Interview

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

 

Simula nung first date nila, mas lalong naging open si Wendy kay Irene. Kasalukuyang nasa check up niya si Wendy habang katabi niya ang coach niyang si Tiffany. “Di mo naman sinabi saken na masakit na pala bakit pinilit mo parin mag try out sa sea games.” nakayuko ang swimmer dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang sasabihin niya sa coach niya. “Galit na galit si tito ha, akala nila madali ang ginagawa mo kung makapagdemand sila sayo. Aba tao kalang naman. Ginawa naman natin ang best para masure na okay ka.” napalunok nalang si Wendy bago siya umayos ng upo dahil bumukas ang pinto, pumasok ang doctor na may hawak na x-ray results.

“Hello Miss Herminigildo, so we already got your x-ray results here. Ask ko lang, coach are you doing some therapies for her shoulder na ba even before na lumala yung pain?” tumango naman si Tiffany bilang sagot, tinitigan niya si Wendy na diretcho lang ang tigin sa doctor. Parang gusto na ni Wendy na matapos ito agad. “She’s experiencing shoulder impingement. I was about to advice her some therapies but I saw sa note from Senator na she needs to recover before the SEA Games.” bumuntong hininga si Tiffany bago niya nilapag ang bag niya sa may mesa ng doctor.

“I don’t want to rush her, we can at least try na mag therapy for two weeks before mag decision na magpasurgery agad. I know Seungwan’s form and she’s in her best one. She just needs some rest!” nakaramdam nang pagod si Wendy kaya tinapik niya nalang ang coach niya. Tumingin si Wendy sa doctor bago siya tumayo mula sa upuan niya.

“Balik nalang ako, let me have some time to think about it.” agad na lumabas si Wendy ng opisina ng doctor bago nagmadaling bumaba gamit ang hagdan, di na ininda ni Wendy na nasa ika pitong palapag siya. Nilabas rin ng swimmer ang cellphone niya para tawagan si Irene.

“Hello, kamusta doctor’s appointment mo?” napangiti nalang si Wendy nung marinig niya ang boses ni Irene. Narinig niya ang pagsara ng locker sa kabilang linya kaya naman napatingin si Wendy sa orasan niya.

“Do you want to have lunch together?” agad na sumakay si Wendy sa sasakyan niya bago sinuot ang earpiece niya at nagsimulang magdrive paalis sa hospital. Sandaling nabalot ng katahimikan ang tawag.

“Saan tayo magkita?” napakagat sa ibabang labi niya si Wendy para pigilan ang ngiti niya, hindi niya kasi inexpect na papayag si Irene dahil alam niyang busy ito sa ilang group activity niya at may klase siya ngayong buong araw sa UPD.

“Punta ako diyan, may makakainan naman right?” natawa nalang si Irene nung marinig niya ang excitement sa boses ni Wendy. “Sunduin kita sa tapat ng building mo. See you wag mo ko mamiss.” natawa nalang rin si Wendy bago niya binaba ang tawag.

Pagkatapos ng ilang minuto, huminto si Wendy sa tapat ng mass communication building. Nakita niyang nakatayo si Irene sa may hagdan kaya naman bumusina siya. Nakita niyang ngumiti ang Iska pero nawala ang ngiti ng Atenean nung makita niya si Jiho na sumusunod kay Irene. “Irene! Nakalimutan mo yung notebook mo kanina sa classroom.” narinig ni Wendy na sabi ni Jiho sakto kasing bumaba rin si Wendy para pagbuksan ng pinto si Irene.

“Thank you Jiho, iniwan ko talaga siya actually kasi gagamitin ni Solar.” nakatingin lang si Wendy sa dalawa habang nakabukas ang pinto ng sasakyan niya. Kinuha nalang ni Irene ang notebook.

“Mag lu-lunch ka ba? Pwede bang sumabay?” di nalang umimik si Irene, nag bow nalang siya bago dali daling bumaba sa may hagdan. Nakita niya si Wendy na nakablue na jacket habang hawak ang pinto ng sasakyan niya.

“Sorry natagalan. You look so lost here abunjing with your blue jacket.” pilit na pinipigilan ni Wendy ang pagtawa niya pero sumuko nalang din siya nung sikuhin siya ni Irene sa may tiyan niya. “Tara na atenista, gutom na ako.” agad ding sinara ni Wendy ang pinto nung makita niyang nakasakay na si Irene, sandaling ring nakipagtitigan ang Atenean sa kapwa niya swimmer.

Pagkasakay ni Wendy sa loob ng sasakyan, agad na kinuha ni Irene ang isang kamay niya. “I’m okay, I’ll tell you what the doctor said later, okay?” nakangiting sabi ni Wendy bago siya nagsimulang magdrive ulit. Sakto rin naman kasing walang pasok ang Atenean kaya marami siyang oras ngayon.

Pagkadating nila sa foodhub, hinubad ni Wendy ang jacket niya at naiwan naman ang suot nitong plain white shirt. “Nainitan ka?” tumawa si Wendy bago tumango, inilagay ng swimmer ang jacket niya sa likod bago tumingin kay Irene. Nakangiti ang Iska habang inaayos ang buhok ni Wendy. “Akala ko ayaw mo lang ma op dito abunjing eh.” umirap nalang si Wendy bago tinapik ang ulo ni Irene. Natawa nalang rin ang Iska bago siya lumabas ng sasakyan ni Wendy.

Nagtingin si Irene kung saan sila pwede kumain habang nasa likod niya rin si Wendy, nakikita niyang uncomfortable ang Atenean dahil sa mga tao sa paligid niya. “Hyun, can you buy me a bottle of water?” agad namang tumango si Irene bago hinawakan ang kamay ang swimmer, agad niya ring pinatayo si Wendy sa may tabi niya bago inabot sa kaniya ang bote ng tubig.

“It’s okay, I’m here.” simple lang ang mga salitang binitwan ni Irene, pero parang kumot na bumabalot sa kaniya. Ngumiti si Wendy bago uminom ng tubig. Napatingin pa ang swimmer sa babae sa tabi niya dahil nakatingin ito sa kaniya.

“Hi! I’m a fan!” napalunok si Wendy nung lumapit ang babae sa kaniya, agad din siyang mas dumikit pa kay Irene na busy na nagbabayad, nagulat naman ang Iska kaya agad niyang tinitigan ang babae sa tabi ni Wendy. “I really admire your song covers din! Not only because of your swimming skills.” tumaas ang kilay ni Irene bago niya inabot kay Wendy ang tray ng pagkain nila. Umiral ang pagiging bakodera ng Iska, hindi ata aware si Roberto at si Jennifer na may anak pala silang future bakodera at hindi future reporter.

“Ayat dalin mo na ito doon, bibili lang kita ng salad.” napakurap ng mabilis si Wendy bago tumingin kay Irene matigas ang titig nito sa kaniya kaya naman agad na napasunod si Wendy. Ayaw niya namang bwisitin pa si Irene, lalo na nung makita niyang ngumiti ito ng peke sa estudyante sa tabi niya.

Umupo si Wendy sa isang bakanteng table, nilapag niya ang tray bago inantay si Irene na pabalik, may hawak itong salad at bote ng fruit juice. Nakasimangot na umupo si Irene sa tabi ni Wendy. “Bakit nakasimangot ka?” di umimik si Irene habang inaabot ang fork ni Wendy, binuksan rin ni Irene ang fruit juice bago siya uminom. “What was that? Eyat?” pilit na pinipigilan ng Iska ang pagtawa niya dahil sa maling pronunciation ni Wendy, nakatingin pa ang swimmer sa kaniya habang hawak ang tinidor niya. “Ano ibig sabihin ng eyat?” sumubo si Irene sa sisig niya bago tumingin kay Wendy, nakasalubong ang kilay niya habang diretcho rin ang tingin kay Irene na may poker face.

Sumubo nalang ulit si Irene bago iniwasan ang tingin ni Wendy, nakita niyang nagpout ito bago sumandal sa upuan, kinuha ng Atenean ang cellphone ni Irene na nakapatong sa mesa. Gustong matawa ni Irene dahil nakita niyang nagpunta ang Atenean sa browser ng phone niya. “Akala ko ba tumira ka sa Baguio?” kunyareng galit na sabi ng Iska, sinubuan niya pa ng salad si Wendy dahil seryoso ang tingin nito sa cellphone niya.

“I did! Pero ilang years lang yun until I’m ten.” napailing nalang si Irene habang pinapanood si Wendy na nakatingin parin sa cellphone ni Irene. “Kasi kung sabihin mo nalang saken ano ba ibig sabihin nang eyat, edi sana di na tayo nahihirapan.” umirap pa ang Atenean kaya mas lalo nalang natawa si Irene.

Sumandal ang Iska sa upuan bago dumekwatro. “Mahal” nakita niyang napalunok si Wendy at pilit na hindi inalis ang tingin sa cellphone niya. Namumula rin ang tenga ng swimmer pati ang leeg niya kaya di mapigilan ni Irene na mamangha sa epektong meron siya sa swimmer.

“H..Ha? Ano?” natawa nang tuluyan ang Iska bago siya napailing saka sinubuan ulit si Wendy ng salad. Namumulang ngumunguya ang swimmer at sobrang sobrang cute sa paningin ni Irene ang abunjing niya.

“Sabi ko, mahal. Mahal ibig sabihin ng ayat. Hindi eyat, ayat po.” ramdam ni Irene ang mabilis na tibok ng puso ni Wendy nung dalin ng swimmer ang kamay niya sa may dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

“Please do something about this.” napailing nalang ulit si Irene bago nagpatuloy sa pagkain, nakita niya ang ngiti sa labi ni Wendy bago ito nagsimulang kumain ulit. At sigurado si Irene na iyon ang ngiti ni Wendy na hindi niya ipagpapalt sa kahit ano pa man.

-

Sakto naman na may two hours vacant si Irene kaya nandito sila ngayon sa sunken garden, nakahiga si Wendy sa may mat na nilatag ni Irene habang nakadantay ang ulo niya sa hita ng Iska na busy na nagbabasa ng libro. “Inaantok ka?” tumango ang swimmer bago pinikit ang mata niya, masaya si Wendy dahil medyo makulimlim ngayon kaya napili nila ni Irene na tumambay dito. “Mamaya pa ako makakauwi, may tatapusin kaming group activity. Nagchat kasi prof namen na just use the time for the thesis.” nilapag ni Irene ang libro na binabasa niya bago niya sinuklay ang maikling buhok ni Wendy, hindi parin ito umiimik at nanatiling nakapikit ang mga mata.

“Can I wait here? Ayaw ko umuwi ka nang magisa lalo na kung late na.” nakapikit parin ang swimmer pero inabot niya ang kamay ni Irene para hawakan ito. Kahit kailan talaga napaka clingy ng atenean at hindi naman nagrereklamo si Irene.

“Ayat, bawal outsiders sa loob ng facility, saan ka magwawait?” dumilat si Wendy bago siya bumuntong hininga. Hindi alam ni Irene kung bakit sobrang ganda at attracted siya sa mata ng swimmer.

“I’ll ask the admin to let me in, sa library ba kayo?” tumango naman si Irene bago inayos ang pagkakahilig ng ulo ni Wendy sa hita niya. Nakita niyang pumikit ulit si Wendy pero di padin binibitawan ang kamay niya. “Will you still be proud of me kapag di ako makalangoy for the SEA Games?” nagulat si Irene sa tanong ni Wendy, kaya naman napatingin siya sa swimmer, nakapikit parin ito kaya hindi mabasa ni Irene ang mga emo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much