The Great Late Reply
Winter, Spring, Summer, Pa-fallSummary: Bored si Winter. Naisipan niyang magreply sa mga old unreplied messages. Pero valid pa ba kung from 2008?
Wala na namang magawa ngayong hapon. Napakain ko na ang mga aso. Naglinis na ako ng kwarto. Nahugasan ko na ang mga plato. Nadiligan ko na ang mga halaman. Ganyan lang naman mga ginagawa ko ngayong bakasyon.
Inaabangan ko nga si mama ngayon na kumakain ng mani sa platito, gusto ko na rin kasi hugasan ang plato niya. Pero mukhang matatagalan dahil nagbbinge watch pa siya ng mga movies ni Maricel Soriano. Ang dami kaya non??
Umakyat na lang ako muna ako sa kwarto at kinuha ang phone ko. Wala naman mapanood sa Netflix. Napanood ko na season 5 ng Lucifer. Tapos ko na ang volume 2 ng Love, Death & Robots. Wala pang next episode yung k-drama na sinusubaybayan ko.
Hay, ano bang gagawin ko. So boring ha.
Matulog na lang kaya ako? Pero baka di ako makatulog mamayang gabi.
Nagcheck ako ng social media. Sa Facebook, may post na naman yung kapitbahay ko about sa pagiging strong independent woman na narinig lang namin na nakikipagaway kanina sa asawa niya. Pinause pa ni mama ang panonood nya ng The Heiress para marinig niya ito na maigi.
Saka nagbasa lang din ako saglit ng 100+ comments na parang nagaaway dun sa isang post na nadaanan ko sa feed. Ang tagal pa nga magreply nung isa. Nagblock-an na ata sila.
Sa Instagram, naubos ko na ang lahat ng stories ng mga pinafollow ko.
Sa messenger, ang dami nga nagcchat, pero nakakatamad naman magreply minsan. Minsan di ko na lang naoopen ang ibang messages kapag wala naman akong balak replyan. Ang bad ko ba?
Pero ngayon naisipan ko magreply sa mga nagchat sakin.
Sorry naman late.
Ningning: ter, tara tim hortons
Winter: when?
Ningning: wow last week pa yan, ngayon lang nagreply?? manlibre ka
Winter: ah
Ningning: napakahalaman mo!
Winter: hehe
Di talaga ako magaling magchat. Tamad na tamad ako diyan. If ako friend mo, wala kang maasahan sa akin.
Giselle: Bes, alam mo yung bagong tusok tusok place sa eastwood? I'm craving taraaa
Winter: hindi eh
Giselle: aba nabuhay ka din sa wakas!!!
Giselle: g ngayon???
Winter: naglalaba ako
Giselle: anobayan sa weekend?
Winter: ge ge
Giselle: promise yan ha!!!
Hays. Puro gala naman nasa isip ng mga kaibigan ko. Mas gusto ko lang naman sa bahay pero nakakatamad na din naman pala.
Kaka-scroll ko sa messenger, di ko alam naabot ko na yung mga dulong messages. Nireplyan ko lang yung mga iba na mga kamaganak ko. Baka sabihin kasi ang snob ko. Pero totoo naman.
Tito Sooman: winter, pasabi sa mama mo pautang ako
Winter: nasabi ko na po, walang wala din daw po sya ngayon tito
Tito Sooman: aba eh last year pa yan iha, okay na. Mama mo na may utang sakin
Winter: ayy
Paktay ako kay mama neto.
Yuna: Winter?
Yuna: miss u
Yuna: baka may gcash ka jan na kahit 1k lang?
Winter: wala akong gcash
Yuna: OMG winter nahack ako nyan
Winter: ay sori hehe
May isang unreplied message na nakaagaw ng pansin ko. Nasa pinakadulo.
Karina: ,,>>winTer, nGawa mo na poh yunG projct kay maM santos???
Karina: >>xori, natusok kita ng LhaPis kòoo! kulit Moh kasi
Nakita ko ang time stamp. From 2008 pa. That was what, 13 years ago?
Natatawa ako. Si Karina Yoo. Classmate ko nung grade 4 na lagi kong inaasar. Bungi bungi kasi ito noon saka di nagsusuklay. Ngayon ko lang nabasa ang message niya. Replyan ko din kaya?
Hmm, hindi naman siguro magrereply to.
Winter: oo nagawa ko na
Winter: masakit pagkatusok mo pero ok lang
Winter: kumain ka na ba?
Tumayo na ako para maghanap ulit ng gagawin. Huhugasan ko na yung plato ni mama. Siguro naman tapos na yung movie ni Maricel.
Nagvibrate ang phone ko.
Karina: wow, haha you really replied after all these years huh
Karina: im pretending not to notice how i chat before haha -_-
Karina: pero yeah i ate na, ikaw ba? :P
Hala, nagreply din sya.
Accidentally ko napindot yung story niya.
Selfie ni Karina.
Teka, teka lang naman.
Si Karina ba ito?
Bakit ang ganda ganda niya?
Di naman kasi ako mahilig magFB kaya di ko napapansin ang mga friends ko na naguupdate ng kung ano anong mga pictures. Di rin ako mahilig mangstalk.
Chineck ko ang profile niya.
At oo nga.
Shocks.
She grew up so well.
Karina is so damn beautiful.
Nainsecure ako ng slight. Tinatawag ko lang 'tong bungal dati?
Nakakahiya! Bakit ba ako nagmessage!
Winter: hehe sorry
Karina: no prob, how are you?
Karina: it’s been so long
Winter: oo nga eh
Wala akong masabi. Sabi ko naman sa inyo, di ako marunong magchat.
Karina: why did you chat pala all of a sudden?
Karina: i’m honestly shocked
Karina: you missed me ba?
Karina: haha
Sunod sunod ang chat netong si Karina. Ano ba ang isasagot ko? I missed her daw?
Winter: um, naisipan lang
Karina: bored ka nohh?
Teka, pano niya nalaman. Saglet.
Winter: di ah
Winter: ang laki mo na pala hehe
Karina: you bet, im taller na rin i think sayo haha
Winter: weh?
Karina: oo, wanna see me?
Karina: [sent a photo]
Napadouble take ako sinend na pic ni Karina. Whole body. Showcasing her long legs. Grabe naman po, ati.
Winter: you grew up well, bungal
Karina: anong bungal???
Winter: haha
Karina: [sent a photo]
Nagsend na naman po siya ng picture. This time, selfie naman na nakasmile at kitang kita ang perfect set of white teeth.
Oo na mars, ikaw na maganda. Huhu. Pakasalan kita sa lahat ng simbahan eh.
Joke lang!
Winter: hmm
Karina: ano ano ha :p who’s bungal now
Ang super comfy naman neto si Karina sakin. Parang di kami matagal di nagusap.
Karina: pero seriously winter
Karina: i missed you
Winter: ows?
Karina: oo nga!
Winter: di ka naman nagcchat
Karina: i’ve been reacting and replying to your stories kaya sa IG grabe di mo nga siniseen!
Nako po. Kung di ako nagbubukas ng messenger, lalo naman ang Instagram DM. Saka minsan lang ako magstory noh, kapag masarap ulam na niluto ko, hehe.
Winter: hehe di ako nagoopen sorry
Karina: im glad nagchat ka
Karina: so… catch up soon please?
Hin
Comments