Chapter 1

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

“Ma’am bakit nakatulala ka dyan.” Gulat ko kaya napatingin ako sa pinto.

 

“Hi Yerim, ano nanamang ginagawa mo dito wala ka bang work?” Irita kong sabi sakanya. Wala bang ginagawa ang sales sa buhay nila lalo na tong batang to. Simula nung nahire kasi to lagi na tong nakadikit sakin kahit hindi naman talaga kami magkadepartment. Ang sinasabi niya lang kasi sakin nakikita niya daw yung ate niya sa akin, yung namatay dahil nahuli sa isang buy bust, masungit daw kasi yun pero mabait kahit adik parang ako. Hindi ko alam kung compliment ba yun o nangjojoke time lang siya. Magtataka ka din sa ugali nito kasi akala mo ang bait sa office pero pag labas namin feel at home sakin. Para bang tropa lang.

 

“Nabasa mo na yung sa group message? Nag-announce na yung HR ng early out kasi malakas daw yung ulan. Ay ma’am may bago kang helmet?” Oh diba nakakairita pero inaamin ko naman na medyo feel at home din ako sakanya. Siya lang naman ang nakakaganyan sakin. Tiningnan ko yung group namin sa whatsapp. Nagannounce pala yung HR medyo nakafocus kasi ako sa mga ginagawa ko kaya hindi ako natingin ng update.

 

“Ah wala yan, uuwi kana ba?” Tanong ko sa kanya.

 

“Opo maam ask sana kita if sabay tayo bumaba?” Pumayag nalang ako at ayokong mas maabutan ng malakas na ulan. Buti nalang tumila ito, kanina hirap na hirap ako magcommute eh. Gustuhin ko man bumili ng kotse pero hindi ako marunong magmaneho at hindi ako matututo nun kasi may trauma ako sa manibela. Alam ko namang mas delikado ang angkas pero pag nasa harap ako ng manibela umiikot talaga yung pagkatao ko. Dadalhin ko ba yung helmet? Tanong ko sa sarili ko.

 

 

Habang pababa kami naitanong ni Yerim kung anong oras na ako nakauwe kagabi.

 

“Nag-aalala ako kagabi kasi may nakidnap daw malapit sa office natin sabi sa news. Kaya mag-ingat ka palagi nakaangkas ka pa naman.”

 

“Talaga? Hindi na ako nanonood ng tv eh pero actually…” Ayun naikwento ko na nga yung nangyare kagabi. Nang makarating na kami ng baba, tinanaw ko ang mga nagsusundo, dadaan kaya siya dito? Syempre napakaimpossible ata nun pero kasi yung helmet. Nagbook nalang ako ng grab dahil umuulan habang hawak hawak ko ang helmet ni Kuya Flash.

 

--------------------

"Ma’am Irene, hindi ka po ba magpapabili ng lunch?" Tanong ng intern namin. Hilig kasi nilang isabay ang lahat sa accounting. Siguro nagpapalakas para sa grades.

 

"No need na but thanks." Sagot ko nalang. Hindi ko din talaga balak mag lunch dahil may tinatapos pa ako na mga documents. Yung sa turnover ko sa Collection Manager ng kumpanya kasi need na maisubmit sa kanya. Buti nalang talaga bumalik na siya after 2 months. Nagpaopera kasi ata yun ewan di naman kami close. Ako lang yung naghandle ng functions niya dahil sabi ng management ako lang yung may kaya bilang ako yung Accounting Manager. Pero hindi naman dapat eh andami dami ko na kayang inaasikaso.

 

Sumandal ako sandali sa upuan ko at nagbuntong hininga. Nakakapagod kasi talaga pag buong araw ka nag-iisip pero buti nalang patapos na to and infairness matutuwa siya dahil 80% ng collection from overdue nila yung natapos ko within 2 months. Napatingin ako sa helmet sa likod ko. Infairness din talaga tuwing nakikita ko to nagtataka ako bakit hindi angkas na helmet yung meron yung driver na yun. Yung angkas helmet is diba dapat yung blue na ginagamit nila na may angkas logo, tulad ng suot niya. Or baka isa lang talaga binili niya tapos sa customer niya yung ito iba para may customer satisfaction kumbaga dagdag points sa mga sasakay kasi may pagkasosyal. Isang linggo na din pala ang nakalipas noong niligtas ako nun ni Kuya Flash. Sana nga makadaan ulit siya sa malapit dito. Bakit ba naman kasi biglang umalis tapos hindi niya kinuha itong helmet niya. Sa tansya ko mamahalin itong helmet na to eh kaya alam ko na babalikan niya to for sure. At isa pa pala, isang line nga lang ata narinig kong bigkas mula sa bibig niya eh tapos ang hina pa ng pagkakasabi niya kasi nasa byahe din kami kaya hindi ko na matandaan yung boses niya, gusto ko kasi sana alalahanin.

 

Mga ilang oras pa ang lumipas ng matapos ko yung mga reports. Nagpunta na din kanina dito si Yerim para sabihing sabay na kami bumaba. Si Yerim na wala ng ginawa kundi magdaldal kapag kasabay ko bumaba.

 

"Oh, Eneri may tagasundo kana?" Tanong ni Yerim habang nasa elevator kami pababa. Napakafeel at home at may sarili pa akong palayaw sakanya. Kakaiba din talaga tong bata na to.

 

"Ha? Wala mag-aangkas padin ako or if hindi ako makakuha ng rider baka magcommute nalang din." Simula nung nanyari sa creepy na lalaki nakaraang linggo at yung mga nababalita napagpasyahan kong kapag aabutin na ako ng alas nuebe sa pagaantay, nagcocommute nalang talaga ako.

 

"Eh napapansin ko na ung helmet na yan is lagi mong dala ah?" Oo nga pala. Mabilis ko din itong ipinaliwanag sa kanya na dahil umaasa akong babalikan tong helmet.

 

"Alam ko naman pero ang totoong tanong kasi bakit lagi mong dala? Isang Linggo mo na kayang dala yan diba? Pwede mo naman kasing iwan yan sa table mo tapos pag kita mo edi balikan mo nalang." Pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭