Going Back?

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Sa dami ng mga bagay na pwede mangyari, hindi lubos maisip ni Wendy na mawawala siya sa gitna ng Baguio. Nagpaalam kasi siya kay Irene na mag c-cr lang siya saglit, pero nagulat siya nung paglabas niya ay wala na si Irene sa may station ng tricycle. Napabuntong hininga ang Atenean habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Napaisip si Wendy kung tutuparin ba ni Irene ang pangako niya kung ngayon palang ay iniwan na siya nito.

Hindi alam ni Wendy kung ilang minuto na ba ang lumipas, nakakaramdam na ng kaba ang atenean kaya nagsimula siyang maglakad. Tahimik na naglalakad si Wendy nang maramdaman niya ang kamay sa may wrist niya. "Wendy! Saan ka ba pupunta?" nakaramdam si Wendy ng kagaanan sa loob niya nang marinig niya ang boses ni Irene. "Bumili lang ako ng ipapasalubong ko sa tita ko tapos nawala ka na doon." tumingin si Wendy sa mga mata ni Irene, gusto niyang titigan ang babae gamit ang mga mata niyang walang kaemotion emotion pero hindi niya ito magawa. Hindi niya magawa dahil sa unang pagkakataon napagtanto ni Wendy na hindi siya binigo ni Irene. "Sabi ko naman sayo na doon ka lang at magantay ka diba? Okay lang ba? Marami pa namang mapagsamantala ngayon lalo dito sa night market." nakatingin lang ang Atenean sa Iska, hindi niya lubos maintindihan kung paano napapagaan ni Irene ang kaniyang pakiramdam. 

"I'm okay, I was just confused because you were not there anymore." bumuntong hininga si Irene saka agad na may kinuha sa loob ng plastic na hawak niya. Pinapanood lang siya ni Wendy at nagulat si Wendy nung inabutan siya ng isang  keychain ni Irene. Madalas nakakatanggap ng regalo si Wendy mula sa mga taga hanga niya, lalo na mula sa mga kaibigan ng magulang niya sa larangan ng pulitika, pero ito ang unang pagkakataon na nakatanggap si Wendy ng bagay na ganito kaliit. Tinanggap ni Wendy ang keychain saka tinitigan ito, nakita niya ang pangalan niya na nakasulat sa likod ng keychain. 

"Di ko kasi alam kung ano bibigay ko sayo before tayo maghiwalay tonight. Ayun as a reminder pinapersonalized ko yung keychain with the date today and your name." namangha si Wendy habang hawak niya ang maliit na keychain. Sanay siyang makatanggap ng mga grande na regalo, mula sa mga bag, gadgets, musical instrument, at maging mga alahas at sasakyan. Hindi nakakaramdam ng saya si Wendy sa tuwing nakakatanggap siya ng regalo mula sa mga magulang niya pati narin sa mga kaibigan nito, pero ibang iba ang saya na nararamdaman ni Wendy habang tinitignan ang maliit na keychain sa kamay niya ngayon. "I'm sure wala yan sa mga natatanggap mong regalo pero ayun sana maalala mo ang ganda ng Baguio sa tuwing makikita mo yan." nagsimula nang maglakad si Irene kaya sumunod nalang rin siya. Naisip ni Wendy na kung paano ang isang maliit na bagay na binigay ni Irene sa kaniya ay agad na nagpangiti sa kaniya. "Sigurado ako na di mo naman isasabit yan pero sana pagbalik mo ulit dito maalala mo yung short time na nakita mo yung ibang places here." tumingin si Wendy kay Irene, nakatayo na sila ngayon habang nagaantay ng jeep pabalik sa resort. 

"How sure are you na I won't use it?" natawa si Irene habang umiinom sa hawak niyang bote ng tubig. Umiling pa ang mass communication student bago binaling ang tingin kay Wendy. Si Wendy naman nakakunot ang noo habang hawak parin ang keychain na bigay ni Irene sa kaniya. 

"Masisira yung mga mamahalin mong bag pag nilagyan mo niyan." napairap nalang si Wendy bago siya umiling. Alam na nga agad ng Atenean kung saan niya pwedeng ilagay itong keychain na binigay sa kaniya ni Irene. Magsasalita na sana siya nung biglang dumating ang jeep. 

Agad agad narin sila sumakay dito, alas otso na ng gabi, masyadong naging puno ang araw na ito kay Wendy. Iginala niya ang tingin niya sa loob ng jeep. Ganito ba ang buhay ng mga normal na mamamayan? Kita niya sa mga mata ng tao ang pagod nila sa loob ng jeep. Tumingin rin siya sa napakahaba na pila ng mga tao na nagaantay ng susunod pang jeep. "Why do they have to line up like that?" tinanong ni Wendy si Irene, agad namang bumuntong hininga ang babae sa tabi niya bago ngumiting tipid. 

"Mahirap talaga ang transportation dito, siguro dahil narin sa packed ang lugar, madalas din traffic at may kakulangan talaga sa attention pagdating sa sector ng pampublikong transportasyon." nakita ni Wendy ang mga mata ni Irene na nakatingin sa mahabang pila ng tao sa labas, kaya tumingin rin siya ulit dito? Sa mga pagkakataon na ito, napagtanto ni Wendy na sobrang maswerte niya dahil hindi niya kailangan na maghirap sa bawat araw para lang makauwi at makaalis. "Sana pagtuunan ng gobyerno ang sector ng transportasyon dahil nagkukulang talaga ang gobyerno sa pagaksyon sa mga bagay patungkol dito, kadalasan mas nakakapagod pa ang byahe at ang hirap sa pag access dito kesa sa mismong trabaho ng tao. Sigurado ako na triple ang hirap ng mga tao sa Maynila kesa sa nakikita mo ngayon." bumuntong hininga si Irene bago umayos ng upo, napatingin nalang rin si Wendy sa harap bago siya bumuntong hininga. 

Hindi niya lubos maintindihan ang mga bagay bagay, pero nung marinig ni Wendy ang salitang gobyerno mula kay Irene, nakaramdam siya ng bigat at galit. Napalunok nalang siya bago niya pinikit ang mga mata niya. Paano nagawang sabihin ni Irene na nagkukulang ang gobyerno kung hindi man lang siya napaglaanan ng attention ng magulang siya throughout sa paglaki niya. Pinagmasdan ni Wendy ang mga sasakyang dumadaan, nakikita niya na may mga taong pinipili nalang rin maglakad. Halos hindi umuusad ang daloy ng mga sasakyan pabalik sa labas ng bayan. Napaisip si Wendy na baka totoo ang sinasabi ni Irene? Totoo na nagkukulang ang gobyerno, pero hindi ito kayang tanggapin ni Wendy. Hindi niya kayang tanggapin ito lalo nang alam niya sa sarili niya na hindi siya nakatanggap ng ano mang attention o pagmamahal mula sa magulang niya simula nung pinasok nila ang larangan ng pulitika. 

Pinikit ni Wendy ang mata niya, baka sa sandaling oras na pagpikit niya ay makaramdam siya ng katahimikan.  Hindi namalayan ni Wendy na nakatulog siya habang nakasandal sa balikat ni Irene. 

-

Nagising si Wendy nung tapikin siya ni Irene, dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya. Nakita niyang nasa may station na sila ng jeep. "I'm sorry, how many minutes akong tulog?" natawa si Irene saka siya tumayo sa pagkakaupo niya sa jeep, agad ring tumayo si Wendy para makababa na rin siya. 

"What do you mean minutes, it's been an hour and a half." nanlaki ang mata ni Wendy habang nakatayo siya sa tabi ni Irene. Nakangiti ang dalaga habang inaayos ang tote bag niya. "Haba ng tulog mo Wendy, so ayun since we are here naman na. Do you know how to go back to the resort?" umiling agad ang Atenean kaya naman napakamot sa ulo niya si Irene. Last biyahe narin kasi pabalik sa kanila ang mga jeep kaya kapag sinamahan niya pabalik si Wendy sigurado siyang hindi na naman siya makakauwi."Okay sige hatid nalang kita ulit doon." bumuntong hininga si Irene bago agad na naglakad, pumara siya agad ng tricycle kaya naman sumunod agad si Wendy sa kaniya. Sa loob ng tricycle, nakaupo lang sila habang tahimik na binabagtas ang daan pabalik sa resort. Alam ni Irene na malabong makahanap pa siya ng sasakyan pauwi pero naisip niyang mahihirapan talaga si Wendy pag iniwan niya ito. 

Inabot ni Irene ang bayad sa tricycle driver. "Kuya wala nang mga jeep pabalik ano?" tumango naman ang tricycle

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much