Nagsimula Ang Lahat Sa Sinigang

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Karina is finally home after 2 years. She recalled how they first met ni Winter and how she captured her heart, thanks to sinigang.

 

Finally.

 

It’s been, what? Two years?

 

Since I went to Paris to study, pursue greater knowledge, learn more about culinary arts, to master my passion and skills for cooking.

 

I can say that I’ve achieved all of that, yes.

 

Two years na rin since iniwan kita dito sa Pinas. 

 

Two years at walang araw at segundo na hindi kita namiss.

 

Two years at araw araw pa rin kitang minamahal, Winter.

 

Finally. 

 

I’m home.


 

-

 

Ang laki ng aking ngiti at nagpipigil ng tawa habang vinivideo ka na medyo nakanganga pa habang natutulog sa waiting area. Seriously? After two years akong nawala, madadatnan kitang natutulog? Wow. Ang ineexpect ko pa naman, you are the most excited to see me again.

 

Pero eto ka ngayon, tulog mantika sa isang bench. Sayang naman ang effort mo gumawa ng cardboard na may nakalagay na “Karina’s Personal Driver”, natawa na lang ako, I remembered mentioning to you dati na gusto kong maging feeling VIP sa airport arrival area. 

 

I stared at you. You never changed, not even a little bit. You’re still in your signature style - cap, shirt, and jeans. At most of all, antukin ka pa rin. I just sighed.

 

Why is the feeling still the same? Ayokong aminin na ang nararamdaman ko ngayon ay parang love at first sight, pero parang ganun na nga. Ang gaan sa pakiramdam. Pinipigil ko lang ang aking sarili na yakapin ka nang mahigpit because I wanted to stare at you some more.

 

Sobrang namiss kita, ‘ga. 

 

I remembered our endearment to each other. Pangga. Matatawag ko na naman ito sa’yo ng personal, walang sinabi ang napakaraming video calls na ginawa natin. Ngayon I can now see you, I can now touch you, I can now hug you again.

 

Nilagay ko ang aking bagahe sa gilid at nagcross-arms habang tinapik ko ng aking paa ang legs mo to wake you up. 

 

Nakita ko ang bahagya mong pagkagulat, natatawa na ko sa itsura mong parang nataranta at agad mong chineck ang phone mo. Di mo pa rin ako nakikita. 

 

“Oh, sinong inaabangan mo diyan?” Sabi ko.

 

Ang bilis ng pagbalikwas mo paharap sakin. Your eyes went wide like you couldn't believe what you were seeing.

 

“Ga?” 

 

“Good morning din say-”

 

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, mabilis mo na akong sinunggaban ng napakahigpit mong yakap. Napapikit na lang ako nang madiin sa emosyon na mabilis na umagos sakin at niyakap ka pabalik. 

 

Two years.

 

I remembered how much I cried pagkatapos ng video calls natin noon sa sobrang pangungulila sa’yo.

 

Now, here I am, hugging you again.

 

Nilayo mo bahagya ang katawan mo sakin at hinawakan ang aking mukha ng iyong dalawang kamay. Nakangiti ka lang at matagal akong tinititigan. 

 

“Wait..” Sabi mo habang hinanap yung cardboard na hawak hawak mo kanina. You showed it to me.

 

“Welcome back, Ma’am Yoo. Pleased to be at your service. May I take you home?” Nakangisi mong sabi sakin.

 

“Kanina mo pa dapat ginawa yan-”

 

Nagulat na lang ako nang pinutol mo na naman ang sasabihin ko and you pulled me in for a kiss.

 

“I miss you so much.” You whispered to my lips.

 

Winter… if you only knew kung gaano ko katagal hinintay ang araw na ito.

 

Wala na akong nasabi at nagawa but just melt in your presence.

 

Welcome back, indeed.

 

At last, I’m home to you now, Winter Kim.


 

 

 

FLASHBACK 10 YEARS AGO

 

Eto ang favorite spot ko sa bahay. Tabi ng bintana. 


Wala lang, minsan ang saya lang mag daydreaming dito at people watching. Ang ganda ng view from here na makikita mo talaga lahat. Presko pa ng hangin dahil maraming puno. Namumungay na ang mga mata ko, parang ang sarap matulog...

 

May kumatok sa kwarto ko. “Winter, anak?”

 

Napaangat ako ng ulo, “Po, ma?”

 

“Buksan mo ito, dala ko ang meryenda mo..”

 

Agad ko naman pinagbuksan si mama na may dalang juice at isang platito ng maruya. Sa isip isip ko, ah may kailangan itong iutos kaya binigyan muna ako ng meryenda. Hay, kabisado na kita, mama.

 

“Ma, ano po ‘yun?” Inunahan ko na tanungin ang nanay ko.

 

“Anong ano yun?” Sabi pa ng mama ko na kunwari walang alam.

 

“Yung iuutos mo…” Halos pabulong na sabi ko. Sana talaga wala nga iuutos.

 

“A-ah wala naman, anak.” Sabi ni mama. Sinisipat sipat ko pa siya kasi parang di sya mapakali. Wala nga ba talaga?

 

“Pero anak..” Pahabol ni mama. Sabi na nga ba at may katuloy pa.

 

“Kung kaya mo makadaan kila Aling Ningning, pautang muna kamo ng baboy. Magsisigang ako. Dadating ang tito mo mamaya. Eto ang listahan.” Kinuha niya pa sa bulsa niya ang listahan ng uutangin. O diba, hindi sya ready?

 

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Lagi ko naman sinusunod ang mga utos ni mama. Pero eto ang pinaka hindi ko favorite sa lahat ng mga utos niya. Ang mangutang kila Aling Ningning. Medyo masungit kasi yun. Tapos minsan ang daming tao. Nakakahiya kaya! Hindi na ako bata ‘noh. Pero wala naman ako magagawa.

 

“Sige po, ma.” Kinuha ko na ang listahan, nagpalit ng damit at lumarga na.

 

Pagdating ko sa tindahan ni Aling Ningning, napakaraming tao. Di muna ako sisingit.  Nakakahiya. Naground trip muna ko ng lakad at balikan ko na lamang maya maya. Sigurado naman wala na gaano tao pagkabalik ko. Napakainit pa naman ng panahon.

 

Pagbalik ko, medyo kumonti na nga ang tao. Pero ang masaklap don, nandun sa tindahan yung anak niyang maganda. Di ko ito kaclose pero nakikita ko lagi sa school.


Si Karina. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭