Bente Tres

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Maraming mga bagay bagay ang tumatakbo sa isip ni Seungwan, kasalukuyan siyang nakasakay sa van papunta sa Airport dahil papunta na siya sa Vietnam para sa SEA Games. Nakasuot ng airpods ang swimmer habang nakatingin ito sa may bintana, naramdaman niya ang tapik ni Tiffany kaya naman agad siyang tumingin sa dati niyang coach na nagpumulit na sumama sa kaniya papunta doon. “Heard your mom and dad is on the way to the airport right now.” tumaas ang kilay ng swimmer bago niya kinuha ang cellphone niya para tawagan si Joohyun.

Ilang minuto ang lumipas bago ito sumagot. “Hyun, can you release the article now, please?” nakatingin si Tiffany sa kaniya, puno ng katanungan ang mata ni Tiffany pero napabuntong hininga si Seungwan. “Yes, ayat, I’m sure, please do it for me, for us.” nakita niyang napangiti si Seungwan bago ito umayos ng upo, hindi mapigilan ni Tiffany na mapangiti dahil nakikita niya ang saya sa mata ni Seungwan. “Yes, ma’am nasa bag ko po yung pinadala na vitamins ni nanang, and opo babalik po ako after three days.” napatingin nalang si Tiffany sa may bintana dahil malapit narin sila sa Airport, nakita rin nito na medyo maraming media ang nasa may parking lot.

“Ready?” tumango naman si Seungwan pagkatapos niya ibaba ang tawag, agad rin itong nagbrowse sa may phone niya, habang nasa may website siya ng bloom entertainment ay agad niyang nakita ang latest article.

The story of our Ace Swimmer and National Team member Seungwan.

Seungwan is known for being a timid and quiet girl, even as a young swimmer from Brent and finally transitioning to Ateneo. She’s known for being so hard-working and for always trying to beat all her records.

But behind those skills, charisma, talent, and visuals, lies a story that anyone deserves to know.

I sat with Seungwan for a one-on-one interview and I’m glad that I was able to talk to her a week before her first international competition.

When asked about how her preparation went, the swimmer replied with a big smile on her face. Despite the big change in the system since she’s not with her close and supportive coach Tiffany, it was a very wonderful experience. “I’m surrounded by a lot of good people rin throughout the process.” we all know how a good support system is beneficial for someone who is doing a big step such as Seungwan. The swimmer also had a pause before she shared something that made all of us curious. I guess the freedom really helped me to prepare better not only physically and mentally.” there was a slight change in her emotion but she told us she was happy that she was finally taking swimming to another level.

To our surprise, the swimmer also gave a shoutout to a very special girl, that helped her throughout the whole preparation. “Special shoutout to one special girl din pala, di lang siya nandiyan to support me, she prepares me meals after training, kasama ko siya mag exercise every morning and most especially she helped me cope up with everything, without her, this won’t be possible.” I know that a lot of people are admiring the swimmer, but I think the line is no longer valid, as the well-known ace is no longer available.

As per her request from our team, she wants to disclose a letter that she personally wrote to her parents. When I was first reading it, I realized the harsh truth that she used to live with, the harsh live of constantly questioning yourself.

To Seungwan’s parents,

I hope that you can take responsibility of everything, and to finally give your daughter the closure she needs.

At the end of the article, you can see the letter that she personally wrote, so please help us in this battle. For Seungwan’s happiness and peace.

Reporter Joohyun Ocampo

Napalunok nalang si Seungwan bago siya tumingin kay Tiffany, tumango nalang ang coach niya bago lumapit si Seungwan para yakapin ito. Unti unti nang lumalabas ang katotohanan patungkol kay Seungwan kaya naman alam niya na ang possibleng mangyari sa oras na bumaba siya ng Van. “I’m here, and I’m sure na kahit malayo si Joohyun sinusuportahan ka rin niya. Nakita ko yung pagbabago mo Seungwan and I’m proud of you for doing what you think is right.” alam ni Seungwan na totoo yun, may mga taong naniniwala parin sa kaniya kaya walang ibang gusto gawin kung hindi magpasalamat at patuloy na magpatuloy.

Pagkahinto ng van agad na bumaba si Seungwan, nakita niya ang maraming reporter, at ang sunod sunod na tunog ng camera shot, naramdaman niya ang pagsikip ng dibdib niya kaya naman napatingin siya kay Tiffany na agad rin siyang hinawakan. “Please give way kay Seungwan.” nagulat si Seungwan nung marinig niya ang familiar na boses, nakita niya si Joohyun na nakatayo sa may tabi niya nakasuot ito ng office attire niya at suot pa nito ang ID niya. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Joohyun bago siya tumayo sa may harap ni Seungwan, nagulat naman ang ilang reporter sa ginawa ni Joohyun pero walang paki ang Iska. Naramdaman niyang lumapit si Seungwan sa kaniya kaya naman hinayaan niya nalang ang swimmer na ilagay ang kamay niya sa balikat nito.

Habang naglalakad sila ay naririnig ni Seungwan ang mga bulungan sa paligid, nariirnig niya rin ang pagsunod ng mga reporter kaya mas lalo siyang kinakabahan. “Seungwan! Balita ko naglabas ka ng letter para sa mama at papa mo!” parang nabibingi si Seungwan sa mga naririnig niya, kaya naman naramdaman niya nalang ang kamay ni Joohyun saka niya pilit na inaalis ang bara sa may lalamunan niya. “Sinasabi ng karamahinan na ungrateful ka at wala kang utang na loob sa mga magulang mo!! Anong masasabi mo dito!!” napahinto ang swimmer sa paglalakad kaya naman pati si Joohyun ay nagulat, nakita ni Joohyun kung paano tumigin si Seungwan sa mga reporter. “Hindi ba dapat ay magpasalamat ka nalang sa kanila?! Binigay nila lahat! Alam naman natin kung gaano kadedicated si Senator sa pagsisilbi sa bayan.” gustong masuka ni Seungwan habang pinapakinggan kung ano pa ang sinasabi ng mga reporter sa harap niya. Wala siyang ibang maramdaman kung hindi ang sakit dahil kahit kailan ay walang ibang makakaintindi sa kung gaano kasakit ang mga bagay na pinagdaanan niya. “Tignan mo pumunta pa sila dito para ibigay ang suporta sayo pero anong…” hindi natapos nang reporter kung ano man ang gusto niyang sabihin dahil nagsalita narin ang swimmer.

“Kung makapagsalita kayo ay parang alam niyo lahat ng pinagdaanan ko.” nagulat ang mga reporter dahil madalas ay hindi talaga sumasagot si Seungwan sa mga tanong kahit gaano ito karisky at kung gaano ito kabastos. Ito ang kauna unahang beses na nagsalita si Seungwan. “Hinding hindi niyo maiintindihan kung ano ang mga bagay na ilang taon kong pilit tinago. Masisi niyo ba ako kung hahantong ako sa punto na kailangan ko nalang na bitawan ang lahat?” humigpit ang hawak ni Seungwan sa suot niyang backpack bago siya ngumisi at tumingin kay Joohyun. Nakita niyang nakatingin lang sa kaniya ang mahal niya kaya naman mas pinili ni Seungwan na magpatuloy. “Hindi ako nandito para sa mga magulang ko, nandito ako bilang si Seungwan, nandito ako para irepresenta ang bayan, sana respetuhin niyo nalang yun.” agad ring nagsimulang maglakad si Seungwan habang kasabay niya si Joohyun na papunta sa may loob ng terminal. Nakita ni Seungwan na nakatayo ang Mama at Papa niya, kasalukuyan silang kinakausap ng media kaya hindi mapigilan ni Seungwan na mapangisi bago siya huminto para tumingin kay Joohyun. “Can I kiss you?” pati si Tiffany ay nagulat sa tanong ni Seungwan, nakita ni Tiffany kung paano nanlaki ang mata ni Joohyun pero wala narin itong nagawa nung nagiwan ito ng halik sa pisngi niya.

Wala naman nang nagawa ang iska kung hindi hayaan si Seungwan na nagmadali na naglakad papunta sa check in counter. Napatingin si Joohyun sa mama at papa ni Seungwan bago ito nagshrug at nagsimula nalang rin na maglakad papunta sa check-in-counter. Naririnig ni Joohyun ang mga bulungan pero hindi niya nalang ito ininda.

Dahil alam naman ni Joohyun na hindi siya nandito para sa kanila, bagkus ay nandito siya para suportahan si Seungwan.

-

Pagkadating sa Vietnam, ay agad rin na pumunta si Joohyun sa may hotel. Kasalukuyang nakaupo ang reporter habang nagbabasa ito ng mga comment sa article na nilabas niya bago ang naging flight nila ni Seungwan.

****1234: Talaga ang mga kabataan ngayon ay walang utang na loob sa mga magulang nila. Hindi pa ba sapat na pinagaral siya, binihisan at bingay lahat ng kagustuhan at pangangailangan niya?

****2312: What an ungrateful daughter, to think na siya lang anak nila Senador at Mayora. Mas mabuti pang kuhain lahat sa kaniya.

Umigting ang panga ng reporter bago siya tumayo sa may tapat ng bintana ng hotel room niya, saglit na napaisip ang journalist kung paano kabilis ang mga tao na husgahan si Seungwan, lalo na at hindi naman nila alam ang tunay na nangyari sa buhay niya at kun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much