Elyu's Beautiful Stranger

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: It was only supposed to be a strict friends-only-trip… pero biglang may lihim na nagtatabi sa pang-isahan na bunk bed at nagwawala sa karaoke - calling out a complete stranger's name.





 

Pagdating ng panahon

Baka ikaw rin at ako

Baka tibok ng puso ko'y

Maging tibok ng puso mo

 

Sana nga'y mangyari 'yon

Kahit 'di pa lang ngayon

Sana ay mahalin mo rin

Karina, mahal pa rin kita!!!


 

Napatigil sa pagsubo si Karina ng sisig nung marinig niya yung pangalan niya na malakas na sinigaw sa mic nung babaeng kumakanta ngayon sa karaoke dito sa bar kung saan sila kasalukuyang nagdi-dinner ng mga kaibigan niya.

 

Pinagmasdan niya yung babaeng nakatayo sa gitna, nakatalikod ito sa kanila at may hawak na bote ng beer. Pagewang gewang na ang pag-sway ng hips nito habang feel na feel ang kanta, mukhang naparami na ito ng inom at lasing na.

 

Pero… Karina?

 

What are the odds na kapangalan niya rin pala ang dinadramahan nito ngayon sa karaoke.

 

Marahas ang paglingon sa kanya ng mga kaibigan niyang sila Giselle at Ningning. Nakataas ang mga kilay nito at nagtatanong ang mga tinginan.

 

“Kilala mo yan?” Masungit na tanong agad ni Giselle.

 

Sinubo muna ni Karina ang naudlot niyang pagkain ng sisig at ngumuya. “Hindi ko kilala yan-”


 

Alam kong hindi mo alam

Narito lang ako, Karina Yu!

Maghihintay kahit kailan

Nangangarap kahit 'di man ngayon

Mamahalin mo rin

Mamahalin mo rinnnn!!!!


 

Nagulat din si Karina ng marinig ang buong pangalan niya sa gitna ng lyrics.

 

Nanlaki na ang mga mata nila Giselle at Ningning at tumingin sa kanya na may halong panghuhusga.

 

“Rina, akala ko ba friends trip ‘to at walang lalandi? San mo ba nakilala yan? One night stand? Kakarating lang natin kahapon ha? Broken na agad? Paano…? Ex-lover mo ba..? Ohmygosh!” Sunod sunod at walang prenong tanong ni Ningning.

 

Walang kamuwang muwang si Karina sa mga nangyayari.

 

She was true to her word na hindi siya lalandi sa trip nila sa La Union. Her purpose was purely for hanging out with her best friends.

 

Wala rin siyang naka-one night stand or fling or anything kahapon.

 

Tinaas niya ang kamay niya in defense. “Girls, maraming Karina Yu sa mundo, hindi ko kilala yan, promi-”


 

'Di pa siguro bukas!!!

'Di pa rin ngayon!!!

Malay mo balang araw!!

Dumating din yon!!!

Karina Yu!!!

0917856….!!!


 

Dun na nagulantang ng bongga si Karina at muntik pa siyang ma-out of balance sa kinauupuan sa narinig.

 

Sumisigaw na yung babaeng kumakanta sa karaoke at tuluyan na ngang mina-massacre ang kanta ni Aiza Seguerra.

 

Hindi lang yun…

 

Binabanggit pa yung pangalan niya.

 

Pati na rin ang cellphone number niya.

 

“Sabi na eh… she can’t go without a day na walang landi. Aish…” Uminom si Giselle ng beer at nagtsk-tsk.

 

“Hindi ko talaga siya kilala, promise!” Panic na sabi ni Karina. Litong lito na rin siya. Napatingin siya sa babaeng kasalukuyang nagsasayaw sayaw na sa gitna kahit ang mellow ng music.

 

“Eh ba’t alam ang number mo?” Taas kilay na tanong ni Ning.

 

Nag-isip ng malalim si Karina.

 

Okay, she wasn’t being completely honest about sa hindi paglandi dito sa Elyu.

 

“M-may binigyan ako ng number ko…” Pag-amin ni Karina.

 

Pero hindi yung babaeng kumakanta ngayon!

 

Alam na alam niyang hindi ito ang pinagbigyan niya ng number.

 

She’s good with faces, she remembers them too well. 

 

Napa-scoff si Giselle. “Seriously… you give your number to strangers with your full name?”

 

Karina poked the inside of her cheek. “Wala kaming mahanap na ballpen so... I.. I gave my business card. Pero hindi yang babae na yan yung pinagbigyan ko.”

 

Napa-facepalm si Ningning. “Pinamudmod mo ba business cards mo?”

 

The girl… yung server dun sa isang bar na pinuntahan nila kagabi.

 

Binigay ba nun yung card niya to this… lasengga?

 

Nagbago ang kanta.

 

Si ate na lasing pa rin.


 

Feliz Navidad!

Feliz Navidad!

Feliz Navidad!

Próspero año y felicidad

Karina! I love you!

But.. where are you!

0917..856..432!!!!


 

Okay, that’s it.

 

Tumayo na si Karina para sugurin yung babae pero pinigilan siya ni Giselle. “Oy, anong gagawin mo?”

 

“Pinagkakalat niya yung number ko!” Gigil na sabi ni Karina.

 

“Hays… bahala ka diyan.” Giselle rolled her eyes. “If I know… you’re just looking for some. Ning, tara na nga. Dun tayo sa Flotsam.”

 

Napamaang na lang si Karina sa mga kaibigan niya na tumayo na at umalis at iniwan na nga siya.

 

Napatingin siya sa paligid nila.

 


Wala na gaanong kumakain.

 

Yung lasing na babae sa gitna, pansin niyang kumakanta pa rin at ngayon ay nakayakap sa karaoke machine.


 

“I… wanna… wish.. you a Merry Christmas, Karina... 0917856…”


 

Karina sighed.

 

Pinuntahan na niya ito.

 

She crossed her arms in front of the girl na pinupukpok na ang noo sa mga buttons sa karaoke machine.

 

Marahang sinipa ni Karina ang paa nito para kunin ang atensyon. “Hey.”

 

Dahan dahang lumingon sa kanya ang babaeng lasing.

 

Karina caught her breath nung napagmasdan na niya ang mukha nito na may tumutulo pang luha.

 

One word.

 

She’s really… beautiful. 

 

When Karina said she’s good with faces...  especially the pretty ones. Hinding hindi niya makakalimutan ang mga ganitong magagandang mukha.

 

Short hair, small lips, expressive eyes, tall nose...

 

Gumala din ang paningin niya sa slim na katawan nito. 

 

The girl was wearing a crop top na kitang kita ang flat toned stomach.

 

Napalunok si Karina.

 

Her weakness.

 

Women like this one…

 

Exactly her type.

 

“I wanna... wish you a Merry Christmas… ikaw ba si… Santa Claus?” Umikot ikot pa ang daliri nito habang nakaturo sa kanya at ngumingisi ngisi.

 

Karina cleared and composed herself. “Hey, san mo nakuha ang number ko?”

 

Tumayo na ng deretso yung babaeng lasing pero gumewang lang ito at na-out of balance. “Ow-”

 

In reflex naman ang pag-alalay ni Karina sa isang braso nito para hindi ito tuluyang bumagsak.

 

“Thanks, spiderman… ay, babae ka... Magneto. Ay! The Thing…” Kung ano ano na ang sinasabi nito at unfocused ang mga mata sa sobrang kalasingan.

 

Huminga ng malalim si Karina. She knew she should just walk away… dahil wala naman siyang mapapalang matino sa isang lasing.

 

Inaamin niya nung una gusto niya lang itong i-confront para itanong kung saan nakuha ang number niya.

 

Pero now that she had seen her…. she suddenly got interested.

 

“San mo nakuha number ko?” Ulit na tanong ni Karina. Naka-cross arms pa rin siya habang yung babae ay nakapatong na ang isang kamay sa karaoke machine para hindi matumba.

 

“Number mo...? Ikaw si… Karina?” Litong tanong nung babae.

 

“Oo.” Sagot ni Karina.

 

“Karina… Yu… 0917…” Sabi lang nung babaeng lasing at natumba na ito sa direksyon niya.

 

Napa-oomph si Karina nung nasalo niya ng payakap yung babaeng biglang nawalan ng malay.

 

Paakay na inupo niya muna ito sa isang monobloc chair…

 

For someone so slim, she sure was heavy.

 

Tinawag niya yung isang server. “Miss, may nakita ka bang kasama nito?”

 

Umiling yung ate. “Wala, mam. Dun siya nakaupo.”

 

Tinuro ni ate yung isang table na may maraming bote ng beer na nakapatong. Pinuntahan niya ito para i-check ang gamit.

 

Walang bag.

 

Napailing siya nung makita yung cellphone nito na nakaladlad lang sa table. She’s surprised na hindi pa yun nanakaw. Kinuha niya yun. Dead batt.

 

Napailing iling na lang si Karina.

 

Bumalik siya kung nasaan yung babae na iniwan niyang natutulog sa monobloc.

 

Napagmasdan niya ang maganda at maamong mukha nito.

 

This woman, seriously.

 

This beautiful woman…

 

Alone dito sa elyu, possibly drinking her sorrows away.

 

“Mam, hindi pa po bayad yan si... Mam ah.” Sabi nung server na nakatanghod sa kanila.

 

Napa-brush up ng buhok si Karina.

 

Sinasabi na nga ba eh.

 

Very wrong na inapproach niya pa ito in the first place.

 

Nakahanap tuloy siya ng pabigat sa buhay.

 

Maganda itong babae… pero wala siyang balak ilibre ito. Wala naman siyang mapapala.

 

Kinapkapan na niya ang bulsa ng jeans nito para hanapin yung wallet ngunit paghugot niya noon, may nahulog sa sahig.

 

Yung key card ng pinag-iistayan nito.

 

Room 11.

 

Nanlaki ang mata ni Karina.

 

Parehas sila ng room number.


 

 

 

 








 

They are currently staying sa Charlie’s Hangar Surf Hostel. Yung mga rooms dito… designed na parang dorm na may mga bunk beds. They booked a 4-bed dorm at dahil nga tatlo lang sila nila Giselle at Ning, hindi niya alam na may makakasama pa pala silang isa na hindi nila kilala.

 

Hirap na hirap si Karina habang inaalalayan niya sa kanyang balikat yung babaeng lasing pabalik sa kwarto.

 

Hays! Pabigat talaga 'to si Aiza!

 

Tinawag niya muna na Aiza yung babaeng inaakay niya ngayon dahil hindi niya alam ang pangalan nito.

 

Yung wallet nito kanina, wala man lang kahit isang ID at puro cash lang ang laman.

 

Nagpasalamat na rin siya kahit papano at parehas sila ng pinagtutuluyan at hindi na niya kailangan pang ihatid ito kung saan man.

 

Binuksan na niya ang kwarto nila at tuluyan ng pumasok sa loob.

 

She didn't bother turning on the lights dahil nga mayroon siyang inaakay.

 

In fairness, ang bango nito si Aiza.

 

"So... dito talaga kayo mag-oone night stand?"

 

Gulat na gulat si Karina sa boses na narinig sa dilim.

 

Mabilis niyang inupo si Aiza dun sa isang lower bunk bed at binuksan niya ang ilaw.

 

Tumambad sa kanya si Ningning na nakangisi at nakasilip sa curtain sa upper bunk bed.

 

Akala ko ba… nasa…?

 

Hinanap niya si Giselle sa kabilang kama.

 

Wala ito sa pwesto.

 

Hinawi niya ang kurtina ni Ningning at nakita si Giselle na natutulog sa tabi nito.

 

"Ning… ba't kayo magkatabi ni Selle? Bumaba ka nga diyan, pang-isahan lang yan! Pag kayo bumagsak!" Saway ni Karina sa kaibigan.

 

Tumayo na si Ningning sa kama ni Giselle at kaswal na bumaba sa hagdan. "Wushu... iniiba ang topic. Ba't mo dinala dito yan si Feliz Navidad?"

 

Nagpamewang si Karina at tiningnan ulit yung babaeng nakalaylay ang paa at hindi pa maayos ang higa sa kama.

 

"Siya yung kasama nating isa dito sa room." Plain na sagot niya.

 

Nag-korteng O ang bibig ni Ningning at kumanta pa ng pabulong. "Baby, you're my destiny… you and I are meant to be..."

 

Kumunot ang noo ni Karina at tinaasan ng kilay ang kaibigan. "Ano yon?"

 

Humagikgik lang si Ningning at umakyat na sa katapat na bunk bed. "Osya, inaantok na ko. Mag-earphones na lang ako para hindi ko marinig ang jugjugan niyo. Patayin mo ilaw!"

 

"Seriously, Ning…" Seryosong sagot ni Karina.

 

Tumatawa pa si Ning at hinawi na ang kurtina sa kama niya.

 

Naiwan si Karina na hindi alam ang gagawin. 

 

Magkatapat sila ng kama sa ilalim ni… Aiza.

 

Napabuntong hininga na lang siya at kinuha na ang pamalit na damit para mag-shower.

 

Pag balik niya, ganun pa rin ang kaayusan nito sa kama at hindi man lang natinag. Binalak na lang niya matulog na at pabayaan ito.

 

Siguro naman, enough na yung role niya na "concerned citizen" at inakay ito pabalik sa room.

 

Papatayin na sana niya yung ilaw pero hindi niya mapigilan mapatingin ulit dito.

 

Nakakaawa din in a way.

 

Wala talaga siyang kasama?

 

Sige na nga.

 

Lumapit siya dito at inayos ang pagkakahiga nito sa kama. Kinuha niya na rin yung kumot at dinantay sa katawan nito.

 

Umupo siya saglit sa kama nito habang inaayos yun.

 

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.







 

 

 

 

 

"Ahh!!!"


 

Napabalikwas si Karina sa sigaw na narinig.

 

Inadjust niya ang kanyang mata sa paligid at nanlaki ang mata niya sa napansin.

 

Yung babaeng lasing kagabi… nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya.

 

Pinagmasdan ni Karina ang kanyang pwesto.

 

Nakahiga siya sa may lower body nung babae at nakadantay ang kamay niya sa bewang nito.

 

Dahil sa pagkagulat, napatayo bigla si Karina at dahil sa mabilis na paggalaw niya, nauntog pa siya sa kama.

 

"Ow!" Napangiwi si Karina sa sakit na naramdaman.

 

"Sino ka?" Tanong nung babae... ni Aiza, sa kanya. Tinukod nito ang dalawang siko sa kama at umusod palayo sa kanya. Sinipat nito ang sariling katawan. "M-may nangyari ba-"

 

Tumayo na ng tuluyan si Karina habang hinihimas himas ang ulo niyang naumpog at umupo na siya sa kabilang kama, sa kama niya talaga. "Hey, easy… walang nangyari sa atin."

 

"Bakit ka nakayap sakin?!" Paangil pang tanong nito.

 

Nagulat si Karina sa biglang pag-attitude nito. Aba't, siya na nga yung tinulungan! "Excuse me miss ha… just so we're clear, tinulungan lang naman kita kagabi. Nagwawala ka lang naman dahil sa kalasingan dun sa restau-bar. And FYI, room din namin 'to."

 

Parang nagulat yung babae sa narinig at hindi agad nakasagot. Tapos, kumunot ang noo nito at hindi na siya pinansin.

 

Napapikit ng madiin si Karina.

 

Bakit ba kasi siya nakatulog sa kama nito kagabi….

 

At yung pwesto pa nila.

 

Biglang tumayo yung babae at akmang aalis.

 

"Hey, san ka pupunta?" Habol na tanong ni Karina sa babaeng dere deretso sa pinto. Hindi man lang nagpapaalam or mag-acknowledge ng kung ano. Ni ha ni ho, wala.

 

Parang naiinis naman na nilingon siya nung babae. "May kailangan ka pa ba? Do you mind?"

 

"Oho… oo nga, Rina, anong kailangan mo kay Ms. Feliz Navidad?" 

 

Si Giselle.

 

Gising na at nakasilip na pala sa kanilang dalawa.

 

Napatingin si Aiza kay Giselle saglit na parang nawweirduhan at binalik ulit ang tingin kay Karina.

 

May kinapa ito sa bulsa at naglabas ng wallet. "Look, magkano ba ang service ng pagtulong mo kagabi-"

 

"I don't need your money." Tumayo na si Karina sa kama at nag-cross arms sa tapat nung babae. Tumaas din ang isang kilay niya. Naiinis na talaga siya. Kung alam lang niyang ganito pala ang ugali nito, hinayaan na lang niya sanang matulog ito sa sahig dun sa bar. Or dun sa buhangin ng beach.

 

"Eh ano pala?" Maarteng  sagot ni Aiza.

 

"A simple thank you will do." Sagot ni Karina, not backing down.

 

"Fine." Sabi nito na parang napipilitan.

 

Biglang na-conscious si Karina nung hinagod nung babae ang tingin nito sa kabuuan niya. 

 

Nakasuot lang si Karina ng sleeveless na dark blue tank top at fit na jeans ngayon. Yung buhok niya, hindi niya alam kung ano ang ayos.

 

"Thank you. Now, if you'll excuse me." Deretsong sabi nito at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.

 

Napa-scoff si Karina.

 

The nerve of that woman!

 

"That was hot… finally, nakahanap ka na rin ng katapat. Hindi yata iiral ang ‘Kamandag ni Karina’ kay Ms. Feliz Navidad." Pang-aasar ni Giselle.

 

Tiningnan niya ang kaibigan niya ng masama. "Oh? Akala ko friends trip 'to? Akala ko walang lalandi? Pero may nagtatabi sa isang kama kagabi…"

 

Hindi nakaimik si Giselle non.

 

Nginisian niya lang ito at lumabas na din siya ng kwarto.

 

Naalala na naman niya si Aiza!

 

Naiinis siya dito!

 

Akala mo kung sinong maganda!

 

Well, maganda naman talaga siya.

 

Pero, ugh.

 

But oh god… inaamin ni Karina sa sarili, napansin niya na the girl looked really hot nung medyo nagtataray na ito.

 

Napa-roll eyes si Karina sa kanyang sarili.

 

Bakit ba kasi sobrang fit ng description ng mga type niya sa babae yung asungot na yun?





 

 

 

 

 


 

Nakaupo si Karina sa may buhangin at nakatingin sa beach ng elyu.

 

Sobrang nagagandahan talaga siya lugar na ito bukod sa malapit at convenient pang puntahan.

 

Kung bibigyan siya ng pagkakataon bumalik, she will always grab the chance.

 

Kaya nung nagtagpo ang schedules nilang magkakaibigan, they instantly booked for a trip.

 

Ang usapan nila for this trip - walang funny business, for relaxation lang, inom, party, club, night life. 

 

Walang lalandi.

 

Pero mukhang hindi iyon nasusunod… nilang lahat.

 

Well, mostly yung dalawang niyang kaibigan.

 

Kaya pala ang lakas ng loob na magsabi ng walang lalandi, sila pala kasing dalawa established na.

 

So para sa kanya lang ba talaga yung rule na yun?

 

Dati pa naman niya napapansin ang pasikretong relasyon ng mga kaibigan niya, inaantay niya lang itong umamin sa kanya.

 

Ayun na nga. Mukhang magiging third wheel pa yata siya sa dalawa.

 

She took a sip on her can of soda.

 

Ang aga pa. 8AM. 

 

Muntik pa nga siya bumili ng beer kanina, pero she decided against it. Baka mas lalo lang sumakit ang ulo niya. 

 

Kaya she settled for ‘softdrinks’... as if makakatulong. Parehas itong unhealthy and not suited to drink in the morning.

 

Gusto niya lang ng inumin na malamig at nanunuot. 

 

Naalala na naman yung babaeng naglasing kagabi slash yung roommate nila.

 

Ang mahadera pala. 

 

y nga pero… oo, y nga. 

 

Ang pangit naman pala ng ugali.

 

Alam ni Karina na brokenhearted yung tao, given na dahil sa eksena pa lang nito sa karaoke at pag-dadrama kagabi, pero it’s not an excuse para magalit sa mundo and be rude to other people.

 

“Hi…”

 

Gulat na napalingon si Karina sa narinig at nakita kung sino yung bumati sa kanya.

 

Speak of the devil.

 

Napagmasdan niya ang kabuuan nito.

 

Ang fresh at halatang kakagaling lang ng shower. Maayos na rin ang mukha at hindi na nakasimangot.

 

Bago na rin ang damit nito, nakasuot na ng white na polo at maikling shorts.

 

“Pwede ba kong…?” Tinuro nito ang space sa buhangin sa tabi niya.

 

Tiningnan lang yun saglit ni Karina at tumango. 

 

Though deep inside, curious siya kung bakit siya nito kinakausap ngayon.

 

“Sorry pala kaninang umaga…” Mahinang simula nito habang nilalaro laro yung buhangin.

 

Karina side-eyed the girl beside her. 

 

Wow, change of heart?

 

“Okay na yun.” Sabi na lang niya.

 

In her peripheral vision, nakita ni Karina na humarap sa kanya yung babae. “Sorry... nagulat lang talaga ako. Saka sobrang sakit kasi ng ulo ko kanina. Ngayong nakapag-kape at naka shower na ko, medyo nahimasmasan naman na. Sorry and thank you again, Ms…?” Nilahad nito ang kamay sa kanya. 

 

Tiningnan ni Karina ng maigi ang mukha nito pati na rin ang formal na pag-abot nito ng kamay sa kanya.

 

Hmm, mukha namang sincere.

 

Siguro nga ‘woke up on the wrong side of the bed’ lang talaga.

 

Ngumisi na si Karina dito, tinanggap niya ang palad nung babae. “Karina.”  

 

Nanlaki naman ang mata nito sa kanya. “Karina… ikaw yung…?”

 

“Yung sinisigaw mong pangalan kagabi?” Amused na tanong ni Karina.

 

Napa-groan yung babae at napatakip ng mukha sa hiya. Mukhang medyo naaalala na nito yung pinaggagawa kagabi. “Sorry, sorry…  saka kasi… yung pangalan mo… nakita ko lang dun sa napulot ko na business card. Tapos, I lost control na. Sorry talaga.”

 

Karina internally grunted habang dina-digest yung sinabi nito.

 

Okay, yung business card niyang pinamigay... pakalat kalat lang pala. 

 

Their loss.

 

Napatingin ulit siya dun sa babae na na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭