Chapter Twelve: Night Escapade

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence!

 

Matapos ang encounter at introduce yourselves session namin kasama ang Alpas, dumiretso ako sa rooftop kahit na alas-siyete na at masasarahan na ako ng gate maya-maya. 

 

Pero halata namang wala akong pake, hindi ba?

 

Inisip ko 'yung mga nangyari kanina. 

 

Tinuruan kong mag-jackstone si yelong robot, 'yung walang kwentang interrogation nila Ryu sa akin kanina sa cafeteria, 'yung pagsalubong ng mga maskuladong lalaki sa parking lot, 'yung pag-suntok sa'kin nung gorillang panot sa sikmura na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin, and lastly... ang Alpas. 

 

Gusto kong mag-pahangin dahil sa mga ganap ngayong araw, mygawdnis. Medyo hindi kinaya ng bangs ko!

 

Hindi ko talaga akalain na makikita namin ang Alpas kanina, at sila pa talaga ang tumulong sa amin.

 

Seeing them earlier really feels like you just saw a ghost. 

 

When I heard The Ghost Sorority three years ago, sobrang na-curious talaga ako. Ilang buwan din kasi itong naging usap-usapan dito sa university. 

 

Some students are relieved dahil wala na ang 'pinaka-kinatatakutang' sorority, ang iba naman ay puro reklamo dahil daw gusto nilang hamunin sa away ang Alpas. Mga gago lang. Sila na mismo ang naghu-hukay ng libingan nila!

 

So that time, I was really curious talaga about them hanggang sa nakilala ko ang kumandante ng K na si ate Seul. 

 

I was looking for information about Alpas while ate Seul is looking for members para sa sorority na kaniyang bu-buoin. 

 

I was hesitant at first noong tanungin niya ako, pero dahil makulit siya and at that time I realized that being in a sorority will help me, pumayag ako. 

 

Kaya naman, naging Bossing ako ng mga palamunin. 

 

There's this one time that I opened up the Ghost Sorority topic to ate Seul. Tinanong ko kung may alam ba siya tungkol sa kanila. 

 

Turns out, ang Alpas pala ang dahilan kung bakit niya naisipang bumuo ng isang sorority. Kaya naman kanina, I can feel the happiness radiating from her body. Hindi man halata para sa iba, pero para sa akin, oo. 

 

Tignan niyo mamaya lang, hindi na titigil kakadada about sa Alpas 'yang si ate Seul. 

 

Ako ang unang taong naka-witness kung gaano siya kasaya noong sinagot niya ang tanong ko kung may alam ba siya about sa Alpas, about the people who once saved her life. 

 

Ate Seul never told me what happened and how they saved her, though. Sinabi niya lang na iniligtas siya ng Alpas and I respect that. Alam ko naman na balang araw ay mao-open up niya rin sa amin 'yan. 

 

Napatingin ako sa langit na ngayon ay madilim na at puno ng bituwin at napangiti. 

 

I love looking at the sky. Hindi ko alam but I just love it. It makes me feel calm and in peace. Para bang ang langit ang pampawala ng stress ko tapos tutulong din ang hangin. 

 

"Why are you still here?"

 

Nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Hindi ko man lang napansin ang pag-bukas niya ng pinto ng rooftop.

 

Dahan-dahan akong umupo sa sahig dahil masakit-sakit pa rin 'yung suntok ni gorillang panot sa tiyan ko kanina at sumandal sa railings. Gano'n din ang ginawa niya. 

 

"Pa-pahangin lang." 

 

Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "At this hour? They already closed the gates." Saad niya. 

 

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Maga-alas-otso na pala ng gabi. 

 

Napabuntong-hininga ako bago humarap sa kaniya.

 

"Tulungan mo nalang ako later lumabas, please?" Sabi ko at ipinakita ang cute kong puppy eyes. 

 

Hehe, gagana 'yan, wait lang kayo. 

 

Ilang segundo ay napaiwas siya ng tingin. 

 

"Tsk, fine."

 

Gumana! Mwahahaha!

 

"Ikaw pala? Bakit ka rin nandito?" Tanong ko sa kaniya. Alam niya palang sarado na ang gate, bakit pa siya nandito? 

 

Pero dahil napaka-tinong kausap ng yelong robot na 'to, simoy ng hangin lang ang narinig kong sagot. Ayos talaga. 

 

Pinabayaan ko nalang. Sino ba naman kasi ako para pansinin, 'di ba? Hindi naman ako gold, psh. 

 

"Who did that to you?" 

 

Napakunot ang noo ko sa biglang tanong niya. 

 

"Huh?"

 

Tumingin siya akin na para bang gigilitan na niya ako sa leeg. 

 

"Sino ang may gawa niyan sa'yo?"

 

Napalunok ako. Ito ang unang beses na narinig ko siyang nag-tagalog at puta, para akong pinaliguan ng dry ice sa sobrang lamig ng tono niya. 

 

Kinakabahan akong sumagot. "N-ng ano?"

 

Itinuro niya 'yung tiyan ko. Nanlaki ang mata ko. Napansin niya 'yun? 

 

Ang lamig talaga ng tingin niya, huhu. Kapag ako pinatay ni yelong robot, mumultuhin ko talaga si gorillang panot

 

Bigla siyang tumayo at inilahad ang kaniyang kanang kamay sa harapan ko. 

 

"We need to do something about that," patukoy niya sa tiyan ko. "Internal bleeding may happen so hurry up and stand up."

 

"OA mo naman! Okay naman na ako!" 

 

"Stand up."

 

Umirap ako at tinanggap nalang 'yung kamay niyang nakalahad at dahan-dahang tumayo.

 

"Can you run?" Tanong niya nang makalabas kami sa rooftop. 

 

Sasagot palang ako pero agad din siyang nag-salita. 

 

"Nevermind," bawi niya. Lumuhod siya patalikod sa akin. "Hop on."

 

"Gago, ginawa mo naman akong lumpo." Reklamo ko. 

 

"Just do it." 

 

Napabuntong-hininga nalang ako bago nag-piggyback ride sa kaniya. Grabe siya makautos!

 

Lumingon-lingon muna siya sa paligid bago nag-simulang tumakbo. Bukas pa naman ang mga ilaw sa hallways kaya wala kaming problema, maliban nalang sa nagi-ikot na guard. 

 

Maya-maya ay tinatanong niya ako kung kailangan niya bang bagalan ang pag-takbo dahil baka ma-pressure raw ang tiyan ko. 

 

Lakas niyang maka-concern ah! Para namang nabaril ako sa tiyan!

 

Wala naman kaming na-encounter na guard kaya hindi rin nag-tagal nang makarating kami sa likod ng university. 

 

Medyo madilim dito dahil sira 'yung mismong ilaw sa gate. Hindi rin naman kasi nagagamit ang gate na 'to kaya siguro pinabayaan na nila. 

 

Ibinaba ako ni yelong robot. Pinasadahan ko ng tingin ang malaking gate sa harap namin.

 

"Aakyatin ba natin 'yan?" Tanong ko habang turo-turo 'yung malaking gate.

 

"Do I look like a member of akyat-bahay gang?"

 

Napasimangot ako sa sagot niya. Malay ko ba?! 

 

"Follow me." Utos na naman ni kamahalan na nakasimangot ko pa ring sinunod. 

 

Lumiko kami pakanan papunta sa likod ng lumang greenhouse. 

 

"Anong gagawin natin dito? Mukha bang may labasan dito?" 

 

Puro lumang gamit pang-hardin lang naman kasi ang nakikita ako at isang paderna bato na puno ng lumot.

 

Hindi niya ako pinansin kaya naman tinusok ko 'yung tagiliran niya gamit ang daliri ko. 

 

"Uy, baka gusto mo akong pansinin?"

 

"Shut up or I'll leave you here."

 

Agad ko namang itinikom ang aking bibig. Sabi ko nga tatahimik na. 

 

May kinakapa siya sa pader na puro lumot, ilang segundo ang kumipas, 'yung parang isang brick, umurong nang marahan niya itong itulak. 

 

Ay wow, para kaming nasa isang fantas–

 

Nanlaki 'yung mga mata ko nang tadyakan niya nang malakas 'yung sa may bandang part nung br

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong