Chapter 2

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

"Hey, Rene napano ka na dyan?" Nagulat ako sa tawag ni Ate Tiff sa akin. Nasa hapag kainan na kasi kami ngayon inaantay namin si mommy. Nakakatuwa kasi may makakasama ako kumain ngayong gabi, palagi kasi ako lang talaga sa bahay bukod sa kasambahay namin. Kanina ko lang nalaman na umuwi pala si mommy galing probinsya. Kanina kasing iniwan ako ni Cutie Flash nanigas ata ako ewan tapos narealize kong para akong nakatingin sa kawalan kaya minabuti ko ng pumasok agad. Ilang minuto lang ang lumipas eh dumating naman sila Ate Tiff kasama ang mommy. Sabi niya sinundo niya daw si mommy galing Bicol at nagmamaktol dahil hindi na daw namin ito nabibisita. Sa aming tatlong magkakapatid, si Ate Tiffany lang yung medyo malawak ang oras kasi freelance model siya kaya sa mga galaan, maaasahan mo yan. Yung bunso naman naming si Minho, engineer sa ibang bansa pero matatapos na yung contract niya dun by next year siguro.

 

“Rene, how’s lovelife? May mga cutie bang umaaligid?” Tanong ni Ate Tiff.

 

“Wala eh pero may nakilala akong cute…. I mean wala talaga.” Baka magulat si mommy pag kinwento ko na nacucutean ako sa isang girl. Conservative kasi ito at kahit na anong bakas ng kabaluktotan ay nagagalit. Hindi naman sa baluktot ako pero ayun nga ganun si mommy. At isa pa, wala namang masama if macutean ka sa kapwa mo girl diba? Ang tawag dun woman empowerment.

 

“Wala daw pero mukhang may naiisip.” Pang-aasar ni ate.

 

“Ikaw kaya yung madaming nakakasalamuha na mga cute, gwapo pa nga eh. Minsan mamigay ka kaya.” Muntikan na ata mabulunan si ate.

 

“Wow Rene, what happened? Same ka kay mommy na conservative ah and all of a sudden gumaganyan ka na ah.” Sabi na eh dapat iwasan ko na si Yerim.

 

“Nothing ate, I’m just kidding. I got you though.” Sabay tawa ko ng may pagkapilit, sana lang hindi nila mahalata. Hala umiingay na nga siguro ako compare sa dati. Maya maya pa ay dumating na si mommy. Syempre nangamusta muna siya.

 

“Nababalita sa news yung talamak na kidnaping here in Manila. Make sure magingat ka anak. How do you go home ba?” Tanong sa akin ni mommy habang nilalabanan niya yung hipon sa mga balat nito.

 

“Nag-aangkas mom.”

 

“Why Rene? I mean, really? Angkas is not safe.” Nga pala may pag kamaarte si Ate Tiff. Safe naman yung angkas e isang taon ko na nga ginagamit. Nagsimula lang naman ako mag-angkas nung pumasok ako sa company ko ngayon. Not that I can’t afford to buy a car, but I can’t drive lang kasi. May mga certain situations kasi akong nalabas yung fear ko so specifically sa driving kaya I preferred na ganun yung set up. Hindi naman kami sobrang yaman para maghire ako ng driver and enjoy kaya ang angkas lalo na ngayon.

 

“Ano ba yang angkas na yan? Safe ba yan?” Yes mom, safe kay Cutie.

 

“No mom. It’s like sasakay ka sa motor ng iba ibang tao and then the driver will give you their helmet para you can use it. Imagine yung helmet na yun sinuot na ng sino sino. It’s not safe really Rene, try considering yung pagbili ng own car.” Ayaw ko nga kasi ate, may takot ako sa pagdadrive, ang kulit nito. Ilang beses ko na yan sinabi sa kanya eh. Pag grab naman sobrang pricey kaya angkas yung option ko for now.

 

“Don’t worry mom, nagdadala naman ako lagi ng spray in case. And ate Tiff, mabilis din kasi yung byahe, it’s me being practical lang. Saka don’t worry ate, may personal angkas ako, I also use my own helmet.” Pagmamayabang ko kahit hindi naman masyadong totoo. Pero ayan na nga nagpantig na yung tenga niya. Alerted na ulit ung dugong curious ng ate ko. Syempre wala akong sinabe at nilihis ko na agad ang usapan sa ex niya para walang turning back sa topic at magtanong si mommy sa ate ko. Kakabreak lang kasi nun sa bf niya last month, Nakita niya atang nagmemake out yung bf niya sa ibang babae. Sinabi ko pa na sakit ng ulo lang yang pagkakaroon ng karelasyon.

 

“Wow ah, coming from someone na hindi pa nagkakaroon ng karelasyon. Seriously, you need to get laid Rene. I swear hahanap hanapin mo.” Ako ata yung mabibilaukan.

 

“Ate kadiri ah. Sa harap talaga ni mommy.” At ayun na nga nakasimangot na tuloy ang matanda at nasermunan siya. Buti nga sakanya. Conservative nga kasi si mommy. Tiningnan ko si Ate Tiff nung tinitigan niya ako ng nakakalokong ngiti dahil kinekwesyon ni mommy mga liberated hobbies niya. Nagbelat din ako sakanya para mas maasar, halatang naisahan ko siya dahil nakatingin na ng masama. Nang humupa na yung topic na yun, nag-usap pa kami sa iba’t ibang updates ng buhay naming tatlo. Yung akin wala naman masyado akong maopen kasi ang boring talaga ng life ko.

 

 

Pagtapos ko magshower, dumiretso na ako sa kwarto. Friday pala ngayon. Hala naalala ko baka sunduin ako ni Cutie. Need ko makipagcommunicate sakanya baka puntahan niya ako tomorrow. Tinry kong maghanap ng contacts niya sa app ngunit nakaclose na yung details ng mga driver. Hindi naman niya ako tinawagan kanina. Iisipin ko nalang na hindi niya tototohanin yung pagsundo na yan. Sana hindi talaga.

 

“Matulog ka Rene ng mapayapa.” Sabi ko nalang sa sarili ko.

 

-------------------------

“Jaemin this report is unacceptable. How many times do I have to tell you that you need to check the details?” Medyo inis kong sabi sa isa sa mga staff ko. Kakasubmit lang sa akin ng report at nakita ko kaagad yung mga inconsistencies.

 

“Sorry po Ma’am Irene hindi na po mauulit. Hindi ko kasi napansin na mali pala yung formula na nilagay ko sa excel nadamay po yung buong file upon encode ko sa system and hindi ko na po nakitang hindi po balance. Magoovertime nalang po ako para matapos ko yung report ngayon.”

 

“See what you did? You need to have an OT pa para lang sa report na to na supposedly hindi na dapat kung nadouble check mo from the start.” Bumalik na si Jaemin matapos nun at nagmamadaling nirevise yung report. I’ll give him last chance or else, I need to report na to HR his performance. Ang problem kasi is tomorrow na yung general meeting with the other managers and may portion pa ako na hindi tapos, yun yung sa report niya. Ayoko sanang gabihin mamaya kasi bukod sa delikado is baka wala na akong masakyan. I doubt kung talagang susunduin ako ni Cutie Flash, I prefer her calling that than Seulgi, wala lang gusto ko lang. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa sandalan ng sw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭