Salbabida?

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Sa bawat padyak at bawat kumpas ng kamay ni Seungwan, alam niya na mas napapalapit siya sa dulo at sa kaniyang goal. Ilang oras na ba siyang lumalangoy ngayon? Binilisan pa niya ang bawat padyak at sa wakas ay narating niya narin ang dulo. Pag ka-ahon niya, nakita niyang nakangiti ang coach niyang si Tiffany. Agad na napatingin si Wendy sa may screen at napangiti nalang siya nung makita niya na siya ang una sa list. 

Pagkaahon ni Wendy agad siyang sinalubong ng coach niyang nakangiti ngayon sa kaniya. "Bagging your 3rd gold today ha? Ang galing talaga!" natawa nalang si Wendy saka nakipag apir sa coach niya. Awarding na ang susunod, kailangan na muna magfreshen up ni Wendy kaya agad siyang pumasok sa shower room para mag prepare na sa awarding. 

Sa bawat awarding, nasanay nalang si Wendy na hindi niya nakikita ang magulang niya na nag checheer sakaniya. Nakatayo si Wendy habang pinagmamasdan ang mga audience, may ngiting sumibol sa mga labi niya ng makita niya ang dalawa niyang matalik na kaibigan na sila Joy at Seulgi may hawak pang DSLR ang tropa niyang si Seulgi. "Congratulations Miss Herminigildo, always making your parents proud I see." ngumiting tipid nalang si Wendy sa nagsuot ng medal niya sa kaniya bago siya ulit nag bow. 

Alam ni Wendy na sa mga pagkakataon na ito, dapat masaya siya pero hindi niya ito magawa. Hindi niya magawang maging masaya lalo na kung ang taong gusto niya maging proud para sa kaniya ay wala na sa tabi niya. Napalunok si Wendy habang nagpapakita ng pekeng mga ngiti sa camera. Gusto na ni Wendy matapos ang lahat nang ito. Gusto niya na sumama sa mga kaibigan niya para ilayo siya sa mga mata ng tao. Pagkababa ni Wendy sa stage agad siyang nilapitan ng dalawang reporter kaya naman ngumiti ito, kagaya ng pagsanay sa kaniya ng magulang niya mula bata siya. "Miss Wendy, nanalo po kayo sa lahat ng nilabanan niyong division, para kanino po ba itong panalo na ito?" napalunok ang swimmer at parang nablanko ang utak ni Wendy. Ilang segundo ang lumipas bago siya nabalik sa ulirat kailangan niyang ipakita ang achiever na anak ni Senator Emilio. 

"This win is for my family, to my parents who keeps on supporting me." gustong magmura ni Wendy, gusto niyang masuka. Hindi naman talaga dama ni Wendy ang suporta ng magulang niya. "Also of course for my alma matter. Ateneo. One Big Fight."  agad na nagbow si Wendy saka nagsimulang pumasok pabalik sa locker room. Dinampot nalang ni Wendy ang bag niya bago siya lumabas para imeet si Seulgi at Joy na nakanagiti sa kaniya. 

"Congratulations baby kooooooooo!" natawa si Wendy habang pinagmamasdan si Joy na may hawak na maliit na banner na may mukha ni Wendy. Hinampas niya ang balikat ng kaibigan bago inilapag ang bag sa sahig. "Nakuha ko to sa fanbase mo aba nakilala ako, alam mo ano sabi?" hinilig ni Wendy ang ulo niya para makita ang ngiti ng kaibigan niyang si Joy, pati si Seulgi natatawa nalang rin sa inaasal ng girlfriend niya ngayon. "Diba yan yung friend ni Wendy na mahilig manakit sa IG Updates niya?" tumawa si Wendy saka umiling, dinampot ni Joy ang bag ni Wendy saka sila nagsimula maglakad papunta sa sasakyan ni Wendy. 

Pagkadating sa harap ng tesla ni Wendy, agad na binuksan ito ng swimmer bago pumasok si Seulgi. Pagkaupo ni Wendy tinapik siya ng kaibigan niyang si Seulgi. "Sama ka?" tinitigan ni Wendy ang kaibigan bago siya nagsimula magdrive pabalik sa condo unit nila. Tumahimik ang sasakyan kaya naintindihan ni Seulgi na gusto ni Wendy na ipagpatuloy niya ang sasabihin niya. "Anniversary namen ni Joy! Naisip namen mag Sagada and Baguio..." pagkarinig sa Baguio napatapak sa break ng sasakyan si Wendy para tignan ang kaibigan niya. Expected na ni Seulgi ang ganitong reaction kaya naman ngumiti siya saka tinapik tapik ang balikat ng swimmer. "Sama ka na Waaaaaaaaan, I promise isang beses lang tayo babalik doon then we won't na. Please?"  sinenyasan ni Seulgi ang girlfriend niya na agad dumukwang palapit sa harap. 

"Oo nga Wan! Dali na since ikaw naman naging reason bakit naging kami, gusto namin na nandun ka. Off season naman na." bumuntong hininga si Wendy saka nagsimula ulit mag drive. Napakagat sa ibabang labi niya si Joy dahil sa bumalot na katahimikan sa sasakyan. 

"Okay then just tell me when." napalakpak nalang si Seulgi bago ngumiting tagumpay. 

Sa wakas madadala niya na ulit ang bestfriend niya sa province na ayaw niya nang balikan. 

-

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?!" napabalikwas si Joohyun sa kaniyang hinihigaan ng marinig ang sigaw ng tita niya. Napabuntong hininga ang dalaga saka tumingin sa orasan sa tabi ng kama niya. Alas kwatro palang, mukhang inumaga na naman ang tito niya mula sa inuman kaya maaga na nagbunganga ang tita niya. Tumayo si Joohyun para buksan ang bintana ng kwarto niya. Tanaw ang bundok mula sa bintana ng kwarto ng dalaga. Dinadama lang ni Joohyun ang malamig na hangin at hinahayaan na humupa ang ingay mula sa labas. "WALA KA NA BANG IBANG KAYANG GAWIN KUNG HINDI UMINOM?! SINABI KO SAYONG MAY PROJECT SI YERIM DIBA!?" pinikit ni Joohyun ang mga mata niya habang patuloy na dinadama ang lamig ng hangin, gusto niya mang lumabas ng kwarto niya pero hindi niya magawa, hindi niya pwedeng gawin iyon dahil sigurado siyang mapagbubuntunan na naman siya ng init ng ulo ng tito niya. 

"BAKET HINDI KA HUMINGI SA PAMANGKIN MONG NAKIKITIRA DITO ABA!!! PARA SAAN PANG NASA SAUDI ANG ATE MO KUNG HINDI NATEN PAGKAKAKITAAN!" napalunok si Joohyun sa mga narinig niya, ito ang katotohanan, ito ang araw araw na halos kinahaharapan ni Joohyun dahil nakikitira lamang siya sa bahay ng kapatid ng mama niya. "ANG LAKI LAKI NG PINAPADALA SA BATANG YAN DIBA! ABA SINGILIN MO! PARA DI MO AKO PINAHIHIRAPAN NG GANITO!!" dinilat ni Joohyun ang mata niya saka tumingin sa picture nila ng mama niya na nakadisplay sa may tabi ng kama niya. 

"ITIKOM MO YANG BUNGANGA MO! TANDAAN MO NA PAMAMAHAY KO TO! WALA KANG KARAPATAN NA PAGSALITAAN NG GANYAN SI JOOHYUN!" bumuntong hininga nalang si Joohyun saka dinampot ang earphones niya, kinuha niya nalang din ang libro niya saka siya nagtalukbong ng kumot. Hindi namalayan ni Joohyun ang pagtulo ng mga luha niya. Gaano ba kabigat at kahirapan ang mga dalahin ni Joohyun sa buhay niya? 

Ilang minuto ang lumipas at napagdesisyunan nalang ni Irene na lumabas na ng kwarto niya. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya ang pinsan niyang si Yerim na nakangiti sa kaniya. Ngumiti nalang ng tipid si Irene bago siya nagpunta sa kusina. Nakasanayan narin kasi ni Joohyun na maghanda ng umagahan. "Ate? Sorry pala sa kanina." umiling si Irene saka ngumiti kay Yeri, tinitigan ni Irene ang pinsan niya saka niya nilabas ang wallet niya. 

"Magkano ba yung project mo Yeri?" umiling si Yeri pero agad siyang hinawakan ni Irene sa balikat niya. Napabuntong hininga ang high school student bago niya nilabas ang listahan ng project niya. Tinitigan ni Irene ang total bago siya kumuha ng isang libo sa loob ng wallet niya. "Itago mo na yung sukli, ipambili mo ng gusto mo ha." hindi naman alam ni Yerim kung ano ba ang una niyang gagawin. Kaya niyakap niya nalang si Irene na napangiti nalang rin. 

Pagkatapos maghanda ng agahan nilapag ni Irene ang mga ito sa mesa bago siya bumalik sa kwarto niya. Naligo at naghanda na lumabas nalang ang dalaga. Wala talaga siyang klase ngayon pero hindi niya kayang mag stay ngayon sa bahay nila dahil sa nangyari kaninang umaga. Pagkatapos magbihis ni Irene dinampot niya ang bag niya saka lumabas. "Joohyun anak kain ka na muna." umiling si Irene saka tumingin sa mata ng tito niya na nakatingin ngayon sa kaniya. Napalunok si Irene bago tipid na ngumiti sa kapatid ng mama niya. 

"Okay lang po tita, nagmamadali din po ako. Tatawag nalang po ako pag pauwi na po ako." agad na lumabas ang dalaga sa bahay nila at pansamantalang nakaramdam ng kalayaan mula sa apat na sulok na tila impyerno para sa kaniya. 

"Hey! Kung sumama ka dito para magpaiwan sa hotel edi sana nagstay ka nalang sa condo mo! Tara na!" hinihila ni Seulgi ang bagong shower na si Wendy, humilata ulit ang swimmer habang hawak ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much