TWENTYWAN

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Nakangiti si Wendy habang tinitignan si Joohyun at mama niya na nakaupo sa may backseat, nasanay na si Wendy na katabi niya ang Iska pero sa mga oras na ito masayang masaya si Wendy dahil nakikita niya ang saya sa mga mata ni Irene. “Ay nako, kumain na ba kayong dalawa? Idaan mo muna kaya sa kahit anong makakainan para makapaghapunan narin tayo Wendy anak.” nakatingin ang mama ni Irene kay Wendy na agad din namang tumango habang diretcho ang tingin sa daan.

“Saan niyo po gusto kumain?” tanong ng swimmer habang diretcho parin ang tingin sa kalsada, buti nalang at hindi masyadong traffic kaya mabilis lang ang biyahe nila. Nakita ni Wendy na ngumiti ang mama ni Irene.

“Sa Jollibee sana, napakalayo kasi ng Jollibee sa amin.” natawa nalang si Irene habang umiiling, inexpect narin naman ni Irene na ito ang sasabihin ng mama niya. Isa ang Jollibee sa palaging pinagaasar ng Iska dito.

“Ayat, okay lang ba?” tumango naman si Wendy bago nagtama ang mga mata nila ni Wendy sa may rearview. “Bihira kasi siya mag fast-food mama, dahil sa diet niya.” agad na umiling si Wendy nung nagkaroon ng redlight.

“Okay lang po, madali lang naman po mag work-out. Kain po tayo sa kung saan niyo gusto.” napangiti nalang si Irene bago dumukwang para mahalikan ang pisngi ng swimmer na agad ring namula sa ginawa ng Iska. “N…nandyan si nanang.” natawa nalang ang mama ni Irene lalo na nung makita niya kung gaano kapula ang mga pisngi ni Wendy.

“Ay nako, mas natutuwa pa nga ako na makita kayong dalawa. Basta masaya kayo mga anak, masaya narin ako.” napangiti nalang rin si Wendy bago siya tumingin kay Irene, puno ng saya ang mga mata ng Iska at hindi kahit kailan ipagpapalit ni Wendy ang mga sandaling katulad nito. Ang kaligayahan ni Irene ay ang bumubuo sa buhay niya.

Nakatayo sa may counter si Irene at Wendy habang busy na umoorder ang mama niya. “Tired?” umiling si Wendy sa tanong ni Irene, magkahawak ang kamay nilang dalawa habang nakatingin lang sa mama ni Irene na nag insist na siya ang magbabayad. “Naghahanap si nanang nang hotel ngayon, wala na kasi trip pa Baguio ngayong gabi eh.” tumingin si Wendy sa Iska, hindi mapigilan ni Wendy na magapangiti lalo dahil kita niya ang pagod at antok sa mata ni Irene.

“Ikaw ata ang pagod eh.” hinampas ni Irene ang braso ng swimmer bago sila sumunod sa mama ni Irene na agad nakahanap ng upuan, umupo si Irene sa tabi ni Wendy habang ang mama niya ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. “Ay, nanang gusto niyo na po ba pumunta ng Baguio ngayon? Pwede ko naman po kayo ihatid. Wala rin po kasi akong training for next week.” napatingin si Irene kay Wendy, hindi niya kasi lubos akalain na sasabihin yun ni Wendy.

“Ay nako anak baka naman pagod ka na. Mag b-bus nalang ako bukas.” mabilis na umiling si Wendy bago siya uminom mula sa bottled water na nasa harap niya.

“Nanang, wag na po. Kaya ko pa po magdrive kahit matulog pa si Joohyun sa passanger seat.” sabay nalang natawa si Wendy at ang mama ni Irene, napairap nalang rin ang Iska matapos sikuhin ang swimmer. “My sleepy head, well understandable productive day ka today.” hinawi ni Wendy ang buhok na nahulog sa may mukha ni Irene.

“Ay nako iwan nalang siguro natin si Joohyun ano? Ay nako baka di pumayag baka mamiss ka masyado Wendy anak.” natawa nalang si Wendy kaya agad rin siyang hinampas ng Iska, na mas lalong nagpatawa sa swimmer. Pati ang mama ni Irene ay natatawa nalang rin sa inaasal ni Irene. Bakas din ang pamumula ng tenga ni Irene.

“NANANG!” sabay nalang natawa si Wendy at ang mama ni Irene, buti nalang at naserve narin ang pagkain. Tahimik na kumakain si Irene, nagulat naman ang Iska nung makita niyang nilagay ni Wendy ang balat ng chicken joy niya sa plato niya.

“You love that.” di mapigilan ni Irene na mapangiti dahil inosenteng inosente ang mukha ni Wendy habang umiinom siya ng coke. Napangiti rin ang mama ni Irene sa ginawa ng swimmer. “What? Kumain ka na.” medyo natatawang sabi ni Wendy na napailing nalang rin, hindi maintindihan ni Wendy kung bakit parehas na nakatingin sa kaniya ang mag ina.

“Seungwan, alam mo ba na sabi nila kapag binigay mo ang balat ng chicken joy mo sa isang tao ay true love daw iyon.” napatingin si Wendy sa mama ni Irene, tumatawa ito habang kumakain ng sundae. Napahilig naman ang ulo ni Wendy dahil hindi niya maintindihan ang dynamics ng sinasabi ng mama ni Irene. “Ganito kasi yan anak, diba pinaka masarap ang balat ng chicken, kaya may mga ibang tao na hirap ibigay yun kahit sa partner pa nila. Kaya kapag binigay mo yun sa partner mo sinasabi nilang true love.” narinig ni Wendy na natawa si Irene bago uminom ng coke, tinignan pa niya si Wendy na tumatango tango na parang batang tinuruan ng addition at subraction ng mama niya.

“Di lang po ata true love nanang? Siya rin po kasi ang first and greatest love ko,” naubo naman si Irene na agad agad tinungga ang bote ng tubig sa tabi niya. Nagulat ang swimmer kaya dali dali niyang inabutan si Irene ng tissue. “What’s wrong?” hinahagod pa ng swimmer ang likod ni Irene habang diretcho ang tingin nito sa kaniya.

“Dense ba talaga siya anak o sadyang ganyan lang talaga siya?” napatingin si Irene sa mama niya na tumatawa nalang rin habang pinapanood silang dalawa. Napailing naman si Irene bago siya natawa sa sinabi ng mama niya.

“Hindi nanang, ganyan lang talaga siya. Di niya alam kung gaano nakakaapekto ang mga salitang binibitawan niya. Ang cute niya ano? Abunjing bunjing ko yan nanang.” at sa mga pagkakataon na ito, si Wendy naman ang namula bago niya iniwasan ang tingin ng mag-inang Ocampo.

Nakita ni Wendy na nakatulog na si Irene sa may passenger seat, kasalukuyan silang papunta ngayon sa Baguio. “Nakatulog na siya? Sabi niya di ka niya tutulugan kasi baka mahawa ka sa antok.” napailing nalang si Wendy habang diretcho ang tingin sa kalsada, napangiti siya dahil hawak parin ni Irene ang isang kamay niya kahit nakatulog na ito.

“Nanang salamat po, dahil umuwi po kayo para sa birthday ni Joohyun.” sapat ang lakas ng boses ni Wendy para marinig ito ng mama ni Irene. Napangiti ang nurse habang nakatingin ito sa may bintana. Naalala niya pa kung paano siya tinawagan ni Wendy dalawang linggo na ang nakakaraan para sabihin sa kaniya ang gusto nitong gawin.

“Ay nako Seungwan salamat sayo, salamat kasi kung di dahil sayo marahil uuwi pa ako sa mismong graduation pa ni Joohyun. Alam mo bang simula nung mawala ang Tatang niya hindi na kami nakapag celebrate ng birthday niya ng magkasama. Alam kong lumaking may sama ng loob si Joohyun dahil palagi lamang mga padala ko ang natatanggap niya sa bawat kaarawan niya.” napatingin si Wendy kay Irene, napagtanto ng swimmer kung gaano rin naging unfair ang buhay para kay Joohyun, gaano rin nabuhay si Joohyun ng mag-isa at puno ng mga katanungan sa buhay. “Naalala ko na ilang taon na puro halos tanong lang siya kung mahal ko ba siya, kung bakit mas mahalaga sa akin na magtrabaho at mapalayo sa kaniya. Ilang taon akong nabuhay na ayaw niya akong kausapin dahil akala niya ginusto ko na tumira at magtrabaho sa Dubai.” napalunok ang mama ni Irene bago ito tumingin sa mga mata ni Seungwan. “Pero napahanga ako nung napagtanto na ni Joohyun ang mga bagay bagay, lalo na nung natutunan niya nang maintindihan ang sitwasyon namin. Kung bakit kailangan ko mapalayo sa kaniya.” pinunasan ng mama ni Irene ang mga luha niya bago siya ngumiti kay Seungwan, magaan ang loob niya sa swimmer at naiintinidihan niya kung paano nahulog at kung paano napalapit ang anak niya dito. “Naalala ko nung sinabi sa akin ni Joohyun na nagsisi siya na nakilala ka niya. Kita ko yung galit at sakit sa puso niya, hindi ko lubos maisip na ganoon kalaki ang galit niya sa mundo.” napalunok si Wendy dahil naalala niya pa ang mga pangyayari, hindi lubos maisip ni Wendy na mawawala si Irene sa buhay niya. “Pero alam ko na marunong magpatawad ang anak ko, alam ko na alam niyang hindi ka katulad nila. Hindi ka katulad ng ama mong walang ibang hinangad kundi ang maghakot ng yaman ng bayan at hindi kayang ipakita ang pagmamahal niya sa mga nasa laylayan ng lipunan. Hindi ka katulad ng ina mong walang ibang ginawa kundi kunsintihin ang tatay mong demonyo.” naiintindihan ni Wendy, alam ni Wendy na hindi mawawala ang galit nila sa mga magulang niya, hindi mapapantayan ng bawat oras, buwan, at taon na lumipas ang pangungulila at ang sakit na nararamdaman nila. “Pasensya ka na kung nasasabi ko ito, kahit ilan taon na ang lumipas hindi ko parin mapigilan isipin kung paano ang naging buhay namin kung hindi nawala si Roberto.” humigpit ang hawak ni Wendy sa manibela ng sasakyan niya bago siya tumingin sa mga mata ng mama ni Irene, hindi man lang nakakakita ng galit at puot ang swimmer sa mga mata nito, bagkos parang binabalot pa si Wendy ng isang malaking kumot na puno ng kalinga at aruga, alam ni Wendy na ito ang hinahanap niya nung lumalaki siya.

“Proud po ako sa inyo nanang, dahil napalaki niyo po si Joohyun na maging isang matatag na tao, mapagkumbaba at taong marunong rumespeto at tumayo sa sariling paa.” nakita ni Wendy na napangiti ang nurse, kaya naman ngumiti rin siya rito. “Kagaya po kung gaano kataas ang paghanga ko kay Joohyun, ganoon din po kataas ang tingin ko sa inyo. Sa tuwing may sinasabi si Joohyun sa akin patungkol sa mga bagay na hindi ako mulat mas lalo po akong humahanga sa kaniya.” tumingin si Wendy kay Irene, tulog parin ito at hindi mapigilan ni Wendy na magtanim ng halik sa kamay nito. “Namamangha rin ako sa patience niya po sa akin, alam ko sa sarili ko na maraming bagay na bago sa akin, maraming bagay na hindi ko po lubos maintindihan. Pero sobrang nagpapasalamat po ako na palagi siyang nandiyan para ipaliwanag ang mga bagay bagay. Palagi rin siyang nandiyan para ipaglaban kung ano ang sa tingin niyang tama.” maraming mga bagay na hindi naiintindihan si Wendy, maraming mga katanungan sa isip niya, maraming bagay na hindi sigurado si Wendy, hindi siya sigurado sa magiging takbo ng buhay niya kung ipagpapatuloy niya ang paglangoy. Higit sa lahat hindi sigurado si Wendy kung ano ba talaga ang halaga ng buhay niya. Dahan dahan na napatingin ang swimmer kay Joohyun, mahimbing ang tulog ng Iska. “Maraming bagay ang di po ako sigurado, marami akong tanong na hindi ko masagot, maraming bagay na pilit kong gustong bitawan pero naiiwan ako sa mundo na nababalot ng galit at sakit, pero natutunan ko habang kasama ko po si Joohyun na hindi lahat ng tao ay deserve ng pagpapatawad, may mga taong hindi mo dapat respetuhin dahil sila mismo ay gumagawa ng mga bagay na nagbibigay ng dahilan kung bakit hindi mo sila dapat respetuhin.” napalunok ang Atenean bago siya bumuntong hininga, maraming mga bagay ang tinuro si Joohyun sa kanya, marami siyang bagay na napagtanto at mga bagay na alam niyang magiging malaking tulong sa kaniya.

“Kinamumuhian mo rin ba ang mga magulang mo, anak?” nagtama ang mga mata nila, dama ni Wendy ang isang yakap ng ina, ang yakap na hindi niya man lang naramdaman sa buhay niya. Tumango si Wendy, at ang tanging nakita niya ay ang pagtango ng mama ni Irene.

“Maraming mga dahilan kung bakit ko sila kinamumuhian, noon nanang ang dahilan lang ay ang kawalan nila ng oras sa akin, lumaki ako na kulang sa pagmamahal, na kulang sa aruga, nabuhay ako na palagi ko lang silang sinusunod, pilit kong ginagawa ang mga bagay na hindi ko naman gusto.” nakita ni Wendy na tumatango ang mama ni Irene, may ngiti sa mga labi nito, at pakiramdam ni Wendy na sobrang safe niya na magsabi sa mama ni Irene. “Pero ngayon mas naintinidihan ko kung bakit sila ganito, kung bakit isa sila sa mga pinaka masamang tao na nakilala ko. Simula nung ipaunawa sa akin ni Joohyun ang mga bagay bagay, pakiramdam ko ay nabago ang pananaw ko sa buhay. Hindi lamang sila sa akin nagkulang, nagkulang rin sila sa bayan, at ang pagiging gahaman nila ang dahilan kung bakit maraming tao ang naghihirap ngayon.” nakita ni Wendy kung paano lumapit ng bahagya ang mama ni Irene sa kanya, tinapik nito ang balikat ng swimmer kaya dali daling tumulo ang luha nito. “Pasensya na po kung isa po ang pamilya ko sa naging dahilan ng paghihirap niyo. Humihingi po ako ng pasensya dahil alam kong ito lang po ang pwede kong gawin.” huminto ang sasakyan ni Wendy nung makarating sila sa may stop over, naramdaman niya nalang na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much