Chapter Seven: Yelong Robot

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Nakatunganga lang ako habang naka-upo sa kama ng bago kong kuwarto, or I should say, bagong condo habang hinihintay sila Ryeong dahil sabi nila, susunduin daw nila ako. 

 

Noong nag-usap kami noong nakaraang araw sa tambayan, in-explain nila kung bakit gano'n ang nadatnan ko no'ng umaga na 'yun. 'Yung explanation naman nila, puro 'eh si gan'to, eh si gan'yan'. 

 

Sa madaling salita, napakawalang-kuwenta.

 

So ang ginawa nalang nila bilang peace offering ay bumili si Ate Seul ng bagong condo tapos 'yung natirang tatlo ang bumili ng mga bagong gamit. Bibili pa nga sana ulit si Ryu ng mini-glass table pero hindi ko na siya pinayagan. 

 

Hindi man halata dahil mukha silang mga gusgusin pero mga rich kid talaga sila. Mabuti talaga at hindi pa kina-cut off ng parents nila ang mga credit cards nila kahit na mga basag-ulo sila. 

 

Wala na talaga akong magagawa sa kanila at sa mga katarantaduhan nila dahil talagang parte na ng cycle ng buhay ko ang paggambala nila sa buhay ko. Mismong kumandante nga ng grupo, kinareer ang pagiging leader. Pati sa kalokohan, leader din siya. 

 

Hayst. Tangina, ta-tanda ako ng maaga nang dahil sa kanila. 

 

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Nag-ring kasi 'yung cellphone ko at nakita ko ang caller ID ni Ryeong. 

 

Hindi ko na sinagot dahil makikita ko na rin naman ang mga mukha nila, oo nila, dahil kasama niya 'yung iba pang kurimaw, pagkabukas ko ng pinto ng condo. Susunduin daw kasi nila ako at sabay-sabay kaming pupunta sa uni.

 

"Magandang umaga, Bossingggg!"

 

Bungad ng tatlong kurimaw pagkabukas ko ng pinto. 

 

Umirap ako. "Walang maganda sa umaga kung mukha niyo ang makikita ko." Sinarado ko na 'yung pinto, wala naman siguro akong nakalimutan.

 

Magla-lakad na ako nang mapansin kong nakatingin lang sila sa'kin.

 

Tinaasan ko sila ng kilay. "Bakit?" 

 

"Ay, gano'n na 'yun?" 

 

"Daya naman. Hindi man lang kami pinapasok sa newly bought condo niya."

 

"Nagugutom akoooo..."

 

Sabay-sabay nilang reklamo.

 

"Baka masira niyo lang ulit, off limits kayo." Sagot ko at nag-simulang mag-lakad pababa sa lobby. 

 

Sumunod naman sila sa'kin, rinig ko pa nga ang nagma-madali nilang mga yabag. 

 

"Good morning po, Ma'am! Ingat po kayo!" 

 

Nginitian ko at tinanguan si kuyang guard. Dire-diretso akong nag-lakad papuntang parking lot habang naka-sunod pa rin 'yung tatlo. 

 

"Sino magd-drive?" Tanong ko. Nasa harap kami ngayon ng Ford Mustang ni Ryu. 

 

Ewan ko rin kung bakit pa namin tina-tanong kung sinong magd-drive kahit na nandiyan naman na ang may-ari ng kung anong kotseng gagamitin namin. 

 

Siguro ay nakasanayan na namin. Kaya lahat kami nagamit na ang kotse ng bawat isa eh. 

 

"Ako nalang?"

 

Sabay-sabay kaming umiling sa pagv-volunteer ni Ryeong kaya sumimangot siya. 

 

"Sabi ko nga hindi." Ani Ryeong. 

 

"Si Yu–"

 

"Bossing, 'wag si Yuna. Parating mamantika 'yung manibela ng kotse ko kapag siya nagd-drive, kadiri!" Putol ni Ryu sa sasabihin ko. 

 

"Hoy! Grabe ka naman, insan! Nagw-wipes kaya ako after kumain gamit kamay!" Depensa si Yuna.

 

Biglang binatukan ni Ryeong ang unggoy. "Ikaw nalang kaya! Kotse mo naman 'yan." 

 

Hinimas-himas ni Ryu ang ulo niya at masamang tinignan si Ryeong. "Tangina mo, ba't may pag-batok?"

 

Nagkibit-balikat si Ryeong. "Trip ko lang, hehe."

 

Tumingin sa akin si Ryu. "Bossing, ikaw nalang kaya."

 

Hindi ko siya pinansin. 

 

"Sige na, Bossing." Pagpu-pumilit niya pa.

 

Napabuntong-hininga ako. "'Wag mo akong sisisihin kapag binangga ko 'tong kotse mo dahil wala ako sa mood mag-drive." Paalala ko.

 

Akmang papasok na sana ako sa driver's seat nang pigilan ako ni Ryu. 

 

Ngumiti siya nang matamis. "Joke lang, Bossing. Ako na, baka need mo pa mag-pahinga. Tabi nalang kayo ni Yuna sa likod." Saad niya at pinag-buksan pa ako ng pinto ng backseat.

 

Umirap ako bago pumasok. Mamimilit pa, magd-drive rin naman pala.

 

"Saan pala si Ate Seul?" Tanong ni Ryu nang paandarin niya ang kotse. 

 

"Sabi niya through chat, earlier at seven sixteen in the morning, may aasikasuhin daw siya with heart

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong