Chapter 7

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

“Here na tayo.” Lumabas siya agad at pinagbuksan nanaman ako ng pinto. Can she stop doing things na parang ginagawa niya akong special? Okay assuming nanaman ako.

 

“Name niyo po ma’am?” Tanong nung isang guard ata or coordinator.

 

“Kang Seulgi” Napansin ko naman na yung mga parang guards is itinawag yung name ni Seulgi sa kung kanino. Nagmadali naman yung kausap niya na iguide kami sa elevator kung saan yung papuntang floor ng event.

 

“Ma’am, Ms. Joy is waiting for you na po.” Joy? Who is Joy? One of the reasons why I can’t let whatever I have to escalate is because hindi ko pa siya kilala. Hindi ako yung tipong naglalaro sa apoy. Another reason is yung way of living niya na nakakapagtaka, is she really doing illegal things? Major turn off kasi kapag ganun.

 

“Thanks, tell her I’ll go there maya maya.” Naglakad pa kami kaunti para makarating sa theater venue. Hindi ko akalain na sa front seat talaga yung kinuha ni Seulgi na seats. After namin magsetlle sa seats, nagpaalam naman si Seulgi na may pupuntahan daw siya saglit. Siguro five minutes before mag start ng event saka siya bumalik.

 

“You okay?” Tanong niya sa akin.

 

“Sorry, may pinuntahan lang akong friend.” Bumalik siya na may bitbit na paper bag.

 

“Okay lang. Mag-istart pa lang naman.” I’m really fascinated by all classical musicians. Bach Masterpiece yung theme tonight. Whenever I hear classical music, I feel like may something na nagrerestart sakin. Narerefresh ako. Good timing din kasi nalilito ako sa kung ano dapat ko gawin at yung dapat ko na maramdaman.

 

“Para masundo ka” Naalala ko nanaman yun. Tumingin ako kay Seulgi, nakikinig talaga siya ng mabuti. Narinig ko na inaanounce na yung main event na magpeplay ng solo. Her name is Park Sooyoung. She is known sa ganitong industry and I am a fan of her works. Nagtotour siya around the world and last stop niya na ata to kaya madaling nagsold out. Magpapahinga kasi daw muna siya. Nagpeplay na siya eversince bata siya. Sa Europe siya nakabase at dun siya lumaki and natuto until sumikat siya sa larangang ito. Ang specialty niya is piano and violen. Oh, diba alam ko yung life niya.

 

Natapos kaagad yung mga tumutugtog, pagnag-eenjoy ka kasi parang ambilis ng oras. Tumayo na kami pareho habang nagpapalakpakan sa mga nagperform ang lahat. Sinarado nadin ang kurtina and niyaya na ako ni Seulgi lumabas.

 

“Did you enjoy it ba?” Tanong niya sa akin.

 

“Yes, thank you talaga. Para akong nagpunta sa isang retreat.” Dumiretso na kami sa car niya. Nakaupo lang kami parehas pero hindi niya padin to pinapatakbo.

 

“Uhm…”

 

“Yes, may gusto ka bang sabihin?” Tanong ko sa paghehesitate niyang magsalita.

 

“Uhm.. gusto mo bang magdinner muna bago kita ihatid sa inyo? I know biglaan, if ayaw mo okay lang.” I’m seeing tense Seulgi. This day I am seeing different kinds of Seulgi talaga and I like it.

 

“Okay lang naman. Maaga pa naman.” And isa pa, gutom na ko.

 

So ayun nga hinayaan ko siya and parang nagsisi ako hahaha. Hindi ko alam saan ako dadalhin nito, fault ko din na hindi ako nagtanong. Alas-nuebe na nasa gitna padin kami ng daan at alam kong wala na kami sa city.

 

“Don’t tell me eto na yung time na kikidnapin mo na pala ako ah.” Biro ko sakanya.

 

“Pwede din.” Tumingin siya sa akin saglit. Nagtanong lang naman ako bakit kailangan tumingin ng ganun.

 

“Ewan ko sayo. Saan mo nga ako dadalhin?” Tanong ko ulit sa kanya.

 

“Sa Tagaytay.”

 

“What? Ang layo na pala natin? Saan ba tayo kakain?” Gulat ko. Para naman ang spontaneous lang ng magiging lakad namin.

 

“Maganda kasi yung makikita mo yung cityview while eating. Anyways bawal ka na magreklamo kasi andito na tayo.” Ang weird talaga niya. Night owl ba tong kasama ko at sobrang active sa gabi? Pagdating namin sa kainan, mukhang nagpareserve na siya dito kasi kilala na siya ng mga staff. Japanese restaurant ito and parang di maganda yung timing kasi pansin ko yung set up na ang upo is sa sahig eh nakadress pa naman kami.

 

“Let’s go sa restroom. Change tayo.” Bigla niyang tanong.

 

“Wala akong damit.” Protesta ko sa kanya.

 

“Bumili ako earlier, here oh.” Then inabot niya yung paperbag na dala niya. Prepared naman ata siya masyado eh kakatanong niya lang kanina if want ko magdinner?

 

“I chose this place kasi medyo quiet. I usually go here pag free time ko and the staffs knows me na din.” Sinasabi niya yun habang papunta kami sa may restroom. Buti pa siya relax ako kasi nagpapanic na papunta kami both sa restroom.

 

“Iisa lang yung restroom?”

 

“Yes. Lika na.” Alam mo yung restroom na iisa lang sa starbucks tapos hindi pa ganun kalaki kasi nga isa lang talaga siya, ganun na ganun!

 

“Sabay tayo papasok?” Manghang tanong ko.

 

“Why not diba? Bibihis lang naman. Lika na.” So ayun hinila niya ako paloob tapos narinig ko yung pagclick ng door. Napalunok ako and naalala ko yung isa sa mga litanya sa movie na ‘close the door when you leave’. Ganito pala yung feeling nung bidang artista.

 

“Uy may problem ka ba? You look bothered lang kasi.”

 

“Ah wala naman.” Gumilid lang siya tapos nagstart na siya iundo yung dress niya. Ilang paglunok na kaya tong ginagawa ko kasi frozen na talaga ako sa kinatatayuan ko. I am seeing Seulgi’s stripping her dress with my very own eyes sa loob ng restroom at ang init pa. Una niyang ginawa is hinawi niya yung buhok niya sa gilid kaya kitang kita ko yung neck and shoulder niya pero buti nalang di siya nakatingin sa akin. Busy po kasi siyang maghubad sa HARAP ko.

 

“Pwede ka namang tumalikod if hindi ka comfortable. Sorry nakalimutan kong Philippines pala to.” Mabilis pa sa alas kwatro na tumalikod ako kasi baka iba magawa ko, ayoko na masilayan na yung abs niya. Pinagpapawisan na ako sa loob dito. So wala namang problem talaga since both girls kami. Ginagawa ko na to dati sa mga friends ko kaya kalma lang Irene. Nagstart na din ako hilahin yung zipper ko sa likod pero mukhang ayaw bumaba. Tsk, makisama ka.

 

“Hey may problem ba?”

 

“Ah eh, hindi ko kasi mababa yung zipper.”

 

“Sige, let me help.”

 

“Ano ka ba, oka….” So ayun the next thing I feel is yung kamay niya sa likod ko. I can feel her breath din everytime na magsasalita siya. It warmth me. Hinawi niya yung buhok ko sa kaliwa.

 

“Nastuck yung zipper sa tela pero this is easy lang naman.” I don’t know kung ano yung ginawa niya pero hindi ako makafocus dun kasi yung kamay niya is nadikit sa likod ko. I think nafigure out niya naman na kasi dahan dahan na niyang nabababa yung zipper ko. Oo, dahan dahan talaga.

 

“Thank you...” Hinihintay ko siya umalis pero parang may pause. Nagdecide ako humarap sa kanya baka may problem. Sakto naman pag kaharap ko is bumaba yung dress ko. Tube type kasi to and walang strap kaya mabilis bababa kapag tinanggal mo yung zipper since dun nakadepende yung suot ko. Parehas kami hindi nabother dun kasi nagkatitigan lang kami. Ramdam ko yung pamumula ko sa pwesto ko na buti nalang is maganda yung undies na suot ko. Pero kasi hindi ko yun maisip masyado kasi yung titig niya sa akin parang nangungusap. Ilang segundo siguro ang lumipas at walang may plano na umalis sa titigan namin hanggang sa bumaba yung tingin niya sa akin. Napatingin na din ako sa labi niya na lagi kong tinitignan. Gusto kong magsalita pero parang nadadala ako sa init. Parang gusto ko yung atensyon na binibigay niya akin, yung titig niya sa akin. Alam kong may gusto din siyang sabihin pero hindi niya masabi. Walang may gustong bumitaw sa kung ano yung namuo sa pagitan namin hanggang sa may narinig kami na kumatok. Mabilis akong tumalikod ulit na parang nahimasmasan at nagpalit kaagad. Habang siya naman is kausap yung kumatok para iexplain na hindi pa kami tapos.

 

“Okay kana?” Tumango ako and nahihiyang lumabas. Pants and sweater yung binili niya. Alam kong bago kasi may tag pa and actually medyo maluwag pero okay lang naman. Pag nakita kami para kaming magjajogging kasi may rubber shoes din pala na adidas yung binigay niya. I like it kasi comfortable naman yung get up and tama lang din sa restau na to kasi napansin ko kanina hindi naman masyadong formal ung mga kumakain. Pero sobrang weird lang, I mean yung ginagawa ni Seulgi, it’s so random kasi. Paglabas namin iba yung tingin nung kumatok akala mo talaga may ginawa kami kung makajudge. Sinabi ko nalang na ang hirap kasi tanggalin yung dress ko.

 

“Buti kasya sayo. That’s mine binili ko lang kanina.” Napadaan kami sa isang mirror na design sa papunta dun sa space na kakainan namin. And oo, terno yung suot namin, I mean same na magkaiba lang ng color. Nagsettle na kami sa parang private part ng restaurant kung saan yung view is sobrang ganda. Para kaming nasa terrace and tanaw yung citylights gilid namin habang nakaupo sa sahig at nakahanda yung mga masasarap na mga Japanese food. Medyo nagulat ako ah, di ako prepared na may padinner na seryoso si Seulgi.

 

“Hindi ka naman halata na masyadong prepared for this dinner ano?” Napansin ko din yung mga alcoholic drinks sa may bandang gilid. Aayain niya din ba akong uminom? Inuman ba tong pinunta ko!?

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
1023 streak #4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭