Overtime Encounters

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Pinaka-ayaw sa lahat ni Karina ay ang mag-overtime sa office sa gabi. Madami kasi siyang naririnig na mga usap usapan na kababalaghan dito kapag ganitong oras.


 

AN: Sa nagrequest ng horror theme naman daw...

 

 

 

 

Karina

 

10:30 PM na.

 

Di ako makapaniwala na aabutin ako ng gantong oras sa office ngayon. Super overtime na ‘to. Ang hassle, ang dami ko pang ginagawa.

 

Kakaunti na lang kaming natira sa office. Mga tatlo na lang ata, di ko sure kasi ang lalayo din ng pwesto nila. Di ko na rin masyado pansin dahil sa sobrang busy ko.

 

Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung naiiwan sa office sa gabi.

 

May bali-balita kasi dito yung mga ka-officemates ko. Hindi ko alam kung nananakot lang sila o ano, kesyo meron daw bata na nagpapakita sa gabi. At kung ano ano pang kababalaghan. May naririnig daw na nag-fflush sa CR at naghuhugas kahit wala namang tao.

 

Well, ayokong makita at maexperience ang lahat ng iyon. Bumalik na ako sa trabaho at pilit nag-focus para matapos ko na agad yung ginagawa ko at ng makauwi na.

 

“Karina.”

 

Napapitlag ako sa narinig na boses at napahawak sa puso.

 

Magugulatin talaga akong tao, hays salamat talaga sa lahat, kape.

 

Mabilis na nilingon ko kung sino yung nanggulat at nakita yung ka-officemate ko, si Winter Kim, na medyo may bahid ng pagkapanic sa mukha. 

 

Anong problema?

 

“Oh, bakit?” Kinakabahan na tanong ko. Nag-aalala ako sa itsura niya.

 

“Rina, samahan mo ko sa CR.” May kung anong pagmamadali sa tono ang boses ni Winter.

 

“Bakit?” Anong meron sa CR? At bakit siya nagpapasama?

 

“Please, sige na.”

 

Nauna na siya lumabas. Parang takot yung boses niya nung nag-plead kaya napasunod na lang ako agad. Nag-aalala ako sa kinikilos niya ngayon.

 

“Anong nangyari ba?” Tanong ko kay Winter habang naglalakad kami sa hallway.

 

Lumingon lang saglit si Winter sa akin, binuksan na niya yung pinto ng CR at pumasok na kaming dalawa.

 

“Kanina kasi nag-ttoothbrush ako, parang may dumaan sa likod ko. Ako lang naman mag-isa dito.” Mahinang kwento ni Winter sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya. “Wait, CR lang ako. Wag mo kong iwan please, Rina.”

 

Nung pumasok na sa loob ng cubicle si Winter, di naman ako mapakali. Iniisip ko pa rin yung sinabi niya.


Jusko, ako pa talaga ang sinama nito! Ang hina hina ng loob ko pagdating sa ganitong bagay. Never na nga ako nanunuod ng horror movies kasi lagi ako nag-ooverthink at naaalala ko lang yung mga nakakatakot na scenes.

 

May bumagsak nga lang na kung anong bagay akong marinig sa kwarto ko sa bahay, tatakbo na agad ako palabas.

 

“U-uh, Winter, matagal ka pa ba dyan?” Pinapakiramdaman ko ang paligid, ang tagal naman niya sa loob.

 

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa.

 

“Malapit na.” Sagot ni Winter mula sa loob.

 

Ayaw kong tumingin sa salamin. Mahirap na. Yung kwento ni Winter kanina, nakaharap siya sa salamin nun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
0 points #1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭