no?" hinampas ni Wendy ang kaibigan niya gamit ang bag niya pero mabilis itong nakaiwas. Tumawa si Seulgi habang pinagmamasdan ang namumula na si Wendy. 

"Pinagsasabi mo dyan! May ginagawa lang kasi kami sa Baguio kaya kami nagexchange numbers." nakikita ni Seulgi na malalim ang paghinga ng kaibigan niya, isa itong sign na pilit na pinapakalma ni Wendy ang sarili niya. Possible na naiinis siya or nahihiya, sigurado si Seulgi na nahihiya ang kaibigan niya. 

At dahil mabuting kaibigan si Seulgi mas pinili niyang ipagpatuloy ang pangaasar kay Wendy. "UY! Anong ginagawa niyo! Speed naman pala a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much