Welcome

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi lubos akalain ni Irene na makakapasok siya sa loob ng isang bar, pero hindi para uminom o magsaya, nandito siya ngayon para sunduin si Seungwan. Dahan dahan na hinaplos ng Iska ang buhok ni Wendy, hindi tumitingin ang swimmer sa mga mata niya kaya napabuntong hininga nalang si Irene bago niya kinuha ang susi ng sasakyan ni Wendy. “Seungwan, uuwi na tayo. Kaya mo bang tumayo?” umiling ang swimmer bago hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ni Irene. Napabuntong hininga nalang ulit ang Iska bago dali daling kinuha ang cellphone niya.

Tinawagan ni Irene si Seulgi habang nakatayo lang siya at nakasubsob ang mukha ni Wendy sa may tiyan niya. “Yes, Miss Joohyun? Ano po yun?” para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Irene nung sumagot ang tanging tao na alam niyang makakatulong sa kaniya sa mga oras na ito. Hindi rin naman kasi marunong mag drive si Irene at hindi niya naman kaya iwan ang sasakyan ni Wendy sa may labas ng isang bar.

“Seulgi, pwede mo ba akong tulungan? Lasing kasi si Seungwan at hindi ko alam kung paano ko siya maiuuwi.” narinig niya ang pagsara ng pinto sa may kabilang linya, narinig niya rin na nagmamadali si Seulgi kaya sobrang gumaan ang loob ni Irene dahil sa wakas may makakatulong na rin sa kaniya. Iniisip niya rin kasi kung ano ang mga possible na mangyari kung hindi nila agad maiuuwi si Wendy.

“Sige, send mo sa akin address papunta na ako.” nag pasalamat ang Iska bago niya binaba ang tawag. Agad niya ring pinaayos ng upo ang Atenean na malamlam ang mata ngayon, namumula rin ang tenga ni Wendy pati ang mga mata nito. Napangiti nalang si Irene bago inayos ang magulong buhok ni Wendy.

“Ang ganda ganda mo.” nakangising sabi ni Wendy habang pinagmamasdan ang mukha ni Irene. Pinisil niya ang pisngi ng Iska bago umiling iling na parang bata. “Pero alam mo ba, mas maganda yung side profile mo.” natawa nalang si Irene habang pinagmamasdan si Wendy, si Wendy pa ang nagtagilid ng mukha ni Irene bago siya pumalakpak na parang batang nanalo sa pa-games sa birthday party. “F…, sobrang ganda mo.” kitang kita sa mukha ni Wendy ang pagkamangha sa mukha ni Irene, namumula lalo ang leeg ni Wendy bago siya ngumisi saka tumingin sa mga mata ni Irene. “Mahal kita.” at iyon ang huling nasabi ni Wendy bago siya tuluyang nakatulog at bumagsak sa balikat ni Irene.

Napahugot ng malalim na hininga si Irene bago niya tinapik tapik ang likod ni Wendy. Mabilis ang tibok ng puso ng Iska, hindi niya lubos maisip na sa mga oras na ganito sasabihin ni Wendy ang mga katagang gustong gusto niya marinig noon pa. “Ay-ayaten ka, Seungwan.” mahinang pagsusumamo ni Irene.

At ang tanging gusto ni Irene ay maalala ni Wendy ang mga sinabi niya ngayong gabi.

-

“Miss Irene, sure ka bang kaya mo na?” narinig ni Irene ang boses ni Seulgi pagkatapos niyang maipahiga si Wendy sa may kama niya. Hinihingal pa si Irene kaya naman napaupo rin siya sa kama bago siya tumingin sa kaibigan ni Wendy.

“Ah… oo Seulgi, salamat sa tulong mo. Ako na bahala kay Seungwan.” tumango naman si Seulgi bago siya ngumiti at lumabas sa kwarto, agad ring sumunod si Irene para maisara niya ang pinto nila.

“Thank you, Miss Irene. Sa pagaalalaga kay Seungwan.” ngumiting tipid nalang ang Iska habang hawak niya ang doorknob. Nakatingin lang si Seulgi kay Joohyun at hindi niya mapigilan na tapikin ang balikat niya. “I hope you can be way more patient towards her, bago ang lahat para sa kaniya. I’m sure nahihirapan lang siya to understand herself and the possibility of her being overwhelmed with her emotions is likely possible.” alam naman ni Irene yun, alam niya kung gaano ka inosente si Wendy at gaano siya madalas kaclueless sa mga nangyayari sa paligid. “I know she’s trying her very best, she’s genuine. I know my friend.” humakbang palayo si Seulgi bago siya kumaway kay Irene, nagpasalamat nalang ulit ang Iska bago niya sinarado ang pinto.

Pumasok si Irene sa kwarto ni Wendy na may dalang basin na may maligamgam na tubig at bimpo. Dahan dahan na umupo si Irene sa may maliit na space sa kama bago pinatong ang basin sa may bedside table. Pinigaan niya ang bimpo bago dahan dahan na pinunasan si Wendy. “Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagpakalasing ng sobra.” mahina ang boses ni Irene pero hindi niya maalis ang tingin niya kay Wendy, payapa ang mukha ng swimmer at hindi lubos maisip ni Irene na kailangan pang uminom ng ganito ni Wendy para lang matamasa niya ang saglit na katahimikan at kapayapaan sa puso at isip niya. “Alam mo ba, kanina lang nagkaroon na naman ng misconception sayo ang isang tao na hindi ka naman lubos na kilala.” medyo natawa si Irene habang pinupunasan ang mukha at leeg ni Wendy, napailing siya dahil naalala niya na naman ang sinabi ng guard kanina. “Kung alam lang nila kung gaano ka kabait at kainosente ano? Ayaw na ayaw ko na may maling assumption ang mga tao sayo. Hindi ka naman nila kilala Seungwan.” binaba ni Irene ang kamay niya habang nakatingin lang kay Seungwan. Masakit para kay Irene na maisip na patuloy na nabubuhay si Wendy sa isang mundo na hindi niya naman gusto. “Nasasaktan ako na nakakarinig ako ng mga salitang ganoon, kasi alam kong hindi ka katulad nila. Ibang iba ka sa mga iniisip nila. Kung alam lang nila kung paano mo nabago ang pananaw ko patungkol sa mga bagay. Kung paano kita nakita bilang si Seungwan Herminigildo na malayong malayo sa mga magulang mo.” humigpit ang hawak ni Irene sa may bimpo bago siya humugot ng malalim na hininga, hindi alam ni Irene kung ano ba dapat niyang maramdaman ngayon bukod sa galit at puot sa puso niya. Hindi lubos akalain ni Irene na hindi lamang pag dating sa tatay niya siya maghihirap sa kamay ng mga Herminigildo. Hindi naisip ni Irene na kahit pagdating sa oras na bubuksan niya ang puso niya ay magiging hadlang ang isang Emilio at Maria Herminigildo. “Matulog ka ng mahimbing hmm?” tatayo na sana si Irene mula sa kama ni Wendy nung maramdaman niyang hawakan ng swimmer ang kamay niya. Napatingin si Irene kay Wendy, nakadilat ito at bakas ang tama ng alak sa sistema niya.

“I’m hurting.” nakita ni Irene kung paano napalunok si Wendy, humigpit ang hawak niya sa kamay ng Iska, takot na kapag mabitawan niya ito ay bigla nalang maglaho si Irene. Kinagat ni Wendy ang ibabang labi niya habang pilit na hindi tumitingin kay Irene. “Palagi kong naiisip na anong bang meron ako? Sino ba ako? Do I even deserve you.” sa mga pagkakataon na ito, si Irene naman ang nasaktan, hindi lubos maisip ni Irene na ganito ang mga bagay bagay na naiisip ni Wendy. Hindi niya akalain na nababalot ng takot ang puso ng taong mahal niya. Gusto ni Irene na alisin lahat ng pangamba niya, gusto niyang palaging masaya si Wendy, at kung dumating man ang oras na malungkot o nasa lowest point si Wendy, gusto ni Irene na palaging maisip ng swimmer na nandito siya at hindi siya nagiisa. “That guy… he looks perfect, may stable siyang career, he looks nice, he’s stable mentally compared to me. I’m nothing.” napabuntong hininga si Wendy bago tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi maintindihan ni Wendy kung bakit sobrang sakit nang nararamdaman niya. “He is a nice man, meanwhile I’m the only daughter nang politician na kinamumuhian mo. Anak ako ng dahilan kung bakit w…wala na ang papa mo. Kung bakit ka lumaki na wala rin ang mama mo.” napalunok si Irene dahil hindi niya akalain na umabot sa ganitong estado ang pagiisip ni Wendy, binitawan ni Wendy ang kamay ni Irene bago ito tumingin sa mga mata ng Iska. Pinipigilan rin ni Irene na maluha dahil sobrang sakit na makita niyang nagkakaganito si Wendy. “Y..You can choose someone else, you can leave me.” parang sinaksak ang puso ni Irene lalo na nung makita niyang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mata ng Atenean. “You are free to do so, sabi ni Seulgi… if you love someone, you can choose to let them go para sa ikakabuti niya. I love you Joohyun, and if you are better without me, lalayo ako. Babalik lang naman ako sa dating gawi.” pinunasan ni Wendy ang luha niya bago niya pinikit ang mata niya. Hindi na kaya ni Wendy labanan ang tama ng alak.

“Seungwan… hindi kita iiwan. Mahal kita.” mahinang pagsusumamo ni Irene nung makita niyang nakatulog na ulit si Seungwan. Ang tanging hiling ni Irene ay marinig ni Wendy ang pagsusumamo niya.

-

Nagising si Wendy nung marinig niya ang ingay sa labas ng kwarto niya, narinig niya ang isang familiar na boses kaya dali dali siyang tumayo mula sa kama niya. Nakita niya ang papa niya sa may sala habang may bitbit na folder. “Ganoon na ba kakakapal ang mukha mo? Hindi lang pera, talagang dito ka pa tumira sa pamamahay ng anak ko!” binato ni Emilio ang folder sa mukha ni Joohyun, diretcho ang tingin ni Joohyun sa tatay ni Wendy bago siya ngumisi at pinulot ang mga laman sa loob ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much