Taylor Swift Playlist Pa-Baguio

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Gusto lang ni Karina ng peaceful at tahimik na byahe paluwas sa Baguio while listening to Taylor Swift pero life has a funny way of ruining it.


 

Karina

 

Sa pinakadulong seat ng bus, yung medyo mataas. Sa tabi ng bintana.

 

Ito ang favorite kong inuupuan kapag sumasakay ako ng bus. Lalo na at mahaba ang byahe. Malamig ang aircon. Umuulan ulan. Feel na feel ko ang pag-ddrama habang nakadungaw sa bintana at nakikinig kay Taylor Swift.

 

Now Playing ngayon ang classic song niya na “Crazier”. Kinikilig pa rin ako pag napapakinggan ko ‘to. Feel ko meron akong jowa kahit wala. Ang sarap lang mag-emote. Damang dama kasi pagiging inlove dun lyrics.

 

I made this my goal. 

 

I wanted a love like what she writes in her songs.

 

Someday, someday.


For now, short term muna, kailangan ko muna lumuwas sa amin.

 

Buti na lang at wala akong katabi dito sa bus-

 

“Miss, sa’yo ba ‘to?”

 

Napansin ko na may babaeng nakatayo sa tapat ko at nakaturo sa bag ko na nakapatong sa tabi ko. Nakakainis naman! Hindi sa ayaw ko ng katabi pero ayaw ko talaga. Luminga linga ako sa loob ng bus, punuan na lahat. Yung tabi ko na lang ang natitira. No choice. Hindi na ko sumagot, tinanggal ko na lang yung bag ko at naupo na siya. 


 

Now playing - I Knew You Were Trouble by Taylor Swift

 

Once upon a time

A few mistakes ago

I was in your sights

You got me alone

You found me

You found me


 

Nakita ko in my peripheral vision na parang nakatingin yung babae sakin at parang kinakausap niya ko. Inis kong tinanggal yung earphones ko.

 

“...TV dito?”


Di ko narinig yung buong tanong niya. Napagmasdan ko naman ang kaitsurahan niya. Hmm, she looks easy on the eyes. Short hair tapos naka-flannel shirt. Nakita ko yung malaki nyang bag sa paanan niya.

 

“Ha? Sorry?” Pag-ulit ko.

 

“Sabi ko binubuksan ba nila yung TV dito?” Ulit nyang tanong sakin.

 

Bigla naman akong napatingin sa TV sa unahan ng bus. Nakapatay ito. Bakit ba ako ang tinatanong nito? Mukha ba kong may hawak ng remote?

 

“Ah, ewan. Di ko napansin na nakabukas yan.” Bored na sagot ko. Wala naman kasi akong pakialam talaga sa TV sa bus dahil hindi naman ako mahilig manuod. Mas gusto ko lang makinig ng music at mag-emote.

 

“Manong!!!!”

 

Nagulat ako at napapitlag pa nung malakas na sumigaw yung katabi ko. Nanlaki ang mata ko na hinarap siya.

 

“Manong, pabukas po ng TV!” Tinuturo nung katabi ko na babae yung TV sa gitna at napansin ko na ang daming lumingon na pasahero sa kanya.

 

Nakakahiya.


Ang lakas ng loob nito.

 

Nakita ko naman yung kundoktor na parang nagulat din sa pagsigaw niya at dali-daling sumunod naman at binuksan  yung TV.

 

“Yehey!” Pinaikot ikot pa nito yung kamay niya na nag-celebrate.

 

Ang weird naman ng babae na ‘to, parang bata. 

 

Mukhang halos magkasing edad lang naman kami?

 

Isasapak ko na sana ulit yung earphones ko nang bigla na naman siyang magsalita, “Wowowin na kasi. Baka mabunot ako sa Shopee.” Sabi niya sa akin na pangisi-ngisi pa.


Okay, share mo lang. Paki ko naman sa Wowowin noh?

 

“San ka pala punta? Bakasyon?” Casual na tanong na naman niya na parang hindi kami strangers. Kailan pa kami naging on speaking terms nito? Hays, goodbye peace of mind. Yung pangarap kong tahimik na byahe wala na.

 

“Uwi ako sa amin.” Sagot ko na lang in a civil way. Nakaporma akong isusuot ko na ang earphones at medyo naghihintay pa ng sasabihin nya. Sana magets niya na ayaw ko ng kausap.

 

“Ay talaga? San kayo? Ako bakasyon lang eh. Paborito ko talaga kasi sa Baguio. Pangarap ko dun tumira.”

 

Tumango na lang ako. I can’t blame her, I love my hometown. Excited ako lagi pag umuuwi dito tuwing bakasyon.

 

Mukhang tumahimik naman na siya nung hindi ako sumagot at humarap na sa unahan para manuod.

 

Buti naman.

 

 

Now Playing - Sparks Fly by Taylor Swift

 

The way you move is like a full on rainstorm

And I'm a house of cards

You're the kind of reckless that should send me running

But I kinda know that I won't get far


 

 

Hindi naman ako maka-focus sa pag-eemote ko sa bintana.

 

Pano eh ang gaslaw ng katabi ko.

 

I can’t help but glance on her side kasi ang kulit niya sa pwesto niya. Nakahawak siya sa phone niya at parang di mapakali habang nakaharap sa TV sa unahan. Sinulyapan ko naman kung ano bang meron at para siyang kiti kiti at ayun nga, nakita ko si Willie Revillame tapos may Shopee na logo. 

 

Eto siguro yung sinasabi niya kanina.

 

“Aish!!! Sayang!!”

 

Kahit naka-earphones ako, narinig ko na naman ang malakas na sigaw niya. Napapapikit na lang ako nang madiin nung naglingunan na naman yung mga pasahero sa pwesto namin. May isa pa ngang matanda na parang nagagalit na.

 

Juskupo, hindi ko po ito kasama! Sa isip isip ko habang umuurong lalo palayo sa seat niya.

 

Napansin ko naman na mukha syang defeated na napasandal ng malakas sa seat. Di ata sya nabunot dun sa sinasabi niyang Shopee daw. Bumalik na lang ako sa pinapakinggan kong music at humarap na sa bintana. It’s better siguro if I pretend na wala akong katabi. Pumikit ako para mag-try matulog.

 

Bigla akong nakaamoy na perfume na mabango at napadilat ako bigla. Napansin ko na ang lapit na ng katabi ko sa akin. Nakadikit ang tenga niya sa tenga ko. Napaatras na lang ako in instinct.

 

Ano bang trip neto? Masyadong feeling close ha?

 

“Ano pinapakinggan mo? Lani Misalucha?”

 

Ano daw??

 

Nakatingin siya sa akin na nakakaloko. “O si Marian Rivera yan noh?”

 

Ano bang sinasabi niya? Nakatingin lang ako ng medyo masama sa kanya. Ba’t ko naman papakinggan si Marian Rivera? Excuse me?

 

“It’s okay. Ganyan din pinapakinggan nila mama sa bahay.” Natatawa naman siya.

 

Bago pa siya makapagsalita ulit, gigil na pinakita ko sa kanya ang playlist ko na puro Taylor Swift songs. Curious naman niyang sinilip ito at mas lalong lumawak ang ngiti.

 

“Nilipat mo lang eh. Narinig ko si Pops Fernandez na kumakanta sa earphones mo eh.”

 

Nang-aasar ba siya?

 

Bahala nga siya diyan!

 

Inis na sinuot ko ulit ang earphones ko at di na siya pinansin.

 

“Huy, joke lang.” Pagkalabit nito sakin. “I like Taylor Swift too.”

 

At that, I perked up. Tinanggal ko yung isang earphones sa tenga ko at balak siyang itest, “Fave album?”

 

“Red.” Mabilis na sagot niya.

 

Okay, taste. It’s my favorite album too. 

 

Mukhang magkakasundo din naman kami pagdating sa music ng weirdo na ‘to.

 

 

Now playing - Stay Stay Stay by Taylor Swift

 

I'm pretty sure we almost broke up last night

I threw my phone across the room at you

I was expecting some dramatic turn away

But you stayed

 

 

Minsan, curious na napapalingon ako sa katabi ko.

 

Okay, marunong din naman pala siyang manahimik.

 

Nakatingin lang siya sa bintana at mukhang malalim ang iniisip.

 

Ngayong napapagmasdan ko siya ng ganito, I admit that she’s kinda cute.

 

She looks like an innocent kid. Bakit kaya siya walang kasama?

 

Naramdaman ko na naman na nakalingon na ulit siya sa akin.

 

Kinalabit ako nito.

 

Hays, eto na naman.

 

“Gusto mo ng chuckie?”


Hinalungkat niya ang bag niya at naglabas  nga ng dalawang chuckie. Binigay niya ang isa sa akin.

 

“Thanks.” Sabi ko. Pero tinago ko muna sa bag. Mahirap na. Nasa byahe kami at mukhang malayo layo pa ang next stopover.

 

Pinanuod ko na lang siya na masayang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭