Chapter Ten: Answered Prayers.

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This stroy contains heavy cursing and violence!

 

Gago. 

 

Muntik na akong masuntok sa mukha, shet. 

 

"Tangina mo, Ryujin! Babangasan talaga kita mamaya!" Bulyaw ko habang umiilag sa pinapaulang suntok nitong panot na kaharap ko. 

 

"Bakit ako lang? Sila rin kaya!" Rinig kong sigaw niya. 

 

"Oo, mamaya kayong tatlo sa'kin!" Kingina naman kasi. 

 

"Tapos ka na ba kakailag, bata?" 

 

Sinamaan ko ng tingin 'tong panot na nasa harapan ko. Sinong tinatawag niyang bata? Mukha ba akong bata?! Gago siya ah!

 

"Sus, hindi mo nga ako matamaan eh," ngumisi ako. "Tapos ka na ba kakasuntok sa hangin?"

 

Mukhang natamaan ko naman ang ego niya nang sabihin ko 'yun dahil napalitan ang ngisi niya ng masamang tingin. Mas lalong bumilis ang pagpapaulan niya ng suntok habang ako naman ay todo ilag. 

 

Maya't-maya ay napansin kong bumabagal ang nga suntok niya. Halata rin na hinihingal na siya. 

 

Tsk, tsk. Maskulado nga, utak lamok naman. 

 

Wala siyang kaide-ideya na ang intensyon ko talaga ay ang pagurin siya kakasuntok sa hangin para mas madali ko siyang mapatumba. 

 

Inobserbahan ko ang hinihingal na kaharap ko ngayon. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanan niyang kamay at kung paano niya ito itaas. 

 

'Yan na ang pinaka-huling suntok na maiba-bato niya sa akin, sigurado ako. 

 

Walang paga-alinlangan niya akong sinuntok ngunit agad ko naman itong naiwasan. Pagka-ilag ko pakaliwa ay binigyan ko siya ng isang left body blow.

 

Napaatras siya kaya tumalon ako at sinipa siya sa mukha. Ayon, plakda siya sa sahig. 

 

Hinintay ko siyang makatayo, kaso mukhang hanggang luhod nalang ata ang kaya niya. 

 

"'Yun na 'yun? Isang suntok at sipa pa nga lang ang pinapakawalan ko, bagsak ka na." Mapanguyam kong saad. 

 

Tinignan niya ako ng masama at sinubukang tumayo, pero dahil sa pagod niya kakasuntok kanina at buhat na rin ng impact ng atake ko sa kaniya, hindi na niya nagawa. 

 

Kaya naman hindi ko na siya pinahirapan at tinuhod ang kaniyang mukha dahilan para tuluyan na siyang humiga sa sahig.

 

Aray ko, pota. Masyado ko yatang nalakasan.

 

"Ang tigas naman ng mukha mo, vro." Nakangiwi kong saad habang minamasahe ang aking tuhod. Kingina, tatlong layer ba 'yung buto niya sa mukha? 

 

Tumingin ako sa mga nangyayari sa paligid. Patuloy pa rin ang bugbugan. Nakita kong pinagtu-tulungan ng dalawang lalaki si Ryeong kaya naman agad ko siyang pinuntahan at tinulungan. 

 

Malakas kong tinadyakan 'yung akmang a-atake sa likod niya kaya naman nag-hello ito sa sahig. Sinundan ko pa ito ng tatlong sipa sa kaniyang katawan para naman hindi na siya makatayo. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong