Of Sinampay, Silay, and New Kapitbahay

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: May bagong kapitbahay sila Winter. Isang araw, nagvolunteer siyang kunin ang mga sinampay.

 

 

“Ay, umuulan!!! Naku, ang mga sinampay ko!” Natataranta na sigaw ng mama ni Winter.

 

Biglang umangat ang ulo ni Winter mula sa paglalaro ng cellphone sa narinig. Napatayo siya sa pwesto at mabilis na tumakbo papuntang gate. “Ma!! Ako na po ang kukuha!!” Malakas na sigaw ni Winter.

 

“Ah, sige nak, magpayong ka!” Napatango na lang at tila nagugulumihanan ang mama ni Winter na sinundan ng tingin ang humahangos na anak.

 

Ano kayang napakain niya sa anak at ang sipag ata ngayon?

 

May dahilan kung bakit nagmamadali si Winter.

 

May dahilan kung bakit sobrang excited niya sa pag-volunteer kumuha ng sinampay.

 

It's not a bird, it's not a plane.

 

Gusto niya lang sumilay.

 

Mga ganitong oras alam niyang nasa porch nakatambay yung maganda nilang bagong kapitbahay na kakalipat lang.

 

Nung nakabas na siya, tila kinilig siya kasi confirmed, nakita niyang nandun nga ito at nakaupo.

 

Nagsusulat sa notebook, naka-airpods, at may iniinom na Starbucks.

 

Ang ganda niya talaga!

 

New crush alert!

 

Alam na niya agad ang pangalan nito. 

 

Karina.

 

Araw araw ba naman niyang kinukulit ang mama niya para makakalap ng impormasyon tungkol sa kanyang new neighbor.

 


 

“Ma, may bagong kakalipat pa lang pala tayo na kapitbahay.”

 

“Alam ko, anak. May mata ako.”

 

“Ma, nakita kita kanina… naglaba ka sa labas, eh kakalaba mo lang kahapon. Gusto mo siguro makipagchikahan dun sa bagong neighbor noh.”

 

“Mag-tigil ka, Winter. Gusto mo ikaw paglabahin ko dito? Sus, ayaw kong nangingielam sa mga ganyan ganyan noh, wala akong panahon para diyan sa mga bago na yan.”

 

“Ma, ka-edad ko lang yata yung babae dun sa kapitbahay natin ‘no? Same kaya kami ng school?”

 

“Ay, oo anak. Ka-edad mo nga lang si Karina. Pakagandang bata non, mabait din daw. Sabi ni Mars Esmeralda eh parehas ata kayo ng pinapasukan. Saka pala, bumili ka kila Aling Isay ng tatlong kilong manok, tinuruan ako ni Mars magluto ng chicken parmesan ata yun eh.”

 


 

Dun niya nakuha ang pangalan ni Karina.

 

Bilib din siya sa mama niya sa PR skills neto, speed lang! Mag-kumare na agad sila nung bagong kapitbahay.

 

Sana all!

 

At doon nga nagpatuloy ang interes ni Winter kay Karina.

 

Lagi niya pa itong nakikita na nakatambay sa labas ng bahay nila tuwing hapon.

 

Gustong gusto niya itong makilala.

 

Sana maging magkaibigan nga sila.

 

Siguro, one day, pag nagkaroon siya ng lakas ng loob makipag-usap dito.

 

Ang dami namang sinampay ni mama! 

 

Reklamo ni Winter sa isip isip habang sinusuri ang sandamakmak na nakasampay.

 

Hindi pa malakas masyado ang ulan kaya Winter took her time isa isahin kunin ang mga ito.

 

Nag-eenjoy din kasi siya sa view.

 

Naalala niya tuloy yung isang kanta.

 

"Isayaw mo ako sa gitna ng ulan… kapitbahay ko…"

 

Habang kinukuha niya ng stick ang mga sinampay, pinagmamasdan niya si Karina sa di kalayuan.

 

Parang commercial model na hinahangin hangin pa ang mahabang buhok nito.

 

Mukhang busy ito sa sinusulat. 

 

Hindi man lang umaangat ang tingin.

 

Paminsan minsan, sumisipsip ito sa parang metal straw ata yun dun sa Starbucks cup niya.

 

Nung nakita ni Winter na inangat ni Karina yung cup at kinagat yung straw… napatigil siya sa ginagawang pagkuha ng sampay.

 

Napatitig lang siya.

 

Biglang bumuhos ang malakas at nangangalit na ulan ng di niya namamalayan.

 

Titig pa, Winter!

 

Nagmadali na si Winter na kunin ang lahat ng sinampay, yung iba eh hinagis hagis na lang niya paloob ng bahay. Mababasa na kasi. 

 

Sana lang di siya makita ng mama niya.

 

Kukunin niya na ang last batch of sinampays ng bigla naman siyang natisod sa isang bato at ayun nga, tuluyan na syang dumausdos sa basang damuhan. 

 

Wa poise!

 

Mabilis na naka-recover si Winter nang may biglang maala.

 

Hindi siya pwedeng makita ni Karina! Ang pangit naman ng first impression kung ganoon!

 

Mabilis niyang tinakpan ng isang medyo may kalakihan na.. ano ba ‘to, bra o ? Sa mama niya ata ‘to, ang mukha niya at tumakbo ng mabilis sa loob.

 

Sana talaga hindi siya nakita ni Karina!

 

“Oh, naabutan ka ba ng ulan? Pakitupi na rin nak yang mga sinampay at lagay mo na rin sa cabinet pagkatapos.”

 

Naku, nautusan pa siya ng mama niya magtupi.

 

Pero sige, okay lang, nakita naman nya si Karina.

 

It's worth it!

 

Bukas kaya nakatambay ito ulit?

 

Payapang nagtutupi si Winter nang may mapansin siyang kakaiba, “Uy bago ‘to ah… ma! Binili mo ba ko ng spaghetti tank top? Uy, etong sports bra, ma? O kay Ate Taeyeon ‘to? Daming bago ah.”

 

Lumapit sa kanya ang mama niya na may dalang sandok at tiningnan ang mga sinasabi niya.

 

Bigla itong napamulagat.

 

“Anak, madali ka, ibalik mo yan sa labas, hindi atin yan!”

 

Biglang kinabahan si Winter sa narinig at tiningnan ulit yung mga damit, “E-eh kanino po ito, ma?”

 

“Baka kila Mars Esme yan, sila lang naman ang nagsasampay don.”

 

At tumigil ang mundo….

 

 

Mars Esme.

 

Mars Esme.

 

Yung bagong kapitbahay.

 

Yung bagong kapitbahay.

 

Kila Karina.

 

 

Nakuha niya ang sampay nila Karina.

 

“Ma, eh, ikaw na lang po ang magsauli!” Pagmamakaawa niya sa kanyang mama. Gagawin niya ang lahat wag lang magsoli ng sinampay kila Karina!

 

“Aba’y ako nga ay tigil tigilan mo Winter, nakita mong nagluluto ako, ikaw magsauli niyan at ikaw naman ang kumuha! Aba, dalian mo at baka akalain ay ninakaw na yan!” Winawasiwas pa ng mama niya ang sandok at may lumipad na giniling mula dito.

 

Nanginginig na tumayo na si Winter habang hawak hawak yung mga sinampay ng kapitbahay.

 

Naisip niya baka nandun pa sa labas si Karina.

 

Ano na lang ang sasabihin niya?

 

Sensya na, nakuha ko yung spaghetti top mo saka sa’yo ba ‘tong sports bra?

 

Ang awkward!

 

Napatingin siya ulit sa mga damit.

 

Kailangan pa ba niya ito i-plastic?

 

“Bilis na, aba!” Narinig niyang bulyaw sa kanya ng kanyang mama.

 

Eto na po, huhu.

 

Goodbye, dignidad and good first impression.



 

 

 

 

Kinakabahan na lumapit si Winter kay Karina, na oo nga, nandun pa rin ito sa porch at nagsusulat.

 

Hindi pa rin ito umaangat ng ulo kahit nasa harapan na siya.

 

Kinaway kawayan niya ito.

 

Wala pa rin.

 

Nag-clear siya ng throat.

 

Di pa rin tumitingin.

 

Ah, naka-airpods pala.

 

May nakita si Winter na lata sa daan.

 

Kinuha niya ito at nahihiyang kinalampag sa gilid.

 

Para namang nagulat si Karina at napapitlag.

 

Tinanggal nito ang airpods at napatingin sa kanya.

 

Nakunot ng slight ang noo nito at tumingin din sa hawak niya.

 

Ngayong nakalapit na siya dito, napansin niyang mas maganda pala ito sa malapitan.

 

Napalunok si Winter.

 

“Ah, h-hello.. Kapitbahay mo pala ako.”

 

“Hi! Yes, I know.” Napangiti si Karina sa kanya.

 

Natigilan siya sa pwesto. Kilala siya ni Karina?

 

Napansin ni Winter na parang nag-aabang pa si Karina ng sasabihin niya kaya naman ay mabilis na sinabi niya ang kanyang pakay.

 

“A-ah, ano, sa’yo ba tong spaghetti.. Ay ano, itong sampay niyo kasi, inuwi ko. Hindi, I mean, ano pala! Nasama sa.. sa pagkuha ng sinampay ko, s-sosoli ko lang, sorry sorry.” Tarantang pag-explain ni Winter.

 

Nakatingin lang na parang amused sa kanya si Karina, tumaas pa ang isang kilay nito at dahan dahang inabot ang hawak niya.“Yup, okay lang, um, thanks?”

 

Tumango si Winter at tatalikod na sana nung bigla niyang narinig ulit si Karina magsalita.

 

“Uh, Winter?”

 

Napatigil siya sa paglalakad.

 

Bakit alam ni Karina ang pangalan niya?

 

Biglang lumakas ang tibok ng puso niya.

 

Nakita niyang nakatingin si Karina sa may ibaba.

 

Anong meron ba sa sahig na wala ako-

 

“Yung tuhod mo... nagdudugo.”

 

Mabilis na napatingin si Winter sa tuhod niya at oo nga, nakita niyang meron siyang malaking sugat.

 

Siguro nung nadapa siya kanina. Di naman niya ramdam.

 

Harot pa!

 

Ay oo nga, nagdudugo nga.

 

Hinimatay siya.

 

Takot kasi siya sa dugo.


 

 

 


 

Pagmulat ng mata ni Winter, naramdaman niyang nakaupo siya sa malambot na couch.

 

Bigla naman syang napamulagat nang makita niya si Karina sa may paanan niya na nakaluhod.

 

Mama ko, di pa ko ready!

 

Tatayo na sana siya pero naramdaman niya ang hapdi sa bandang tuhod. Mabilis siyang napaupo ulit.

 

“Oh, don’t move muna, I’m not yet done. Hinimatay ka pala kanina, baka sa shock lang. Pero scratch lang naman yung sugat mo, medyo malaki nga lang.” Deretsong sabi ni Karina na may pinapahid na kung ano sa tuhod niya.

 

Ah, ginagamot niya pala.

 

Hindi na nakapagsalita si Winter. 

 

Hindi siya maka-move on sa mga nangyayari. 

 

Luminga linga siya sa paligid. Kanina lang ay sinisilayan niya si Karina, ngayon nandito na siya sa sala nito at ginagamot ang sugat niya.

 

“Ah.. sorry, naabala ka pa, Karina..” Mahinang sabi ni Winter.

 

Napa-angat ng ulo si Karina at tumingin sa kanya. Ngumiti ito. “Oh, so you know my name din.”

 

Wala sa wisyo na sumagot ni Winter. “Oo, ikaw si Karina, anak ni Mars Esmeralda.” 

 

Parang nagulat si Karina sa narinig. 

 

Nanlaki ang mata ni Winter at narealize niya ang sinabi niya. “I mean! Nakwento lang ni mama.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭