Revelation

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Dinilat ni Wendy ang mga mata niya, nakita niya na natutulog parin si Irene. Friday palang ngayon at napagtanto ni Wendy na sigurado ay hahanapin siya ng mga professor niya. Pero sa mga oras na ito, gusto makalayo ni Wendy sa ingay ng Maynila, malayo sa mga mata ng tao sa paligid. Nasa Baguio ang katahimikan sa puso at isip ni Wendy. 

Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Irene habang natutulog ito sa may kutson sa baba ng kama niya, napabuntong hininga si Wendy, si Irene ang unang naging kaibigan niya pagkatapos ng ilang taon. Hindi alam ni Wendy kung ano ba ang dapat niyang gawin para mapanatili si Irene sa buhay niya, alam niyang may mga taong dumadating at umaalis pero ang nasa isip ni Wendy ngayon, hindi niya kayang makitang umalis si Irene sa buhay niya. Hindi ngayong nakahanap siya ng katahimikan sa piling ng Iska. Tinignan ni Wendy ang orasan, ala sais palang ng umaga, dahan dahan siyang tumayo sa may kama ni Irene para sumilip sa bintana. Nakita niya ang pinsan ni Irene na nagwawalis ng bakuran. 

Napaisip si Wendy, kung ano ang mga bagay bagay na tumatakbo sa isip ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Napatingin si Wendy sa may bundok, nakita niya ang ganda ng langit pati narin ang kulay berde na pumapaligid sa bundok. "Aba sino ang napintas na balasang sa silid ng manang mo Yerim?" napatingin si Wendy sa boses ng isa pang babae, nakita niya ang mga mata na nakatingin sa kaniya kaya dali dali na nag bow si Wendy bago bumalik sa pagkakaupo sa  kama ni Irene. Nakita niyang tulog parin ang dalaga. "Baka malate ang manang mo ala sais na, gisingin mo na kaya?" napalunok si Wendy bago siya umupo sa natitirang space sa harap ni Irene, nagaalangan ang kamay niya na tapikin si Irene. Pero hindi napigilan ni Wendy na alisin ang mga takas ng buhok na tumatakip sa maamong mukha ni Irene. 

"Irene... you need to wake up. Malalate ka na sa class mo." narinig niya ang pagungot ni Irene pero nagulat siya nung hilain siya nito, kaya naman napahiga nalang ang Atenean sa tabi ng Iska. Naramdaman nalang niya na niyayakap siya ni Irene habang nakasiksik ito sa may sweatshirt ng Atenean. Damang dama ni Wendy ang paginit ng mukha niya lalo nung higpitan pa lalo ni Irene ang pagkakayakap niya sa kaniya. Hindi mapigilan ni Wendy ang pagbilis ng tibok ng puso niya, malalim ang paghinga niya, ramdam na ramdam niya ang bawat pagbuga ng hininga ni Irene sa may leeg niya. Napalunok nalang si Wendy habang pilit na inilalayo ang katawan niya kay Irene. 

Gusto na magdasal ni Wendy kahit hindi siya madasaling tao, nagulat si Wendy nung bumukas ang pinto ng kwarto ni Irene. "Mana...." di natapos ni Yeri ang gusto niyang sabihin nung makita niya ang position nila, agad na kinuha ni Yerim ang pamalo sa may pinto kaya dali dali na napatayo si Wendy. "ANONG GINAGAWA MO!!!" naalimpungatan naman si Irene dahil sa ingay, nagulat siya ng makita niya na nakatayo si Wendy sa kama habang nakataas ang kamay niya. Namumula parin ang Atenean habang nakatingin kay Yerim. "MANANG!!! BAKET NAKAYAKAP YAN SAYO!" agad na tumakbo at tumalon si Wendy mula sa kama para makalabas ng kwarto ni Irene. Hinahabol kasi siya ni Yeri ng walis tambo kaya mabilis na kumaripas ang swimmer. Si Irene naman napatayo nalang sa kama habang tumatawa. 

"It is not what you think!" nasa may hapagkainan si Yeri at Wendy habang nasa kabilang dulo si Wendy. Hinihingal ang swimmer habang nakahawak sa narra na upuan. Si Yeri naman masama ang tingin habang inaamba parin na ihampas kay Wendy ang tambo. 

"WAG MO AKONG INIENGLISH SA PAMAMAHAY NAMEN!" napalunok si Wendy kasi lumapit ulit si Yeri, agad na tumakbo naman ang Atenean this time palabas naman ng bahay nila Irene. Nakatayo siya ngayon sa labas habang nakapaa, nakatingin siya sa may pinto habang nandoon si Yeri at ang tambo niya. "PINAPAALALA KO LANG NASA PAMAMAHAY KA NAMEN! BAKET MO GINAGANON ANG MANANG KO!" hinihingal si Wendy habang nakatingin sa pinsan ni Irene, nakita niyang nakatayo narin si Irene sa may pinto, tumatawa pa ito ng bahagya habang kinukuha sa pinsan niya ang tambo. 

"Bakit mo naman sinisindak ang bisita ko Yeri. Wendy, halika na dito." umiling ang Atenean habang nakatingin sa pinsan ni Irene. Masama parin ang tingin nito sa kaniya kaya hindi mapakali si Wendy. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. "Wala naman siyang ginawa Yeri, ako ata ang may kasalanan."  nakikita ni Irene ang mga takot sa mata ng Atenean kaya agad narin siyang lumabas ng bahay para lapitan ang takot na takot niyang kaibigan. Tinitigan niya ang pinsan niya bago tinuro ang kusina. "Pasensya ka na ha, sobrang protective lang kasi ang ading ko kaya ganoon siya. Okay ka lang ba?" tumingin si Wendy kay Irene bago siya humakbang palayo sa Iska. Namumula parin ang mukha ni Wendy habang pilit na hinahabol ang hininga niya. Masyado ata siyang tumakbo ng mabilis para mailigtas ang sarili niya sa walis tambo ni Yeri. 

"I..It's okay." dali dali na umiwas si Wendy bago niya kinuha ang tsinelas niya, buti nalang at nadampot ni Wendy ang susi ng sasakyan niya. Binalak niya kasi na sumakay nalang doon at ipaharurot ang sasakyan niya para iligtas ang sarili niya sa galit ng pinsan ni Irene. 

"Saan ka pupunta?" napatigil si Wendy sa paglalakad niya, tinakpan ng atenean ang mukha niya na namumula parin. Hindi maalis sa isip ni Wendy ang pagyakap sa kaniya ni Irene kanina. Hindi niya lubos akalain na ganoon ang magiging epekto ng yakap ng isang tao sa kaniya. 

"Huh?" nagulat nalang si Wendy na hinihila siya ulit papasok sa loob ng bahay ni Irene. Pagkapasok nila, nakita niya ang matalim na tingin ni Yeri sa kaniya kaya agad na napaluno ang swimmer bago sila pumasok ni Irene sa loob ng kwarto ulit. "You should prepare for your class Irene."  tumango si Irene bago pinaupo si Wendy, tahimik na naupo ang Atenean saka kinuha ang cellphone niya.

Napabuntong hininga si Wendy nung makita niya ang text mula sa mommy niya. 

Mom: Your professor informed me that you skipped class. Tell me if there's anything you need. I'm not in the Philippines. Sinasabi ko sayo don't you dare do anything that can ruin our name. 

Hinagis ni Wendy ang cellphone niya sa may kama bago siya ulit humiga at pumikit. Sinasampal si Wendy nang katotohanan na hindi niya basta bastang pwedeng iwan ang mga gawain niya sa buhay. Sinampal siya ng katotohanan na hindi siya pwedeng maging si Seungwan, siya lang si Wendy Herminigildo, anak ni Mayor Maria Herminigildo, at anak ni Senator Emilio Herminigildo. Dahan dahan na dinilat ni Wendy ang mga mata niya, ramdam niya ang bigat sa puso niya. "Wendy, gusto mo bang magshower?" napatingin si Wendy sa boses ni Irene, nakatayo ang dalaga habang naka plain white shirt at pants, hawak ni Irene ang isang black jacket. 

Umupo si Wendy sa kama bago niya kinuha ang bag niya sa ilalim ng kama ni Wendy, binuksan niya ang bag niya saka kumuha ng hoodie at ng shorts. "Can I drive for you today?"  nagulat si Irene sa sinabi ni Wendy, nakita niyang nakatingin ang kaibigan niya sa kaniya. 

"Tatambay ka sa UP?" tumango si Wendy bilang sagot bago siya pumasok sa banyo sa loob ng kwarto ni Irene. Nasanay na si Wendy sa mga bagay bagay sa loob ng silid pati narin sa mga bagay bagay na kinakaharap niya sa Baguio. Sanay naman si Wendy sa malamig na klima dahil natira siya sa Canada ng dalawang taon. Ramdam ni Wendy ang lamig ng tubig kaya agad na nabuhay ang diwa niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas narin siya, nakasuot na ito ng black na hoodie, napagdesisyunan niya narin na magpantalon dahil gusto niyang mag stay sa loob ng campus at hintayin nalang na matapos ang klase ni Irene. "Hanggang alas dos lang naman pasok ko ngayon, may cafe doon sa may Museum, pwede ka muna magstay doon. Less crowd din." nakita niyang inaayos na ni Irene ang bag niya kaya kinuha narin ni Wendy ang spare bag niya, nandoon ang laptop at Ipad niya. Tahimik niya ring kinuha ang susi niya sa may table ni Irene. 

"Are you ready?" ngumiti naman si Irene bago sinuot ang bag niya, napangiti nalang rin si Wendy bago sila lumabas ng kwarto ni Irene. Pagkabukas ng pinto ay nakatayo si Yerim sa may di kalayuan, nakatingin rin ang tita ni Irene sa kanila. "Magandang umaga po, ihahatid ko lang po si Irene sa university niya." napalunok si Wendy dahil kita niya ang talim ng titig ng tita ni Irene sa kaniya. Napalunok siya at napahawak ng mahigpit sa susi ng sasakyan niya. Nakita niya naman na natawa si Irene bago niya hinila si Wendy palabas ng bahay nila. "Ganoon ba tumingin buong family mo? I think they are ready to offer me or like balatan me anytime." tuluyan ng natawa si Irene habang naglalakad sila papunta sa sasak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much