Electric Love in the Middle of Chaos Alley

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Nagising si Winter isang umaga. Hindi dahil sa mga manok.



 

Nagising si Winter hindi dahil sa mga manok ng kapitbahay na nagmistulang alarm clock na niya kada umaga.

 

May malakas lang naman na nagsisigawan sa labas ng bahay nila.



 

“Wag mo kong sinusubukan, nakikita mong babae ka! Umamin ka na!”

 

“Wag susubukan ha? At baket! Sino ka para pagsabihan ako?! Di mo pag-aari ang compound na ‘to! Wag mo kong dinuduro duro diyan, nambibintang ka pa ha!”



 

Groggy pa na tiningnan ni Winter ang orasan sa loob ng kwarto niya.

 

6 AM pa lang.

 

Ang gandang bungad sa umaga ng umaatikabong aksyon na ganap sa labas, starring ang mga kapitbahay niya.

 

Sa totoo lang ay hindi naman na bago ito sa kanya.

 

Every other day ay sanay na siyang may naririnig na sigawan o di kaya ay batuhan ng kung ano ano sa labas ng bahay nila.

 

Iba rin ang range ng mga binabato ng mga kapitbahay niya.

 

Pumapailalim na sa mild category ang tsinelas at batya.

 

Minsan naman extreme din.

 

Maigi na sigurong wag alamin.

 

Pero itago natin sa term na…. ‘kitchen utensils’.

 

Kundi naman away ay bigla na lang siyang nagkakaroon ng background music dahil sa lakas ng tugtugan ng kung sino man sa labas nila.

 

Kinakamot niya ng isang kamay ang kanyang mata at nag-iistretch ng katawan nung dumungaw siya sa bintana.

 

Ayun na nga.

 

What a view.

 

Good morning, Baltimore Street!

 

Joke lang.

 

Good morning, Barangay Mahalinhin.

 

Yun ang pangalan ng lugar nila.

 

Ang peaceful kung tutuusin pakinggan ngunit ang totoo ay pwedeng baguhin ang pangalan ng lugar at gawin itong Barangay Gyerahin.

 

Inaantok na pinanood ni Winter ang nagkukumpulan na mga tao sa baba.

 

Marami na ring nakiki-usosyo.

 

May mga hawak pang cellphone ang iba.

 

 

Marami na ring nakasilip sa bintana.

 

Isa na siya doon.

 

Napansin niya na yung iba ay dun pa nag-aalmusal.

 

Teka, ano bang pinag-aawayan nila?

 

Tinry niyang makinig nang maigi.




 

“Aminin mo ng sa sobrang kapal ng mukha niyo, nakikisabit kayo sa kuryente namin! Aba’y papakulong namin kayo! Ang laki ng bill namin sa Meralco dahil may kinabit kayong jumper samen!”



 

Nakilala niya na si Ningning yung isang sumisigaw.

 

Ang kaaway nito ay si…



 

“Anong pruweba mo ha? Ikaw ang makapal ang budhi! Kami, nanahimik kami dito ah! Nagbabayad kami ng sarili naming kuryente at kung makabintang ka diyan!”



 

Si Giselle.

 

Pinatong ni Winter ang kamay niya sa ilalim ng baba at bored na pinanood lang ang mga kaganapan.

 

“Ate Gi, tama na yan…”

 

Teka, teka, teka!

 

Nanliit ang mga mata ni Winter at sinipat ng maigi yung nakita niyang isa sa mga nasa kumpol ng tao sa baba.

 

Si Karina yun ah!

 

Naalala niyang si Karina nga pala ay pinsan ni Giselle.

 

Well, si Karina lang naman ang crush ni Winter na nakatira rin dito sa maliit na compound nila.

 

Nabuhay ang dugo ni Winter.

 

Gising na gising na siya.

 

Madali siyang lumabas ng kwarto at tinalon ang hagdanan nila, two steps at a time.

 

Bigla siyang na-excite.

 

“Oh anak, wag kang lalabas diyan, may nag-aaway, madamay ka pa.” Pag-warning ng mama niya.

 

“Hindi, ma. Diyan lang ako.” Dumukot muna si Winter ng isang pandesal sa lamesa at mabilis na nag-tsinelas na para makalabas.

 

Hindi pa yata magka-match yung nasuot niya pero hayaan na.

 

Kailangan na niyang makalabas para makita si Karina.

 

Nang nakalabas na siya, naramdaman niyang mas lalong uminit at naging tense na ang awayan.

 

Mabagal ang pangnguya niya sa tinapay at tahimik na pinanood muna ang live action na nangyayari sa tapat niya.

 

May mga naka-awat na sa bawat partido.

 

Nakahawak sila sa mga braso ng dalawang nag-aaway na mukhang anytime ay magsusuguran na.

 

Napatingin si Winter kay Karina na kahit mukhang stressed ay ang ganda pa rin.

 

Nakasuot lang ito ng tank top at shorts. May nakasabit na twalya sa leeg nito.

 

Nakahawak si Karina nang mahigpit sa pinsan nitong si Giselle na parang namumula na sa sobrang galit.

 

“Pigilan niyo ko, masasabunutan ko talaga yan!” Nag-aalburoto na sigaw ni Giselle.

 

“Aba’t sige at sumugod ka rito nang malampaso kita!” Di papatalo na paghamon naman ni Ningning.

 

Biglang umabante si Giselle at nagpanic na humiyaw ang mga tao na pumipigil dito.

 

Kinagat ni Winter ang tinapay niya at pumili ng side.

 

Syempre, dun siya sa side ni crush.

 

Nakihawak na rin si Winter sa braso ni Giselle para pigilan ito sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
13 streak #4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭