Chapter Three: K

The Bossing and The Heneral
Please Subscribe to read the full chapter

 

WARNING! This story contains heavy cursing and violence! 

 

Pinagmamasdan ko lang ang wala pa ring malay na unggoy habang ngumangata ng ubas. Gano'n din ang ginagawa ng mga kasama ko na sina Ryeong at Yuna pero 'yung isa ngumangata ng mansanas. 'Yung isa naman, lumalaklak ng mogu-mogu. 

 

Hinihintay din pala namin si ate Oso na bumili lang sa labas ng makakain ni Ryujin kung sakaling magising siya. Sabay-sabay kasi kaming pumunta para bisitahin si Ryujin ngayon dahil kahapon nga, hindi nakasama si ate Oso sa pag-hatid kay Ryujin sa ospital.

 

"Ang tagal naman ni Kumandante." Reklamo ni Yuna. Pinasa niya sa'kin 'yung bote ng mogu-mogu na wala nang laman kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

 

"Ano gagawin ko riyan?"

 

"Ngatain mo." Nice, napakalupet ng sagot.

 

"Joke lang, Bossing." Agad niyang bawi nang makita niya ang masama kong tingin. "Pasuyo sana. Patapon sa basurahan."

 

Inirapan ko siya bago itinapon 'yung bote ng mogu-mogu sa basurahan malapit sa'kin. 

 

"Gutom na ako." 

 

Napatingin kami agad ni Ryeong kay Yuna. 

 

Walangya! Kakaubos niya lang no'ng tatlong stick ng bananacue at 'yung malaking mogu-mogu tapos may gana siyang magsabi na gutom na siya? Ni halos putulin niya nga 'yung kamay namin ni Ryeong sa tuwing magtatangka kaming kumuha no'ng bananacue eh! 

 

"Tangina. May buwaya ka ba sa tiyan mo, Trinidad?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryeong. 

 

Napanguso naman si Yuna. "Grabe ka naman sa buwaya, Ryeong!"

 

Umismid ako. "Anong grabe ka riyan? 'Yun nga ang exact term eh."

 

Sumimangot nalang si Yuna at hindi na nag-salita dahil alam niya namang hindi siya mananalo. 

 

Wala nang nag-salita pero patuloy pa rin ang pag-nguya at pag-ngata ng prutas. 

 

Kaso masyado yata kaming na-engrossed sa pag-kain kaya naman hindi namin napansin na gising na pala si Ryu. Nagulat nalang kami nang bigla naming marinig ang boses niya. 

 

"Anong oras na?" 

 

Agad na tumayo si Yuna at binuksan ang pintuan bago sumigaw ng, "Nurse Tiff! May nag-sasalitang unggoy!"

 

Si Ryeong naman ay pinaghahampas si Ryu. Mapa-mukha, braso, balikat, at ulo kaya naman panay daing ang unggoy. 

 

Ako naman, pinapanood ko lang sila habang patuloy ang pag-nguya ko sa aking precious grapes. 

 

"Hoy, Alcantara! Tigil mo 'yang kakahampas mo kay Agustin, animal abuse ka!" Saway ko kay Ryeong. 

 

Napatingin naman si Ryeong sa akin bago ngumiti. "Chini-check ko lang kung buhay ba talaga siya, Bossing."

 

"Mukha ba akong patay?" Tanong ni Ryu na masama ang tingin kay Ryeong. Yakap-yakap na niya 'yung unan para lang pang-harang sa mga hampas nung isa. 

 

"Medyo."

 

Hinampas ni Ryu si Chaeryeong ng unan, kaso wrong move dahil bigla siyang dumaing ng malakas. 

 

"Shet! Ang sakit ng aking y body!" 

 

"Nurse Tiff! May unggoy na nag-sasabing y daw ang kaniyang body!" Rinig kong sigaw ni Yuna kaya naman napatawa ako. Kolokoy talaga. 

 

Tinaasan ako ng kilay ni Ryu. "Anong tinatawa-tawa mo riyan, Bossing? y naman talaga ang aking bo– puta, parang akong dinadagan ng elepante!"

 

Lalo akong napatawa, si Ryeong at Yuna, napatawa na rin. 

 

"Pakshet kayo. Happy pill niyo talaga kapag nasasaktan ako 'no?" Naka-simangot na tanong ni Ryu habang sapo-sapo 'yung parte ng katawan niya na masakit. 

 

Tumango nalang kami dahil hindi pa rin kami tapos kakatawa. 'Yung mukha kasi ni Ryu, parang unggoy na hindi makatae. 

 

Ilang saglit lang ay natigil na rin kami kakatawa, although si Ryeong, halatang nagpipigil pa. 

 

Bigla namang bumukas 'yung pintuan kaya napatingin kami. 

 

Iniluwa nito ang isang manok na pula. 

 

"Gudapternun, maderpakers!" Bungad niyang bati. Tumingin naman siya kay Ryu at biglang tumawa. 

 

"Ryujin Shin Agustin, ang bobo mo!" Tumawa pa siya lalo nang mas malakas, 'yung tawa na abot hanggang kabilang planeta.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makiyuu
Wohoi! Ako'y nagbabalik, hehe~

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 1: 🤡
hiver_pogi
#2
Chapter 22: grabeng cliffhanger naman to 😭
shhnnyyuu
#3
Chapter 22: hello po
Jiminez #4
Chapter 22: MAGHIHINTAY HANGGANG SA KABILANG BUHAY
QUOTE FOR TODAY'S SESSION
Jiminez #5
Chapter 12: HAHAHHA update napo author nim nababaliw nako eme
Jiminez #6
Chapter 12: Bridal style huh okay pang ilan ko na to?
yujjiman
#7
miss ko na toooo (╥﹏╥)
yujjiman
#8
Chapter 22: SHUTAA ANONG MERON??! T^T
kang_ddeul
#9
Chapter 22: ayyy hala, may something ata T____T
Srryitzjstme #10
Chapter 22: What memory kaya ung sinasabi nila na dahilan nung pag trigger sa memory ni minjeong