Chapter Two: Mga palamunin.

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence! 

 

Lantang-lanta akong bumaba sa kotse ni Ryeong. Sinilip ko si Yuna na nakaupo pa rin. Halatang-halata 'yung bukol sa noo niya. Tulala lang siyang nakatingin sa harap at hindi pa rin gumagalaw.

 

Hala, na-trauma yata!

 

First time niya kasing sumakay sa kotse na si Ryeong ang driver. Na-alala ko noong una rin akong sumakay sa kotse ni Ryeong kasi ihinatid niya ako pauwi dahil maulan at hindi ko dala ang kotse ko. Gan'yan na gan'yan din katulad kay Yuna ang estado ko noong dumating kami si bahay. 

 

Alam kong pwede naman akong mag-commute pero ayaw ko kasi sa ulan. Basta ayaw ko. 

 

Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yun. Ang araw na mas gugustuhin kong sumulong at maulanan nalang kesa sa sumakay sa kotse na si Ryeong ang driver. 

 

Akala ko talaga mamamatay na ako no'ng araw na 'yun. Kahit naman parati kaming nasasangkot sa gulo, iba pa rin ang near death experience lalo na kung si Chaeryeong ang dahilan. 

 

Napabuntong-hininga ako. Tinignan ko na rin ang kalagayan ng unggoy. 

 

Si Ryujin ay... gano'n pa rin naman. Lupet nga eh, hindi pa rin siya nagising kahit na parang sumabak kami sa karerahang pang-gera kanina. Basta ang alam ko lang, ilang beses din siyang nauntog kanina. 

 

BInuksan ko nalang 'yung pinto ng backseat at marahang tinapik si Yuna sa pisngi para naman siya ay mahimasmasan. Nagulat pa siya nang dumampi ang aking kamay sa kaniyang pisngi.

 

"N-nasa langit na ba tayo, Bossing?"

 

Napahagikgik ako sa tanong niya habang nailing. "Buhay pa tayo, Yuna."

 

Kinapa-kapa niya naman ang sarili niya na para bang hindi siya makapaniwala.

 

"Shet. Thank you, Lord! Huhu..." Mangiyak-ngiyak niyang saad habang yakap-yakap nang mahigpit ang kaniyang sarili.

 

"Hoy! Wala ba kayong balak ipasok sa ospital si Ryujin?" Rinig kong tanong ni Ryeong. Nasa tapat na kasi siya ng entrance ng ospital. Hindi man lang nga kami tinanong kung ayos lang kami dahil sa pagmamaneho niya at talagang tinawanan niya lang kami kanina.

 

Kumilos naman kami ni Yuna at pinagtulungang ilabas mula sa backseat ang wala pa ring malay na unggoy.

 

"Alcantara!" Tawag ko kay Ryeong. "Palitan mo ako rito, ako na ang maga-admit kay unggoy."

 

Sinunod naman ako ni Ryeong nang walang reklamo kaya naman nauna na akong pumasok sa ospital. Saktong-sakto pagpasok ko ay bumungad ang mukha ng isang kilala naming nurse na nakikipagusap 'di kalayuan kung saan ako nakatayo.

 

"Nurse Tiff!" Tawag ko sa kaniya. Nakangiti naman siyangg napalingon sa akin at kumaway.

 

Patakbo ako pumunta sa kaniya.

 

"Let me guess, basag na naman ang ilong ni Ryujin?"

 

Kamot-batok akong tumango sa bungad niyang tanong. "Opo. Alam niyo naman 'yung unggoy na 'yun, hindi makukuntento hanggat hindi nakakaganti."

 

Nakangiting napailing naman si Nurse Tiff. Sakto naman narinig namin si Yuna na tinawag ang pangalan ko.

 

"Ritchie, stretcher. Bilis." Utos ni Nurse Tiff sa kausap niya kanina. Agad namang sumunod 'yung Ritchie at hindi rin nagtagal nang dumating ito kasama pa ang isang nurse dala-dala 'yung stretcher.

 

Inihiga nila si Ryujin dito. Napatingin kami sa unggoy na walang malay. Pa'no ba naman kasi, bigla nalang humilik. Napatawa tuloy kami lalo na si Ryeong na ngayon ay may hawak nang cellphone na naka-on n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong