Chapter 4

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

Last night ang weird lang ng nangyare sakin. Nawala din sa isip ko na ibalik yung helmet or tanungin siya ng mga bagay bagay basta ayun namental block lang ang peg ko sa abs ni Cutie Flash pero changed woman na ako ngayon kaya hindi na mauulit yun. Inisip ko talaga buong gabi yung naramdaman ko kasi hindi naman ako nanginginig sa abs ng iba kong classmate na lalaki dati or sa mga kawork ko before pag nasa outing kami. Siguro madalang kasi talaga ako na makakita ng abs ng babae? Ang conclusion ko talaga is naaadmire ako sa katawan niya kaya simula tomorrow baka mag gym ako sa office. Yun siguro yung reason, baka naiinggit lang ako.

 

“Hey Rene, andito ka pala.” Nagkakape kasi ako dito sa cafeteria ng office sa may 5th floor. Bali 25 na palapag ang company. Malaki kasi tong company namin and madami din yung benefits katulad na lamang ng libreng pakape anytime. Yung mga facilities for employee naman is nasa second floor like yung gym etc. kung saan andun din yung HR department namin. Yung accounting naman is nasa 6th floor same kami ni Krystal then sa 7th naman yung kila Yerim sa sales. For the management nasa pinaka top naman sila. Yung CEO namin yung nasa penthouse syempre.

 

“Hey Krys.” So ayun medyo close na kasi kami kaya yung tawagan namin is palayaw nalang din.

 

“I’ve heard kanina pupunta ata yung anak ng CEO tomorrow para makipagkita sa atin. Before kasi iannounce yung possible training niya, want niya daw na maorient.” Niyaya ko muna siyang saluhan ako sa pagkakape. Free time naman namin kaya okay lang kumape muna. Nagadvise siya ng coffee sa barista. Ihahatid naman yun sa table pagkatapos na gawin.

 

“That’s good para kahit papano mameet na natin siya.”

 

“Ayun kaso baka gabihin tayo bukas. Need natin iprepare na yung mga documents na baka hanapin niya. Hatid nalang ulit kita?” Papahatid ba ako? Nakakahiya naman parang okay lang kung si Cutie nalang since atleast yun babayadan ko.

 

“Ay no need na may sundo naman ako later.” Pagmamayabang ko.

 

“Boylet?” Tukso niya sa akin. Winave ko yung kamay ko para itanggi ito.

 

“Nope. Someone I know lang naman and service type yun, may bayad. By the way naalala ko lang, hindi ko pala naask masyado yung details ng kasal mo.” Habang binibigay na ng barista yung kape niya.

 

“Oh yeah right. About dyan, I want to ask for an advise pala.” Pagsisimangot niya.

 

“Don’t tell me ayaw mo na?” Pagtataka ko.

 

“It’s actually complicated.” Pansin ko na bigla siya natense. Mukhang serysosong usapan to a. Tiningnan ko yung orasan, five minutes left nalang para sa free time namin. Inalok ko siya na magdinner nalang kami after ng office hours tutal wala naman akong gagawin and pwede ako gabihin dahil may sundo ako. Advise ko nalang siguro si Cutie Flash kung saang restaurant ako ipick up. Wow, medyo kumakapal ang mukha ko pagdating kay Cutie. Pumayag naman si Krys and mas gusto nga daw niya yun kasi medyo mahaba yung ikekwento niya. After ng short break namin na yun is tahimik naman na natapos yung working hours namin.

 

----------

 

Napagdesisyunan namin na sa maisen nalang kumain. Nabasa ko din pala yung announcement from HR na magkakaroon na daw ng team building somewhere in Batangas, I think. Further details will be announced daw soon.

 

“Okay, do tell Krys.” Sabi ko pagkatapos naming makaorder.

 

“Don’t judge me, okay?” Nagnod nalang ako. Hindi ko pa ata nasasabi kay Krys na NBSB ako para hingian niya ako ng tulong sa mga opinion and advice ukol sa love. Feeling ko hindi talaga ako yung nararapat na tao dito pero sige lang, sa ngalan ng pagkakaibigan.

 

“Well, diba magpapakasal na ako? Naalala mo yung ex na nabanggit ko last time? I saw her kasi somewhere near sa office siguro 1 month ago na. We’ve met. Hindi ko syempre sinabi na ikakasal na ako kasi ewan di ko lang sinabi then all of a sudden, she confessed to me na may feelings padin siya sa akin. Asking me to comeback to her.” Attentive lang ako na nakikinig sa mga sinasabi niya. Tumingin siya at sinenyasan ko naman na magpatuloy.

 

“Well, ofcourse I rejected her pero sabi naman niya na she can wait.” Then tumigin kami sa waiter na magseserve na ng order namin. Si kuya waiter parang gusto din makichismis, antagal ba naman ilagay yung mga kinain namin. Hindi ko alam kung sino yung tinitingnan niya eh, ako ba or si Krys.

 

“Wait? Hindi mo talaga sinabi na ikakasal kana? Mahal mo pa ba?” Oh diba alam ko to eh. Eto yung mga napapanood sa mga drama.

 

“I don’t know to be honest.”

 

“How about you tell me first kung ano yung story niyo ni ex? Why ba kayo nagbreak?” Huminga siya ng malalim.

 

“We’re childhood sweethearts. Nagkakilala kami nung elementary then same din kami ng school nung highschool but nung college nagkahiwalay na kami pero that time, we confessed after siguro one month na hindi nagkikita.” Ang sweet naman pala. Parang mas boto na ako kay ex. Imagine, having someone na kasama mo lumaki, inseparable na talaga kayo tapos mahal niyo din pala yung isa’t isa. Well, hindi ko na ginagawang big deal na ang tinutukoy ni Krys is a girl kasi why not naman diba? As long as hindi naman sila nakakatapak ng ibang tao, I’ll support them.

 

“And then?” Nabitin kasi ako bigla siyang tumigil, mukhang inaalala niya pa. I swear, yung spark sa mga mata niya is iba compared sa pagkakakwento niya dun sa fiance niya.

 

“And then after naming grumaduate, I left her.”

 

“Nakipagbreak ka?” Curious kong tanong.

 

“Nakipagbreak ako kasi dumating tong fiance ko. At the same time, nagkaroon siya ng problem sa family. We didn’t had the chance to fix things na even if I wanted to kasi she flew abroad na. And ang last news ko sa kanya is nagmigrate na siya somewhere. No one knows even yung family niya. Bigla siyang nawala.”

 

“Wait, let me recall, so you had an affair?!” Medyo lumaki mata ko. Nakakasad naman kasi yun. Yung mahal mo at kasama mo simula't sa simula is nagtraydor sayo. I pity this girl. Need na niya magmove on and makahanap ng taong talagang magmamahal sakanya.

 

“Sort of?” Medyo nahihiya niyang sagot and worried din.

 

“Di ka pa naman kasal Krys. Pwede ka pa magback out sa fiance mo. Nakikita kong mahal mo pa siya. Follow your heart.”

 

“I can’t Rene.” May paninigurado niyang sabi.

 

“I am pregnant na kasi.” Hindi na ako nagpilit na ifollow niya yung heart niya kasi bata na yung pinaguusapan. Medyo malaki yung stand ko sa mga complete family. Thankful nalang siguro ako na Krys was able to share this confidential information about sa kanya given yung days palang na pinagsamahan namin. Actually, nabanggit niya na hindi niya kasi to maopen sa family niya kasi wala din namang may alam sa girl-to-girl na relationship niya from the past. What surprised me is yung reason niya daw to open up is because mukha daw na naiintidihan ko siya sa ganung relationship. Sa tingin pa ata niya is may girlfriend ako. Hinayaan ko nalang siya kasi wala namang masama sa iniisip niya kahit hindi totoo.

 

“What should I do?” Super hirap din talaga na pagdesisyunan pero wala kasi ako sa lugar para makapagsabi kung ano dapat niyang gawin.

 

“Tell her yung totoo. Na hindi na kayo pwede. Wag mo na siya paasahin sa mga bagay na alam mo naman sa sarili mo na hindi mo maibibigay. Be honest, give her what she deserves para mahanap niya yung nararapat para sakanya.” Medyo naluluha na siya sa harap ko. Mahirap ba na maging honest sa tao kung yun yung right thing to do? Walang nagsasalita samin. Tanging tunog lang ng utensils yung nag-iingay at mga kwentuhan na maririnig mula sa ibang customers na kasama naming sa pagkain. If I will choose kasi between love and family, I will always choose the latter. Hindi naman sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭