Chapter 15

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

Medyo masakit yung ulo ng gumising ako kinabukasan. Nakakaasar din na wala akong makapa sa tabi ko. Nakauwi pa naman kami. Ang last na naaalala ko lang tumba na kaming lahat except sir Suho and Seulgi. I don’t know kung ano pang pinag-usapan nila kasi nagising nalang ako nasa passenger’s seat na ako ng baby ko pauwi. Hindi ko alam na mataas din pala tolerance ni Sir sa alak.

 

Lumabas ako kasi naamoy ko na may nagkakape sa labas. Naabutan ko si Seulgi sa living room na may katext.

 

“Hey. Hindi ka nahahang-over?” Pinatong niya yung phone niya sa coffee table then pumunta sa akin. Imamassage niya daw yung ulo pero sabi ko iinom nalang ako ng gamot. Tinimplahan nalang niya ako ng kape and binigay yung tinapay na binili niya daw sa baba.

 

“Baby, sabay tayo pumasok next week ah. May aasikasuhin lang din kasi ako at sinabi ko naman to kay Suho.”

 

“You really accepted that offer?”

 

“It’s not bad naman baby. I will have the chance to see you all day.”

 

“And that’s your reason why you accepted it tama ba?” Then ngumiti lang siya.

 

“May another reason pa kaya ako.”

 

“Ano?”

 

“Para mabakuran ka syempre. Suho’s flirting sayo if you can’t notice it kagabi. And I don’t like it.”

 

“Wala yun baby. Alam niyang taken na ako.”

 

“It doesn’t mean na hindi kana niya pwede agawin kaya.”

 

“Hindi naman ako magpapaagaw.”

 

“Pinili mo na ako kaya dapat lang.”

 

Wala naman kami masyado ginawa dahil nga parehas kami may hang-over, mas Malala lang yung akin. Natulog kami buong araw and tinamad na din akong magluto kaya nag-order lang din kami. Napansin ko lang yung madalas na pagtetext niya kapag hindi ko na siya kinakausap. Hindi naman sa minamasama ko yun pero napansin ko lang. Pagkinakausap ko naman siya binababa niya talaga yung phone then magpofocus lang sa akin. Ang point ko lang is hindi naman kasi siya palatext.

 

“Hm? Ano yun baby may want ka ba?”

 

“Pag tinatawag kita may want agad?”

 

“Ang lambing ng tawag mo kaya.” Ayan binaba nanaman niya yung phone niya. See? Pag ako focus lang talaga sa akin.

 

“Buong araw ka talaga tatambay sa office?”

 

“Yeah, why not? Kesa naman tumambay sa condo tapos wala ka.”

 

“Magmumukha kang weird nun.”

 

“I don’t care. Sa office mo ako tatambay.” Proud niyang sabi.

 

“Edi mas weird pag ganun. Sa Conference nalang then bibisitahin kita every hour.”

 

“You sure? Bibisitahin mo ako ah.”

 

“Bawal PDA sa office ah. May policy kami and since you are working na there kahit sabihin pa natin na freelance lang bawal padin malalagot ako may mga cctv dun.”

 

“Hmmm. Okay fine. Why don’t you stop working nalang kaya? I can give you anything you want naman.” Nangpeflex nanaman siya. Kung di ko lang talaga nakita yung savings niya iisipin ko mayabang lang to eh.

 

“Yabang mo kaya kagabi.” Kumunot yung noo niya.

 

“Syempre may ipagyayabang. Pero alam mo baby yung pinaka gusto kong iflex ko talaga?” Habang nakapout naman ngayon.

 

“Ano?”

 

“Ikaw baby. Ikaw yung pinakayaman ko.” Then ayun nakaisang halik nanaman siya.

 

“Corny mo. Ano palang nangyare na sainyo ni sir Suho kagabi?”

 

“Hmmm. Wala naman. Nag-aask sa boyfriend mo.”

 

“Ano sinabi mo?” Taas kong kilang sa kanya pero yung hindi masungit.

 

“Sabi ko walang wala siya dun.” Tapos tumawa siya. Adik talaga to.

 

 

…………

 

 

After ako ihatid kanina ni Seulgi umalis din kagad siya. Super dami ng gawain pero alam ko namang naiintindihan ako ni Seulgi. Baka gabihin nanaman ako nito umuwi. Sobrang siningit ko lang talaga yung sa kasal ni Krystal kasi nakapangako na ako dun.

 

“Baby, kakain ka ba or sleep ka nalang ulit?”

 

“Matutulog nalang muna ako baby.”

 

“Atleast wash yourself muna. Nakaprepare na yung damit mo sa loob ng kwarto.” Pangatlong araw ko na tong around 12am umuwi tapos naalis ako ng 7am. Hatid sundo talaga ako ni Seulgi. Para siya yung wife na husband then pinipilit niyang makapagluto at mahandaan ako ng damit and naaappreciate ko talaga yun. Before kasi hindi ko naman to pinoproblema since sila manang naman yung nagawa ng pagkain sa bahay, yun nga lang hirap sap ag-uwi dahil gabi pero ngayon never nakalimut yung girlfriend ko and kada usap namin kahit saglit yun minemake sure niyang kikiligin ako.

 

After ko maghalf bath nakatulog din kagad ako. Naanigan ko pa si Seul sa harap ng cellphone niya bago ako pumikit.

 

 

 

“Seul?”

 

“Hm baby?” Nakasandal siya sa headboard habang nakatutok sa cellphone. Chineck ko yung orasan. 3am na ah.

 

“Di ka pa matutulog?” Tanong ko. Humiga naman siya at nilagay yung braso niya sa ilalim ng ulo ko.

 

“You look tired baby. Gagabihin ka padin ba mamaya? Do you need help ba? Ilang araw na kasi namimiss na kita kacuddle.” Paglalambing nito Ang cute niya talaga.

 

“Medyo light na yung today kasi sa Monday na namin itutuloy yung sa BIR pero nagpasama yung kapatid ni sir Suho sa mall baby.” Ayun nagbago ang mood ng paslit.

 

“Buti pa siya may time ka.”

 

“Hala nagtampo ang baby. Buong weekend naman ako sayo eh.” Ikaw kaya lagi nakatutok sa phone.

 

“Weekend lang. Anyway, andun naman na ako next week so masisilayan kita buong araw. Babakukran kita kay Suho.”

 

“Possessive lang Seul?”

 

“Yes Hyun. Mine is mine, remember?” Nag-attempt siyang halikan ako sa leeg pero umiwas na ako for sure lalagyan nanaman ako nito ng hickeys mahirap na.

 

 

 

After ng work nagpasama nga ulit si Sunmi. Sa Makati naman kami para sa mga pwedeng gamitin for team building. Mas excited pa nga si Sunmi kesa sa akin eh kasi kating kati na daw siya magbeach kahit next next week pa naman yun.

 

“Do you think this will fit me better?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki 50 streak #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki 50 streak #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭