Chapter 8

Basta Angkas Rider, Sweet Lover
Please Subscribe to read the full chapter

It's already 12 ng tanghali pagkakita ko ng oras sa may phone ko and may three missed calls din ako from Ate Tiff. Oo nga pala may pinapagawa siya sa akin na kunin ko daw yung gamit niya sa condo. Masyado naman tong nagmamadali pwede naman sigurong mamaya ko gawin.

 

Ate Tiff Calling....

 

"Kanina pa ako natawag, where are you ba? Manang said you didn't go home daw."

 

"Ah, may gimik lang ako kasama friend." Then napatingin ako kay Seulgi sa tabi ko na tulog na tulog while snuggling sa unan na yakap yakap niya. Cute.

 

"Hey may kausap ba ako?" Atat nitong pag-aantay sa sagot ko.

 

"Ano ba yung tanong mo?"

 

"May hangover ka ba?" Tanong niya na halata naman kasing kakagising ko lang.

 

"Medyo lang."

 

"Makukuha mo ba yung gamit later?" Tanong niya ulit.

 

"Ano ba kasi yun bakit atat kang makuha kagad?" Feeling ko mga toys na pang-adult niya yun kasi mukhang ayaw niyang may makakuha na iba haha. I know na you ate.

 

"Wala lang. Kunin mo later ah." Wala lang pero gusto makuha agad.

 

"Sige bubuksan ko yun ah." Pagbibiro ko sa kanya.

 

"No please no. Don't you dare, that's confidential." Luh, ang oa ng reaction pero okay fine. Inend na niya yung call then bumalik ako sa pagkakahiga. Tulog mantika si Seulgi. Hindi manlang siya gumalaw nung nag-uusap kami ni ate. Napangiti nalang ako nung naisip ko yung kagabi. Siguro dala na din ng alcohol kaya umamin siya na may tension nga. Umamin din naman ako and after nun, siya na mismo yung nagbreak ng tension. Nagsorry siya and sinabi niyang baka sa alcohol nga lang daw. Contented ako kasi if hindi niya ginawa yun baka bumigay nga din talaga ako and hindi pa siguro time para don. I'm enjoying her side pa. Nung sinabi niya about sa mama niya, hindi ko naman alam na it’s a serious topic pala. Ano bang family yung kinalakihan ni Seulgi? Bakit ang sensitive ata pag yun yung topic. Dahan dahan kong inalis yung nakaharang na buhok niya sa mukha. Whatever it is, gusto ko maging komportable siya sa kung anong gusto niyang sabihin and basta lagi lang akong nandito sa tabi niya, kahit as a friend.

 

 

Nagdecide na akong tumayo and nag-ayos. Twice na akong nakihiram sa mga clothes niya and parang nasasanay na ako ah. Dumiretso na ako sa kitchen niya after ko maghilamos. Siguro makapagluto nalang while waiting na magising siya. Chineck ko yung ref niya and as expected, walang laman. I wonder if dito siya nakatira. If here, grabe naman yung byahe niya pala kasi gabi niya ako sinusundo? Adik ba siya? Maggogrocery muna siguro ako saglit. Usually naman sa mga ganitong unit may malapit na bilihan. So ayun bumaba na ako and now ko lang napansin na pang 16 floor pala yung unit ni Seulgi. Tahimik yung hallway and walang tao nung lumabas ako. Habang isasara ko na yung elevator, biglang may pumigil naman nung pinto nito.

 

"Sorry, can you click yung open."

 

"Ah yeah here." May hawak siyang kahon kaya medyo hirap siya sa pinto. Tinulungan ko nalang siya para makapasok.

 

"Thank you." Tipid niyang sagot and then di na kami nag-usap pa. Nakarating na sa ground floor yung elevator and tinulungan ko siyang makalabas tapos naghiwalay na kami ng landas. Sakto naman na nakita ko yung directory ng condo, may mall malapit lang here, walking distance.

 

Pagbalik ko ng unit niya, tulog padin siya. Bumili lang ako ng kailangan ko lang kasi baka hindi talaga dito nakatira tong tulog mantika kong kasama. Lunch na yung lulutuin ko and since puro seafoods kami kagabi, maggugulay naman kami ngayon. Bumili na din ako ng undies and damit ko for today dahil nakakahiya sa kanya. Magluluto ako ng adobong sitaw. May sangkap din akong binili for menudo and sinigang para may extra if magutom siya, di ko lang sure if kaya niya lutuin to if gusto niya. Pagtapos ko magluto, hindi nalang muna ako nagprepare ng hapagkainan baka kasi tulog pa si Seugi. Icheck ko muna yung kasama ko. Pumasok ako sa kwarto and meron siyang kausap sa kabilang phone habang nakaupo at nakasandal na sa headboard ng kama.

 

"Yes, I'll submit the other options tomorrow." With accent ah. Ang y niya mag-english na iba yung accent. Baka yung kausap niya is sa work yun. Inend niya kaagad yung convo nila ng makita ako.

 

"Good Morning Irene, akala ko umuwi kana eh."

 

"Thats your advantage over me. Hindi kita maiiwan kasi ikaw yung sundo ko. Nagluto ako tara let's eat." Lumabas kagad ako after siyang yayain. Mag-aayos lang daw muna siya. I don't actually mind yung messy hair niya and morning look na nakakataas ng balahibo sa akin. Naghanda na ako sa table niya na good for two people lang. Halatang single yung nakatira.

 

"Wow, ano niluto mo?"

 

"Gulay. Kahit di ko alam if nakain ka pero dapat kumain ka." Ngumiti nalang siya na ngiting walang choice.

 

"Yes boss." Sabi niya nagtitimpla siya ng coffee para sa aming dalawa.

 

Nakapagsettle na kami sa dining table niya. May music din kasi inopen niya to kanina nung paglabas niya sa kwarto. Kita ko yung pag-aalangan niya kumain.

 

It started when you said hello

Just did something to me

And I've been in a daze

Ever since the day that we met

 

"Pag di mo yan kinain, kakalbuhin kita." Biro ko sa nalulungkot niyang mukha.

 

"Grabe ah. Matapos kita pakitaan ng magandang asal kagabi, ito yung igaganti mo sa akin."

 

"Eat or eat Seul. Alam kong sa way of life mo puro fastfood ka lang." Defeated na kumain nalang siya and kita ko sa mukha niya yung pinipilit talaga niya yung sarili niya.

 

You already know that you're my weakness

After all this time I'm just as nervous

Every time you walk into the room

I'm speechless

 

"Done na. See?" Pinakita niya pa yung malinis na pinggan niya. Para lang siyang bata na natanggalan ng angas sa sitaw.

 

"So, what do you want to do? You want to go hom...."

 

"No! I mean, okay lang naman here ayoko pa umuwi. Wala din naman akong gagawin sa bahay I mean." Ayoko munang matapos to. Bahala na si Ate Tiff. Ngumiti nalang siya habang nilalaro yung phone niya paikot. Nagring nanaman yung phone niya then yung nakangiti niyang mood kanina parang nagbago pagkakita nung caller ID. Nag-excuse siya and pumasok sa loob ng kwarto mukhang seryoso. Gusto ko malaman yung kung sino yung kausap niya. Yung nang-iistorbo sa amin pero ayokong isipin niya na nanghihimasok ako ng buhay. Naligo nalang muna ako saglit. Tumawag nalang ako kay Yerim pagtapos maligo kasi mukhang di pa tapos si Seul sa convo niya. Inask ko if pwede ni Yerim kunin yung gamit ni Ate Tiff. Unfortunately nasa Palawan pala ang gaga nagbabakasyon kasama ang pamilya niya. Bahala nalang talaga si Ate Tiff.

 

"Uy sorry dun ah napahaba. You want ba na manood ng tv?" Sumang-ayon naman ako. Kanina pagtapos namin kumain, ako sana yung magliligpit pero pinigilan ako ni Seul. Siya din yung naghugas ng plato. Malinis talaga siya and organize, nakakatuwa kasi ang swerte ng makakatuluyan niya.

 

 

Habang nanonood kami nung Encanto, oo Encanto, napansin ko na nakaspread yung kamay niya sa sandalan ng sofa. Hindi tuloy ako makasandal.

 

"Bakit ang stiff mo bigla?" Inosente niyang tanong.

 

"Mukha kasing ayaw mong magpasandal." Biro ko. Saka niya narealize yung ayos niya.

 

"Pwede ka padin namang sumandal." Pero hindi niya padin tinatanggal yung kamay niya. Bahala na nga. So ayun sumandal ako para makarelax kahit andun yung kamay niya. Feeling ko nagpeplay yung para paraan na song sa utak ko. Ganito yung nadadanan ko sa fb na mga short clips eh. Yung biglang simpleng moves. Yung ayos namin is nakaspread yung kamay niya sa likod ko na parang nakaakbay then yung isa niyang paa is nakabend parang tambay lang habang nanonood.

 

"If ngalay ka na pwede mo naman tanggalin yung kamay mo." Suggestion ko sa kanya.

 

"Okay lang." Habang nakafocus sa pinapanood namin. After ng Encanto, gusto niya pa ng another movie. Lumapit siya sa tv and nagbobrowse siya kung ano yung pwede pang mapanood. Magdidilim na pero ayoko pa umuwi. Ayoko pa talaga.

 

"So, dito ka nagsstay talaga?" Tanong ko ulit sa kanya.

 

"Every weekend nandito ako. Mahirap kasing magsundo sayo pagbalikan."

 

"Speaking of sa akin, ano bang trip mo bakit gusto mo akong sunduin?"

 

"I like it lang." Simple niyang sagot. Bakit ang simple lang para sa kanya na pinapakaba niya ako ng ganito.

 

"You like it lang? Ang lakas naman ng tama mo kung ganon."

 

"Oo malakas talaga." Para sa akin ba yung tama na yun?

 

"Siguro marami ka ng mga lalaking inuwi dito nu?" Tawa lang siya pero hindi sumagot.

 

"Here, nood tayo horror." Magpoprotest pa sana ako pero pinlay niya na. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko and buti nalang di na niya inispread yung braso niya, totoo na yung pagkarelax ko sa sandalan. Dahil malaki yung tv ni Seul at malakas yung tunog, para kaming nasa sinehan talaga at damang dama ko yung takot ko sa katawan. Shet kasi ang dilim na nung nasa scene tapos baka may biglang sumalubong sa bida. Dapat pag ganyan takbo hindi hahanapin yung multo!

 

"Ah!" Napasigaw ako and napakapit talaga ako sa braso ni Seul and nagtago sa leeg niya. Ayoko manood pero dama ko yung takot kasi dinig ko padin. Naramdaman ko naman yung pagtap niya sa ulo ko ng kabila niyang kamay pa huminahon ako. Natapos yung movie na ganun yung ayos namin.

 

"Sorry ah. Matatakutin kasi talaga ako."

 

"You want pa ba ng horror? I dont mind." Pang-aasar niya sa position ko. Agad naman akong humiwalay, tinetake advantage ako nito ah.

 

"Shut up. Gabi na, luto na ba ako ng dinner?" Nagsmirk siya sa tanong ko.

 

"Ayaw mo na ba talaga umuwi?" Taka niyang tanong. Seul obvious naman kasi diba?

 

"Pagsinabi ko bang ayoko na, aampunin mo ko?" Biro ko naman sa kanya. Lumakas na ng slight yung loob ko simula nung sinabi niyang may tension sa aming dalawa. At least hindi lang ako yung mag-isang nakakaramdam non. Gusto ko din kasi talagang pag-usapan namin ito. Ayokong nabobothered, overdue na masyado.

 

"Hmmm. Interesting question."

 

"Joke lang. Pinapauwi mo na ba ako?" Tampo ko sakanya.

 

"Hindi naman. Concern ko lang kasi may pasok ka pa tomorrow diba?"

 

"Hatid mo nalang ako tomorrow." Paladesisyon ako.

 

"Okay pero we can order food nalang."

 

"Hindi. Magluluto ako. Don't worry hindi naman gulay lulutuin ko. You want ba ng meat? Sinigang? Menudo?"

 

"Sinigang sounds delicious." So ayun tinulungan nalang niya ako sa pagpeprepare ng sangkap. Sinabi niya ding I look nice sa apron niya. Pang wife material daw, syempre kinilig ako. Wife niya ba yung pinepertain niya? Nagring naman yung phone ko habang hinihintay ko nalang maluto yung pinagsamasama kong mga sangkap sa kaldero niya.

 

"Mommy, kamusta napatawag ka po."

 

"Iha, umuwi ka here next week ah. Uuwi din si Ate Tiff mo."

 

"Ah okay po. Bakit ano pong meron?"

 

"Umuwi na kasi galing abroad yung ninang mo kasama family niya. Gusto ng daddy mong magdinner kasama sila at para kumpleto yung buong pamilya natin. Alam mo namang close na close yun sa angkan natin. Papakilala niya daw yung anak niya. Sabi ko ikaw nalang ang hindi pa nagkakanobyo kaya ikaw daw mag-asikaso." Si mommy parang ewan. Mukha bang gusto ko ng nobyo? Dumidiskarte na po ako para magkanobya. Joke. So ayun pumayag naman ako na umuwi kahit weekend lang. Tatapatin ko nalang yung lalaki na ayokong magkanobyo pa. Pagtapos ko ng call with mommy pinatay ko na yung niluluto namin. Si Seul naman kakalabas lang din sa kwarto with wet messy hair. Naligo siya habang patapos na ako sa pagluluto kani kanina. Alam mo by this time iniisip ko talaga na lahat ng kilos niya parang nananadya na inaakit ako eh. Kasi grabe naman tong nilalang na to. Every move talaga. Yung paghawi niya ng buhok or kahit simpleng pagsuklay or pag-unat, nakakadagdag ng appeal niya. Ito bay un kapag whip ka isang tao na kahit titigan mo in a normal days, parang ang saya mo lang.

 

" Hey Seul." Lumingon naman siya sa akin habang nagsusuklay.

 

"Ilan na naging boyfriend mo?" Seryoso kong tanong tapos ngumiti naman siya. Ang gulo niya talaga pag ito yung topic namin.

 

"NBSB ako."

 

"Hindi ako naniniwala." Sino ba naman kasi maniniwala?!

 

"Edi wag. Haha pero ex-girlfriend meron." Nalaglag ko yung sandok. Baka may bisitang matanda na dadating. Pinulot ko agad ito at hinugasan.

 

"Oh. So ilan?"

 

"Isa." Sabay tingin niya sa akin.

 

"Ah siya ba yung binabalikan mo?"

 

"Sabi ko naman sayo eh kung sino man yung p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LunaDy
Hi po,

Thank you for all your support. I really appreciate your comments. <3

Ps. Ngayon palang pinaghahanda ko na kayo sa mga susunod na chapters. </3

Chaur lungs.

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 29: Mukhang my past si jisoo at seulgi... Mas lalong nggng interesting Ang mga kaganapan...
_m3owrene
#2
Chapter 29: Thank you sa update author!
AnneTokki #3
Chapter 29: Wow, thank you so much for updating.

Hmm, why Kasi I accept pa Ang promotion.
_m3owrene
#4
Chapter 28: Woow! You’re back author! Thank you sa update!
AnneTokki #5
Chapter 28: 🫣🫣🫣, still sad 🥲🥲, So Irene at Yung Mama ni Seulgi 🤧🤧
Samjang08 #6
Chapter 28: Waahhh! You're back author!! Namiss ko basahin to. 🥹🥹

Anyways, sana idecline na lang ni Irene ung offer sa kanya. For sure naman if she's competent enough, she'll get the same position sa other company. Di ko lang talaga bet ugali nung boss nya. Hahahaha

Looking forward sa mga susunod na chapter! ❤️❤️❤️
Amakabogera_sonbae #7
Chapter 27: Ang exciting ng story, sana matuloy pa to🥺
Xa1jie11 #8
Chapter 27: ²⁰²³
Alex_Larson
#9
Chapter 27: Ayoko na ng angkas tbh, they support 88m. So joyride na lang ako. Hahahahahaha
baeddeulgi_
#10
Chapter 27: anong "irene's call to do it"??? aba walaya tong magkapatid na to napakaraming masamang pakulo. at least kahit papaano nakapag-usap at medyo goods na sila. hays kinakabahan ako sa balak ni sunmi parang ang dami nilang alas magkapatid 😭