Bagong Simula

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi malaman ni Irene kung bakit siya ngayon pabalik sa Baguio habang nakasakay sa sasakyan ni Wendy, tahimik na nagmamaneho ang atenista habang umiinom ito ng kape. "Ano sabi ng mama mo?" tumingin si Irene kay Wendy bago niya nilapag ang kape sa may cup holder. Sandaling natahimik si Irene bago ito ngumiti sa kaibigan. 

Kaibigan, ansarap pakinggan at isipin na kaibigan parin ni Irene si Wendy. "Gusto ka daw niya kausapin, hindi ko nga alam kung bakit eh." napalunok naman ang swimmer bago iniwasan ang tingin ng kaibigan niya. Naisip ni Wendy kung ano ba ang maaring marinig niya mula sa mama ni Irene, mula sa asawa  ng taong nawala dahil sa kasakiman ng ama niya. "Wag ka magalala, si nanang ang tumulong sakin para magkaroon ulit ng lakas ng loob na kitain ka. Sigurado ako na magpapasalamat lang rin siya." natawa si Wendy nung ihinto niya ang sasakyan niya sa isang gasoline station. Oras narin kasi ng hapunan kaya napagisipan muna ni Wendy na huminto para makakain sila. 

"How can you do that?" tumaas ang kilay ni Irene habang nakatingin kay Wendy, inalis ng mass communication student ang kaniyang seatbelt. "I mean, you reading my mind." napailing si Irene bago siya lumabas ng sasakyan, agad rin siyang lumapit kay Wendy habang nakangiti. 

"Eh kaibigan mo ko eh! Diba sinabi ko naman sayo na para kang isang open book, alam ko agad kung ano nararamdaman mo." natawa nalang silang parehas habang naghahanap ng makakainan, nakita naman agad ni Wendy ang tindahan ng mga ramen kaya dali dali niyang hinila papasok si Irene sa loob. "May jollibee at chowking naman bakit dito pa tayo kakain?" umiling nalang si Wendy bago hinila ang upuan para umupo si Irene, parang automatic na gumalaw ang katawan ni Wendy para hilain ang upuan para kay Irene. 

"I'm craving sushi, I hope you don't mind." napangiti nalang si Irene nung makita niyang umupo si Wendy sa tabi niya. Nakita ni Irene na lumapit ang lalaking waiter kaya agad siyang tumingin kay Wendy na nakaakbay ngayon ang braso sa may upuan niya. "What do you want?" napalunok si Irene habang nakatingin kay Wendy, nakafocus ang mata ng swimmer sa kaniya, hindi alam ni Irene kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya. 

"K..Kahit ano basta walang m..manok." hindi napigilan ni Wendy ang pagngisi niya bago tumingin ulit sa waiter na diretcho parin ang tingin kay Irene. Napalunok ulit si Irene nung maramdaman niyang dumausdos ang kamay ni Wendy sa may bewang niya bago siya nito hinigit palapit sa kaniya. 

"Nasabi ko na yung order namen, what are you doing?" umirap si Wendy habang nakatingin parin sa waiter. Si Irene naman napalunok lang habang nakatingin sa swimmer. Nakataas rin ang kilay ng Atenean kaya agad agad na umalis rin ang waiter. "Are you okay?" dahan dahan na tumango si Irene bago umiwas ng tingin, inabot rin ni Irene ang baso ng tubig bago ito ininom ng isang diretcho. Natawa nalang ang Atenean bago siya nagpunas ng kamay gamit ang wet tissue. "Sobrang namumula ka, here's more water." hinampas ni Irene ang braso ng swimmer na natawa nalang rin.

Ilang minuto bumalik rin ang waiter bago sinerve ang mga pagkain. "Miss" napatingin si Wendy sa waiter na nagaabot ng papel kay Irene, agad na kinuha ni Wendy ang papel bago tinitigan ang nakasulat dito. Nagulat naman si Irene nung tumayo si Wendy sa upuan niya. 

"I need to talk to your manager." hinawakan ni Irene ang kamay ni Wendy, agad namang bumuntong hininga si Wendy at umupo ulit sa tabi ng Iska. Hindi binitawan ni Irene ang kamay ni Wendy habang nakatingin ito sa waiter. "Who gives you the right to be disrespectful?" hindi alam ni Wendy kung bakit sobrang nagagalit siya pero nung maramdaman niya ang kamay ni Irene ay parang unti unting nalusaw ang galit niya. Ayaw ni Wendy na binabastos sa harap niya si Irene kaya gusto niyang maturuan ng leksyon ang waiter. 

"Wendy... okay lang ako." pinisil ulit ni Irene ang kamay ni Wendy kaya naman kumalma na ito, agad namang dumating ang manager sa may table nila kaya tumingin si Irene sa gagawin ni Wendy. 

"Good evening, gusto ko lang sabihin na I hope your workers knows how to respect your customers especially ang mga babae." tipid na tugon ni Wendy bago siya tumayo, nilapag rin ni Wendy ang bayad para sa pagkain bago inabot ang kamay niya kay Irene. "Sa iba nalang tayo kumain. I don't like it here anymore." wala namang nagawa si Irene kundi hawakan nalang ang kamay ng Atenean, agad agad rin silang lumabas ng restaurant.

Pagkadating sa labas, napabuntong hininga nalang si Wendy bago tumingin kay Irene, hindi rin binibitawan ni Irene ang magkasiklop nilang kamay. "Akala ko gusto mo ng sushi?" napailing si Wendy bago iniwsan ang tingin ni Irene, nakita niya ang maliit na ngiti sa mga labi ng dalaga habang nakatingin sa kaniya. 

"I can hire a chef to make me one paguwi natin, I can wait, I just can't stomach seeing a man disrespecting you like that."  sa hindi malamang dahilan ni Irene, bumilis ang tibok ng puso niya. Nakakunot parin ang noo ng swimmer habang nakatingin sa may pintuan ng restaurant na pinanggalingan nila. Napaisip si Irene kung ganito ba si Wendy pag dating sa mga kaibigan niya, alam niyang likas na mabait ang swimmer, hindi narin bago sa kaniya na inuuna siya ni Wendy at palagi siyang inaasikaso. Likas na mabait si Wendy at maalaga, napapaisip si Irene kung paano makitungo si Wendy sa mga tao sa loob ng paaralan at maging sa kanilang swimming team. "Ouch, bakit mo ako pinitik?" natawa si Irene saka niya binitawan ang kamay ni Wendy, tinakpan ng atenean ang noo niyang pinitik ni Irene. 

"Grabe kasi pag kakunot ng noo mo eh! Halika na mahirap pag lalo tayong gagabihin sa daan." hinila ni Irene si Wendy pabalik sa sasakyan niya, wala namang nagawa si Wendy kundi sumunod nalang. "Mag drive-thru ka nalang diyan sa Jollibee, pwede na yan." Jollibee, nakakatawa dahil sa loob ng ilang dekadang nabubuhay ni Wendy hindi pa siya nakakatikim ng Jollibee. 

"Maniniwala ka ba if I tell you na I haven't tried Jollibee ever since?" napatingin si irene kay Wendy, nanlaki pa ang mata ng Iska dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula kay Wendy. 

"Seryoso ka ba!?" tumawa nalang si Wendy bago siya nagsimulang magdrive, pagkadating sa drive-thru tinit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much