Confession Drop Box: The Dark Side

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

 

 

Tumalon ka na.

 

Bulong ko sa sarili ko. Hindi naman sobrang taas, diba?

 

Masakit ba talaga?

 

Saglit lang ang sakit. Matatapos din ang lahat sa isang iglap.

 

Pag-comfort sa akin ng isang part ng utak ko. Alam ko naman na yung sakit ay mararamdaman ko lang saglit and them bam, wala na. Tapos na.

 

Nandito na ko sa dulo eh. Dead end. Wala na kong mapupuntahan pang iba. Wala rin namang sasagip sa akin at lalong walang aalo sa nararamdaman ko ngayong paghihirap.

 

Pinag-isipan ko na itong mabuti, pinag-aralan at kinalkula ko na ang bawa’t sulok, wala na akong magagawa pa.

 


Desidido na ako.

 

Kailangan ko itong gawin.

 

Handa na rin ako.

 

Huminga ako ng malalim at tumingin sa ilalim ko. 

 

Hindi ako takot sa heights pero damang dama ko yung pag-doble ng bilis ng puso ko.

 

Pinagpapawisan din ako ng malamig at butil butil. Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng labi at mga kamay ko.

 

Kailangan ko ba talaga itong gawin?

 

Ito ba ang tama?

 

Mabilis kong inalis ang pag-aagim agim sa utak ko. Handa na nga ako eh. Wala ng makakapigil pa sa akin.

 

Kailangan ko ng tapusin ang lahat ngayong gabi.

 

Nag-flash sa utak ko ang mga mukha ng aking mga mahal sa buhay, ang pamilya at mga kaibigan ko.

 

Nakita ko rin ang magandang mukha niya.

 

Karina.

 

Gagawin ko ito ng dahil sa’yo.

 

Ginawa mo ito sa akin.

 

Pinikit ko na ang aking mata at hinanda ulit ang aking sarili.

 

Bumilang ako ng tatlo…

 

Isa, hinga ng malalim at wag na mag-isip ng kung ano ano.

 

Pangalawa, tapusin na natin ang lahat.

 

Tatlo, talon na.



 

 

 

 

 

 

 

 

 




 

Apat, huy talon na….

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Lima, talon… ay kulang na lang ng “G”, talong na noh? Paborito ko yun… yung torta.

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Anim, Lord, ano po gagawin niyo kung kayo yung nasa pwesto ko?


 

Naalala ko tuloy yung wristband ko nung bata ako na may nakalagay na “What Would Jesus Do”.

 

 

 

 

 

 

 



 

What would Jesus do, what would Jesus do, what Jesus do….


 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pito….


 

Naramdaman ko ang malakas na hampas sa ulo ko. Napa-angat agad yung kamay ko sa ulo dahil sa sakit at gigil na hinarap yung bumatok sa akin.

 

“Ano na, Winter? Alam mo bang 20 minutes ka ng nakatayo diyan? Ang dami ng pila oh! Kung di ka pa tumalon, itutulak talaga kita!” Paangil na sabi sa akin ni Karina. Bakas ang pagkainis sa kanyang mukha.

 

“Pero.. K-karina… alam mo namang ayoko ng heights.” Kaswal na pag-gesture ko sa baba. Hindi ako takot sa heights pero ayoko nun. Galit ako dun. Tinatanong niyo kung ano ang pinagkaiba? Malaki ang pinagkaiba! Wag niyo na itanong.

 

“Akala ko ba pinag-usapan na natin ‘to? Pumayag ka kasi natalo ka sa game!” Tumingin pa si Karina sa likuran na parang nag-sosorry dun sa ibang mga nakapila at nagsasabi na maghintay lang muna ang mga ito ng saglit.

 

Napasinghal ako.

 

Itong mga taong ito... mga baliw yata, walang ibang magawang matino, o mga patapon na ang buhay? Sino ba naman kasing nag-eenjoy sa mga ganitong trip? Delikado na nga, napaka-useless pa.


Anong value nito sa buhay, diba?

 

Sinong tanga ang gustong tumalon sa 10-meter diving platform for fun?

 

Ano kayo, Olympic players?

 

Mga feeling.

 

Ano ba nakukuha niyo dito? Adrenaline surge? Pang-Instagram? Pang-yabang? Ano?

 

Para sa akin, sakit lang ito sa katawan.

 

Tiningnan ko ulit yung taas nito at parang nasaktan na agad ako.

 

Paano kung… himatayin ako habang nasa ere tapos nahulog ako sa tubig na unconscious tapos nalunod ako?

 

Nanginig ako sa naisip ko.

 

Kasalukuyan kaming nasa swimming night out ng mga college friends ko at ayun nga, natalo lang naman ako sa isa pang walang kwentang, sino-ba-ang-nag-imbento ng gawa ni satanas na laro na “beer pong”?

 

Tapos yung punishment pa ay tumalon dito sa diving board na mananakit lang ng katawan ng tao.

 

Mamaya nga kokontakin ko yung manager ng resort na ‘to. Irereklamo ko talaga. 0 stars. Negative feedback. Not recommended. Wag palinlang! May mataas silang diving board na mapanakit!

 

“A-alam mo Karina… may aaminin ako sa’yo.” Sabi ko na napalingon ulit sa ibaba, madilim at malalim yung tubig na para bang hinahalina ako to come to the dark side.

 

Yikes.

 

Ang taas nga, mama!

 

….at medyo natatakot ako. Pero syempre, sa akin lang yun.

 

“Wag mo kong nililibang, Winter.” Bored na sabi ni Karina habang nagtitingin ng kuko niya.

 

Sino nagsabing nililibang ko siya?

 

Pero try ko lang ulit.

 

Alam ko kasing galit siya sa akin dahil sa ginawa ko kanina at yun ang nag-udyok sa kanya lalo para ma-push akong tumalon dito.

 

Siya pa ang nag-suggest ng punishment na ‘to.

 

Napabuntong hininga ako at nag-roll eyes.

 

Hay, mga babae nga naman… 

 

Pero baka kung umamin ako sa kanya ng kaunti… she would let me off the hook?

 

Please.

 

“Dun sa dare na binigay nila kanina, sabi nila halikan ko daw yung taong pinakagusto ko sa room… um, h-hinalikan ko si Giselle pero-” Naputol ang sinasabi ko nung napansin ko na nagdidilim na ang aura ni Karina at yung tingin niya sa akin ay hindi na maganda. 

 

Parang anytime manunuklaw na.

 

Naalala ko yung lesson namin sa school na “predators and prey”. 

 

Si Karina... yung predator. 

 

y predator..  sige.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭