Strong, Independent at Hindi Na-aattach
Winter, Spring, Summer, Pa-fallSummary: It was a bad day for Winter. Hindi niya na-attach yung file sa e-mail niya. Na-wrong send siya. Pero at the end of the day, it was all worth it.
[no attachment]
Dear all,
Please see the attached file for the report.
Best,
Winter Kim
“Bye, bye!” Proud kong sinend ang e-mail ko to all the employees sa company. Pinagpuyatan ko atang gawin ‘tong report na ‘to kagabi. Finally at natapos na din. Mamaya siguro, yayain ko sila Giselle sa may BGC para uminom at mag-celebr-
*ding*
Ay, may nag-message!
Nareceive na siguro nila yung report na sinend ko. Ang bilis ha.
Sa Microsoft Teams:
Giselle Uchinaga: gurl bat walang attachment
Ang aga aga chika na naman ang inaatupag nito si Giselle! Work hours kaya. Pero sige. Nagreply ako while smirking. Attachment siya diyan! I’m a changed woman now. Kung akala niya marupok pa rin ako sa mga bagay bagay, never again.
Winter Kim: strongkt to, ‘noh! never na akong ma-aattach, ever
Giselle Uchinaga: gurl i mean yung e-mail mo
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
Yung e-mail ko daw.
Anong meron?
Mabilis kong chineck ang Sent folder sa e-mail ko.
Shet.
Shet, shet, shet.
Nakalimutan ko ngang i-attach yung file!
Nakakahiya! May mga boss pa naman dun!
Gusto kong…
Lord, take me, Jesus take the wheel!
Di ko na pwede i-recall kasi madami na atang naka-open ng e-mail ko.
At ayun nga, nakita kong may mga nagreply na. Pikit mata kong binasa ang mga ito.
Hi Winter,
Please send the file
Thanks
I don’t see attachment
Hey Winter, hope you can resend the file :)
Thanks,
Rina
Sa Microsoft Teams:
Winter Kim: selle :(((
Giselle Uchinaga: re-send na lang and apologize
Okay, yun na lang ang gagawin ko.
[no attachment]
Dear all,
Apologies. Please refer to the attached for the file
Besti,
Winter Kim
Sent!
Done, whew!
Sobrang nakakakaba.
Sa Microsoft Teams:
Giselle Uchinaga: GURL
Giselle Uchinaga: gurl wala pa ring yung file anuba
Giselle Uchinaga: also, “besti?” HAHA
Ano bang sinasabi neto si Giselle nasend ko na nga-
Paking sheyt.
Hindi ko pa rin nga na-attach yung file sa pangalawang e-mail ko!
Goodbye, world!
Napa-facepalm na lang ako sa desk ko.
Bakit ang bobo bobo today ha, Winter Kim? Kaya within the day umayos buhay?
Chineck ko ulit yung e-mail ko, baka naman na-attach ko na nga at namamalik-mata lang ako.
Wala pa rin talaga nga.
Muntik na rin akong mahimatay lalo nung nakita ko yung typo ko sa Best na ginawa kong Besti.
Lamunin mo na ko, Poseidon!
Gusto ko na lang maging dilis.
Buti pa sila, walang problema sa buhay!
Napakagat labi ako at nakita kong may nagreply na naman.
Si Karina Yoo, taga-upper management ‘to. Kanina pa siya nagrereply sa e-mails ko. Tuwa ata siya sa kapalpakan ko.
:-)
Thanks,
Rina
Smiley lang ang reply niya.
Siguro sabi nito, ang ‘tanga naman this girl, ngitian ko nga.’
Nakakahiya na talaga.
Wala na.
Comments