Basta Angkas Rider, Sweet Lover

Please Subscribe to read further chapters

Description

Kung saan ang Angkas Rider na nasakyan ni Irene Ramirez de Arellano ay ang misteryosong si Seulgi Yuson, sa isang madilim na lugar sa tapat ng kanilang opisina.

Foreword

"Okay na ako dadating na yung angkas." Wika ni Irene sa mga kasama nito. Kakatapos lamang nila sa kanilang shift at halatang pagod na pagod ang dalaga. Nagkataon namang pundido ang poste sa tapat ng kanilang gusali at unti unting nawawala ang mga tao na nagaantay ng kani-kanilang sundo. 

Bakit pa kasi di ako sumabay kila Yerim. Tuluyan ng kinabahan ang dalaga ng may isang motorsiklo na huminto sa harapan niya at inaaya siyang sumakay. Isa ito sa mga habal habal na madalas nagaantay ng pasahero sa kanilang lugar.

"Miss halika na. Ihahatid kita kahit sa langit pa" Muling kinabahan si Irene at kagad chineck ang kanyang binook na angkas. Sa kanyang kamalasan, ang angkas na kanyang nabooked ay bigla na lamang nagcancel sa app na tinitignan niya. .

Akmang bababa na ang lalaki sa motorsiklo nito na lalong nagpakaba kay Irene. Pinilit niyang magbook ulit ngunit mahirap na ulit makahanap ng mga rider.

"Okay lang kuya padating na yung sundo kong angkas." Sambit niya at sinubukang maging matapang. Sakto namang may humintong motorsiklo na may angkas na nakalagay sa helmet nito sa harapan niya at walang kaabog abog ay sumakay siya rito.

"Miss?" 

"Oo, ako nga tara na."

"Please iligtas mo ko sa lalaking yun" Bulong nito sa kakadating lang na driver. Minaniobre na ng driver ang kanyang motorsiklo at unti unting lumayo sa habal habal na hindi maganda ang tingin sa kanilang dalawa.

"Saan po tayo pupunta?" Itinuro ni Irene ang kanyang tahanan at ligtas na nakarating naman ito. Nang makababa na ang dalaga ay agad naman pinatakbo ng driver ang kanyang motorsiklo.

Hindi pa ako nakakabayad. Ano kayang problema nun at nagmamadali? Bagamat hindi nakuha ni Irene ang pangalan nito, natandaan naman niya ang unique na plate number sa likod ng motorsiklo.

 

BAE143

LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.
No comments yet