Confused?

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Labing limang minuto lamang pero sa loob ng labing limang minuto ay walang ibang naramdaman si Wendy kung hindi saya at ang kagaanan sa loob niya. Pinapanood ni Wendy ang pagsusulat ni Irene habang tahimik siyang umiinom sa kape niya. “Di ka ba napapagod magsulat?” mahina ang boses ni Wendy bago siya dumukwang para tignan ang mga sinusulat ni Irene sa notebook niya, napailing nalang si Irene bago inilayo ang notebook niya sa Atenean.

“Bawal mo mabasa to, first article ko ito.” natawa nalang si Wendy habang pinagmamasdan si Irene na sinara ang notebook pati narin ang bag niya. Inayos ni Irene ang bag niya bago sinukbit ito sa may balikat niya.

“Abangan ko first article mo, I should be honored kasi ako yung first mo.” natawa nalang rin si Irene bago siya tumayo mula sa upuan. Pinanood naman ni Wendy ang kaibigan niya na palabas na ng pinto. “See you at home Joohyun,” kumaway ang Iska bago sya lumabas ng dressing room.

Agad ding sumunod si Seungwan, sinundan niya si Joohyun na papunta na sana sa may labas ng hotel, pero agad siyang hinarang ni Jiho na nakangiti. “Ang haba ng interview niyo ha.” napailing si Irene habang inaayos ang ID niya, iniwasan niya ang tingin ng swimmer mula sa UP bago siya nagbow at patuloy na naglakad. “Umalis na pala yung driver niyo, sabi ko kasi isasabay na kita. Eh close kami ni Ate Yoona.” nakatayo parin si Wendy sa may gilid, habang pinapakinggan ang sinasabi ni Jiho, napalunok nalang ang Atenean, hindi niya kasi maipaliwanag kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon.

“Ayos lang po ako Miss Jiho, mauna na po ako.” pero nagulat si Wendy nung hawakan ni Jiho ang wrist ni Irene, mas lalong bumigat ang pakiramdam niya kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad. Nakita niyang napatingin pa si Jiho sa kaniya bago ito kumaway, hindi nalang pinansin ng Atenean ang kapwa swimmer at dali dali siyang sumakay sa sasakyan niyang nakuha na mula sa valet.

Iritang iritang sumakay si Wendy ng sasakyan niya bago dali daling nagdrive pabalik sa Ateneo, naalala rin kasi ng swimmer na may pasok pa pala siya. Nakatingin si Wendy sa bintana ng sasakyan niya habang naka red ang stoplight. “Edi sumama siya doon, ano naman yun sakin diba? Kaibigan niya lang naman ako.” bulong ni Wendy bago niya hinampas ang steering wheel niya, napairap pa ang Atenean bago sumandal sa headrest ng sasakyan niya. “AHHHH! Bakit ba kasi ako apektado!” pinaandar ulit ni Wendy ang sasakyan niya nung makita niyang kulay green na ang light.

Ilang minuto ang lumipas at nakapag park narin ang Atenean, iritang iritang pumasok sa classroom niya. Ilang units nalang naman at tapos narin siya. “Dito na anak ni Senador.” napatingin si Wendy sa boses ng lalaking kaklase niya. Palihim na umirap si Wendy bago niya hinilig ang ulo niya at sinuot ang airpods niya.

Gustong gusto ni Wendy na matapos na ang klase na ito, gusto niya narin kasing kitain si Joy at Seulgi bago siya magpatuloy para sa training niya today. “Can this suffering end please.” mahininang bulong ni Wendy habang nakapikit ang mata, simula nung pumasok siya sa Ateneo hindi na nakaramdam ng saya si Wendy, pasalamat nalang rin siya dahil dito napiling magaral ni Joy at Seulgi. May taong malalapitan siya sa tuwing gusto niya ng makakasama.

Ayaw ni Wendy ang course na ito, pumapasa lang siya at enough para makapagpatuloy pa siya sa pagaaral. Napabuntong hininga si Wendy nung marinig niya na lumabas ang mga kaklase niya. “Wends, wala daw si ma’am.” ngumiting tipid nalang ang swimmer bago kinuha ang bag niya at nagpasalamat sa kaklase niya. Kinuha ni Wendy ang cellphone niya habang naglalakad palabas ng building niya.

“Vacant niyo right?” tanong ni Wendy habang naglalakad papunta sa Gonzaga hall. Napabuntong hininga pa ang swimmer dahil hindi parin nawawala sa isip niya ang nakita niya kanina. “Kita tayo sa caf, before ako mag train.” narinig ni Wendy ang pagtawa ni Joy sa kabilang linya kaya umirap ito habang inaayos ang jacket niya.

“May problema ata ang abunjing naten babe.” tumawa nalang din si Seulgi kaya napabuntong hininga nalang ang atenean. “Dito na kami boss, na order ka na namen ng favorite mo dalian mo naman gutom na kami.” natawa nalang rin si Wendy bago niya binaba ang tawag at agad na tumakbo papunta sa caf. May gusto rin kasing itanong si Wendy kay Joy na madalas na sumasagot sa mga wala kwentang tanong niya.

Pagkadating niya sa loob ng caf, nakita niya si Joy na nakangisi habang umiinom ng juice, napairap nalang si Wendy bago umupo agad sa tabi ng kaibigan niyang matangkad na sugo ng satanas sa paningin ng mama ni Wendy. “Hi, bakit di pa kayo kumain nung wala pa ako.” umiling si Joy bago inabot kay Wendy ang spoon and fork ni Wendy na nagsimula agad kumain. Natawa nalang si Joy habang pinagmamasdan ang kaibigan nila na kumakain ng salad.

“Syempre ayaw naman namin na wala kang kasabay kumain, ito naman purket kasabay mo na si Miss Joohyun sa pagkain sa condo mo parang ayaw mo na kami kasabay.” sabay natawa si Joy at Seulgi nung biglang masamid si Wendy, ubong ubo ang swimmer kaya dali daling pinagbuksan ni Seulgi ng tubig ang kaibigan niya. Namumula ang mukha ni Wendy habang umiinom ng tubig. “Uy sinabi ko lang panagalan ni Miss grabe na ubo mo ito naman.” siniko ni Seulgi si Joy na tawang tawa sa paghihirap ni Wendy, sinamaan din nito ng tingin si Joy kaya natawa pa lalo ang kampon ng kadiliman.

“Babe, tama na oh. Pulang pula na si lover girl.” napapikit nalang si Wendy bago humugot ng malalim na hininga. Wala siyang choice kung hindi pakinggan ang bawat pangaasar ng mga kaibigan niya.

“Tigilan niyo ako, anong lover girl.” kumain si Wendy ng salad bago siya tumingin kay Seulgi na nakangisi parin hanggang ngayon. “What? We are good friends lang naman.” pulang pula na ang tenga ni Wendy, parang gusto niya nalang tumalon sa pool para maitago ang init ng mukha at pati ang namumula niyang tenga.

“Friends din kami ni Seulgi bago naging kami remember?” naubo nalang ulit si Wendy bago siya tumayo para lumipat ng upuan sa kabilang table, sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan na kasalukuyang tawang tawa ngayon. Wala talagang ibang ambag ang magjowa na ito sa buhay ni Wendy kung hindi pahirap at pangaasar.

“Don’t talk to me, let me enjoy my salad muna.” natawa nalang si Joy bago sumandal sa balikat ni Seulgi, tinitigan parin nila si Wendy na tahimik na kumakain, namumula parin ang tenga niya na mas lalong nagpangiti kay Joy.

“Feeling ko talaga crush ni Wendy si Miss Joohyun. Ano sa tingin mo?” tumango si Seulgi bago tumingin sa wrist watch niya. “Alis ka na? SIge ako na maghahatid ka abunjing.” tumayo naman si Seulgi bago lumapit kay Wendy, niyakap niya si Wendy sa may likod niya kaya dali daling kumalas si Wendy mula kay Seulgi.

“Abunjing mauna na ako ha, may pasok pa ako. Daan ako sa training mo bago umuwi.” tumango tango nalang si Wendy bago sinubuan si Seulgi ng salad na nagpatawa nalang sa kaibigan niya. Agad agad ding umupo si Joy sa tabi ni Wendy bago tinitigan ang kinakain ng kaibigan niya.

“Sige na babe, malalate ka pa sa kabilang building pa class mo.” sumaludo pa si Seulgi bago dali daling lumabas ng caf, si Joy naman ngumiting nakakaloko kay Wendy na napaiwas nalang sa tingin ng kaibigan niya. “Bakit parang badtrip ka?” nag shrug ang swimmer bago uminom sa tubig niya, tumingin si Wendy kay Joy bago nagisip kung itutuloy niya ba itanong kay Joy ang bumabagabag sa kaniya kanina pa.

“Do you feel annoyed when you see someone else approaching your friend?” tumaas ang kilay ni Joy habang pinapanood ang pag fidget ni Wendy sa upuan niya, nilapag ng swimmer ang bote ng tubig bago tumingin kay Joy. “I mean, no never mind.” napailing si Joy saka tinapik ang ulo ni Wendy, alam ni Joy na pinipilit nalang ishove ni Wendy ang mga tanong sa loob looban niya dahil na o-overwhelm ang kaibigan niya. “I mean, normal ba yun na you’ll be pissed? tapos parang hindi ka maka get over because of that?” tumango tango si Joy habang pinapanood si Wendy, nakayuko ang swimmer at napabuntong hininga pa ito.

“Paano yung inis mo?” napailing si Wendy bago siya napapadyak sa inis, hindi rin maintindihan ni Wendy kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon. Saan ba nangagagling ang inis niya.

“Like, parang nabobother ako kasi ano paano kapag mas gusto niya na yung company na yun kesa saken?” napalunok si Wendy bago pinaglaruan ang bote ng tubig niya, si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much