Twenty four
You're my SalbabidaHindi lubos akalain ni Seungwan na hindi lamang siya uuwi na may gintong medalya, bagkos ay uuwi siya na masaya dahil sa wakas ay sinagot na siya ni Joohyun, para sa swimmer ay walang makakapantay sa matamis na oo ni Joohyun.
Nakaupo ang swimmer sa may balcony ng hotel room niya nung marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niya si Tiffany na nakangiti bago nito tinaas ang bitbit niyang pagkain. Napatayo naman si Seungwan bago siya pumasok sa loob. “Asaan si Joohyun papuntahin mo dito para makakain tayo bago tayo bumalik sa Pinas.” agad ding kinuha ni Seungwan ang cellphone niya bago agad na tinawagan ang girlfriend niya. “Heard she said yes na sayo.” namula ang tenga ni Seungwan bago siya tumingin kay Tiffany na nakangiti rin ngayon. “As long as you are happy, okay?” niyakap nalang ni Tiffany ang swimmer bago tinapik tapik ang likod nito.
“Thank you coach, for everything.” pinisil ni Tiffany ang pisngi ni Seungwan bago sila sabay na napatingin nung marinig nila ang pagkatok mula sa pinto, agad namang tumayo si Seungwan para agad na buksan ang pinto. Pagkabukas ay nakita niya si Joohyun habang hawak ang maleta niya. “Good morning, good sleep?” ngumiti si Joohyun bago ito tumango, si Seungwan na mismo ang kumuha sa maleta ntio para makapasok narin si Joohyun sa loob, dali daling nagbow ang reporter sa dating coach ng girlfriend niya.
“Ready na ba kayo umuwi didretcho ba kayo sa Baguio?” tanong ni Tiffany pagkatapos niya abutan si Joohyun ng mga utensils, umupo rin ang swimmer sa tabi ng girlfriend niya bago ito nagsimulang kumain. Napatingin si Seungwan kay Joohyun kaya naman ang Iska nalang rin ang sumagot sa tanong ni Tiffany.
“Ah, opo didiretcho din po kami ng Baguio since wala rin kami matutuluyan sa Maynila, off-season narin naman para makapagpahinga rin po si Seungwan.” tumango tango naman si Tiffany bago nito binuksan ang bag niya, may kinuhang susi ang coach sa may bag niya bago ito tumingin kay Seungwan.
“Seungwan, congratulations pala.” sa kamay ni Tiffany ay susi ng isang sasakyan, napasinghap parehas si Seungwan at Joohyun na kinatawa naman ni Tiffany. “Aba kuhain mo na at nangangawit rin ako.” nakita ni Tiffany ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Seungwan, hindi niya mapigilan na bumalik sa unang beses na nakilala niya ang isang college freshman na si Seungwan apat na taon na ang nakakaraan.Naalala niya pa kung gaano katahimik at walang ka-emotion emotion, hindi rin ito umimik bukod sa pagpapakilala niya sa sarili niya. Kasama niya si Taeyeon noon nung pinakilala siya nito. “Naalala mo pa yung naging deal natin nung second year college ka? Ayaw mo sumali sa National Team kasi gusto mo narin huminto sa paglangoy pagkatapos mo sa UAAP?” hindi namalayan ni Tiffany ang pagtulo ng luha niya, lalo na nung magtama ang mga mata nila ni Seungwan. “Ibibili kita ng sasakyan kapag sumali ka at manalo, tumatawa pa tayo sa locker room, pero here you are now. I’m so proud of you, Seungwan.” pinunasan ni Seungwan ang mga luha niya bago niya dali daling niyakap ang coach niya, isa si Tiffany sa mga naging sandigan ni Seungwan. “Please always choose to be happy, tandaan mo na palagi akong nandito, kahit humantong sa pagkakataon na hihinto ka na sa paglangoy.” hindi makaimik si Seungwan dahil wala na siyang ibang maramdaman kung hindi ang saya at ang kaginhawaan sa puso niya, dahil alam niyang sa sarili niya na hindi talaga siya nagiisa sa laban na ito.
Sandaling napatingin ang swimmer sa girlfriend niya, doon niya nakita si Joohyun na nakangiti sa kanilang dalawa. Sa pagkakataon na ito, alam ni Seungwan na hindi talaga siya nagkamali sa mga desisyon na ginawa niya.
-
Nakita ni Joohyun ang mga repoter na nagaantay sa may exit kaya naman napabuntong hininga ito bago siya huminto sa paglalakad. “Maraming media sa labas, gusto mo ba dumaan nalang tayo sa kabilang exit?” tanong ni Joohyun habang magkahawak kamay sila. Umiling si Seungwan bago siya ngumiti sa girlfriend niya, hindi mapigilan ni Joohyun ang ngiti niya dahil kita niya ang saya sa mata ni Seungwan.
“No need, wala naman akong kasalanan so bakit ko sila iiwasan?” natawa nalang ng bahagya ang reporter bago sila nagsimulang maglakad palabas, pinauna ni Seungwan si Joohyun habang nanatili ito sa may likod niya.
At kagaya ng inaasahan ay napaligiran na agad sila ng Media, napabuntong hiniga si Seungwan bago niya sinigurado na hindi natatamaan o natutulak man lang si Joohyun. “Miss Herminigildo! Ano pong masasabi niyo sa balitang nagbabalak ang papa mo na tumakbo sa pagka Presidente!” hindi umiimik si Seungwan, nagpatuloy lang sila sa paglalakad, habang ang kamay ng swimmer ay nasa balikat ni Joohyun. “Totoo ba ang balita na pinagpalit mo ang pamilya mo para sa isang babae!” mas pinili parin ni Joohyun na hindi sumagot sa tanong, naramdaman niya ang pagbuntong hininga ni Joohyun, kaunti nalang at makakalabas narin sila.
Lahat na nang pagtitimpi ay ginawa ni Seungwan, pero lahat ng pagtitimpi ay nawala lalo na nung banggain ng repoter si Joohyun at agad na pinilit na itapat ang mic na hawak nito sa mukha niya. “Joohyun! Are you okay, mahal?” lahat ng reporter ay napatigil sa paglalakad, at pagtutulakan, agad na tinulungan ni Seungwan ang girlfriend niya na makatayo. “All of you are disgusting! Hindi niyo alam yung salitang respeto, at ang concept ng personal space ng isang tao! All for what!? A short coverage para saguting ang mga walang kwenta niyong tanong!? Tutal kahit ano namang gawin ko patuloy niyo lang ako na nakikita bilang isang instrumento ng mga magulang ko! Para masatisfy ang mga utak niyong makikitid! Wala akong pakielam kung tatakbo si Emilio sa pinakamataas na posisyon sa bansang ito, wala akong pake kung tatakbo si Maria na Senador! Oo, umalis ako puder nila pero sariling desisyon ko yun! Hindi ako naimpluwensyahan o ano pa man!” hinawakan ni Seungwan ang kamay ni Joohyun bago siya tumingin dito. “Ang panawagan ko sa taong bayan! Sana ay kilatisin niyo kung sino ang mga taong niluluklok niyo sa pwesto, dahil hindi niyo alam na ang mga taong akala niyo ay maasahan niyo ay isa sa mga dahilan kung bakit may mga pamilya na kahit kailan ay hindi na mabubuo, may mga batang nawalan ng ama sa murang edad, at higit lahat ay may mga taong patuloy na naghihirap at humahanap parin ng hustisya dahil sa kasakiman ng mga taong binibigyan niyo ng kapangyarihan!” nagsimula nalang sila ulit maglakad palabas, dahil sa mga oras na katulad nito ay gusto ni Seungwan na makalanghap ng hangin dahil bumibigat na naman ang dibdib niya.
Pagkalabas nila ng airport ay agad rin silang nagpunta sa parking lot, at doon nagaantay ang sasakyan na binigay sa kaniya ni Tiffany. Hindi alam ni Seungwan kung ano ang gagawin niya pero nung hinawakan ulit ni Joohyun ang kamay niya ay napabuntong hininga nalang siya bago sinandal ang ulo niya sa balikat ng reporter. “Thank you, kasi ibinahagi mo ang boses mo at ang boses ng mga taong patuloy na naninirahan sa dilim dahil hindi sila kailanman napakinggan.” hinayaan ni Joohyun ang kamay niya na haplusin ang maikling buhok ni Seungwan. “Hindi madali na magsalita patungkol sa mga bagay na katulad ng ibinahagi mo sa mundo, alam ko na sa tingin mo ay maliit na bagay lang yun, pero para sa mga katulad namin na walang boses at hindi napapakinggan sobrang laking yakap ito dahil alam n
Comments