Chapter Six: Mad Puppy

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

", akin 'yan! Kumuha ka ng sa'yo!" 

 

Bungad na ingay para sa akin pagkababa ko sa sala. 

 

Dito silang lahat natulog dahil gusto nila at okay lang naman sa amin ni Ate. 

 

They promised na hindi sila gagawa ng kahit ano mang kalokohan at katarantaduhan which is tinupad naman nila dahil alam din naman nila ang mangyayari kung hindi. 

 

Looks like they already noticed my presence because they immediately stopped their bantering. 

 

"Good morning, Genyu!" Masiglang bati nila sa akin. 

 

Tumango ako bilang pag-acknowledge sa kanila at alam na rin nila na 'good morning' ang ibig-sabihin no'n.

 

"Mukhang napa-sarap ang tulog mo ah, Genyu?" Ngisi ni Ate Soo. 

 

Tumango-tango si Saeron. "Oo nga. Tanghali na nagising." 

 

Napataas ang isa kong kilay. What?

 

Tanghali na pala ang alas-siyete ng umaga? The heck! Anong oras ba sila nagising? 

 

"What time did you wake up ba, guys?" Tanong ni Ate Hyunie na oara bang nabasa ang isip ko bago sumipsip ng kaniyang tsaa.

 

"Alas-kwatro." Sagot nung apat. 

 

Anong namang ginawa nila at gumising sila nang kay aga? 

 

"Ano raw ginawa niyo at bakit kayo gano'n kaaga nagising?" Tanong ulit ni Ate Hyunie nang makita ang aking reaksyon. 

 

"Nag-munimuni," Saad ni Ate Soo pero kumunot din ang noo niya. "Teka, bakit may raw?" 

 

Nginuso ako ni Ate Hyunie kaya naman napa-ah nalang si Ate Soo at tumango. 

 

"Nag-soundtrip at nag-basa." Sagot ni Aeri. 

 

"Anong binasa mo?" Singit na tanong ni Jisu. 

 

"Basta." Pagi-iwas ni Aeri. Namumula pa siya. 

 

Tumaas ang kilay ni Jisu bago siya ngumisi. "Lemon binabasa mo 'no?" 

 

Hinampas naman siya ni Aeri. "Gaga ka! Dumi ng utak mo!"

 

Tumawa nalang Lia sa sinabi ni Aeri habang sapo-sapo 'yung braso niyang namumula na ngayon.

 

Lemon? Ano ba 'yun? 

 

"Bunso, 'wag mo nalang intindihin 'yun." Bulong sa akin ni Ate Hyunie kaya naman tumango ako.

 

"Ikaw, Saeron?" Tanong ni Aeri kay Saeron na ngumunguya ng tinapay. 

 

"Nag-cr." Sagot ni Saeron.

 

"Tatlong oras ka sa cr?"

 

"Oo."

 

Tinignan lang namin si Saeron dahil sa sagot niya. 

 

Tatlong oras sa cr? Ga'no ba kalaki 'yung dapat niyang ilabas at bakit tatlong oras siya do'n?

 

"Anyway," Pagp-proceed ni Jisu sa topic. "Ako nag-exercise."

 

Tinignan siya nung iba na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi niya. 

 

Anong meron? 

 

"Ikaw? Ang dakilang tamad na si Jisu Reese Ferrer, nag-exercise?" 

 

Proud na tumango si Jisu kay Aeri. "Oo. Grabe nga eh! Kapagod!"

 

"Ano bang in-exercise mo?" Tanong ni Ate Soo. 

 

"Tumakbo ako." Naka-ngiting sagot ni Jisu.

 

"Inikot mo buong subdivision?" Tanong ni Saeron na ngayon naman ay nagpapapak ng nutella.

 

Umiling si Jisu. "Hindi 'no! Diyan lang ako tumakbo sa may garden nila Genyu." 

 

Aeri narrowed her eyes on Jisu. "Sure ka bang nag-exercise ka, Ferrer?" Pagu-usisa niya. 

 

"Oo nga!" Sagot ni Jisu na para bang nai-inis na dahil sa kakatanong nila. 

 

"Hinabol ko 'yung itim na pusa sa may bakuran nila Genyu kasi nginangatngat niya 'yung sapatos ni Genyu! Para nga akong nakipag-marathon eh! Tapos meron pa akong kalmot dito sa may binti." Kuwento ni Jisu habang ina-action 'yung page-exercise niya kuno kanina. 

 

"Hindi niyo ba narinig 'yung bumubutingting na tunog ng bell?" Tanong niya. 

 

"Now that you mentioned it, ang page-exercise mo pala ang dahilan kung bakit ako nagising." Komento ni Aeri habang may mapang-asar na tono sa word na page-exercise.

 

Hindi siya pinansin ni Jisu at nag-patuloy lang sa pagku-kuwento. "May bell kasi 'yung pusa na 'yun. Ang ingay kaya binato ko ng tsinelas."

 

Teka, itim na pusa na may bell?

 

Nanlaki ang mga mata ko.

 

"Ayon, na–"

 

Agad akong tumayo kaya napatigil si Jisu sa pagsa-salita. 

 

"Bakit, Genyu?"

 

"Anong nangyari sa pusa?" Malamig kong tanong. 

 

Jisu gulped before answering, "Hindi natamaan, Genyu. Ang galing umilag eh."

 

I sighed in relief. Buti nalang.

 

"Ano bang meron sa pusa na 'yun, Genyu?" Tanong ni Jisu but realization immediately hit her. 

 

"Don't tell me, si Maki 'yun?" 

 

Tumango ako kay Jisu kaya naman ngumawa siya. Literal na ngumawa. 

 

"Wahhhh! Maki, sorryyy!" Ngawa ni Jisu at dali-daling lumabas ng bahay para siguro hanapin 'yung pusa.

 

Maki is the group's pet, pero ako talaga ang original na amo. He is a black Maine Coon with an average size, though I know that he'll still grow because he is still quite young. 

 

And he is named from my favorite character in Jujutsu Kaisen, an anime that I've been watching these days. 

 

"Medyo kinabahan ako para kay Jisu do'n ah. Akala ko need ko ng bumili ng kabaong for her." Maluwag na hiningang saad ni Ate Soo. 

 

"Kaya nga," Pagsang-ayon ni Saeron. "Ramdam ko 'yung aura ni Genyu no'ng ma-realize niya na si Maki pala ang tinutukoy ni Jisu." Dagdag pa niya habang nakatingin sa akin.

 

"Tignan ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong