Chapter Nineteen: Paizie

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Nanatili lang kami sa varenda matapos kong tumahan kakaiyak. Nagtanong pa si Zie kung ano raw ang problema, kung ayaw ko raw ba na tawagin niya akong Pai.

 

Siyempre sinabi ko na okay lang na tawagin niya akong Pai 'no. 

 

Nako, Zie. Kahit kada segundo mo pa akong tawaging Pai, pwedeng-pwede! 

 

She offered to drive me home na dahil anong oras na rin kaya pumayag ako. Tsaka need ko pang i-digest lahat ng mga ala-alang na-alala ko ngayong gabi. 

 

"Hop on, Pai. I promise I won't drive like that again." Ibinigay niya sa akin 'yung isa pa niyang helmet. 

 

Siya na ngayon ang may gamit nung gamit ko kanina habang gamit ko naman ngayon ay isang puting helmet. Black and white, sa kaniya itim, sa akin puti. 

 

Pinandilatan ko siya bago ako sumakay. "Dapat lang! Dahil hahambalusin kita kapag pinaharurot mo 'yang big bike."

 

Mahina naman siyang napatawa. Kanina lang, she started showing her emotions. Hindi na siya ang yelong robot na nakilala ko!

 

But kidding aside, I'm really happy na she's showing emotions na. Bonus pa na ang cute-cute niyang ngumiti dahil nagt-turn into crescents talaga 'yung mata niya. 

 

Katulad nga ng sinabi niya hindi niya pinaharurot ang takbo. Hindi rin naman nag-tagal at bumungad sa amin ang syudad. 

 

Nakakatingin na ako sa paligid unlike kanina na todo pikit ako dahil sa kagaguhan nito ni Zie. 

 

Hinayaan ko lang ang sarili ko na ma-amaze sa mga makukulay na ilaw na nadaraanan namin habang pinapakiramdaman ang hangin na tumatama sa amin. 

 

Alam na pala ni Zie kung saan ang daan papuntang condo ko kaya hindi ko na kailangang ituro sa kaniya ang mga daraanan. 

 

Na-chika raw kasi sa kaniya ni ate Joohyun kung saan ang condo ko noong bumalik sa ate Joohyun sa ospital matapos akong ihatid pa-uwi. 

 

Hindi naman traffic kaya mabilis din kaming nakarating sa condo. 

 

"Thank you sa pag-hatid." Saad ko nang makababa ako mula sa motor, ibinalik ko na rin sa kaniya 'yung helmet. 

 

"It's not for free, though." Maloko niyang sabi. 

 

"Kingina mo," mahina ko siyang hinampas sa braso. "May pa-I insist ka pa kanina edi sana mag-isa nalang akong umuwi!"

 

"Yeah, I did insisted... But it's still not free." 

 

Inirapan ko siya bago ako nag-motion na tanggalin niya 'yung helmet niya. Saglit pa siyang nag-taka pero inangat niya pa rin 'yung helmet niya. 

 

Nang makita ko na 'yung pisngi niya, mabilis kong hinalikan 'yung palad ko bago ko ito idinikit sa pisngi niya. 

 

Napatigil siya sa pag-angat nung helmet kaya bumaba tuloy ulit. 

 

Nginitian ko siya, kunwari hindi ako affected sa ginawa ko kahit na alam kong mala-kamatis na ang mukha ko.

 

"Ayan na bayad ko. Bye! ingat sa pagd-drive, Zie." Agad akong tumalikod at mabilis pumasok sa lobby ng building. 

 

Tuloy-tuloy lang ako papuntang elevator. May nakasabay akong isang babaeng medyo may katandaan na. 

 

"Hija, ayos ka lang ba?"

 

Napatingin naman ako kay manang bago tumango. "Ayos lang po ako."

 

Binigyan niya ako ng ngiti. "Pulang-pula kasi 'yang mukha mo, akala ko'y kung ano na ang nangyari sa iyo."

 

Awkward at mahina naman akong napatawa. "Wala po ito. Nasobrahan lang po sa blush-on."

 

Sakto namang nakarating na ang elevator sa floor ko kaya naman nag-paalam na rin ako kay manang. 

 

Blush-on? Ni hindi nga ako nagm-make-up!

 

Nang makapasok ako sa condo, tsaka ko lang pinakawalan ang tili na kanina ko pa pinipigilan. 

 

Puta. Bakit mo ginawa 'yun, self? 

 

Nakakahiya! Gusto ko nalang talagang mag-palamon nang buhay sa lupa. 

 

Iha-handa ko nalang siguro ang sarili ko bukas kapag nakita ko si Zie. 

 

Hinayaan ko sa sala ang mga gamit ko at dumiretso sa kuwarto para mag-bihis. Nang matapos ako ay agad akong humiga sa kama at tumingin sa kisame. 

 

Bago ko muling makilala si Zie noong nakaraang linggo, ayon sa mga ala-alang na-alala ko ngayon, the last time that I saw her was the last time I talked to her on the phone.

 

Seven years of age, that's when I last saw her. It was our recognition day, na-una kami ng parents ko sa park, that one park kung saan kami parating nag-lalaro ni Zie. 

 

I remember Zie's parents saying na pupunta raw muna sila ng mall para bilhan si Zie ng regalo, pati na rin daw ako because we did well sa school. 

 

After daw nila sa mall, susunod sila sa park dahil ang plano is to let Zie and I spend time together playing in the park. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong