Chapter Fourteen: Chika

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga na rito sa kama ko. Napatingin ako sa wall clock.

 

Ala-una na ng umaga. Hinatid ako kanina ni ate Joohyun pauwi which is tinanggihan ko pa nga kaso pinilit talaga nilang dalawang mag-kapatid kaya pumayag na rin ako. 

 

Hanggang ngayon ay guilty pa rin ako dahil sa nangyari kay yelong robot. Sino ba naman ang hindi mag-guilty kung siya ang dahilan kung bakit na-ospital ang isang tao, 'di ba? 

 

Tsaka, hindi niya sinagot 'yung tanong ni ate Joohyun kanina about sa kung ano raw ba ang nangyari kaya hindi ko nga nalaman ang nangyari at sarili ko pa rin ang sinisisi ko.

 

Sinabi naman ng doktor na magiging maayos naman daw si yelong robot dahil hindi naman daw ganoon kalalim ang sugat niya, tagalang masyado lang siyang nawalan ng dugo. 

 

Pina-check na rin 'yung tiyan kong medyo bluish na pala 'yung hitsura kanina. 'Yung doktor na rin ang nag-bigay ng cream na ipapahid ko. Sayang tuloy 'yung binili ni yelong robot. 

 

*Ding-dong*

 

Napakunot ang noo ko. Sinong yawa ang gagambala sa'kin ngayong madaling araw? 

 

Hindi ako gumalaw dahil malay ko ba kung sino 'yun. Baka namali lang pala ng doorbell na napindot 'yun. 

 

Pero kampon siguro siya ni satanas dahil sinunod-sunod niya ang pindot sa doorbell. 

 

Puta. Kung sino ka man, sana kumati ng isang linggo 'yang likod mo at huwag mo sana maabot at makamot.

 

Tinatamad akong bumangon at binuksan 'yung pinto. 

 

At bumungad lang naman sa'kin ang nakangiting mukha ni ate Seul. 

 

Masama ko siyang tinignan. "Anong kailangan mo?"

 

"Grabe ka naman sa'kin. Kailangan agad?" Offended niyang tugon at dire-diretsong pumasok. 

 

"Gusto ko lang naman ng kausap," ngumiti siya nang napakalapad. "Para mailabas ko 'tong kilig ko."

 

Nandidiri ko siyang tinignan. Para kasing iniisip niya palang ang mga sasabihin niya, kinikilig na talaga siya. Ang panget niya pa naman kiligin. 

 

"Hoy, huwag mo nga akong tignan nang gan'yan!" Reklamo niya. 

 

'Yung mukha ko kasi ay parang hinuhusgahan ang buong existence niya, which is true naman.

 

"Mukha ka kasing matatae." Saad ko kaya naman hinampas niya ako. Buti nalang nailagan ko, parang volleyball player pa naman siya humampas. 

 

"Ang hitsurang 'to? Minjeong, kahit mukha akong matatae, cute pa rin akong tignan." Pagma-mayabang niya habang naka-ngisi.

 

"Oo, cute," ngumiti naman siya sa sinabi ko. "Acute." Bigla naman siyang napasimangot. 

 

"Alam mo?"

 

"Hindi."

 

"Tangina mo, Minjeong."

 

Napatawa ako. Pikon 'yarn? 

 

"Mukha kang anghel pero 'yang ugali mo, napakasama." Masama ang tingin niyang saad sa'kin. 

 

Tumango ako. "Alam ko, matagal na."

 

Inirapan niya nalang ako bago siya umupo sa couch. 

 

"Have a seat, Minjeong. Marami akong gustong sabihin sa'yo." Naka-dekwatro niyang sabi. Mukha siyang makikipag-negosyo sa akin ngayon, parang tanga lang. 

 

"Umayos ka, ate Seul," saad ko. "Masyadong maraming kaganapan kanina, gusto ko nang humiga sa kama!" 

 

Tumawa naman siya. "Oo na, ito na nga."

 

Malakas siyang tumikhim. Buang talaga. 

 

Tapos bigla na naman siyang napangiti ng malapad. 

 

Agad akong tumayo. "Bahala ka riyan, matutulog na ako."

 

"Joke lang! Ito na talaga!" Rinig kong sabi niya. 

 

Napabuntong-hininga ako bago bumalik sa pagkaka-upo. 

 

Nagba-banta ko siyang tinignan. "Umayos ka ah? Gusto ko nang matulog dahil kakauwi ko lang kaninang maga-ala-un–"

 

Napatakip ako ng bibig. Shet. 

 

"Bakit kakauwi mo lang?" Ngayon naman, si ate Seul na ang seryoso. 

 

Parang kanina lang halos mawala 'yung mata niya kakangiti ngayon naman, para akong may malaking kasalanan sa kaniya at dapat i-interrogate. Grabe ang duality ng babaeng 'to!

 

"Ah eh..." Naga-alangan akong mag-sabi pero alam ko kasing hindi ako titigilan ni ate Seul ha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong