Yung Nanggulo ng Pina-drowing ko nung Elem, I'll Never Forget You

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Crush ni Winter si Karina pero hindi siya pinapansin nito. Hindi kasi makalimutan ni Karina ang ginawa sa kanya ni Winter noong grade school sila at nagpa-drawing siya dito.




 

Grade School

 

"Winter, padrawing naman ng kalabaw. Di ko alam kung paano eh." Sabi ni NingNing na tinuturo yung bond paper niya. "Lagyan mo na rin ng puno." Dagdag pa nito habang nakasilip sa ginagawa niya. "Uy thanks, galing. Gawin mo na din kaya yung bahay-kubo? Para pantay." 

 

"Winter, palettering naman ako oh! Sige na. Yung ginagawa mo na may bilog bilog sa loob tapos may highlighter na design." Request ni Ryujin. 

 

"Winter… may project kapatid ko… favor, please. Kaya mo ba yung pop-out art?" Hirit pa ni Giselle. Pati project ng kapatid nito, sa kanya ipinapagawa.

 

Naiinis na si Winter. Simula nung nalaman ng mga classmates niya na magaling siya magdrawing, sunod sunod na ang nagpapadrawing sa kanya. Minsan nagpapalettering. Minsan nagpapagawa ng project. Sana di umabot sa puntong pati ang mga kapitbahay niya ay sa kanya nakaasa. Di naman siya nabayayaran sa mga pinapagawa ng mga 'to. Dumadami lang ang gawain niya bukod sa kanyang sangkatutak na homework. 

 

Isang araw sa eskwelahan, may pinagawa ang kanilang Science teacher. Kopyahin daw nila yung nakadrawing sa libro sa kanilang notebook. Easy lang naman kaya nagsimula na agad si Winter. 

 

May umubo sa kanan niya. "Um.." 

 

Napalingon siya. Sino na naman 'tong - 

 

Si Karina Yoo. 

 

Nagulat si Winter. Ngayon lang siya kinausap nito. Madalas itong tahimik at parang mahiyain. Himala. Ano naman ang kailangan nito sa kanya? 

 

"U-um.. W-Winter, pwede ba.. pwede ba ako magpadrawing?" Nahihiyang sabi ni Karina. 

 

Bata pa si Winter pero parang na-highblood na siya nang marinig niya ang linyang yun. Nagpanting na lang ang tenga niya. 

 

Pa-drawing na naman! Puro na lang pa-drawing! 

 

Tinitigan lang niya si Karina. Sana magets nito na mukha na siyang naiinis. 

 

"S-sorry.. sige na please. Ang hirap kasi eh.." Sabi pa nito na parang desperado na. 

 

Naisip ni Winter, wala bang ibang marunong magdrawing dito sa classroom? Bakit puro siya na lang? 

 

Mukha namang mabait si Karina pero gusto na sumabog ni Winter. Kinuha niya ang notebook ni Karina nang medyo padabog. 

 

"Sige. Akin na." 

 

"Salamat.. a-ang galing mo magdrawing, Winter." Papuri pa sa kanya ni Karina. 

 

May naisip si Winter. Ito lang ang naisip niyang paraan para tumigil na ang mga classmates niya. 

 

Nagsimula na siyang magdrawing. 

 

Napapangisi pa siya sa kanyang sarili. 

 

Makalipas ang ilang saglit. 

 

"Oh, tapos na." Binalik ni Winter ang notebook ni Karina na may drawing niya. 

 

Para namang excited at tuwang tuwa si Karina nang kunin ang notebook. Ang laki ng ngiti nito. "Thank you…" 

 

Inabangan lang ni Winter ang magiging reaksyon ni Karina. 

 

Eto na. 

 

Binuksan ni Karina ang notebook niya para tingnan ang drawing ni Winter. 

 

Nawala ang ngiti nito. 

 

Napatingin si Karina sa kanya. At balik ulit sa drawing. 

 

Napalunok si Winter. 

 

Nakita na lang niya na nanginginig na ang mga labi ni Karina at may tumutulo ng luha sa mga mata nito. 

 

Humihikbi na rin. 

 

Parang naawa ng konti si Winter nang makita niya ito na umiiyak. 

 

Nabitawan ni Karina ang hawak na notebook at biglang tumakbo palabas ng classroom. 

 

Nakita ng mga ibang classmates nila ang nangyari. Pati na rin ang drawing ni Winter sa notebook ni Karina na sobrang pinangitan niya. Ang mga tao naging stick. Kalat kalat. Walang direksyon. Basta, ang pangit. Parang drawing ng di talaga marunong magdrawing. 

 

Natawa yung ibang classmates niya at yung iba naman parang concerned. "Huy, Winter, lagot ka…pinaiyak mo." Sabi ni Yeji.

 

Nagkibit balikat na lang si Winter. 

 

Kulit niyo kasi eh. Sa isip isip niya. 

 

Bumalik na lang siya sa kanyang ginagawa at hindi na pinansin ang paligid. Bahala si Karina kung magsumbong man ito sa moderator nila.

 

Di lang niya mabura sa kanyang isipan ang umiiyak na maamong mukha ni Karina. 

 

 

 



 

High School

 

Simula nang ginawa ni Winter kay Karina iyon, hindi na siya pinansin ng dalaga. 

 

Classmates pa rin sila hanggang high school. 

 

Ang pinagkaiba lang, sobrang ganda na ni Karina ngayon…

 

...at crush na crush na siya ni Winter. 

 

"Hoy Winter, ano ba, tumulong ka nga, anong sagot dito sa number 5?" Naiinis na sabi nang groupmate niyang si Yuna. 

 

Tulala lang si Winter. Nasa unahan kasi si Karina at nagpreresent sa buong klase kasama ang ibang group members niya. 

 

Bakit ang ganda niya talaga? 

 

"Winter, huy, mamaya pag natawag tayo-" 

 

"May we call on the group of Ms. Shin to answer the next question?" Sabi ng leader ng group na si Karina. 

 

"Putek na yan, sabi na eh." Pagalit na bulong ni Yuna at siniko si Winter. "Bahala ka diyan."

 

"Any representative from your group?" Follow up ni Karina. 

 

"Here! Here is our leader, it's Winter! She will answer!" Pag volunteer ni Yuna kay Winter at tinataas pa ang kamay niya. 

 

Para namang natauhan si Winter. 

 

Ano daw? 

 

Ano ba nangyayari? 

 

Tinutulak na lang siya ni Yuna patayo. Napansin niyang tahimik ang buong klase at nakatitig lahat sa kanya. Pati na ang teacher nila. Bigla siyang kinabahan. 

 

Tumingin siya sa groupmates niya na si Yuna at NingNing pero nagkibit lang ng balikat ang mga ito. Mga wala ring alam at mukhang wala siyang balak tulungan. 

 

May nag clear throat. 

 

Si Karina. 

 

Nagtama ang mga mata nila. 

 

Natigilan na naman si Winter. Nanghihina talaga siya pag tumitingin siya dito. 

 

Nagtaas lang ng kilay ng slight si Karina at binasa ang question. 

 

"Can your group explain in detail the methodology of the experiment we did? In your own understanding, what would be the final conclusion?" Dere derechong tanong ni Karina.

 

Napalunok na lang si Winter. Di siya nakinig kanina. Wala siyang idea kung ano man ang ginawa nila. 

 

Distracted lang siya kasi… sino ba namang di maddistract sa ganda ni Karina? 

 

Pero, parang dalawang question yun ah. 

 

Ano ulit? 

 

"C..can you please repeat the question?" Nauutal pa na request ni Winter. 

 

"I'll only repeat once so please listen carefully." Parang teacher pa na banggit ni Karina. 

 

Gusto ba nito maging teacher pagtapos magaral? 

 

Siguro, pag naging mag-asawa na sila in the future, hatid sundo niya si Karina sa school na pinagttrabuhan nito. Wow, parang ang sarap sa feeling. Hindi siguro yun nakakapagod - 

 

"Ms Kim, are you with us?" Medyo mataas na ang boses na sabi ni Karina. Parang naiinis na. 

 

Nagulat naman si Winter at mabilis na sumagot. "Y-yes, I wanna be with you.."

 

Natawa ang buong klase at meron pang nag "yieeee". 

 

Nakita niya na lang na medyo napa eye-roll si Karina sa naganap.

 

Muntik nang mapalo ni Winter ang bibig niya. 

 

Ano bang pinagsasabi niya? 

 

Bigla namang nagsalita ang teacher in-charge nilang si Mrs Choi. "Ms Kim, are you even paying attention? Your classmate is asking you a question. This is not the time to joke around. If you can't answer Ms Yoo's question, you and your groupmates will fail."

 

Napa-facepalm na lang si Yuna. 

 

Bahala na nga. Sa isip ni Winter. "Yes, ma’am. I’m sorry. Um, okay, the method you did for the experiment was good and accurate. I therefore conclude that…" 

 

Pinagpapawisan na si Winter.

 

"...t-that you are very smart." And pretty. Gusto pa sana idagdag ni Winter pero wag na lang. May kahihiyan din naman siya. 

 

Si NingNing lang ang pumalakpak. Parang maiiyak na si Yuna.

 

Sorry ma and pa. Bagsak po ako sa isang subject. 


 

 

 

-

 

 


 

Kinagabihan, nagdadalawang isip si Winter kung icchat niya si Karina. 

 

Nagiisip sya ng excuse para makausap ito. 

 

Aha! About homework, syempre.

 

Class president nila ito kaya di pwedeng hindi ito magreply. 

 

 

 

 

On messenger:

 

Winter: Hi Karina! Ano nga ulit page yung homework natin sa Physics? 

 

 

 

Lumipas ang dalawang oras pero wala pa ring reply. Naiinip na si Winter. Gusto na niya itong idouble text.

 

 

 

Karina: 312

 

 

 

Naexcite naman si Winter nang makita ang reply ni Karina. 

 

Kaso how to keep the conversation going? 

 

 

 

Winter: thanks! ;) nagawa mo na? 

 

seen by Karina Yoo, 7:42pm


 

 

 

-

 

 

 


 

Sa library, nakita ni Winter si Karina magisa sa isang table. 

 

Pagkakataon na niya ito.

 

May hawak pa siyang dalawang Hersheys chocolate. Buy one take one kasi sa canteen.

 

Alam naman niya. 

 

Galit si Karina sa kanya dahil sa ginawa nung grade school. Sinira niya yung pinapadrawing nito. 

 

Simula ng pangyayaring yun, never na sila talagang nagkausap ulit. Parang bigla na lang siyang di nagexist sa mundo ni Karina. 

 

Ang tanga pa niya nun eh. Kung pwede lang ibalik ang lahat. Pinagsisisihan naman niya ang ginawa niya.

 

"Hi Karina..." 

 

Saglit lang na tumingin sa kanya si Karina at bumalik ulit sa ginagawa nito.. 

 

"May nakaupo ba dito?" Parang ewan na turo ni Winter sa bakanteng upuan na halata namang walang nakaupo. 

 

Tumingin lang ulit si Karina sa tinuro niya at walang kibong ibinalik ulit ang atensyon sa sinusulat nito sa notebook. 

 

"Para pala ito sa'yo.." Nilabas ni Winter yung 2 chocolate na binili niya. Nilapag niya sa table at bahagyang tinulak malapit kay Karina. Naramdaman niya ito.

 

Hala, bakit ang lambot na? 

 

"May ginagawa ako, nakikita mo ba? Please naman." Sabi ni Karina na naiinis na sinara yung notebook niya, tumayo, at tuloy tuloy na lang na umalis. 

 

Naiwan si Winter magisa na hindi pa nakakaupo, iniwanan na agad. Yung dalawang chocolate niya na malambot, naiwan din sa table. Bigay na lang niya kay Yuna. Hindi man lang nilingon ni Karina. 

 

She really messed up. Hindi na niya alam ang gagawin niya para makuha pa ulit ang loob nito. 

 

 


 

-


 

 

 

Anong ginagawa nito dito? The nerve of this girl!

 

Sa isip isip ni Karina nang makita niya si Winter sa tapat ng bahay nila.

 

“Anong ginagawa mo dito?” Paangil na tanong ni Karina habang dere derecho siyang pumasok sa gate nila. Hindi niya ito i-eentertain.

 

“Ah.. Karina.. Naiwan mo kasi yung ballpen mo sa library.” Sabi ni Winter na hinahagilap yung yung ballpen loob ng bag niya. “Teka sandali, nandito yun eh…”

 

“Sa’yo na yan.” Sabi ni Karina at pumasok na siya sa loob at isasara na ang gate pero mabilis na naiharang ni Winter ang kamay niya.

 

“Karina, pwede ba tayo magusap? Sorry na kung galit ka pa sakin.. Please? Anong kailangan kong gawin?” Pagmamakaawa nito.

 

Tumigil lang saglit si Karina pero sinara niya ulit ang gate nila at pumasok na sa loob ng bahay.

 

Nag-iinit ang ulo niya. Bakit ba ang kulit ng babaeng yun? Nang-aasar ba siya?

 

Pagpasok niya sa loob ng bahay, nakita niya ang kanyang mama na nakasilip sa bintana.

 

“Oh, anak! Sino yun? Girlfriend mo?” Tanong nito.

 

“Ma!” Angal ni Karina. “Hindi ko nga yun friend, girlfriend pa kaya.”

 

“Ah.. eh bakit ang drama niyo? May pa pigil pigil pa siya sa pagsara ng gate. Infairness, cute.” Sabi nito na sumisilip ulit sa bintana. “Andun pa siya oh. Bakit ayaw mo papa-”

 

“Ma, naalala mo yung Winter na iniyakan ko nung elementary? Siya yun.” Sabi ni Karina. 

 

“Oh… I see.” Sabi ni Mrs. Yoo. “Yung ginulo gulo yung padrawing mo, nak? Ba’t kasi di ka marunong magdrawing non, nak?  Ano pala ang ginagawa niya dito?” Tanong ng mama niya.

 

“Sinosoli yung ballpen ko. Naiwan daw.” Hindi rin alam ni Karina kung ano ba talaga ginagawa ni Winter at dikit nang dikit sa kanya.

 

“..saka nagssorry.” Dagdag niya.

 

“Nag-ssorry??” Nagulat ang mama niya. “Anak, ang tagal na nung nangyari sa inyo ah. Bata pa kayo both nun. Saka kung di ka man nagpadrawing sa kanya, ganun din naman magiging kalabasan ng drawing mo. Pero malay mo nagbago na siya. Saka kawawa naman, ang cute oh. Ayaw umalis. Hinihintay ka ata.”

 

Napasilip si Karina sa bintana nila. Totoo nga. Andun pa si Winter sa tapat ng bahay, nakaupo katabi yung mga halaman nila. Mukhang musmos. Muntik na siya mapatawa sa itsura nito na mukhang kawawa.

 

“Anak, anong sabi ko sa pagtatanim ng galit?” Sermon ng mama niya.

 

“Ma, hindi naman na ako galit sa kanya.” Moved on na si Karina dun. Pero hindi niya alam pag nakikita niya si Winter, iba ang nararamdaman niya.

 

“Ano lang? Echos lang?”

 

“Wala. Naiinis lang ako pag nakikita ko siya.” Parang bata pa na sabi ni Karina. 

 

“Baka crush mo?” Pang-aasar ng mama niya.

 

“Ma naman!” 

 

“Papapasukin ko. Baka mahamugan.” Pipigilan pa sana ni Karina ang mama niya pero tinatawag na nito si Winter.

 

 

 

 

-

 

 

 


 

“Hija, pasok ka. Usap kayo ni Karina.” 

 

Si Mrs. Yoo, pinapapasok siya. Hala. Di inexpect ni Winter ang mga pangyayari. Magdahilan ba siya na may gagawin pa sya?

 

“Ay sige, po. Salamat po Mrs. Yoo.” Nasabi na lang niya.

 

“Tita na lang, ano ba.” Kumindat pa ito sa kanya. 

 

“Okay po, tita..” Kinakabahan na sabi ni Winter.

 

“Nasa kwarto na ata si Rina, puntahan mo na lang. Sa dulo ng hallway pagkaliko.” 

 

Ha??

 

Pinapapunta siya sa kwarto ni Karina?

 

Napadasal na lang si Winter. Tumingin siya sa paligid ng bahay. Ito na ata ang huling lugar na makikita niya.

 

Sinundan niya ang dereksyon na sinabi ni Mrs Yoo… nagaalinlangan siya kung kakatok ba siya sa pintuan ng kwarto nito o hindi na.

 

Kakatok pa lang siya nang biglang bumukas ito at bumungad ang napakagandang si Karina… in casual clothing, white shirt and a paja

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭