Chapter Four: The Bossing

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

"Bossing!"

 

Puta. Sino 'tong yumuyugyog sa'kin? 

 

"Bossinggggg!"

 

Punyeta talaga. 

 

"Bossinggggggggg!"

 

Napabangon na ako at sinamaan ng tingin ang kumag na yumugyog sa akin. "Putangina mo, Agustin! Ang aga-aga, ginagambala mo ako!" 

 

She winced before awkwardly smiling, parang nagc-contimplate kung sasabihin niya ba dapat niyang isasagot. 

 

"Ah eh... Bossing, hilamos ka muna, mukha kang nakipag-gera eh." Kamot-kilay niyang saad. 

 

Namula ako bigla dahil sa kahihiyan kaya naman nabato ko siya ng unan. Nasalo niya naman, pero hindi niya inaasahan na ibabato ko rin sa kaniya 'yung alarm clock kong nag-hihingalo na. Ayon, sureball sa noo niya. 

 

"Labas!" Bulyaw ko. 

 

"Ito na, Bossing!" Agad siyang lumabas habang hinihimas pa ang kaniyang noo. Kita niya rin kasi 'yung kamay kong hawak na 'yung mini-dumpling lamp ko, akala niya siguro ibabato ko rin sa kaniya. 

 

As if naman, 'no! Ang cute-cute kaya nito. 'Di ko 'to sasayangin nang dahil lang sa isang unggoy! Papatayin ko lang naman kasi dahil kagabi pa ito nakabukas. 

 

Pero teka, paano nakapasok si Ryu sa kwarto ko? Ay mali, paano pala siya nakapasok sa condo ko eh wala naman akong ibinigay na extrang susi sa kaniya, kahit na 'yung iba ay wala rin. 

 

Pero hindi ko muna 'yun inintindi at dali-daling pumasok sa banyo. 

 

Shet. 

 

Mukha nga akong sumabak sa gera. 

 

Sobrang gulo ng blonde kong buhok at grabe 'yung eyebags ko. 

 

Nice naman, yawang mukha 'to. 

 

Pero okay lang, maganda pa rin ako. Baka si Minjeong Paige Salazar 'to? Ang Bossing ng K na ang trabaho ay ang buhayin at pakainin ang mga kurimaw na palamunin. 

 

Hayst. 

 

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at masinsinang ginawa ang aking morning rituals dahil kailangan talaga. Usually kasi, parang wasik-wasik lang ako maligo. 'Di naman sa literal na wasik-wasik lang pero parang gano'n na nga. 

 

Joke lang. Maalaga ako sa sarili 'no! 

 

Mabuti nalang pala at ginising ako ni Ryu. May oras pa ako para ayusin ang sarili ko. For the first time, may nagawang matino at nakatutulong ang unggoy na 'yun.

 

Matapos kong maligo, diretso bihis na malamang. Simple lang naman 'yung sinuot ko dahil school lang din naman ang pupuntahan ko. 

 

Nag-concealer nalang ako para naman maitago 'yung eyebags ko. Bago ako lumabas ng kwarto, sandali ko munang sinipat ng tingin ang sarili ko sa salamin. 

 

"'Yun oh." Ganda ko. 

 

Ngiting-ngiti akong lumabas ng kwarto, pero as soon as nakita ko ang kalagayan ng sala ko, biglang nandilim ang paningin ko. 

 

Tangina. 

 

"Mga puta! Anong ginawa niyo sa condo ko!"

 

~~

 

Naka-busangot akong nag-lalakad papuntang cafeteria. 'Yung mga gumambala sa'kin kaninang umaga? Ayon, naka-sunod lang sa'kin, maya't-maya ang pagso-sorry. 

 

Simula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali, hindi ko sila pinansin. 

 

Hindi ko maatim 'yung ginawa nila sa condo ko kanina. 

 

Nakakaiyak. 

 

Pa'no ba naman kasi, pagkalabas na pagkalabas ko, bumungad sa'kin 'yung gulo-gulo kong sala. 

 

'Yung mini-glass table ko, basag na. 'Yung T.V ko, halatang binato nila ng remote dahil sira parehas. Tapos 'yung mga unan at sofa, ang gulo ng punda. At ito pa, tangina 'yung pinto ko nakahimlay na sa sahig. 

 

Parang na-massacre 'yung condo ko kanina. Pa'no nila nagawa 'yun nang hindi ko naririnig mula sa banyo? Pa'no ko hindi narinig 'yung pag-sipa ni Ate Seul sa pintuan ko? Gano'n na ba ako ka-tulog mantika? 

 

Nakakasira ng mood. 

 

Okay lang naman kahit sirain nila 'yung T.V, remote, at pinto, pero kasi,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong