Gold
You're my SalbabidaHindi mainitindihan ni Irene kung ano ba ang nararamdaman niya, napapikit ang Iska habang dinadama ang hangin sa labas ng Blue Eagle Gym, ang ironic na makita ang isang Iskolar ng Bayan sa may labas ng gym na para sa mga Atenista, pero nandito ngayon si Irene para panoorin ang huling pag e-ensayo ni Wendy bago siya tuluyang lumahok sa UAAP bukas.
Humikab ang Iska, dama niya ang pagod mula sa shift niya sa OJT kahit na hindi ganoon kapack ang araw na ito para sa journalist. “Sleepy?” narinig ni Irene ang malambing at mababang boses ni Wendy, hinubad pa ng atenean ang jacket niya bago ipinatong sa balikat ni Irene. Narinig ni Wendy ang pagsinghap ng mga kaibigan niya kaya pinandilatan niya nalang ng mga mata ito. “I’m sorry, may pahabol na reminder lang si coach saken kaya ako pinabalik.” hindi naman makaimik si Irene, hindi niya rin naman kasi sigurado kung bakit nagpapaliwanag ang swimmer sa kaniya.
“Okay lang kami abunjing, kay Miss Joohyun ka siguro mag sorry.” natatawang sabi ni Joy bago niya hinila si Seulgi na kumaway nalang bago dali daling nagpunta kung saan nakapark ang sasakyan nila.
Naiwan naman si Irene at Wendy sa may labas ng gym, tahimik ang Iska habang nakatingin lang sa mga nagdadaang mga tao. “Sorry Hyun…” napalunok si Irene, ito ang unang beses na tinawag siyang Hyun ng swimmer, hindi lubos maintindihan ni Irene kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya, lalo pang bumilis ito nung hawakan ng atenean ang kamay niya bago ito pinisil ng bahagya. Napatingin naman ang journalist sa mga mata ni Wendy, alam ni Joohyun na isang pagkakamali ito dahil parang naririnig niya ang mga tunog sa utak niya na “pok pok pok pok” nababasag ang matatag na si Joohyun at dumadating ang marupok niyang bersyon na tanging si Wendy lang ang may kayang magpalabas.
Magsasalita na si Joohyun nung makita niya ulit ang babaeng umangkla kay Wendy kanina lang. Kasabay pa nitong lumabas ang coach ni Wendy kaya wala nalang naibang nagawa si Irene kundi palihim na pumalatak bago inayos ang pagkakahawak sa sling bag niya. “Oh Seungwan, di ka pa ba uuwi?” narinig niya ang boses ng coach ni Seungwan habang nakatingin sa kanila.
“Pauwi narin kami coach.” tipid ang sagot ng Atenean, hindi naman alam ni Irene kung ano ang gagawin niya kaya kinuha nalang ng Iska ang cellphone niya at pa kunwaring nagscroll para mabawasan ang kaba pati narin ang awkwardness na nararamdaman niya. Napataas naman ang kilay ng swimmer dahil hindi niya lubos maintindihan ang mga inaasta ni Irene.
“Ay taga Trimage lang naman si Sana, baka pwede niyo siyang isabay pauwi.” napalunok naman si Irene bago niya tinext ng palihim si Yerim. Inutusan niya ang pinsan niya na tumawag para magawa niya ang binabalak niya. Sumenyas naman si Irene bago siya lumayo para sagutin ang tawag.
Ilang minuto munang nataling nakatayo si Irene doon bago siya bumalik, nakita niyang si Wendy at Sana nalang ang naiwan, tahimik na nakapamulsa ang swimmer habang inaantay si Irene. “Uwi na tayo?” umiling naman si Irene bago siya ngumiti ng peke sa kaibigan niya. Mabigat ang puso ni Irene habang pinagmamasdan ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng atenista.
“Kailangan ko bumalik sa office, may pinapacheck sa akin.” napabuntong hininga si Wendy habang nakatingin kay Irene. Ayaw na ayaw ni Wendy na lumalabas si Irene nang magisa lalo na pag gabi, alam ni Wendy na hindi ligtas para sa kanino man ang lumabas ng ganitong oras.
“Hyun, ihahatid na kita. I’ll wait for you.” napatingin si Irene kay Sana, nakita niyang nakataas ang kilay ng isa pang swimmer habang pinapanood si Wendy na hinawakan ang kamay ng journalist. “Please let me hmm?” sino ba namang may kayang humindi sa mga mapupungay na mata ni Wendy pati naring ang mga nakanguso niyang labi na parang magnet kaya agad agad na tinitigan ni Irene.
“I… I’ll just do it s…sa bahay.” gustong sampalin ulit ni Irene ang sarili niya dahil ilang beses siyang nautal. Nakita niya kung paano naging maliwanag pa sa bagong sikat na araw sa teletubbies ang mukha ni Wendy.
Binuksan ni Wendy ang pinto para kay Irene habang pinagmamasdan si Sana na nagaantay, tinuro lang ni Wendy ang pinto. “Let me place your bag sa likod.” wala namang nagawa si Irene kundi ibigay ang bag niya sa Atenean, pagkasakay ni Wendy ulit sa may driver seat, ngumiti ito saka inabot ang seatbelt ng Iska. “May food pa ba sa bahay?” tumango nalang si Irene dahil napalunok ito dahil sobrang lapit ng mukha niya sa kaniya.
“S..Seungwan umuwi na tayo gabi na.” tumango naman ang swimmer bago nagsimulang mag drive. Tahimik ang loob ng sasakyan, hindi rin naimik ang pasehero sa likod.
“Thank you for coming pala.” napangiti naman si Irene bago umiling, nakatingin parin ito sa labas at tinitignan ang mangilan ngilan na minabuting maglakad nalang dahil sa traffic, pati ang mga bus ay punuan na, maraming nakatayo at gusto nang makauwi.
“Seungwan, look at those people.” nag hum ang swimmer bago tumingin sa tinuturo ni Irene, nakita niya ang ilang taong naglalakad. “Remember when I told you na sana pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang sektor ng transportasyon? Hindi parin nila ginagawa, nakakaawa makita ang mga tao na patuloy na naghihirap at napapagod, imbes na magkaroon pa sila ng oras para sa pamilya nila at pahinga, mas naigugugol pa nila ang oras sa biyahe na nagiging dagdag pa sa pagod at pasakit nila sa bawat araw.” tumango si Wendy bilang sagot sa Iska, may mapait na ngiti sa labi ni Irene, lalo na nung makita niya ang isang matanda na naglalakad sa sidewalk. Hindi parin lubos maintindihan ni Irene kung bakit hindi binibigyan ng pansin ng gobyerno ang mga sector na labis na nahihirapan, bagkos ay mas pinag tutuunan ng mga pansin ang mga bagay bagay na wala namang magandang naidudulot sa bansa at lalo lang nagpapahirap sa mga taong nasa laylayan ng lipunan.
“I understand, you help me understand it. Tama ka Hyun, mas nakakapagod ang araw araw na struggle just to go home after working, plus the traffic pa. I used to complain kapag traffic pag uuwi ako from practice but after everything you told me narealize ko na there are more people na mas worse ang pinagdadaanan just to go home.” hindi napigilan ni Irene na mapangiti nung marinig ang mga sinabi ni Wendy, nakasandal pa ang ulo ng Atenean sa may bintana ng sasakyan niya habang nakatingin kung saan rin nakatingin ang Iska. “You are right Hyun, the government is really lacking and the people are not the one to blame. Ang gobyerno ang mitya ng lahat ng problema na kinahaharap ng bansa natin.” sa mga oras na ito, mabilis ang tibok ng puso ni Irene, napatingin siya sa Atenean na diretcho ang tingin sa kalsada, nakataas ang kilay nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng sasakyan niya. Pagkahinto ng sasakyan sa isang building, matalim na tumitig si Wendy sa may rearview mirror saka sinenyasan na bumaba ang kapwa swimmer. Sandaling nakalimutan ni Irene na may kasama pala sila at parang nalusaw lahat ng kaba at pagkainis niya mula kanina. Pagkababa ng swimmer, nagsimula muling mag drive ang Atenean, nasasapawan ng tugtog mula sa playlist ng swimmer ang mabilis na tibok ng puso ni Irene. “When I first met you palagi kong iniisip na mali ka, na hindi nagkukulang ang gobyerno. Pinipilit ko sabihin sa sarili ko na hindi, kasi naisip ko paano sila nagkukulang kung ako mismo ang lumaking deprived ng attention at pagmamahal mula sa sarili kong mga magulang. Paano sila nagkukulang kung buong oras nila ang iginugugol nila sa sinasabi nilang tungkulin sa bayan.” medyo natatawa ang atenean habang nakatingin parin sa daan hindi namalayan ni Wendy na dahan dahan na inabot na pala ng Iska ang isang kamay niya mula sa manibela. Sobrang higpit pala ng hawak niya dito. “But I do realize na nasa pwesto sila hindi dahil gusto nilang tumulong sa Bayan, nasa pwesto sila para sa sarili nilang interest. That is the harsh truth, mas pinili nilang maging sakim, at inuna ang sarili nilang interest kesa maging magulang sa akin.” naramdaman nalang ni Wendy ang pagtulo ng luha niya, nasa realization na talaga si Wendy, tama si Irene, tama si Seulgi, at higit sa lahat tama si Joy.
Totoong nahulog na siya kay Irene, at totoong tanggap niya na hindi kailanman siyang magiging prioridad ng mga magulang niya.
-
Nakatayo si Irene sa may labas ng kwarto ni Wendy, “Seungwan, good night. Matulog ka na. You did well today.” napalunok ang Atenean habang nakatingin lang kay Irene, naalala niya kung paano siya pinatahan ni Irene. Hindi naman nagsalita ng kahit ano si Irene, umupo lang ito sa tabi niya habang hinahayaan siyang umiyak. Paminsang minsang humuhuni si Irene habang tinatapik ang balikat ng swimmer. “Maaga ka pa bukas, last na yan Seungwan, I know you’ll do well.” inayos ni Irene ang buhok ni Wendy at pinunasan ang mga natuyong bakas ng luha sa pinsgi ng Atenean. Hindi lubos akalain ni Wendy na hindi siya magisa ngayon, hindi siya magisa habang at matapos ang isang major breakdown niya.
“H..Hyun, can you sleep beside me tonight?” napangiti nalang si Irene saka tinapik ang ulo ng kaibigan niya, namumula pa ang pisngi ni Wendy habang inaantay ang sagot ni Irene. Pero hindi na nakatanggap ng sagot si Wendy nung si Irene na mismo ang nagbukas ng pinto ng kwarto niya.
“Promise me na matutulog ka na agad ha?” tumango naman na parang batang pinagalitan si Wendy kaya ngumiti
Comments