Chapter Seventeen: Somewhere Only We Know

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Nandito kami ngayon sa parking lot. Hila-hila niya pa rin ako at wala yata siyang balak bumitaw.

 

Saan ba kasi naka-park 'yung sasakyan niya? Parang kanina pa kami paikot-ikot dito eh.

 

Pero nanlaki nalang ang mga mata ko nang huminto kami sa harap ng isang Ducati Multistrada 1260.

 

Tangina.

 

"Sa'yo 'yan?" Amazed na tanong ko kay yelong robot habang pinagma-masdan ang napaka-poging big bike sa harap namin.

 

Tumango naman siya bago rin nag-tanong, "Do you love big bikes?"

 

Walang paga-alinlangan akong tumango sa kaniya. 

 

Ever since I saw my father's big bike when I was a kid, na-amaze nang sobra ang batang ako. Parati kong ini-imagine kung ano ang feeling kapag nagd-drive ng isang big bike. 

 

Feeling ko ang astig-astig ko, if ever. Tinanong nga ako ni Papa kung gusto ko raw ba ng magkaroon ng big bike dahil pwede niya naman ibigay 'yung kaniya sa akin. Pero sinabi ko na baka hindi ko rin magamit dahil hindi ko abot, tsaka kuntento naman na akong mag-imagine. 

 

Nagulat ako nang biglang isinuot sa'kin ni yelong robot 'yung helmet niya.

 

"Pa'no ka?" Nakakunot ang noo kong tanong. Isa lang naman kasi 'yung helmet niya rito.  

 

"I'll be fine, don't worry." Sahot niya habang itinatali ang kaniyang buhok. 

 

Napatingin naman ako sa sahig dahil naramdaman ko na naman ang pagi-init ng pisngi ko. 

 

Puta? Nagta-tali lang naman ng buhok 'tong yelong robot na 'to, bakit ganito na ang effect sa akin? 

 

Hindi na talaga 'to kabag, yawa. 

 

"Hey," tawag niya sa akin kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. "What are you staring at the ground?"

 

Naka-sakay na pala siya at mukhang pinapainit niya lang saglit 'yung makina nung big bike. 

 

Hindi naman naging matagal 'yung pagpapainit ng makina, kaya lang napaka-ingay. 

 

"Hop in, little maltese." Saad niya. 

 

Napairap nalang tuloy ako dahil sa tawag niya sa akin bago marahang humawak sa balikat niya bilang suporta sa pag-sakay ko. 

 

"Hold on tight, you might fall." Paalala niya pero hindi ko sinunod. 

 

Nahihiya ako, okay? 

 

Nang makalabas kami ng parking lot, bigla siyang tumigil kaya naman nag-taka ako. 

 

"Bakit?" 

 

Walang pasabi niyang kinuha 'yung mga kamay ko tsaka inilagay sa waist niya. 

 

Tatanggalin ko sana 'yung mga kamay ko mula sa waist niya nang bigla niyang paandarin nang mabilis 'yung big bike kaya naman napasigaw ako habang todo higpit ang yakap sa kaniya. 

 

"Bwiset ka!" Sigaw ko sa kaniya. Kingina ng chansing na yelong robot na 'to. 

 

"Bagalan mo naman ang pagpa-patakbo!" Sigaw kong muli pero hindi niya ako pinansin, instead, lalo niya pang binilisan. 

 

"Bwakanangshet!" Nakapikit lang ako habang naka-dikit ang noo sa likod niya. 

 

Kapag hindi ako nakababa nang buhay mula sa big bike na 'to, una kong mumultuhin 'tong yelong robot na 'to. 

 

Ilang minuto rin ang tinagal bago hininto ni yelong robot ang big bike. 

 

Wala sa wisyo akong bumaba at naka-tulala. Feeling ko sinusundo na ako ni San Pedro kanina. 

 

Akala ko wala nang mas la-lala sa experience ko noong una akong sumakay sa kotse ni Ryeong. Haha, akala ko lang pala.

 

"Are you okay?" Rinig kong tanong ni yelong robot. 

 

Mukha ba akong okay? Huhu...

 

"," mahinang mura niya. "Why are you crying?"

 

Napa-hawak naman ako sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. May luha nga. Masama akong tumingin sa kaniya.

 

"Bakit ako hindi maiiyak eh grabe ka magpatakbo?!" Inis na sigaw ko sa kaniya. "Alam mo bang puro shing at shoong lang ng hangin 'yung naririnig ko kanina? Feeling ko pina-flash na sa akin ang mga memories ko dahil susunduin na ako ni San Pedro!" In-action ko pa talaga para mas madama niya na naiinis ako sa kaniya. 

 

Pero bwiset na yelong robot na 'to. Parang nagpi-pigil pa ng tawa! Sunod-sunod na tuloy na umagos ang mga luha ko. 

 

How dare she invalidate my feelings!

 

"Putangina mo!" Mura ko sa kaniya habang 'yung luha ko ay parang ilog kung rumagasa.

 

Nakita ko namang nataranta siya. 

 

"H-hey... I'm sorry," pinunasan niya 'yung mga luha ko gamit 'yung thumb niya. "Yes, I'm putangina na so please stop crying." 

 

Hindi ko alam kung matutuwa ako or ipagpapa-tuloy ang pag-iyak. 'Yung putangina niya kasi may accent, and that was the first tagalog word that I heard from her. Juicecolored.

 

Unti-unti rin naman akong tumahan. 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong