Chapter 9

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

"Hey galit ka ba?" Nakatingin lang siya sa side mirror ng motor niya nung nilapitan ko siya.

 

"Bakit naman ako magagalit?" Mahina niyang tanong.

 

"Yung kanina pwede ba ako mag-explain?" Careful kong tanong kasi ayokong umalis siya.

 

"Hindi kita pinag-eexplain pero if you want to go ahead." Ayoko nung katahimikan ni Seul. Nakakabingi. Hindi naman siya nagsusungit katulad ko pero alam kong may inis sa loob niya.

 

"Punta tayo somewhere. Anywhere. Ayoko dito." Sinunod naman niya ako. Pumunta kami somewhere in BGC na medyo malayo sa mga maiingay na gusali. Umupo siya sa gutter ng kalsada banda. Upset talaga siya. Wala naman ng tao and ito yung part na wala pang building pero buti nalang may mga kaunting ilaw.

 

"Hinatid lang ako ni Jinyoung. Family friend namin yung family niya." Agad kong paliwanag sa kanya.

 

"Hm?" Natatakot ako na bigla nalang siyang umayaw sa akin. Oo yun naman dapat diba? Pero hindi ko ata kakayanin, hindi na.

 

"Okay fine, nililigawan niya ako." Dagdag ko pa sa kanya.

 

"Two weeks lang ako nawala Hyun. Less than two weeks nga yun eh. Ang hirap naman pag yung gusto mong babae sobrang ganda kasi andami mong magiging karibal." Paanong di ka mahuhulog sa mga sinasabi niya. Kahit hindi kami okay nagagawa niya akong pakiligin sa kanya. So gusto niya ako? Gusto niya ako? . Did I messed up? Binigyan ko ba siya ng dahilan para pagdudahan ako? Akala niya ba pinagtataksilan ko siya? Umayos ka Irene, ayusin mo to.

 

"I thought mag-uusap tayo... yung about sa atin? Kelan ka pa niya nililigawan? Bakit di mo sinabi? Gabi gabi tayo magkausap Hyun." Sunud sunod niyang tanong.

 

"Mag-uusap padin naman tayo eh. Hinihintay padin naman kita. At hindi ko siya gusto. Nanliligaw lang siya."

 

".....Dapat ba gumaan yung loob ko kasi nanliligaw lang siya? Dapat ba muna niligawan kita? Yun ba yung gusto mo muna? Pwede naman kitang ligawan Hyun eh to prove na gusto talaga kita." Naiiyak ako sa sinasabi niya kasi ewan. Masaya ako kasi indirectly siyang nagtatapat pero kasi hindi ko naman masabi yun sa kanya kasi nga upset siya. Gusto ko lang iclear sa aming dalawa na siya lang naman talaga.

 

"Alam kong hindi gagaan loob mo sa sinabi ko pero gusto kong malaman mong hindi siya yung gusto ko. Hey, look at me." Hinawi ko yung mukha niya to look at me para mapanatag kung ano man yung gumugulo sakanya. Tumitig naman siya sa akin punung puno ng tanong sa mga mata niya. May lito na pag-aalala. Ayokong nakikitang ganito si Seulgi, ang sakit pala. Doble yung sakit.

 

"Hindi naman ako galit Hyun. Bakit naman ako magagalit diba? Siguro malungkot oo, bakit kasi biglang may naghahatid na pala sayo tapos hindi ako yun? Bakit di mo ba sinabi sa akin edi sana umuwi na ako agad nung moment na kinukulit ka niya." Seulgi loves me. Hindi niya man isigaw pero damang dama ko yun. Nagseselos siya at naiintindihan ko yun, may karapatan siyang magselos. I am impressed kasi ang calm niya ngayon and hindi siya umalis. Hindi siya nag-assume, hinintay niya ako magpaliwanag, if sa akin mangyari yun, if makita ko siya sa ibang tao baka mang-away ako.

 

"May karapatan ka namang magalit. Sorry talaga hindi ko sinabi. Akala ko kasi pag binasted ko siya mawawala na siya pero hindi kasi madali pag involved yung pamilya Seul." Parang bata si Seul na nagmumukmok kasi inagawan ng candy. Tahimik siya and kahit hindi niya sabihin, nag-aalala siya. I guess there's one way lang para ishut up yung questions sa isip niya. Gusto kong malaman niya na siya lang. Ever since siya lang and wala na akong nagustuhan pa. Dahan dahan kong clinose yung gap namin sa isa't isa. Alam kong wala ng words na kailangan. Alam kong habang lumalalim yung ugnayan ng mga labi namin, unti unti ng nagiging klaro sa aming dalawa ang lahat. Na hindi nalang to simpleng pagkakaibigan. And sa ilalim ng bilog na buwan, binigay sa akin ni Seul, yung first kiss ko after 28 years.

 

 

“Seul, ingat ka pag-uwi. Text mo ko kaagad ah.”

 

“Ikaw din. Sunduin kita pagpasok tomorrow? Wag ka papasundo sa iba ah.” Alok niya sa akin. na parang bata.

 

“Sige.” Parang akong highschool student na kinikilig ngayon.

 

“Sige pasok kana.” Sabi niya sakin.

 

“Una ka na.” Sagot ko.

 

“Ikaw na nga.” Ayoko nga, gusto ko siya makita umalis bago ako pumasok.

 

“Uuwi kana o hindi ka susundo bukas?”

 

“Uuwi na. Thank you, Hyun.” Hinawakan niya yung kamay ko then mahinang pinisil ito. Sabay lumapit na parang hahalikan ako sa pisngi. Cute niya talaga

 

“By the way, you’re a good kisser pala.” Bulong nito sa akin matapos ay pinaandar niya na yung motor niya then kumindat bago umalis. Hay naku Seulgi.

 

I’m home. Home kasi I finally have you. – S

 

Stop with the sweet words Seul, sleep na. – R

 

<3 – S

 

<3 2 – R

 

…………..

 

“Good morning, Hyun.” Bati niya sakin. Ginising niya talaga ako ng super aga. Nakalimutan ata niya na eleven na kami nakauwi ng bahay. Hindi ba to natutulog?

 

“Ang aga mo naman. 4 am palang kaya.” Antok kong pagkakasabi sabay hikab.

 

“Early bird catches the worm.” Alam mo yung seryoso naman niya sinabi yun pero nakakatawa.

 

“Corny mo. Ako worm?” Taas ko ng kilay sa kanya.

 

“Corny pero you want din naman. Yes, worm po then you’ll be eaten by the bird.” Ang aga aga ng kalokohan ni Seul.

 

“Bastos. Pasok ka. Tulog pa naman sila manang. Let’s go nalang sa kwarto ko.” So ayun pumunta kami sa kwarto ko. Double bed din naman yung kwarto ko kaya kasya kami pero mas malaki padin yung kanya kasi queen size ata yun. Yung condo niya in BGC, yung yung hindi ko pa nakikita pero feeling ko same rin sa Tagaytay.

 

“Cute ng kwarto mo. Puro pink.” Pang-aasar niya.

 

“Cute kasi may-ari.”

 

“Akala ko yung nagmamay-ari ng may-ari.”

 

“Tse.” Binato ko siya ng unan. Super sweet pala niya every morning sana lagi ganito pero hindi ko kayang gumising ng 4am araw araw. Mauubos yung braincells ko sa office. Umupo siya sa tabi ko.

 

“Bakit super aga mo ata yung seryoso ah?”

 

“I wanna see you kasi. And better din na sabay tayo magbebreakfast. Pagbigyan mo na ako halos ilang araw din kasi akong nawala and mamaya makalingat lang ako saglit may another manliligaw kana ulit. Nakakasad din kaya yung ang empty ng bed sa condo kasi wala akong katabi.” Akala mo talaga lagi akong nasa condo niya kung makapagdemand.

 

“Wala nga kasi yung ligaw ligaw. Kilala mo naman kung sino yung paulit ulit kong sasagutin.” Humiga siya sa tabi ko. Tinukod yung kamay niya para mas makaharap sa akin.

 

“Sino ba?” Maang-maangan nito.

 

“Malamang yung bird.” Biro ko.

 

“Nice one Hyun. Come here nga.” Inispread niya yung arm niya then tinap niya yung braso niya. Kinikilig ako na parang bata na tumabi sa kanya at nahiga sa braso niya. Hindi kami magkahug pero sapat na yung distansya namin para maramdam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭