Alone

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Sobrang bigat, mabigat ang damdamin ni Irene, hindi niya magawang ngumiti man lang. Alam at nakasanayan niya na ang bawat mission ay puno ng saya ngunit paano niya magagawang maging masaya kung malalaman niya ang mga bagay bagay patungkol kay Wendy. Nakaupo ngayon si Irene sa tabi ni Chorong habang inaantay nila ang pagtila ng ulan, pababa na sana sila ng bundok ng biglang bumuhos ang ulan. "Irene kanina ka pa tahimik, ayos ka lang ba?" Ayos lang ba si Irene? Hindi niya rin sigurado. Tinitigan ng dalaga ang mga kasama niya, nakita niyang nakaupo si Wendy magisa sa may ilalim ng isang puno, nakasuot ang Atenean ng airpods niya habang nagbabasa ito ng libro. 

Pinagmasdan ni Irene si Wendy sa may kalayuan, nakikita niya ang malamlam na mata ng Atenean, naiisip ni Irene kung minsan ba ay nakakaramdam siya ng kahit anong remorse or kahit anong hiya sa pang araw araw niyang buhay.  Nakita ni Irene na tumingin si Wendy sa kaniya, agad na iniwasan ni Irene ang mga mata ni Wendy. "Gagi Irene kawawa naman yung kaibigan mo nababasa na ata yun doon." hindi alam ni Irene kung dapat bang maawa siya kay Wendy o hayaan niya nalang ang Atenean doon. Wala talagang natitirang lakas si Irene para lapitan ang swimmer. Sobrang bigat ng puso ni Irene ngayon. 

Bumuntong hininga si Irene bago siya tumayo, kinuha niya ang payong niya saka nilapitan si Wendy. Dahan dahan na inangat ni Wendy ang ulo niya saka tumingin kay Irene, nakatayo lang si Irene habang pinapayungan si Wendy. "I'm okay..." mahina ang boses ni Wendy, hindi niya alam kung bakit pero nakikita niya ang apoy at galit sa mga mata ni Irene ngayon. Napalunok nalang si Wendy bago iniwasan ang tingin ng Iska. Hindi alam ni Wendy kung ilang minutong katahimikan ang bumalot. Nakatayo lang si Irene sa harap niya at hindi rin ito gumagalaw, nakatingin lang ng diretso at malayo si Irene. 

Pilit na pinipigilan ni Irene ang pagtulo ng mga luha niya, bakit sa ganitong pagkakataon niya pa malalaman ang mga bagay na katulad nito. Gaano ba kahirap na tumingin ulit sa mata ng taong minsan niyang tinuring na kaibigan, at taong sobrang nagpagaan ng loob niya. 

Sa pagtila ng ulan, nagsimula na silang bumaba sa bundok. Nakita ni Irene na naunang naglalakad si Wendy kaya agad naman siyang nakaramdam ng awa. Ano ba ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na ito? "Di mo ba kakausapin yung friend mo?" napatingin si Irene kay Solar, nakasunod ito sa kaniya habang tinitigan nila si Wendy. Pangalawang mission na ni Irene ito na nakasama niya si Wendy, nakikita naman ni Irene ang eagerness at ang willingness ni Wendy na tumulong, pero bakit mas nangingibabaw ang galit at sakit na nararamdaman niya ngayon. 

"Huh?" ayun nalang ang nasagot ni Irene kay Solar bago siya patuloy na naglakad, ano nga ba ang dapat niyang sabihin or gawin? Sa mga oras na ito, gusto ni Irene na umiyak at lumayo kay Wendy. Gusto niyang ibalik nalang ang mga oras at panahon, pipiliin niya na hindi niya nalang makilala ang swimmer. 

Sa bawat minuto na nakikita ni Irene si Wendy, mas lalong bumibigat ang puso niya. Gusto niya nalang na maiyak at komprotahin ang swimmer pero hindi niya ito magawa. Paano mairaraos ni Irene ang araw na ito? Makalipas ang halos dalawang oras nakarating narin sila sa may paanan ng bundok. Tahimik na nakatayo si Wendy sa may di kalayuan habang hawak ang susi niya. "Di mo ba kayang kausapin? Wala naman siyang kasalanan Joohyun." napalunok si Irene, oo walang kasalanan si Wendy, alam niya yun, hindi rin naman pinili ni Wendy na ipanganak siya sa pamilyang ito. Walang kasalanan si Wendy, pero may kasalanan ang pamilya nito sa pamilya ni Irene. 

"Mauna na ako." tipid na sagot ni Irene habang bitbit niya ang tote bag niya, nakita niyang tumingin si Wendy sa kaniya pero dali dali itong naglakad papunta sa sakayan ng jeep at mga tricycle. Nagulat ang Atenean kaya agad agad niyang nilock ulit ang pinto ng sasakyan niya bago niya sinundan si Irene. 

"Irene... why are you riding that?" pinunasan ni Irene ang tumulong luha sa mga mata niya bago siya agad na pumara ng tricycle.Sinenyasan naman ng Atenean ang driver bago niya tinitigan si irene. "Can you tell me what's wrong? May nagawa ba akong kinagalit mo or like nasaktan ba kita? Can you tell me instead of ignoring and suddenly giving me silent and cold treatments." Ano nga ba ang nagawa ni Wendy para gawin ni Irene sa kaniya to? Alam ni Irene sa sarili niya na wala namang kasalanan ang babaeng nakatayo sa harap niya ngayon. Pero mas nararamdaman ni Irene ang galit ang hinagpis sa puso niya. Ilang taon na ang lumipas pero dala parin ni Irene ang sakit na dinulot ng isang trahedya sa buhay niya. Trahedya na maaring naiwasan kung hindi lamang sana naging sakim sa yaman at kapangyarihan ang mga taong nakaupo.

"Kuya tara na po." napagilid nalang si Wendy bago siya bumuntong hininga habang pinapanood ang tricycle na unti unti nang nawawala sa paningin niya. Napatingin si Wendy sa mga kaibigan ni Irene bago niya pinindot ang susi ng sasakyan niya. Pagkapasok ni Wendy sa loob ay napapikit na lang siya bago niya inuntog ang sarili niya sa may steering wheel ng sasakyan niya. 

Nalilito si Wendy, gusto nyang malaman kung bakit siya iniwan ni Irene.

-

Isa sa mga pinakaayaw na gawin ni Irene ay ang bisitahin ang lugar na ito, may bitbit na bulaklak ang dalaga at dalawang kandila. Ilang taon na ba ang lumipas? Pilit na kinakalimutan ni Irene ang isang trahedya na nagpabago sa buhay niya, pero parang lahat ay bumalik ngayon. Sinindihan ni Irene ang kandila saka dahan dahan na inalis ang mga dahon na tumatakip sa pangalan ng isang taong mahalaga sa kaniya. 

Roberto Ocampo

January 19, 1972 - February 21, 2008

Ilang minutong tinitigan ni Irene ang lapida bago siya tuluyan na napaupo, nawalan na nang lakas ang mga tuhod ni Irene. Sanay ang mga taong nakapaligid sa kaniya na sobrang lakas niya at palaban. Pero sa mga oras na ito, hindi na napigilan ni Irene ang mga emotion na ilang taon niyang pilit na itinatago sa lahat. "Pa, ilang taon na ba? Ilang taon ko nang pilit kinakamit ang hustisya pero bakit wala akong maibigay sayo." kasabay ng pagtulo ng luha ni Irene ay ang pagdilim ng kalangitan, malapit nang lumubog ang araw at sigurado si Irene na mababalot na ng kadiliman ang lugar na kinakaupuan niya ngayon. Kagaya lamang ng puso niyang puno parin ng galit at puot. "Pa, bakit kailangan ko pang mapalapit sa anak ng taong naging dahilan ng paglisan mo sa mundo? Pa, paano ko makakamit ang hustisya kung mas lalo pa silang naging mas makapangyarihan?" paano matutulak ni Irene ang sarili niya na mag function ngayong nakasalamuha niya ang anak ng dahilan kung bakit nawala ang sarili niyang ama. Paano niya mapapatakbo ang buhay niya kung alam niya na kahit kailan ay hindi niya na makakamit ang hustisyang ilang taon niya nang pilit nilalaban. "Pa, bakit ganun? Siya masaya sa buhay niya, buo ang pamilya niya pero eto ako, eto ako wala ka ngayon sa tabi ko, wala pa si nanang sa tabi ko kasi kailangan niya magtrabaho sa malayong lugar para lang makaramdam ako ng kaginhawaan sa buhay ko." pinunsan ni Irene ang mga luha sa mata niya, sobrang bigat ng puso ni Wendy habang nakatingin lang sa pangalan ng ama niya. Walang nararamdaman si Irene ngayon kung hindi ang galit sa gobyerno at lalo na sa pamilya ni Wendy. 

Ilang oras na umupo si Irene sa tabi ng tatay niya, tahimik niyang pinagmamasdan ang kadiliman bago niya napagdesisyunan na umuwi nalang. Pilit na hinihila ni Irene ang sarili niya na maglakad papasok sa bahay nila. Nakita ni Irene na nakaupo si Wendy sa labas sa may tabi ng sasakyan niya. Hindi maihakbang ni Irene ang mga paa niya, hirap na hirap ang dalaga na lumapit man lang. Nagtama ang mga mata nila ni Wendy, agad agad na tumayo ang Atenean bago siya tumingin kay Irene. "I..." hindi rin alam ni Wendy kung ano ang sasabihin niya, nakita niyang walang emotion ang mga mata ni Irene habang nakatingin sa kaniya. Napalunok at napaatras ang Atenean para bigyan ng space si Irene. Nakita niyang napakagat sa ibabang labi niya ang Iska bago ito pumaso

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much