Glow-In-The-Dark

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Song: Angel Baby by Troye Sivan

AN: I dedicate this chapter to my angel baby anon who gifted me an aespa album! Christmas came early <3






 

Winter

 

I need a lover to keep me sane

Pull me from hell bring me back again

Play me the classics

Something romantic


 

Give him my all when I don't even have it

I always dreamed of a solemn face

Someone who feels like a holiday

But now I'm in pieces, barely believing

Starting to think that I've lost all feeling




 

Nung una kong makita si Karina, umiyak ako.

 

Parehas pa kaming maliit non, 5 years old to be exact. 

 

Tanda ko pa na tumigil kami sa paglalakad sa gitna ng daan habang umuulan kasi mas napiling magchikahan ng aming mga mama under the moonlight while the rain was pouring hard kesa dumiretso ng uwi sa kanyang kanyang mga bahay.

 

Di ko na gaano tanda kung ano ang importanteng pinag-uusapan nila kaya kahit bumabagyo eh tuloy pa rin ang daldalan at hagikgikan with matching hampasan pa ng payong, something along the keywords na “palengke”, “putahe”, and “pards”. Naglalaro yata sila nung PANTS na game na magbibigay ng words alphabetically for place, animals, name, and things.

 

Nakatingin lang kasi ako dun sa batang babae na naka-kapote na Doraemon yung design at nakakapit sa damit ni Tita Esme, yung mama niya. Alam ko yung Doraemon syempre kasi pinapanood ko din. May TV kami, bakit... Medyo pasimple ko namang nilalabas at niyayabang yung Ben 10 watch ko nun para makita din niya.

 

Pero nung mas lalo ko siyang napagmasdan, napaiyak na lang ako bigla.

 

Hindi dahil sa inaway ako ni Karina.

 

Hindi niya rin ako inasar at dinilaan.

 

Yung suot niya kasing bota.

 

Color yellow. 

 

Ang laki pa sa paa niya.

 

Hindi ko alam kung sino ang walang awang nilalang, ehem Ate Taeyeon, ang bumulong sa bata kong isipan dati na gumagalaw at naglalakad daw yung mga ganoon mag-isa sa gabi.

 

Sinong hindi iiyak don diba?

 

Natigil naman ako ng iyak kasi nung napansin ni Karina ang sobrang pagkatakot ko, bigla niyang hinubad yun sa paa niya tapos hinagis sa gilid.

 

Syempre, gulat si Tita Esme. Bigla ba naman nagpaa ang lovely daughter niya. Ang lakas kaya ng ulan at ang putik pa sa daan. Kitang kita ko yung shocked na reaction niya na sinusundan ng tingin kung saan hinagis ni Karina yung bota nito sa may madilim na part ng kangkungan.

 

Natigilan ako dun sa ginawa niya at imbes na matakot, natawa na lang tuloy ako.

 

Nakita kong nakangiti naman si Karina sa akin na parang hindi pinagsisisihan ang nangyari.

 

Gusto ko agad siyang maging friend non.

 

Ilang years ang lumipas, hmm, naging friend ko naman siya.

 

Then nag-upgrade ang aming relationship, she became my best and closest friend.

 

Then nag-max upgrade, she’s now my girlfriend.

 

At umiiyak pa din ako.

 

Kasi dati pa man, mahal ko na siya.

 

Pero ngayon mas lalo ko lang siyang minamahal.

 

Isa na yun sa mga dahilan ng pag-iyak ko pero mas napalala lang yun nung sabi nung inorderan ni Karina ng samgyup ay “eh mam ala n po kmi griler xenxa”

 

Paano kami magsasamgyup niyan?

 

Na-touched pa naman ako kasi ilang weeks ako nag-crave nun tapos nagulat na lang ako nung meron ng samgyupsal spread complete with all side dishes pagkauwi ko sa dorm na inorder ni Karina for me.

 

Kinilig ako kasi ang sweet niya.

 

Tapos pinakita niya yung text ng store na wala daw griller.

 

Gumuho ulit buhay ko.

 

Tinawanan lang ako ni Karina at sabi na ipi-prito na lang daw niya sa kalan.

 

Medyo humihikbi pa ko na sabi, “P-pwede yon?”

 

“Of course, baby.” Sagot ni Karina na hinalikan pa ako sa cheeks.

 

Yung mga moment na ganito na nakakalimutan ko na lang ang mga present happenings dahil natutulala ako sa kanya.

 

Naiisip ko lahat ng mga pinagsamahan namin since we were kids.

 

Ang tagal na naming magkakilala.

 

Ang dami na naming pinagsamahan.

 

Nakita ko na ang buong pagkatao niya... eh basta, as in all of her.

 

“Oh? Tulala ka diyan?” Tanong ni Karina sa akin habang inaayos yung mga samgyup na ipi-prito niya.

 

Hindi ako sumagot.

 

Nakatitig lang ako sa kanya.

 

“Sest?” Kunot noong tanong ulit ni Karina nung napansin na di pa rin ako umiimik.

 

Tahimik lang akong tumayo at lumapit sa kanya.

 

Sumusulyap sulyap lang sa akin si Karina, nahihiwagaan sa kung anong balak kong gawin.

 

Niyakap ko siya sa likod at pinatong ang chin ko sa balikat niya. Automatic naman ang paghawak niya sa braso ko.

 

Liningon ako ng kaunti ni Karina kaya nagkalapit ang mga mukha namin, “Yes..?”

 

“Wala...” Naka-pout kong sabi.

 

“Bakit naglalambing? Iluluto ko na nga yung samgyup mo oh...” Pang-aasar ni Karina sa akin, nudging her shoulders on my chin.

 

I kissed her cheeks gently. “Bawal kang mahalin?”

 

Di naman sumagot nun si Karina at nakita ko na inayos niya lang yung kawali, may maliit na ngiti sa kanyang labi at pansin ko rin ang pamumula ng kanyang cheeks.

 

“Mahal kita...” Seryosong sabi ko sa kanya.

 

Ang sarap lang sabihin.

 

Hindi naman sumagot si Karina. Kinuha niya lang yung samgyup at inilabas dun sa plastic.

 

Tahimik pa rin si Karina kaya nagworry na ako nung napansin ko na nakagat labi lang siya at nakakunot ang noo. “Sest, b-bakit?”

 

Binitawan ni Karina yung hawak niya at pumihit ng pwesto para yakapin ako ng mahigpit. “I-I’m just happy… I love you too, Minjeong..” Humigpit pa lalo yung yakap niya sa leeg ko at rinig ko na rin ang mahinang paghikbi niya.

 

Ehhhh….. naiiyak na din tuloy ako pag umiiyak siya ng ganyan.

 

Biglang umilaw yung cellphone ni Karina at nabasa ko yung message na nag-pop out, “mam may griler na poH, pdlivir ko p b? igriling griling hekhek”

 

Siniksik ko yung mukha ko sa leeg ni Karina at nagpigil ng tawa habang umiiyak pa rin siya.

 

Panira ka ng moment, ate griller.

 

Ate Griller: 1

Winter: 0

Karina: 0






 

 

 

 

 




 

Simula nung maging kami ni Karina, pakiramdam ko ang daming nagbago sa akin… in a good way.

 

I became a better person.

 

Hindi na ako nakikinig ng mga music na may lyrics na “Can you feel that? Oh ! Oh ah ah ah! Oh ah ah! Drowning deep in my sea of loathing...”

 

Ang mga pinapakinggan ko na eh yung tamang chill at pang-inlove lang, hiningi ko pa nga yung playlist ni mama na puro luma kaya kinikilig na ko ng sobra dahil mas iniintindi ko yung mga lyrics kagaya nung “I was living for a dream, loving for a moment, taking on the world… that was just my style. Now I look into your eyes, I can see forever, the search is over, you were with me all the while.”

 

For real. Literal na the search is over talaga.

 

Hindi ko naman hinangad na makahanap agad ng someone to love, I think I’ve always been contented sa mga taong nasa paligid ko.

 

Sa best friend ko na si Karina…

 

Kaya pala hindi ako naghahanap.

 

Kasi sabi nga sa song “she was with me all the while”.

 

Thanks sa UV Express playlist ni mama.








 

I’ve also been very attentive and I became a good listener.

 

Mas gusto ko na lang yata pakinggan si Karina magsalita buong araw kahit ano pa ang kinukwento niya.

 

Nandito kami ngayon sa kwarto niya, nagtutupi siya ng mga damit at nakaupo dun sa carpet niya sa sahig. 

 

Nagkukuwento lang siya about dun sa pusa daw na nakita niya kanina habang ako naman ay nakahiga sa kama niya, nakatukod yung kamay ko sa ulo habang pinapakinggan lang siya.

 

“Grabe babe, ang sweet nga nun pero ang kulit.. lumilipat na nga ako ng pwesto and sumumunod pa rin siya. I tried running too pero sumusunod pa rin, rubbing its face on my legs.” Pagkwento ni Karina.

 

“Tapos…” Invested na sabi ko, nakatitig lang ako sa kanya.

 

Napatigil lang si Karina saglit sa pagtutupi at lumingon sa akin. “Ayun nga, it ran away din nung may dumaan na sasakyan…” natawa siya ng mahinhin.

 

“Dapat inuwi mo na lang…” Sabi ko.

 

Nagliwanag ang mukha ni Karina. “Payag ka?”

 

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. “Kahit ilan pa yan…”

 

Tumayo naman si Karina mula dun sa sahig at umupo sa gilid ng kama niya kung nasaan ako.

 

I looked up at her.

 

She leaned close to my face and spoke in a low voice. “Ikaw mag-aalaga?”

 

“Mhmm.” I nodded pero nakatingin na ako sa mga labi niya. 

 

“Why so sweet these days…” Seryosong bulong ni Karina near my lips.

 

I closed my eyes habang nag-aabang ng kiss pero piningot niya lang ang ilong ko.

 

Napadilat agad ako sa sakit at inalis ko yung kamay niya. “Aray!!”

 

“Anong kinain mo, huh? Share naman...” Pang-aasar ni Karina.

 

Sinamaan ko naman siya ng tingin habang hinihimas yung ilong ko. “Ikaw!”

 

Nabitin ako dun sa kiss, kainis.

 

Di nakaimik si Karina non at parang namula lang yung pisngi niya.

 

Ano, ano.

 

Bigla namang hinagis sa akin ni Karina yung mga damit na hindi pa nakatupi. “Tupi mo yan… busog ka diba?”

 

Napamaang ako sa kanya at kita kong nakangisi lang siya at nakataas ang isang kilay sa akin.

 

Ang bilis niya makarecover.

 

Hindi talaga ako mananalo sa kanya.

 

Pero okay lang, paminsan minsan nakaka-score naman.

 

Karina: 1

Winter: 1

 

 

 




 

You came out the blue on a rainy night, no lie

I tell you how I almost died, while you're bringing me back to life







 

Another change is... hindi na ako takot sa ipis.


Sus.

 

Easy.

 

I’m cool like that.

 

Pag nagmamahal ka pala, tumatapang ka.

 

Tahimik lang kaming dalawa ni Karina sa kwarto ko, siya ay nasa kama ko habang nagbabasa ng libro at ako naman ay naglalaro ng phone sa sahig nang may biglang dumaan na ipis sa harap ko at dahan dahan na gumagapang.

 

Tumayo na si Karina sa kama at akmang papatayin yun pero mabilis ko siyang pinigilan.

 

“Itabi mo… ako na.” Confident na sabi ko sa kanya.

 

Napakurap lang si Karina sa akin na parang hindi makapaniwala at amused na nag-gesture na lang to make way.

 

Huminga ako ng malalim.

 

Nag-stretch ako ng leeg.

 

Push ko ang murder agenda ko ngayon.

 

Kinuha ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g