Confession Drop Box: Perfect Timing

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Gusto lang naman mag-confess ng feelings ni Karina.


 

AN: Puro na lang si Winter kaya gawin nating main character si Karina. First time to include an Action genre in this collection.

 

 

 



 

Hindi alam ni Karina kung anong ginawa niyang masama nung past life niya.

 

Hindi niya rin alam kung ano siya nung past life.

 

Siguro, ipis.

 

Yung nananahimik at nag-eexist ka lang, nakikidaan ka lang sa sahig ng iba, pero galit na agad ang mundo sa’yo na parang kasalanan mo ang lahat.

 

Oo, siguro nga ipis siya dati.

 

Bigla rin niya naisip niya kung ano ang ginawa niyang kasalanan lately kung bakit nakakarma ata siya ngayon.

 

Naalala niya nung one time nakapulot siya ng sampung pisong barya sa taxi pero hindi niya binalik.

 

Pati na rin yung tumawid siya ng kalsada kahit naka-red light pa.

 

O di kaya nung tumango at nag-agree lang siya sa sinasabi ng iba pero hindi naman niya ito nagets.

 

Siguro, yung mga yon nga.

 

Kaya eto, binabalikan siya ng tadhana.

 

Gusto lang naman niya mag-confess sa kanyang long time crush na si Winter.

 

 

 

 

 

 





 

Kasalukuyang nasa rooftop siya alone with Winter. 

 

Tuwang tuwa siya na finally, nasolo niya rin ito.

 

Malapit na mag sunset.

 

Ang ganda.

 

Ang ganda ng kalangitan ngayon.

 

Naghahalo halo ang color hues na orange, purple, yellow, and red na parang isang magandang painting.

 

Pero hindi yun ang ganda na tinitingnan ni Karina.

 

Sa tabi niya, malaya niyang napagmamasdan ang kumikislap na mga mata ni Winter habang peaceful na nakatingin ito sa kaulapan.

 

Halos two na years na silang magkaibigang dalawa.

 

At sa buong dalawang taon na iyon, habang nakakasama niya ito ng matagal at madalas na nakikita, araw araw lang lumalalim ang pagtingin niya dito.

 

Valid pa ba tawaging crush yun kahit umabot ito na 2 years na?

 

Bigla naman niyang narinig ang boses ng best friend niyang si Giselle sa kanyang isipan, “Mahal mo na? Mahal mo na?”

 

Kinilig si Karina sa mga naiisip niya.

 

Mahal na nga yata niya si Winter.

 

Kaya this time, wala ng urungan pa.

 

Ngayong hapon na ito, 5:30pm, she will confess her feelings to Winter.

 

This is the perfect time, perfect place, and the perfect ambience.

 

Pinaulit ulit niya ang kanyang mga lines sa isip na ang tagal niyang pinraktis at gabi gabing ini-imagine na sasabihin niya kay Winter one day.

 

This is finally that day.

 

“Winter… I know this is very unexpected but I can’t help it. There’s just something about you. I like you so much.”

 

Huminga siya ng malalim.

 

“Winter… may sasabihin ako sa’yo.” Seryosong humarap si Karina kay Winter. 

 

Lumingon naman sa kanya si Winter na may ngiti sa labi. 

 

Inaabangan lang siya nito sa kung anu mang sasabihin niya.

 

“Winter-”

 

Parang may biglang umihip na masamang hangin.


 

Bigla nakaramdam ng hindi maganda si Karina.


 

She suddenly felt this crippling anxiety growing inside of her.


 

Bakit naman ngayon pa?

 

Hindi na siya makatingin ng deretso kay Winter.

 

Lumalakas ang kabog ng dibdib niya.

 

Gusto na niyang tumakbo pero parang may pumipigil sa mga paa niya.

 

“Karina? May sasabihin ka ba?” 

 

Napatingin lang si Karina sa mga nagniningning na mata at maamong mukha ni Winter.

 

Winter’s always been so kind and patient with her.

 

That’s one of the things she likes about her.

 

Pero… hindi inaasahan ni Karina na mangyayari ito sa kanya ngayon.

 

 

I’m sorry, Winter.

 

I can’t do this right now.

 

 

 

 

 

 

Isang delubyo.

 

Isang delubyong hindi niya makokontrol pa.



 

 

 

 

 



 

“Karina, okay ka lang-”

 

“W-winter, may.. may wipes ka ba?”

 

 

 

 

 

Isang delubyo ang namuo sa tiyan niya.

 

Gusto niyang sakalin si Giselle ngayon.

 

Binigyan siya nito ng baon na chicken nuggets na may mga korteng numbers at alphabet kaninang lunch.

 

Binigay nito sa kanya yung korteng W na nugget.

 

Initial ni Winter.

 


For good luck daw sa confession niya.



 

 

 

 

 

 

 

 



 

Kasamang nakatambay ngayon ni Karina si Winter sa kanyang kwarto.

 

Lagi nila itong ginagawa after school.

 

After nila matapos lahat ng homework at magreview, magrerelax sila at manunuod sa Netflix.

 

Ayaw muna maalala ni Karina ang nangyari sa rooftop.

 

Nairaos naman niya.

 

Buti na lang may wipes si Winter.

 

Nahihiya pa rin siya pag naalala niya yun kaya pilit na binubura na lang niya sa kanyang isip.

 

Napostpone ang pag-confess niya.

 

Hanap na lang siya siguro ng ibang time to do it again.

 

Iniiwasan na rin niya ang lahat ng pagkain na inaalok sa kanya ni Giselle tuwing lunch.

 

Busy sila ngayong manuod sa Netflix ni Winter nang biglang naging aware si Karina sa closeness nilang dalawa.

 

Nakaupo sila sa carpet niya na nakapwesto sa gitna ng  kwarto at tabi ng kanyang kama.

 

Ang onti lang ng pagitan ng kanilang mga katawan.

 

Lihim siyang kinikilig.

 

“Gusto mo?” Nakita ni Karina na nakamuwestra ang kamay ni Winter na inaalok ang popcorn sa kanya.

 

“Ah, sure.” Ibababa na sana ni Karina ang phone na hawak hawak niya para dumukot ng popcorn pero mabilis na nailapit ni Winter ang kamay nito sa tapat ng bibig niya para masubuan siya.

 


Namula si Karina at naramdaman niya ang pagpitlag sa kanyang tiyan.

 

Hindi delubyo this time, but butterflies.

 

Laging niyang nararamdaman iyon around Winter.

 

Napatitig lang siya kay Winter na ngumiti pa sa kanya at sumubo na rin ng popcorn.

 

Napalunok si Karina.

 

Should she confess right now?

 

Sabi nila mas okay na hindi rehearsed kapag aamin ka diba?

 

They said it’s more heartfelt and gen

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭