Chapter Twenty-One: Usap, Usap. II

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence! 

 

"So, ano ang mga ganap sa buhay mo, bansot?" 

 

Nandito kami sa sala, tamang usap lang dahil gusto rawng makipag-catch up sa'kin ni ate. 

 

Umirap ako sa tawag sa akin ni ate. "Maka-bansot naman 'tong duwendeng 'to, 'kala mo talaga ang tangkad niya."

 

Ambang susuntukin na ako ni ate kaya naman nagharang na ako ng unan sa harap ko. "Oh, ba't mananakit?" Natatawang tanong ko.

 

"Ang epal mo kasi. Sagutin mo nalang 'yung tanong ko. Baka may baon ka palang chika riyan." Saad niya dahilan para umiling-iling ako. 

 

"Marites ka pa rin talaga."

 

Tumawa si ate. "Ano ka ba! Sino bang hindi mabubuhay kapag walang chika?" 

 

"Kayo lang ni Yizhuo. Para kayong magkapit-bahay na patay-gutom sa tsaa."

 

Nakatanggap naman ako ng hampas na sa kabutihang-palad ay tumama sa unan na pinangharang ko sa harap ko. 

 

"Mag-kwento ka na kasi!" Reklamo ni ate Engoo. 

 

"Oo na, oo na!" Irap ko. 

 

Sinumulan kong sabihin kay ate ang halos lahat ng nangyari sa akin sa T. Uni. last year hanggang ngayong year. 

 

Naging sobrang busy kasi si ate sa trabaho niya last year kaya hindi man lang kami nagkita kahit na through video call. Kung tatawag naman siya ay mangangamusta lang at magtatanong kung may kailangan ba ako. Hindi na humahaba ang usapan dahil kailangan na siya sa trabaho. 

 

Puro ganap lang din naman naming mga nasa magt-tropa ang mga chinika ko sa kaniya. 

 

Hindi ko na sinabi ang mga ganap sa buhay ko nitong mga nakaraan dahil ayaw kong mag-alala siya. 

 

Malaki naman na ako at astig kaya mas gusto kong mag-focus nalang si ate sa sarili niya dahil gumu-gurang na rin kasi siya. 

 

"Puro katarantaduhan pa rin talaga ang nasa utak niyong magt-tropa. Lalo na si Ryujin!" Umiling-iling na saad ni ate. 

 

Natawa naman ako. Halos puro kagaguhan kasi ni Ryu ang na-kwento ko sa kaniya. Wala rin naman kasing moment na hindi buang 'yung unggoy na 'yun. 

 

"Eh ikaw, ate? Ano bang ganap sa life mo?" Ako naman ang nag-tanong. Aba, hindi pwedeng ako lang ang mag-kwento 'no!

 

Sandaling napa-isip si ate bago sumagot. 

 

"Wala naman."

 

Napasimangot naman ako. "Pangit mo naman ka-bonding."

 

Umirap naman siya. "Eh sa wala naman talaga. Puro trabaho lang."

 

Napataas ang isang kilay ko. "Lovelife mo? Walang ganap?" 

 

"Wala." Iling ni ate. 

 

"Bakit? Wala na ba kayo ng crush ko?" 

 

Hinampas na naman ako ni ate and this time, hindi ko naiharang 'yung unan. Biglaan eh, bilis ng kamay.

 

"Gaga ka. Kami pa rin ni Tiff 'no!" Agad niyang sabi bago ako samaan ng tingin. "Tsaka crush mo pa rin 'yon? Nako, sinasabi ko sa'yong bansot ka..."

 

Malakas naman akong natawa. "Hoy, charot lang naman! Hindi ko na crush si Nurse Tiff simula no'ng sinabi mo sa'king kayo na. Tsaka may bago na akong crush." Mahaba kong saad. 

 

Napalitan naman bigla ng ngisi 'yung masama niyang tingin sa akin. 

 

"Uy, sino 'yang crush mo na 'yan?" Tanong niya. 

 

Umakto akong sini-zipper 'yung bibig ko kaya naman bwisit siyang tumingin sa akin.

 

"Alam mo, minsan ang puta mo talaga." 

 

"Eh sa ayaw kong sabihin eh. Tsaka pake mo ba sa crush ko?"

 

Umirap si ate. "Gusto ko lang naman malaman, ii-stalk ko."

 

Ako naman ang nang-hampas ngayon. "Hoy, napaka mo!"

 

"Bakit? Huwag mong sabihing chararat 'yang crush mo?" Tumaas ang isa niyang kilay. "Nako, hindi ako tumatanggap ng chararat na bayaw ah! Umayos ka, Minjeong Paige!" Nag-babantang saad niya. 

 

"Hindi chararat crush ko 'no! Grabe kang duwende ka. Tsaka anong bayaw sinasabi mo riyan? Mag-tigil ka nga, ate!" Medyo iritado kong wika. 

 

Parang tanga naman kasi 'tong pandak kong ate eh. Bakit may bayaw-bayaw? Mukha siyang duwendeng bayawak! 

 

"Aba dapat lang na hindi chararat 'yang crush mo." Ate said in a matter-of-fact tone. 

 

Talaga namang hindi! Ang ganda-ganda ni Zie tapos kaya ring maging gwapo. Tapos ang cute-cute pa. Oh 'di ba? Sa'n ka pa? 3 in 1 na 'yon 'no!

 

Ang problema lang, hindi niya ako ma-alala. Sakit. 

 

But I'm willing to wait naman for her memories to come back, kahit gaano pa katagal. 

 

Patuloy lang kaming nag-usap ni ate hanggang sa may marinig kaming busina sa labas. 

 

Nag-aalala namang tumingin sa akin si ate at alam ko naman kung bakit. Matagal ko ring hindi nakita ang mga magulang namin. Noong huli kong kita sa kanila ay nadala lang din sa away. 

 

Inaamin kong kinakabahan ako ngayon, pero walang magagawa ang kaba ko kung gusto kong malaman ang mga sagot sa mga katunungan ko. 

 

Sinalubong ni ate Engoo ang mga magulang namin sa may pintuan habang ako naman ay nanatili rito sa sala. 

 

"Ma, Pa..." Rinig kong saad ni ate. 

 

"Taeyeon, wala kang pasok?" 

 

Ma... Ang tagal ko ring hindi narinig ang boses mo. 

 

"Meron... Pero ako naman ang CEO, Ma." Sagot ni ate. 

 

"Taeyeon, kanino itong isang sapatos dito sa labas? Nagdala ka ba ng lalaki rito?" 

 

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko nang marinig ko ang tanong ni Papa. Lalaki? Pasensya na po kayo pero bading po 'yang panganay niyo. 

 

"Ah, nga po pala..." Panimula ni ate bago tumingin kung nasa'n ako. "Nandito po si Ige."

 

Huminga ako nang malalim bago tumayo sa pagkaka-upo sa sofa at pumunta sa tabi ni ate. 

 

"Magandang hapon po, Ma, Pa... Kumusta po kayo?" Nakayuko at mahinang saad ko.

 

"Gan'yan na ba makipag-usap, Minjeong? Anong sinabi ko sa'yo no'n?" 

 

Napangiwi ako sa istriktong tono ni Papa. Lumunok muna ako bago dahan-dahang inangat ang tingin sa aking mga magulang. 

 

"Magandang hapon po, Ma, Pa..." Pag-uulit ko pero mas klaro habang nasa kanila ang tingin at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong