Chapter Eight: JMSY

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Bangag. 'Yan ako ngayon. 

 

"Bossing."

 

Binigyan ko ng nagta-tanong na tingin si Ryeong na tumawag sa akin. 

 

"Kanina ka pa sipsip nang sipsip sa coke float mo eh wala nang laman." Sagot niya habang turo-turo ang hawak kong coke float. 

 

"Huh? Anong wala eh–" Napatingin ako sa hawak kong lalagyan nalang ng coke float na may tunaw na yelo. 

 

Kaya pala parang tubig nalang nalalasahan ko!

 

Puta. Bangag nga talaga ako, mas legit pa sa legit.

 

Napabuntong-hininga ako at sumimangot. 

 

Kasalanan 'to ni yelong robot eh. Hindi niya ako pinatulog kakaisip sa kaniya! 

 

Yawa siya. 

 

"Ano ba nangyari sa'yo at mukhang wala kang tulog?" Tanong ni Ate Seul. "Ay, hindi pala mukha, wala ka pala talagang tulog." Pagko-correct niya pa. 

 

I huffed and didn't answered. Ano isa-sagot ko? Sa kakaisip ko kay yelong robot, hindi ako nakatulog? 

 

No way! Aasarin lang ako ng mga kumag na 'yan at baka madagukan ko lang din sila!

 

"Hindi ako nag-tanong 'no?" Sarkastikong tanong ni Ate Seul. "Hindi talaga, pramis." Dagdag niya pa at umiling-iling. 

 

Umirap ako. "Alam niyo, umalis nalang kayo rito kung ayaw niyong masipa." 

 

"Si Kumandante lang, Bossing. 'Di kami damay diyan." Saad ni Ryu habang naka-taas ang dalawang kamay na tinanguan naman nina Ryeong at Yuna. 

 

Napasinghap si Ate Seul habang nasa dibdib ang isang kamay. "Wow, I felt betrayed."

 

"'Wag mo kasi silang idamay sa kagaguhan mo, Seulgi." 

 

Napatingin kami kay Ate Wannie na kadarating lang.

 

"Sino ka? Hindi kita kilala." Biro ni Ate Seul kaya naman napatawa kami. 

 

"Pakyu ka."

 

"Yuck, bet mo ?"

 

Patuloy lang sila sa pagba-bardagulan habang happy-happy lang kami nila Ryeong habang pinapanood sila. 

 

"Saya kayo?" Tanong ni Ate Wannie. 

 

"Medyo." Pabalang na sagot ni Yuna. 

 

Binatukan ni Ate Wannie si Ryu kaya naman napadaing ang unggoy.

 

"Ate Wannie, para sa'n 'yon?!" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Ryu habang hinihimas ang kaniyang kawawang ulo na nabatukan.

 

"Hindi ko abot si Yuna kaya ikaw nalang."

 

Natawa kami sa sagot ni Ate Wannie. Ampota lang.

 

Tumingin ako cellphone ko ng oras. Alas-dos ng hapon. Wala na kaming klase at kung mayroon man ay hindi rin naman ako papasok kaya naman, tambay muna ako sa rooftop. 

 

I need peace of mind. 

 

Chos. 

 

Chos ulit, need ko talaga ng katahimikan. 

 

"Rooftop muna ako, mga yawa," paalam ko sa kanila. "Antayin niyo nalang ako sa parking lot mamaya." 

 

Nagsitanguan naman sila kaya yumakag na ako papuntang rooftop. 

 

Walang masyadong estudyante sa paligid ngayon. Ilang araw na ring walang away na nagaga–

 

Napangiwi ako nang may madaanan akong dalawang lalaki na nagsa-sapakan. 

 

Anyway, joke lang pala 'yung walang away na nagaganap. 

 

Nang makarating ako sa rooftop, hindi ko alam kung bakit ako biglang na-disappoint nang buksan ko ang pinto. 

 

Napabuntong-hininga ako bago marahang isinara ang pinto. 

 

Why though? Bakit ako disappointed? 

 

Dahil ba walang tao? May ini-expect ba akong tao na nandito? Am I expecting her to be here? 

 

Bwiset, ang daming tanong sa utak ko!

 

At bakit ko ba kasi 'to tina-tanong sa sarili ko?! For Pete's sake, kahapon ko lang nakilala 'yung tao tapos grabe na ang effect niya sa'kin. Ni never pa nga kaming nagkausap dati at hindi ko pa nakikita mukha niya until kahapon! So, bakit gano'n?!

 

Baka magkakilala kami sa past life namin? Baka pinatay niya ako, gano'n? Or vice versa? O baka naman rivals kami? Or baka, mag-pinsan kami? Pwede ring, baka best friends kami sa past life tapos need namin hanapin ang isa't-isa ngayon na-reincarnate na kami? 

 

Okay, putangina. Why am I even thinking of this stuffs? 

 

"A penny for your thoughts?"

 

"Ay, anak ka ng kabayo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa isang malalim at malamig na boses. 

 

"Really? This face? A child of a horse?" Ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong