Chapter Fifteen: The Heneral

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Hindi talaga ako pumasok dahil una, kulang ako sa tulog. Pangalawa, ayaw kong pumasok nang sabog. At pangatlo, ayaw ko lang talaga. 

 

Bakit? Dahil gold ako, astig, at maangas. 

 

At dahil nga hindi matatapos ang isang araw na walang gumagambala sa akin, may ganap na naman ang buong K dito sa condo ko. 

 

Kakarating lang ng apat sa kanila galing sa university, dito daw sila matutulog. Ang lalaki pa ng mga bag na dala nila. Si Yuna may dala pang maleta, puro pagkain lang naman ang laman.

 

Hindi nga ako pumayag eh, kaso nung tawagan ako ni Yizhuo na magii-sleepover daw sila rito, nando'n na pala sila sa harap ng pinto ko.

 

Haha, ano pang magagawa ko? Malamang wala, mga walanghiya!

 

"Bossing, wala ka bang pagkain dito?" Rinig kong tanong ni Ryu mula sa kusina. 

 

"Sa maleta ni Yuna ka kumuha. Punta-punta kayo rito, wala man lang dala." Naka-busangot na sagot ko. 

 

Ang dami-dami nilang bitbit kanina, 'yun pala puro abubot at damit lang ang laman ng nagla-lakihan nilang mga bag.

 

Lumabas si Ryu mula sa kusina nang nakanguso. "Bossing, hindi naman namimigay si Yuna eh!" Reklamo niya. 

 

Tinignan ko si Yuna na masayang ngumunguya ng knick knacks na milk flavor. Naramdaman niya siguro 'yung titig ko kaya napatingin siya sa'kin. 

 

"Bakit, Bossing?" Tanong niya bago sumubo ng knick knacks. 

 

Tinuro ko 'yung pinsan niyang nakanguso. "Bigyan mo ng pagkain 'yang pinsan mong unggoy para matigil na ang kakanguso." 

 

"Ayo-”

 

Hindi na niya natuloy pa ang isa-sagot niya nang samaan ko ang aking tingin. 

 

"Ito na nga, Bossing," tabingi siyang napangiti at tinawag si Ryu. "Oy, Rayojen unggoy! Kuha ka lang ng kahit anong gusto mo!"

 

Nakangiti namang kumuha si Ryu ng pagkain sa maleta ni Yuna. 

 

"Thank you, Bossing. Gusto mo ng kiss?" Sabi ni Ryu at inilapit pa talaga sa akin ang mukha niya habang nakapikit at nakanguso.

 

"Grabe naman. Sa'kin galing 'yung pagkain pero wala man lang thank you." Parinig ni Yuna sa pinsan niya na hindi siya pinansin. 

 

Nandidiri kong nilayo ang mukha ni Ryu sa akin. "Eh kung tabasin ko kaya 'yang nguso mo?"

 

Napadilat bigla si Ryu at tuluyan nang lumayo sa akin bago umupo sa couch. "Joke lang, Bossing. Hindi ka talaga mabiro, hehe." 

 

"Ang tagal naman nila Upin at Ipin." Inip na saad ni Yuna. 

 

Lima lang kasi kami ngayon dito sa condo. Oo, lima. Tulog kasi sina Ryeong at Yizhuo. Nauna na yatang maki-sleepover kahit na ala-singko palang ng hapon. 

 

Sina ate Wannie at ate Yerms, papunta na raw. Tapos si ate Seul naman, mamaya pa raw ang punta. Mas bet ko nga na 'wag na siyang pumunta eh.

 

Nakita kong tumayo si Ryu, ubos na 'yung fudgee bar na kinuha niya mula sa maleta ni Ryu. Isang subuan lang ata sa kaniya 'yun eh. 

 

"Hoy, sinasabi ko sa'yo. Kung gusto mo pang mabuhay, 'wag mong ituloy 'yang binabalak mo." Babala ko kay Ryu. 

 

Imbis kasi na pumunta siya sa kusina para itapon 'yung plastic ng fudgee bar, 'yung direksyon niya ay papunta sa kuwarto ko. 

 

Doon kasi sa kuwarto sina Ryeong at Yizhuo natulog. Malamang eh sa 'yun lang din naman ang kuwarto rito sa condo ko. Kaya nga dito kami mamaya lahat sa sala matutulog eh. 

 

Hindi talaga nakinig si Ryu dahil mayroon siyang sapak sa utak. 

 

Bahala siya riyan. Basta binalaan ko siya. 

 

Ilang segundo ang nakalipas ay biglang may unggoy na kumakaripas ang takbo mula sa direksyon kung nasa'n ang kuwarto ko. 

 

"Pweh! Tangina mong unggoy ka!" Sigaw ni Yizhuo na tinawanan lang ni Ryu. 

 

Tawa lang nang tawa si Ryu habang si Yizhuo ay pumunta sa kusina na pulang-pula ang mukha sa galit. 

 

Sa kakatawa ni Ryu, hindi niya napansin na nasa harap niya na pala si Ryeong na may hawak na tsinelas. 

 

Natigil lang kakatawa 'yung unggoy nung ipinasak bigla ni Ryeong 'yung tsinelas sa bibig niya. 

 

"Yuck, ano ba 'yan, Ryeong!" Diring-diring reklamo ni Ryu. 

 

Sinamaan naman ni Ryeong ng tingin si Ryu. "Kasalanan mo. Natutulog 'yung tao, ginagambala mo." 

 

Bigla namang may bumatok kay Ryu, hindi lang isang beses kundi dalawa. 

 

"Bwiset ka! Mukha ba akong basurahan para ipakain mo sa'kin 'yung balat ng fudgee bar?!" Inis na saad ni Yizhuo at hindi pa talaga siya nakuntento sa pag-batok kay Ryu dahil sinundan niya pa ng hampas. 

 

"Sorry na, huhu!" Mangiyak-ngiyak na wika ni Ryu habang hinihimas 'yung ulo niyang nabatukan. 

 

Napailing nalang ako. Ayan kasi. 

 

Napatingin ako bigla sa pinto nang may kumatok, mukhang sina ate Wannie at ate Yerms na 'yun. 

 

At dahil tinatamad akong tumayo mula sa couch, inutusan ko si Yuna na buksan ang pinto tutal excited naman siyang makita ulit makita 'yung dalawa. 

 

"Oh? Bakit mukhang aping-api 'tong si Ryujin?" Tanong ni ate Wannie nang makita nila 'yung kalagayan ni Ryu. 

 

"Ate Wannie, binugbog ako ni Yizhuo!" Sumbong ni Ryu. 

 

Hindi naman nagpatalo si Yizhuo at sinabi ang kalokohang ginawa ni Ryu. 

 

"Eh sa pinakain niya ako ng balat ng fudgee bar habang tulog, ate Wannie! Nagising din tuloy si Ryeong!" 

 

Napailing nalang tuloy si ate Wannie. Si ate Yerms, aliw na aliw lang na nanonood habang tamang kuha lang sa kettle corn na kinakain ni Yuna.

 

"Oh siya, tama na 'yan." Awat ni ate Wannie. Nag-hampasan na eh. 

 

"Pahina, sa'n si Seulgi?" Tanong ni ate Yerms sa akin. 

 

Umirap ako nang marinig ko 'yung tawag niya sa akin. "Mamaya pa raw ang dating. Tsaka ate Yerms, 'wag mo nga akong tawaging pahina." Sagot ko sa kaniya. 

 

"Bakit? May pahina naman talaga sa pangalan mo." Humahagikgik na saad niya. 

 

Hinayaan ko nalang dahil hindi kami matatapos at ipagpi-pilitan niya talagang may pahina raw kuno sa pangalan ko. 

 

Like? Wala namang letter I sa english ng pahina unlike sa pangalan ko. At saka, pay-ge ang pronunciation ng pangalan ko, hindi katulad sa ibang Paige na page na pahina ang pronunciation!

 

After namang awatin ni ate Wannie sina Yizhuo at Ryu ay naging peaceful muli ang condo ko. 

 

Napahikab ako. Ala-sais palang pero inaantok na ako. 

 

Siguro matutulog na ako. Bahala na sila riyan, malalaki naman na sila. Magla-labas nalang ako ng extrang unan at kumot para sa kanila.

 

"Matutulog na ako ah, ops walang aangal. Ang umangal papalabasin ko ng condo." Aangal kasi sila agad eh, pinigilan ko na. 

 

Pumunta ako sa kuwarto at nag-labas ng mga unan at kumot. 

 

"Oh 'yan, bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin hanggang mamaya," seryoso ko silang tinignan bago ako mag-remind. "Pero, kapag nadatnan kong gulo-gulo ang condo ko bukas, ihanda niyo na kabaong niyo."

 

Nagsitanguan naman sila kaya naman relieved akong bumalik sa kuwarto ko at humiga sa kama. 

 

Sana lang talaga buo pa ang condo ko bukas. 

 

--

 

Maaga akong nagising dahil nga maaga akong natulog. Payapa naman 'yung naging tulog ko dahil wala namang gumambala, which is dapat lang.

 

Pag-labas ko ng kuwarto ay katahimikan ang bumungad sa akin. Mga tulog pa yata.

 

Magka-yakap si Ryu at Yizhuo, akala mo hindi nag-bardagulan kahapon. Si ate Yerms ang lakas humilik, parang tatay. Si ate Seul ang lapad ng ngiti, nananaginip siguro ng kung ano. Si Ryeong at ate Wannie lang ang matino matulog.

 

Napangiti nalang ako sa kanila, pero agad ding nangunot ang noo ko nang mapansin na may kulang. 

 

Nasa'n si Yuna? 

 

Pero agad ko ring nalaman ang sagot nang makita kong bukas ang ilaw sa kusina. Nakita kong pa-pikit-pikit si Yuna habang sumusubo ng cereal. 

 

Gagang 'to! Kahit ina-antok pa, pagkain pa rin ang uunahin! 

 

Marahan ko siyang niyugyog sa balikat bago pa sumubsob 'yung mukha niya sa mangkok. 

 

"Hala sige, puro ka pagkain." Inilayo ko muna sa kaniya 'yung mangkok na may cereal. 

 

Napakamot naman siya ng ulo. "Puro pagkain kasi nasa panaginip ko, Bossing. Nagising tuloy akong gutom."

 

Napailing ako sa sinabi niya. Talagang nagr-revolve ang mundo niya sa pagkain. 

 

"Kaya mo pa bang ubusin 'yan?" Tanong ko habang turo 'yung mangkok na may cereal. 

 

Agad naman siyang tumango. "Oo naman, Bossing."

 

Hinayaan ko nalang siyang ubusin 'yung cereal niya bago ako tumingin ng kung anong pwedeng lutuin. 

 

Pagka-bukas ko ng ref, bumungad lang naman sa'kin ang laman nitong itlog at tubig, wala nang iba. 

 

Mabuti nalang at mayroon pang dalawang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong